Kanina pa pabalik balik si Brent sa bahay na pinamanmanan sa kanya ni Griffin, pero wala talaga syang makitang tao sa labas at loob ng bakuran. Hindi naman masasabing abandonadong bahay ito, kasi malinis ang palihid, may mga alagang hayop na pagala gala sa bakuran, bukas din ang mga bintana at lalong isa pang patunay ang cute na tea kettle kasamang isang maliit na tasa na nakalapag sa lamesa ng balkonahe.
"f**k! Dalawang oras nako dito, ba't lapa rin akong nakikitang tao sa bahay na yan?"
Napasulyap sya bandang likuran ng bahay na minamanmanan, may naaninagan syang tao run na papasok ng bahay, kaya kinuha kaagad sa knapsack nyang teleskopyo, tutok ang paningin nya sa nasisilip na isang babaeng kulay pula ang buhok. Hindi nya masyadong makita ang mukha nito gawa ng suot nitong malaking sombrero. Sa koryusidad at udyok ng kanyang kaisipan, napagpasyahan nyang lapitan pang kinaroroonan ng babaeng kulay pula ang buhok.
"s**t, tao ba yan? Parang hindi! Parang isang mangkukulam naman yata yan ah."
Bulong nya sa sarili na tinangay naman ng hangin ang kanyang tinig, papunta sa babaeng may kulay pula ang buhok sa bandang itaas at kulay itim naman ang dulo ng buhok nito. Napamulagat ang mga mata nya ng biglang lumingon ang babae sa pinag kukublihan nya. Pero bago pa ito tuluyang makaharap sa kanya, kumaripas na sya ng takbo patungong kagubatan. Deretso lang ang tingin nya habang mas binilisan pang pagtakbo.
'f**k! bakit napakabilis nyang tumakbo? Patay ako nito kapag naabutan nya waaa."
Sa paglingon ni Brent sa kanan may nakita syang talon dun at dina nag iisip pang mabilis na tumalon sa tubig. Kaagad na bumulosok ang katawan ni Brent sa kailaliman ng dagat. Nanatili sya dun sa ilalim ng tubig nakikiramdam lang sya hanggang sa hindi na nya kinaya, kelangan na nyang huminga makasagap ng hangin kaya umahon na sya.
"Huuu, hatsing! s**t, ang lamig ng tubiiigggg..."
Nanginginig sa lamig na pilit umahon pagapang si Brent. Napahiga na lang sya sa batuhan ng tuluyang makaahon, saglit muna syang nagpahinga at ng makabawi ng lakas tumayo na sya't tinungo kung saan naghihintay si Eruto sa kanya. Nadatnan nya itong may kausap sa cellphone nito, kaya hinayaan na lang nya. Dumeretso sya sa big bike na dala at kinuha ang isa pang knapsack na ang laman ay mga personal nyang gamit. Kaagad syang nagpalit ng damit wala syang pakialam kung naka burles sya't may makakita man sa kanya. Importante hindi na sya malamigan at guminhawang kanyang pakiramdam.
"Bro, ano may nalaman kaba?" Ani Eruto sa kanya.
"Oo, kaya halika na puntahan na natin yung bahay at siguradong may tao na dun."
Sabay pa silang sumampa sa mga big bike nila at pinaharorot yun patungo sa bahay ni Candy Mur, ang nagugustuhang babae ng kaibigan nyang si Eruto. Ayun kay Griffin, dalawa lang daw ang nakatira sa bahay na yun. Si Candy Mur at Alexis Martinez. Ng marating nila ang bahay kaagad na bumaba sila't lumapit sa mababang bakod. Mula roon nakikita na nila ang bakuran at hindi kalakihang bahay.
"Brent, sigurado ka bang ito na yun?"
"Oo nga! paulit ulit ka naman eh! dito ko pa nga nakitang pumasok ang babaeng humabol sakin hanggang sa kagubatan.. f**k! Mas mabilis pa nga sakin tumakbo eh! Parang hindi tao kung kumilos paran- "
Natakpan kaagad ni Eruto ang bibig nya. Nag aalala siguro ito na baka may makarinig sa kanilang usapan.
"Ssss! Wag kang maingay baka may makarinig satin. Saka wag kang masyadong magpapaniwala kay Griffin, exaggerated yun kung mag kwento eh."
"Tsss.. Eh mukhang totoo naman mga sinasabi nya eh! Minanmanan pa nga namin ni Blaire yang si Candy Mur mula Europe hanggang dito sa Pinas. Ang nakapagtataka lang wala kaming mahagilap na impormasyon sa babaeng yan. Parang kusang nabubura ang lahat ng bakas nya kapag malapit na naming matuklasan."
Dahil sa pagod at gutom dina nya hinintay pang sasabihin ni Eruto, basta na lang syang sumigaw.
"Tao po! May tao po ba dyan? Kung meron, pwedeng labasin nyu po kami dito, mainit ng sikat ng araw eh, masakit sa balat! Araay."
Nahimas nyang braso na hinampas ng katabi, masama ang tingin na akmang susuntukin nya si Eruto ng pandilatan sya nito ng mga mata.
"Tumigil kana nga dyan, nakakabulahaw kana sa mga kapitbahay nila."
"Wala akong pakialam sa kapitbahay nila, ang concerned ko itong tiyan kong sumasakit na dahil sa gutom."
Samantalang sa loob naman ng bahay napahinto naman ang dalawang diwata sa ginagawa. At nagkatinginan sabay na nagpalit ng anyo. Tinuro ni Alex ang labas ng bahay.
"Ambilis naman ng katipan mo, natunton nya agad itong lugar natin."
Napangiti na lang si Candy sa sinabi ni Alex. Sabay na silang lumabas para harapin ang mga panauhin nila.
"Sabi ko na nga ba, espiya yung lalakeng hinabol ko sa kagubatan, at mukhang may kaugnayan sila ng katipan mo Heneral."
"Ha! Ano bang sinasabi mo dyan?"
Inginuso ni Alex si Brent na nakasimangot katabi ni Eruto.
"Hi Candy!"
Malapad ang ngiti ni Eruto habang kumakaway kay Candy na nakakunot noong nakatingin kay Brent na parang ini scan nitong buong pagkatao. Nagulat na lang si Eruto ng biglang bumagsak sa lupa ang kaibigan.
"Brent! Anong nangyari sayo? Bro, hoy!"
Napabaling ang tingin nya sa dalawang babaeng nakatingin na ngayon sa kanila habang dinadaluhan ang hinimatay na kaibigan. Lumagpas ang tingin nya kay Candy dahil nakatutok ang mga mata ni Eruto sa isang babaeng malademonya ang ngiting nakatingin kay Brent.
'MayGad! Mga tao bang mga ito o totoong mga mangkukulam ang dalawang babaeng ito?'
?MahikaNiAyana