Four

1181 Words
Ilang buwan ng nakalipas dipa rin matahimik si Brent, lagi nyang naaalala si Alex, ang weirdong babaeng yun na nagpapagulo ng buhay nya na lalong lumala pa nung makarating sya sa mundo nito, ang Engkantadya, kung saang lahat silang mga assassin agent sumama kay Eruto para bawiin si Candy sa Amang Hari nito, na tumututol sa pagmamahalan ng dalawa. Simula non nabaliw na sya sa diwatang Alex na yun. "f**k! Bakit ba lagi kong naaalala ang weird na babaeng yun? Bakit hindi ko sya makalimutan? At bakit ganitong nararamdaman ko? Wooh.. kinikilabutan ako kapag naaalala kong ngiti nya, parang walang magandang idudulot itong nangyayari sakin ngayon ah." "Hey Bro, musta na? Kung dika busy samahan mo naman ako sa bahay ni Eruto." Kunot noong hinarap ni Brent si Gaelan. Na kapapasok lang sa tinatambayan nyang cafe. Nagtataka sya kung bakit pa nagpapasama ito eh sa bahay lang naman pala ni Eruto pupunta. "Talaga lang Gaelan ha? Kila Eruto lang magpapasama kapa?" "Eh kasi kelangan ko ng back up Dude, mahirap na baka manuno ako dun kapag wala akong kasama. Di nako makalabas ng buhay sa bahay na yun" "Ba't ka pupunta dun, ano bang ganap ha?" Kakamot kamot ng ulo si Gaelan, pati leeg at tenga nito namula bigla na ipinagtaka nya kung bakit. May inililihim ito sigurado sya. "Anubang meron sa bahay nila Eruto at gusto mong pumunta dun?" Hindi tumitingin kay Brent na sumagot si Gaelan. "Birthday kasi ni Candy, sabi ni Eruto dadating daw si Amber at Alex." Biglang pumitik ang ugat sa sintido nya't napatayo sya bigla pagkarinig sa pangalan ni Alex. Hinablot nyang leather jacket saka naglakad patungong pinto ng cafe. "Tangna, ba't dimo sinabi kaagad sakin? Dami mo pang daldal. Tara na, bilisan mo." "Excited? Bakit?." Takang tanong ni Gaelan sa kaibigan. "Eh, ikaw ba hindi?" "Excited din syempre, madalang pa sa patak ng ulan kung makita ko si Amber eh! Kaya parehas lang tayo, kaya tara na't baka di natin sila maabutan." "Seryoso kaba talaga sa Amber na yun Bro? Eh sa kanilang tatlo sya ang pinaka nakakatakot." "Eh ikaw ba, seryoso ka rin ba kay Alex? Hindi kaba natatakot sa kanya?" "Hindi! Ba't naman ako matatakot? eh, mahal ko yung babaeng yun." "Yun naman pala eh! Parehas lang tayo, kaya halika na bilisan mo." Napabuntong hininga si Brent. Simula ng makita ni Gaelan si Amber nag iba na ito, nung una hinayaan nya lang kala kasi nya hindi ito seryoso pero habang tumatagal nagkakapareho ng kapalaran nilang dalawa, sinabayan nyang kaibigan sa paglalakad palabas ng cafe. Nakita nya kaagad ang dala nitong kotse na nakaparada di kalayuan sa cafe. "Kita na lang tayo dun Bro." Tinapik nyang balikat ng kaibigan bago sumampa sa motorsiklo nya. "Copy" sumakay na rin ng kotse nya si Gaelan at sinundan si Brent patungo sa bahay nila Eruto at Candy. 'Ano na kayang hitsura mo ngayon? Gaya pa rin ba ng dati O baka nag iba na.' Nasasabik na syang makita si Alex. Kaya mas binilisan pa nyang pagmamaneho. Napangiti sya ng makita di kalayuan si Eruto na nakatayo sa labas ng bahay nito. Kumakaway pa ito sa kanya kaya mas binilisan nyang pagmamaneho. " Bro, ba't nasa labas ka? Sa loob kana lang sana naghintay, para di halatang atat na atat kang makita ang kagwapuhan namin ni Gaelan hahaha." "Ulol! napakahangin talaga ng gagong 'to. Pumasok na nga kayo at kanina pa naghihintay ang mga baliw dun." Halos magkasabay lang silang dumating ni Gaelan. Nasa likuran na kaagad nya ito, inakbayan sya nito papasok ng bahay. Ramdam nyang pagkabalisa ng kaibigan kaya siniko nya ito para kunin ang pansin. "What?" Kunot noo nitong tanong sa kanya. "Langya, ba't ka namumutla Bro? Masama bang pakiramdam mo?" Tanong nya sa kaibigang namamawis na rin ang hitsura. "Nah! I'm fine, just a little bit nervous." Pumiyok pang boses ni Gaelan na ikinatawa na lang ni Brent. Malapit na sila sa pinto ng may maulinigan silang boses sa hardin, nagkatinginan silang dalawa. Kaya imbes na pumasok sa loob ng bahay lumiko ang dalawa patungong hardin. Napakubli sila kaagad sa halamanan ng makita sina Amber, Alex at Candy na nag uusap. "Mabigat ang parusang ipinataw samin ni Reyna Amethyst, Heneral Ixeo." Ani Alex. Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan sina Brent at Gaelan. Sabay pa nilang naibulong " Parusa?" Ibinaling nya ulit ang tingin sa tatlong nag uusap, nakikita ni Brent ang pag aalala sa mukha ng Heneral Ixeo na walang iba kundi si Candy Mur. "At kakaiba ngayon ang parusang iyon Heneral." Sambit naman ni Amber. "Bakit nag iba na bang propisiya sa Engkantadya? Binago na ba ni Mother Golden Fairy ang lahat ng kautusan ng bawat kaharian ha?" Nababahalang tanong ni Candy sa kapwa diwata. "Walang kinalaman ang Mother Golden Fairy sa ipinataw saming parusa Heneral. May nagawa kaming kasalanan ni Amber at may nalabag kaming kautusan kaya kami parurusahan." Malungkot na sabi ni Alex. "Naisin ko man na kayo'y tulungan, hindi rin uubra ang aking kapangyarihan sakaling maipataw na sa inyo ang kaparusahan. Ang magagawa ko na lang ay humanap ng mga tagapangalaga nyo." Kitang kita nila Brent at Gaelan ang pag iiba ng mga kasoutan ng tatlo. Kumurap lang sila tapos nag iba na rin ang paligid nila, nasa isang talon na sila at nakatayo ng tatlong diwata sa batuhan ng magkakatabi at magkakahawak pa. "Oras na ng parusa nyo, aalis nako para makahanap ng karapat dapat na mag alaga sa inyo. Maaliwalas na araw sa inyong dalawa." Naglaho na agad si Candy. At ang tanging naiwan dun ay sina Amber at Alex. Umupo ang dalawa sa batuhan saka pinagdikit ang kanilang hintuturo. Kitang kita nila Brent at Gaelan ng umilaw ang daliri ng mga ito bago parehong naglaho. Kasabay ng paglaho ng dalawa ang pagbalik ng dating lugar, ang hardin kung saan sila nakatayong dalawa dun pa rin ang pwesto nila Brent at Gaelan. Napapiksi pang dalawa ng may biglang nagsalita sa kanilang likuran. "Sa huling pagkakataon tatanungin ko kayong dalawa, kayo ba'y seryoso sa kanila ha?" Sabay pang napalingon ang dalawa kay Eruto na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa. "Matanong ko lang Bro, anong klaseng diwata ba sila?" Si Gaelan na namumutla at halatang kinakabahan sa isasagot ni Eruto dito. "Mga white witch sila, Kagaya ng asawa kong si Candy." Magtatanong din sana si Brent ng biglang lumitaw sa harapan nila si Candy. Awang ang labing napaatras pang binata ng makitang seryoso itong nakatingin sa kanilang tatlo. "f**k! Ba't ganyan sya makatingin galit ba sya satin?' Ani Gaelan. "H - Hi, C - Candy." Nauutal nyang bati dito. Unti unting gumuhit ang mesteryosong ngiti sa labi nito, kasabay nun ang pagkislap ng mga mata nitong tila ba nasisiyahan ng makita silang dalawa ni Gaelan. "Kayong dalawa ang nararapat mag alaga sa kanila." Matalinhagang turan ni Candy. "Ha?" Ani Gaelan. "Ano?" Si Brent na gulong gulo ang isipan. Hindi sumagot si Candy, misteryoso lang itong ngumiti sa kanila, naglakad ito palapit sa asawang si Eruto at niyakap ito saka naglaho ng dalawa. Malalaki ang mga matang nagkatinginan na lang sina Brent at Gaelan. Parehong namumutla at kinikilabutan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD