Episode 2-

2499 Words
Zoran's POV Apektado ako sa nangyayari kay Aubrey dahil bata pa lamang kami ay mahal ko na sya. Alam ko namang si kuya Zion ang gusto nya kahit nuong bata pa kami kaya nagpaparaya lamang ako. Ngunit ngayong ikakasal na si kuya Zion ay nakikita ko kung paano siya nasasaktan. Gusto kong bawiin sa aking kapatid ang nasabi ko sa kanya nuon ngunit ayoko din namang mawala sa akin si Aubrey. Ilang araw nang hindi nagpapakita si Aubrey dito sa mansion kaya kahit si mommy ay nagtatanong na rin sa mga magulang nya. Nakapagtataka kasi dahil araw-araw ay bumibisita siya dito para lamang masilayan ang aking kapatid. Wala silang kamalay-malay na nagdadalamhati ang puso ni Aubrey dahil sa pagkabigo nya kay kuya Zion. Dumating si tatay Arman na hindi kasama si Aubrey kaya naisipan ko na lamang na puntahan sya sa kanilang bahay. "Magandang umaga po lola Lucia" Pagbati ko sa lola ni Aubrey habang patingin tingin akonsa paligid habang hinahanap ng aking mata si Aubrey. "Oh hijo nandyan ka pala, ano ba ang kailangan mo apo?" Nakangiting ani ni lola Lucia sa akin. "Napadaan lang po ako, si Aubrey po?" Ani ko sa kaniya. "Lumabas kanina lang hijo, baka namasyal masyal lang sa paligid ang batang yon, alam mo naman na hindi yon napipirmis dito sa bahay." Saad pa ni lola ng nakangiti sa akin. Pagkawika nya ay agad na din akong nagpaalam sa kaniya dahil alam ko na kung nasaan siya. Alam ko ang lugar na madalas nyang puntahan kaya mabilis ang aking mga hakbang na tinungo ang lugar na paborito nyang palipasan ng oras lalong-lalo na kapag malungkot siya. Nakita ko syang nakaupo sa duyan habang nakatungo ang kanyang ulo at pinagmamasdan ang kaniyang mga paa na sumasayad sa lupa habang umuugoy ang duyan. Sigh, malungkot na naman siya dahil sa aking kapatid. Kailan ba nya mapapansin na mahal ko din siya at handa akong ibigay sa kaniya ang lahat makita ko lamang siyang masaya. Unti-unti ko syang nilapitan at pagktapos ay nagsalita ako na ikinagulat nya. "Sabi ko na nga ba at dito kita matatagpuan." Seryoso kong wika sa kanya. "Zoran, anong ginagawa mo dito?" Sambit nya ng lingunin nya ako. Tumayo ako sa tabi ng duyan at dahan-dahan ko itong inugoy ng may mapansin akong bulto na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Hindi ako nagpahalata na nakita ko ang bultong nakatayo kaya patuloy lamang akong nakikipag usap kay Aubrey. Hindi rin nagtagal ay mabilis na umalis ang bultong nakatayo na nakamasid sa amin, sa pagtalikod nya ay nakagawa ito ng mabibining ingay na hindi nakaligtas sa pandinig ni Aubrey kaya't agad nya itong nilingon. "Narinig mo ba yon Zoran?" Sambit nya sa akin na tila ba kinakabahan. Oo nakita ko at hindi na nya kailangang pang malaman kung sino ang bultong nagmamasid sa amin kanina lamang. Pinalabas kong isang asong ulol lamang ang gumawa ng ingay na yon kaya nauwi din kami sa tawanan. Naging masaya naman ang buong araw ko na kasama si Aubrey, at kahit nararamdaman ko ang lungkot nya ay pilit ko pa rin syang pinapasaya at hindi naman ako nabibigo dahil nagagawa ko pa rin syang patawanin sa kabila ng kanyang matinding kalungkutan at sapat na sa akin yon. Sapat ng makita ko siyang masaya. "Zoran." Tawag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Tulungan mo ako." Simple nyang ani kaya napakunot noo naman ako dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit sa kaibuturan ko ay nakakaramdam ako ng pangamba sa maaari nyang hilingin sa akin. "Tulungan saan?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi ba at sa linggo na ang Engagement Party ni Zion?" Wika nya na ikinanoot muli ng aking noo. Bakit pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang susunod nyang sasabihin sa akin. "Yes, ano ang tungkol dito?" Pagtatakang tanong ko pa rin. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng kaba, pakiramdam ko ay may gusto talaga syang gawin na hindi ko magugustuhan at ikadudurog ng puso ko. "Gusto kong tulungan mo akong lasingin si Zion." Wika nya ng hindi tumitingin sa akin ng walang kagatol-gatol. "Lalasingin ko si kuya?" Nagtataka ko pa ring ani kahit na ba pakiramdam ko ay alam ko na ang gusto nyang mangyari. "Oo Zoran, gusto kong sa gabi ng Engagement Party ni Zion ay may mangyari sa amin para ako ang pakasalan nya at hindi si Margaret." Wika nya na ikinagulantang ko. "What? Are you fùcking crazy? Pipikutin mo ang kapatid ko?" Sigaw ko sa kanya sa sobrang gulat ko. Sinasabi ko na nga ba at may pinaplano sya na hindi ko magugustuhan. "What makes you think na tutulungan kita sa gusto mong mangyari ha?" Galit kong ani sa kanya. Bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha at tuluyan na itong napahagulgol sa aking harapan kaya't napamura na ako. Ang hinihiling nya sa akin ay ang kamatayan ko. "Shìt!" Pagmumura ko. "Mahal na mahal ko si Zion, hindi ko nga alam kung kakayanin kong makita syang ikakasal sa iba. Zoran nakikiusap ako tulungan mo ako dahil ikamamatay ko sa oras na makita ko siyang ikasal sa iba." Umiiyak at nakikiusap nyang ani sa akin. "Aubrey naman. Alam mo ba yang mga pinag sasasabi mo ha? Gusto mong pikutin ang kapatid ko na ikakasal na kay Margaret." Sigaw ko sa kanya na ikinahagulgol nya pang muli kaya napasabunot na ako sa aking sariling buhok dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng ito, wala siyang kaalam-alam na unti-unti nya akong pinapatay dahil sa kaniyang mga sinasabi. "Zoran, please mahal na mahal ko ang kuya mo, hindi ko kaya makitang ikakasal sya sa iba dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako." Humahagulgol nyang sambit at yumakap sya sa akin na ikinagulat ko. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng katawan nya. Para akong itinulos ng maramdaman ko ang tila ba kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan kaya para akong napapasong itinulak sya palayo sa aking katawan. "Aubrey, alam mo bang malaking kasalanan ang gusto mong mangyari?" Wika ko sa kanya habang nakatungo lamang ang kanyang ulo at humahagulgol. Napabuntong hininga ako. Mahal na mahal ko si Aubrey, kung ako na lamang sana ang minahal nya ay hinding-hindi sya masasaktan ng ganito dahil buong-buo kong ibibigay ang pagmamahal na nararapat para sa kanya. Hindi ko mahinhindian ang babaeng ngayon ay nasa aking harapan at nagpipighating tumatangjs sa akin. Nasuntok ko ang malaking puno na ikinagulat ni Aubrey at napatili siya ng makita nyang may umagos na dugo mula dito. "Zoran." Sigaw nya sa aking pangalan at mabilis na kinuha ang aking kamay na nagdurugo. Pumilas sya sa laylayan ng damit nya ng kapirasong tela at mabilis na itinali sa aking kamay. "Bakit mo ginawa yon?" May pag aalala nyang ani sa akin habang itinatali nya ang kapirasong tela sa aking kamao. "Gusto mo ba talagang mapasaiyo si kuya Zion?" Tanong ko sa kanya habang sa malayo ako nakatingin. Bigla syang napatingin sa akin na may gulat sa kanyang napaka gandang mukha at may sumilay na ngiti sa kaniyang labi. "Tu-Tutulungan mo ako?" Wika nyang hindi makapaniwala sa aking sinambit. Wala siyang kaalam-alam na para na niya akong pinapatay sa mga oras na ito. "Kung iyan ang makakapag ligaya sa iyo ay handa kitang tulungan." Wika ko habang nararamdaman ko ang unti-unting pagkadurog ng aking puso. Nakita ko ang kanyang mga ngiting ilang araw ko na ring gustong masilayan, mga ngiting nagbibigay ng kulay sa akin ngunit ngayon ang mga ngiting yon ang pumapatay din sa akin dahil alam kong masaya siya dahil makukuha na niya ang aking kapatid. "Ang saya-saya ko, hindi ako makapaniwala na handa mo akong tulungan Zoran." Wika nya at sabay yakap sa akin. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala mula sa aking mga mata dahil ayokong makita nya na ako naman ang nasasaktan. Habang yakap-yakap nya ako ay may isang sigaw ang gumulat sa amin. "ZORAN." Sigaw ng isang boses hindi kalayuan na kilalang kilala ko. Napalingon kami ni Aubrey na mabilis na bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin. "Zi-Zion." Tawag ni Aubrey habang titig na titig sa aking kapatid. "Oh kuya Zion, bakit ka nandirito?" Nakangisi kong ani sa kanya na nakatitig sa kaniyang mukha. "Mag gagabi na bakit nandirito pa kayong dalawa? Bakit magkayakap kayo ha? Umayos ka Zoran napakabata pa ni Aubrey." Wika nya na may galit sa kaniyang tinig at masamang nakatingin sa akin na tila ba gusto akong lumpuhin kaya't napangisi na lamang ako at pagkatapos ay umiling-iling lamang ako. "Nagkakasayahan lamang kami dito ni Aubrey, bakit bawal ba?" Sarkastiko kong ani habang nakataas ang isa kong kilay. "Umuwi ka na at hinahanap ka na ni dad, ako na ang maghahatid kay Aubrey." Wika nya sabay hawak sa braso ni Aubrey at mabilis na hinila ito papalayo sa akin. "Zi-Zion teka lang baka madapa ako." Narinig ko pang wika ni Aubrey kaya unti unting bumagal ang paglalakad ng aking kapatid. Pagak akong natawa at napailing iling na lamang at pagkatapos ay tumalikod na ako at nagsimulang lumakad pabalik ng mansion. Sa aking silid ay mataman kong pinag iisipan ang ipinangako ko kay Aubrey. Kakayanin ko din bang makitang ikasal sya sa iba? Gusto kong isigaw sa kanya kanina kung gaano ko sya kamahal ngunit alam ko din sa sarili ko na bale wala lamang kahit malaman pa ni Aubrey na mahal ko sya dahil iisang tao lamang ang itinitibok ng kanyang puso at hindi ako yon. Napaka swerte ng aking kapatid dahil siya ang mahal ni Aubrey. Kung kaya ko lang gawin na maibaling ni Aubrey ang pagmamahal nya sa akin ay matagal ko na sanang ginawa. Kung natuturuan lamang ang puso ay matagal ko ng naturuan ang mga puso namin na mahalin ang isa't-isa. Ngunit hindi ganoon kadali sapagkat ang puso ng tao ay kusang titibok sa lamang sa taong minamahal nito. Ilang mga katok ang pumukaw sa aking malalim na pag iisip kaya't napataas ako ng aking ulo. "Come in." Wika ko habang nakatingin sa aking pintuan at hinihintay na pumasok ang taong walang habas na kumakatok sa aking silid at pinaparamdam nito ang galit kaya tila ba sa pintuan nya ito ibinubuhos. Pagbukas ng pintuan ay iniluwa nito ang aking kapatid na si Zion na salubong ang mga kilay. "Anong meron sa inyo ni Aubrey at bakit magkayakap kayo?" Napakunot ang aking noo at tinitigan lamang sya.Tumayo ako at tinalikuran sya na hindi sinasagot ang kaniyang katanungan. wala ako sa mood makipag talo ngayon sa aking kapatid dahil nagluluksa ang aking puso kaya mas mabuti pang iwasan ko na lamang siya at bale walain ang galit nya kaysa magkasakitan pa kaming dalawa. "Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita Zoran." Galit na ani ng aking kapatid at agad na hinablot ang aking braso kaya napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Ano ba ang gusto mong malaman ha kuya?" Sigaw ko sa kanya pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya. "Layuan mo si Aubrey, napaka bata pa nya." Utos nya sa akin na tinawanan ko lamang. "Hah! At sino ka naman para utusan ako ha? Nag usap na tayo tungkol dito kuya Zion, kinausap kita at alam mo kung ano ang tunay kong nararamdaman. " Galit ko ring asik sa kanya. "Layuan mo sya dahil ayokong masaktan ang bata nyang puso." Galit nyang ani sa akin at hinablot ang aking kuhelyo. "Wala kang karapatang pagbawalan ako kahit kanino pa ako maging malapit, alam na alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Napaka simple lang ng hiniling ko sayo nuon kuya, halos mamatay na ako ngayon dahil sa sakit na aking nararamdaman, naiintindihan mo ba yon ha? " Saad ko sa kanya at malakas kong inalis ang pagkakahawak nya sa aking kuhelyo at inayos ayos ko pa ito, nakita ko ang pagkagulat nya sa aking sinambit kaya natigilan ito. "Bakit ka ba nagagalit ha? Hindi ba at ikakasal na kayo ni Margaret? May gusto ka ba kay Aubrey ha?" Nakangisi kong ani na parang inaasar ko pa sya, ngunit hindi niya ako sinagot at mataman lamang nya akong tinititigan na tila ba inaalam nya kung bakit ako nasasaktan. Nararamdaman ko ang kaniyang pag aalala at hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. "May gusto ka ba kay Aubrey?" Tanong kong muli sa kanya at para siyang natauhan na sumagot sa aking katanungan. "H-Ha? H-hindi, wala akong gusto sa kanya, parang kapatid ko lamang si Aubrey at gusto ko lamang syang maprotektahan." Wika nyang nauutal na hindi na makatingin sa akin. Ngumisi ako ng may panunuya sa kanya at tumayo sya ng tuwid. "Huwag mong bigyan ng malisya ang pag aalala ko sa kanya, para ko na syang nakababatang kapatid, yun lamang yon at wala ng iba pa." Pagkawika nya ay tuluyan na syang lumabas ng aking silid at iniwan ako na napapailing na lamang sa kanya. Malakas na isinara ko ang pintuan ng aking silid at pabagsak na humiga sa aking malapad na kama. Tutulungan kitang mapa sa iyo ang aking kapatid Aubrey kahit ang kapalit nito ay ang pagka guho ng aking mundo at pagkamatay ng aking puso. Ang hinihiling nya ay ang kamatayan ko at handa akong mamatay makita ko lamang siyang masaya kahit pa ang dahilan nito ay ang mapupunta siya sa piling ng iba. Tumayo ako at nagtungo sa banyo, pagkapasok ko ay isa isa kong hinubad ang aking kasuotan at wala akong itinira. Naligo ako at pagkatapos ay nagpalit ng pang tulog, isang pajamang regalo pa ni Aubrey nuong nakaraang kaarawan ko at isang white v neck na manipis na t-shirt. Bumalik ako sa aking kama at nahiga, ewan ko ba kung bakit hindi ako nakakaramdam ng antok. Ang utak ko ngayon ay punong puno ng alaala ni Aubrey. Aubrey, mahal na mahal kita at handa akong magparaya at ibigay sa iyo ang bagay na magpapasaya sa iyong puso. Agad na nagtuluan ang aking mga luha dahil ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking puso. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin na makita siya sa piling ng iba ngunit kung iyon lamang ang maaaring maging dahilan ng kaniyang kaligayahan ay kakayanin ko ito. Nuon pa man ay alam kong mahal na nya ang kapatid ko, sa sobrang takot ko na mawala sa akin si Aubrey ay kinausap ko ang aking kapatid na layuan si Aubrey at dahil alam kong mahal na mahal ako ni kuya Zoran ay alam kong gagawin nya yon. Ngunit paano ko pa sila mapaghihiwalay ngayon kung mismong si Aubrey na ang humihiling sa akin na tulungan ko siya? Ang sakit-sakit na ako pa ang tutulong sa kanya upang makapiling nya ang aking kapatid. Mabilis na nagtuluan ang mga luha sa aking mga mata, bakit kailangang sa kanya pa tumibok ang aking puso? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Akala ko kapag kinausap ko na ang aking kapatid ay magiging masaya na ako ngunit mismong si Aubrey na ang pumapatay sa akin dahil sa kaniyang kahilingan. Ang sakit isipin ngunit kung ito lamang ang makapagpapasaya sa kanya ay gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD