Two

1657 Words
'Hah.. Hah.. San galing 'tong mga mababangis na hayop na'to? Bakit hindi sila nauubos? At saang lugar ba ito? Ba't ako nandito? Hahh..' Panay ang wasiwas ni Brent ng kanyang katana, sinisigurado nyang patay ang mabangis na hayop sa bawat pagtama nya dito. Ang ipinagtataka nya lang bakit tila yata di nauubos ang mga hayop na gustong lumapa sa kanya? Pangiti ngiti naman si Alex habang nakikita sa balintataw nya si Brent, na hindi magkandaugaga sa pagpaslang sa mga mababangis na hayop, na tatapos sa buhay nito kapag namali ito ng kilos at hakbang. 'Alex, anong ginawa mo sa kasamahan ni Eruto?' 'Ala ah! Ano naman ang gagawin ko sa tagalupa na yan?" Inosenteng sagot ni Alex kay Candy, na may pagdududang nakatingin sa kanya. Sa isipan lang sila nag uusap na dalawa, kasi ayaw nilang lalo pang matakot at malito si Eruto. Hinimatay pa nga lang kaibigan nito natulala na eh , mas lalo na kapag may nakita itong kakaiba sa kanilang dalawa. 'Kilalang kilala kita Alex kaya wag ka ng maglihim pa sakin, anong ginawa mo sa tagalupang yan ha?' Napilitan tuloy magsabi ng totoo si Alex, alam kasi nyang hindi sya tatantanan ni Candy kakatanong kaya nagtapat na sya dito. "Wala naman akong ginawa, pinatulog ko lang.' 'Yung totoo Alex!' Seryoso ng mukha ni Candy kaya alam na ni Alex ang kasunod nito. 'Sinabuyan ko ng sleeping potion, yun lang pangako heneral wala nakong masamang ginawa sa tagalupa.' 'Hmmmm... Bakit tila nahihirapan akong paniwalaan ang sinasabi mo? Parang meron ka pang hindi sinasabi sakin.' 'Ay grabe sya magbintang sakin! Nakakasama ng loob , nakakasakit pa ng damdamin.' 'Kasi alam kong may kasamang parusa yang sinasabi mong sleeping potion, at huhulaan ko, basi sa reaksyon ng mukha nitong tagalupa nasa isang masamang panaginip sya ngayon.' 'Hahaha tama! Nasa masamang panaginip talaga sya ngayon, kung saan sinisikap nyang mabuhay sa pakikipaglaban sa mga mangkukulam na nag anyong mababangis na hayop at tinutugis sya para lapain at kainin.' Ngising demonya na naman si Alex habang tinitingnan si Brent na pawis na pawis at tila hirap na sa kung anumang kinakaharap nito. 'Tama na Alex, itigil mo na yan pakiusap! Nakakaawa naman ang tagalupang yan, mamamatay ng walang kalaban laban.' Pakiusap ng kapwa diwata sa kanya, pero kasi naiinis pa rin sya sa binata, kaya mas lalo nyang dinagdagan ang mga mababangis na hayop na tumutugis dito. ' Hmp pinagod nya kaya ako kanina.' Nakasimangot na sagot ni Alex kay Candy, pero ng muling sulyapan nya si Brent iba ng kulay ng balat nito, parang nangingitim na't nangangailangan ng hangin. Nakairap pa syang ipinitik ang daliri. "Bro, anong nangyari sayo?" Narinig nyang tanong ni Eruto sa kaibigan nitong dahan dahan ng gumagalaw, tinulungan nitong makabangon at makaupo ng maayos si Brent, na tila pagod na pagod at nanghihina. "f**k! Sakit ng katawan ko." Daing ni Brent na hinimas himas ang mga parte ng katawan na nasaktan. Habang abala ang dalawang lalake sa pag uusap ipinitik naman ni Candy ang kamay na nakatago sa likod nya. Lumitaw sa harap ni Alex ang isang set ng inumin at makakain, nakalutang lang ito sa hangin ni hindi nito kinuha ang mga iyon. 'Kunin mo na at ibigay sa dalawang tagalupa! Yan ang parusa mo sa kapilyahang ginawa mo sa kanila. Hala! lapitan mo na sila at pagsilbihan.' 'Hmp! Kasi naman eh!' Reklamo pa ni Alex pero sumunod din naman, nagngingitngit syang pinagsilbihan ang dalawang lalaki. Ng makita na nyang uminom ng juice si Brent napangisi na lang sya. "Candy, pasensya na kung naabala kayo namin, pumunta lang naman kami para ipaalam sana sayo na 1month magsasara ang E&S Gym. Mag a abroad kasi si Sundae at may business trip naman ako. Pasensya na kung maaantala ang training mo!" Narinig nyang sabi nung Eruto. "Sus palusot pa to e! Pede naman itawag o itext sa celpon, bakit nag hirap pang pumunta dito." Pabulong kunyari ni Alex kay Candy, pero sadya namang nilakasan para iparinig sa mga bwisita nila. Nakita pa nyang makahulugang tinginan ng dalawang lalaki. "Wala kang dapat ihingi ng paumanhin Eruto, naiintindahan ko, sige pasyal na lang ako dun sa susunod na buwan." Ani Candy. "f**k! Ang sakit ng tiyan ko! Ano ba tong juice nyo parang nangangagat ng bituka?" Ngumingiwing reklamo ni Brent na ikinatawa naman ng malakas ni Alex. "Hahaha baka naman marami kang bulate, mag purga ka rin kasi pag may time, haha." Napatutok ang tingin ni Brent sa babaeng tila pinagtitripan yata sya. 'Sayang maganda sana kaya lang ang weird.' "Anong pangalan mo?" Si Brent kay Alex. "Bakit? Nabibighani kaba sa kagandahan ko? Panunuksong tanong ni Alex kay Brent na napa ismid naman, saka inilayo ang basong iniinuman na tila may nakitang gumagalaw sa juice nito. "Oo, gandang gandang ako sayo! Lalo na sa sungki sungki mong ngipin, pero in fairness.. amputi ng ngipin mo ha, saka dika bad breath hehe." Balik pang aasar ni Brent sa babaeng halatang naiinis na naman sa kanya, hindi nya nakita ang pagpitik ng daliri ni Alex sa hangin, kasabay nun may bumagsak na insektong maraming mata at tinik sa katawan, shoot sa hita ni Brent na biglang napatayo at nagpapadyak. "Waaa... Anu yannnn?" Nangingilabot syang pilit inaalis ang insektong kapit na kapit naman sa pantalon nya. "Hahahah, grabeh magula! parang bakla lang ganurn.. hahahhah." Namumula at nanggagalaeting nilapitan ni Brent si Alex na tawa pa rin ng tawa. Walang sabi sabing hinapit nya ito sa bewang at sinapo ang batok sabay halik sa labi nito. Wala pang isang minuto napabitaw bigla si Brent at napalayo kay Alex, nanlalaki ang mga mata nito habang sapo ang bibig na dumudugo. "Sa susunod na ulitin mo pang ginawa mong paghalik sakin, puputulin ko yang dila mo! hmp!" Sabay nag marcha si Alex palayo sa tatlong nakasunod lang ang tingin sa kanya, pero ng palabas na sya ng pinto, nilingon nya si Brent na parang may naalala at ngumisi ng nakakaloko dito. "Alexis Martinez." Sabay kindat. "Ikinagagalak kitang makilala Brent Red, mag iingat ka palagi! lalo na sa isang katulad ko." Tumalikod at lumabas na ng pinto si Alex, habang nagkatinginan naman si Candy at Eruto, saka sabay na napatingin kay Brent na nakatanga pa rin sa pintong nilabasan ni Alex. "Sandali lang Eruto ha! Kukuha lang ako ng gamot para sa sugat ng kaibigan mo." Naririnig nyang usapan ng dalawa pero wala sa mga ito ang attention ni Brent kundi na kay Alex. 'May pagka impakta talaga ang babaing yun.' Ng makitang umalis si Candy bumaling sya kay Eruto. "Bro, naniniwala kana ba samin ngayon ha? s**t! Katalas ng ngipin ng babaeng yun ah! Muntik ng matanggal ang laman ng bibig ko." Sabi ni Brent habang pinupunasan ng panyo ang dumudugong bibig. "Gago ka kasi, ba't mo hinalikan yung Alex ha?" Inis na singhal ni Eruto sa kanya. "Bro, dimu ba narinig? Tinawag akong bakla ng impaktang yun! Kung wala lang kayong dalawa ni Candy dito kanina, baka naikama ko na yun eh!" "Tigil tigilan mo na nga yang kahalayan mo at baka sa susunod di lang labi ang dumugo sayo. Saka tandaan mo na magkamag anak yata sila Candy at Alex, kaya please lang bro, wag sya ok! Napaismid si Brent ng marinig ang sinabi ni Eruto. "Bakit, wala naman akong sinabing kursunada ko yung Alex na yun ah! Saka 'yoko sa kanya Bro, hindi pa nga kami, sinasaktan na nya ako, eh panu pa kaya pag kami na? Baka di lang ganito ang sapitin ko, baka mabalitaan nyu na lang chop chop ng kaibigan nyu." "Hahaha, hindi pa nga kayo under kana ni Alex, eh panu pa nga kaya kung kayo na? Yan bang walang kursunada ha? Eh mismong sa bibig mo na nanggaling na nahulog kana sa kanya Bro. Kaya, Good luck na lang sayo!" Napaayos sila ng upo ng makitang papalapit na sa kanila si Candy na may dalang first aid kit. kaagad na tumayo at kinuha ni Eruto ang dala nito, saka ito ng gumamot kay Brent na panay ang mura at reklamo. "f**k! Tama na nga yan! lalo lang nadadagdagan ang sakit eh! Hindi mo naman ginagamot lalo mo pang dinadagdagan ang sugat ko." Inilayo ni Brent ang mukha sa kaibigan. Sya na lang ang gumamot sa sarili nitong sugat. Samantalang sa labas ng bahay habang naghahalo ng potion si Alex, may naririnig syang mga boses lalaki malapit lang sa kinaroroonan nyang puno kung saan sya parating nakatambay. Sinilip nyang pinanggagalingan ng mga boses, kunotnoong pinasadahan nya ng tingin ang apat na kalalakihan. 'Heneral, may nagmamanman sa paligid, apat na kalalakihan, walang mga sandata pero kaduda dudang mga ikinikilos.' Balita nya kay Heneral Ixeo ng Engkantadya pero Candy Mur naman dito sa Kalupaan. 'Ganun ba! Sige bantayan mu muna sila, lalabas na kami." Hindi na sumagot pa si Alex pinagpatuloy nya lang ang pagmamasid sa apat. At basi sa usapan ng mga ito. Nahulaan nyang mga kaibigan ito nila Brent. Napahinto naman ang dalawang nagtatalo ng marinig si Candy. "Ahm! Pwede bang lumabas muna ako! Hahanapin ko lang si Alex." Nagkatinginan sila Brent at Eruto saka sabay na tumayo at naglakad palabas ng pinto. Nauuna si Brent na napahinto saglit ng makitang mga kaibigan sa labas "f**k! Anong ginagawa nyu dito?" Lahat nakangiti sa kanila, pwera kay Alex na nasa likuran ng mga ito at seryoso ang mukha nito habang sinusuri ng tingin ang apat na kalalakihan. "Yow! Bro!" Sabay sabay na bati ng apat sa kanila, habang si Brent at Eruto naman ay nagtatakang nakatingin lang sa mga kaibigan. "P - paanong..." Nagtatanong na sambit ni Eruto. "Griffin!" Simpleng sagot naman ni Prince. Natawa na lang si Brent ng marinig ang mura ni Eruto, at di sinasadyang napabaling sya ng tingin kay Alex na nakatitig din pala sa kanya. Nangilabot sya ng magtama ang paningin nila at makita nyang kislap sa mga mata nito. At yung pagkakangiti nito, tila nagbabadya ng isang malagim na delobyo sa kanilang magkakaibigan.. 'Yieks, Aswang yata ang babaeng ito' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD