Three

1079 Words
Magkakaharap sa balkonahe silang anim na magkakaibigan. Samantalang si Candy at Alex ay nagpaalam na gagawa ng meryenda nila. "So, why your all here? Explain now!" Halatang nagtitimpi ng inis si Eruto habang tinitingnan isa isa ang apat na asungot na bigla na lang sumulpot ng hindi man lang ipina alam sa kanila ni Griffin. "Griffin, told us that you need a back up, so where's the war?" Palinga linga pa sa paligid si Zylven. Sumegunda naman si Mark. "Niloloko lang yata tayo ng singkit na yun eh!" "Kasi mga uto uto kayo, sinabihan ko na kayong wag kaagad maniwala. Pero mga atat kayong lumarga, kaya ayan tuloy nasayang lang ang effort nating lahat." Si Prince na tumayo na't akmang aalis. "Kung di nyu ko kinaladkad dito sana nasa langit nako ngayong mga ungas kayo tssss." Wika ni Blaire na nauna ng naglakad kasunod si Prince. "Psstt! San kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Alex na may dalang dalawang petsel ng juice at inilapag yun sa mesang nasa gitna nila. Kasunod nito si Candy na syang may dala ng cake at mga platito, tinidor at baso. Napabalik bigla sa inuupuan nila kanina sina Prince at Blaire ng makita ang dalawang babae na ngiting ngiti sa kanila. "Witwew! Beautiful girls!, Hi I'm Blaire!" sabay abot nito sa kamay ni Alex at hinalikan pa ito. " Nice to meet you gorgeous." Inagaw bigla ni Brent ang kamay ni Alex mula sa pagkakahawak ni Blaire. Ewan ba nya kung bakit bigla syang nainis sa kaibigan. "Hoy! Kala ko ba aalis na kayo? Sige na alis na..tsupiii." Hawak pang kamay ni Alex na pinagtabuyan ang mga kaibigan na tatawa tawa lang at patay malisyang nagsi upuan. "Hello Pretty baby, I'm Prince." Kumindat kay Candy. " What's your name?" Naiinis namang tumayo si Eruto at pumagitna sa pagitan ni Candy at Prince. Saka bahagyang tinulak si Prince palayo. "Go away! Don't touch my girl or else I'll cut your arms idiot." Napangisi naman ng nakakaloko si Prince, gets na nyang dahilan kung bakit napadpad ang dalawang ito sa liblib na lugar ng Tagaytay. "Hahaha, sooooo... It's not a war! It's called flirting with this two witche - " Naputol ang sasabihin sana ni Mark ng biglang sumigaw si Eruto na ikinagulat nilang magkakaibigan. Samantalang nagkatinginan naman ng makahulugan sina Candy at Alex. "Shut up! Mga tangnang to! Magsilayas na nga kayo ditooo..." "Bago mo kami palayasin, baka naman pede muna kaming kumain diba?" Si Sylven, na balak tanggalin ang tensyong namamayani sa mga kaibigan. Inabot nito ang pitsel ng inumin at sinalinan ang lahat ng baso. "Langya, kakapal ng mga mukha, grabee!" Parinig pa ni Eruto sa mga kaibigang di sya pinapansin. "Alright! It's eating time...Yes! I'm soo hungry!" Inabot naman ni Mark ang platito saka kinuhang bread knife at hiniwang strawberry cake, akmang susubo na ito ng biglang magsalita si Brent. "Kung ako sa inyo, wag nyung kainin o inumin ang mga yan!" Pigil nya sa mga ito, ayaw nya kasing maranasan ng mga kaibigan ang kakaibang naramdaman nya kanina ng inumin nyang juice na binigay ni Alex sa kanila ni Eruto. "At bakit naman hindi? Napakadamot mong tangna ka!" Angil pa ni Mark kay Brent bago isinubo ang strawberry cake. Nagkatinginan naman sila Alex at Candy saka nag kindatan. Kitang kita ni Brent ang pagkislapan ng mga mata nung dalawa. 'Goodness! Disaster coming...' Napangiwi na lang sya ng makita ang mukha ni Mark na panay ang lunok na parang nabubulunan sa kinakain, kaya dali dali nitong inabot ang isang baso ng ice tea at nilaklak yun, ng maubos napahimas pa ito sa tiyan. "f**k! I've told you not to eat and drink those - " Naputol ang sana'y sasabihin ni Brent ng magsalita si Mark. "Why not? Its so delicious! guys halina na kayong kumain, tayo lang ha! wag nyong bigyan ang isang madamot dyan tsk." Yaya pa ni Mark. "At yung seloso dyan! hahaha." dagdag ni Prince. "Sa hirap na dinanas ko makarating lang dito! Aba'y kakain talaga ako." Si Blaire na pinili pa talaga ang pinaka malaking hiwa ng cake. Sumali na rin sa kainan si Zylven, tanging si Eruto at Brent lang ang hindi talaga kumain. "Hmmm.. Delicious!" Puri ni Zylven sa cake saka binalingan ang dalawang babae para magpa salamat. "Thanks." ' Anong nangyari, bakit sarap na sarap silang lahat? Bakit yung sakin kanina masarap nga pero masakit naman sa tiyan?' Di sinasadyang napasulyap sya kay Alex na kaylapad ng pagkakangiti sa mga kaibigan nya. Uminit na naman ang ulo nya, "Pakabusog kayo! Ubusin nyu yan ha!" Magiliw na sabi pa ni Alex. Alam nyang nakatingin sa kanya si Brent kaya gusto nya itong inisin. "Eruto! Ba't dika kumain ng binake kong cake, dika ba mahilig sa matamis hmm?" Nagkatinginan sila Eruto at Brent. Walang nagawa ang kaibigan kaya kinuha na rin nito ang platitong may isang slice ng cake na bigay ni Candy dito. "Thanks!" Sabay subo ng konti para tikman ang lasa ng cake. 'Hmmm.. ba't ang sarap, tangnang Brent na'to ah! niloloko lang yata kami' sa isip ni Eruto. "Eh ikaw naman , hindi mo ba sila sasabayan sa pagkain ha?" Nakangising kinalabit ni Alex si Brent na pinapanood lang ang mga kaibigang nag sasaya habang nilalantakan ang nakahaing meryenda. "No! Thanks." Alanganing sagot ni Brent kay Alex ng malingunan nya itong nakangisi sa kanya. Bigla syang nakaramdam ng pangingilabot ng masulyapan nya ang sungki nitong ngipin, bakit ba tila para itong isang mahabang pangil sa panigin nya. Napakurap kurap pang mga mata nya ng biglang tapikin ni Zylven ang balikat nya. "Bro, let's go!" "Ha" "Aeris called.. Urgent meeting!!" "Hurry up! Gentleman gogogo." Sigaw ni Mark habang patakbong lumalabas ng bahay nila Alex. Nagsisunuran naman sila Blaire, Zylven, Brent at Prince na bitbit pang isang platito na may isang slice ng cake. "Prince! Iwan mo yang platito hoy!" Sigaw pa ni Eruto at hinabol ang kaibigan. "Yoko nga! Dipa ubos yung cake ko e! Thanks gorgeous! Next time ulit ipag bake mo kami ng cake ha! Sayonara." "Princeee...!" Natatawa na lang sina Candy at Alex habang sinusundan ng tingin ang mga tagalupa. "Ang saya sayang manirahan dito!" Si Alex na nakadipa pang mga kamay habang nakatingala sa langit. "Tama ka Alex, dito ko gustong manirahan sa piling ng pinaka mamahal kong si Eruto, haayy!" "Ako din gusto ko na rin dito, kasama ang Red ko! Huhmmm." Nagkatinginan ang dalawang diwata saka sabay na nag apir pa bago naglaho para sundan ang mga lalaking itinatangi... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD