Seven

1265 Words
"Assassins, ready in 5 minutes." Boses ni Keros sa earphones nila. "f**k! What are you doing?" Singhal ni King sa pinsang si Prince na abala sa cellphone nito. Masama ang tinging pinukol ni Prince sa pinsan. "Mind your own business i***t! tsked." "Baka si Georgia na naman yang kinakalantari mong hayop ka, mapapatay na talaga kita." Dinig nilang lahat ang mag pinsang nagbabangayan na naman. Tinapik ni Blaire si Zylven at tinuro ang building na papasukin nila. Tumango naman si Zylven habang isinusukbit sa likuran ang kanyang katana. Apat muna silang papasok, sya, si Pyre, Mark at Zylven. Narinig nilang signal ni Keros kaya naghanda na sila. Samantalang sa ground floor naman sina Brent at Gaelan patutungo. "Bro, pagkatapos ng misyon na'to punta tayong Tagaytay gusto mo?" Tanong nya kay Gaelan. "Bakit anong gagawin natin dun?" "Magbabakasakali, baka nandun na sila Alex at Amber, bakit dimu ba namimiss ang labi dabs mo ha?" Sabi nya pa kay Gaelan na napapangiti na rin. "Kingina! Syempre miss na miss ko na, kahit allergy yun sakin, hindi ko yun susukuan Bro, eh ikaw ba?" "Ako pa ba? Hanggang sa dulo ng walang hanggan ang pagtatangi't pagmamahal ko kay Alex, Bro." Tila nangangarap na tumingala pa sa kalangitan si Brent habang inaalala ang mukha ng diwatang itinatangi. Napasunod naman ng tingin sa langit si Gaelan. Napahinto lang sa pangangarap ng gising ang dalawa ng marinig ang boses ni Griffin sa earphones nilang gamit. "Mga ungas, misyon muna bago landi, mga tangnang to, kayo na lang kulang dito sa loob mga gago." Inis na boses ni Griffin ang nagpabalik sa dalawa sa kasalukuyan. Nagmamadali nilang tinakbo ang building, papasok na silang dalawa ng mapahinto sya't hinila sa isang tabi si Gaelan na halatang nagulat sa ginawa nya. "f**k! Why? "Shhh.." Tinuro nyang target nila na si Marabella, isang mafia leader, na isa sa mga underground business nito ay ang human trafficking. "Boss K. , we're taking down Marabella?" Aniya sa Boss ng Asia na si Keros. "Your location?" Sagot ni Keros na tila hinihingal, maingay ang background nito.. "Left side, outside the building." "He is leaving f**k! " si Gaelan na hinugot kaagad ang katana nito. "Just wait for a second, I'm confirming something important, Wait for my command." "Copy that Boss K." Senenyasan nya si Gaelan na iikot sya sa kabilang panig, ng tumango ito mabilis ang kilos nyang tumakbo sa nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada. Sinilip nyang kinaroroonan ng target, kumunot ang noo nya ng makitang nag iisa lang ito, ni wala kahit isang bodyguard. 'Parang may mali? Teka.' Pinagmasdan nya itong maigi. Hinugot nyang pocket mini telescope sa bulsa ng kanyang jacket. "s**t. Boss K. Hindi si Marabella ang nakikita ko, ibang tao ito, pero bakit magkamukhang magkamukha sila." "Sya si Marlleon, his twin brother." Ani Aeris. "Aba! may kambal pa pala ang pangit na yun. Involved din ba sya sa Mafia?" Si Pyre. "Nope, his the good guy, our target is only Marabella." Imporma ni Griffin sa kanila. "Attention assassins, nasa 2nd floor ng building nagtatago si Marabella. Pero bago kayo umabot dun kelangan nyung lampasan ang tatlong daan nyang tauhan na nakakalat sa 1st and ground floor." Ulat ni Aeris na abala sa computer nito. "Bro, how about 2nd floor, how many mafia hiding there?" Tanong naman ni Prick na nagrarapel paakyat ng rooftop, kasama nito si King, Prince at Eruto. "They're hundreds, carrying high caliber guns and bombs. so, guys be careful!" Pahabol na paalala ng tracker nilang si Aeris. "Tangna! Anuba Gaelan, umusod ka nga dun.. kalaki nitong ground floor kung makadikit ka naman sakin parang nasa isang drum lang tayo!" Inis na singhal ni Brent sa kasama na halos nakadikit ng katawan sa likuran nya't ramdam na nyang hininga nito sa kanyang batok. "Hello, anlayo ko kaya sayo, bakit dimu lingunin ang kapit tuko dyan sa likuran mo't baka masurprise ka? hahaha." "Langya, iba ka talaga Bro, lakas ng karisma mo hahaha" si Mark. "Hahaha ikaw na talaga, Brent." Natatawang sabi ni Prince. Kunot noong lumingon naman si Brent sa kanyang likuran, saktong dumila naman ang malaking aso na nakatunghay sa kanya, sapol ng laway ang buong mukha ni Brent na napabahing na lang sa pagkagulat. "Pakshit! kaninong aso ba'tong pakalat kalat dito?' Hinugot nyang panyo sa bulsa saka pinunasan ang mukha na puno ng laway. "Hero! come on buddy, where are you?" Kaagad silang nagpulasan ng marinig ang boses na yun. Samantalang si Brent di naman makaalis sa pwesto nito, dahil sa asong kasinglaki na nya't dumamba pa sa kanya. "Choo.. choo, go away, please goooo..." Panay ang tulak at ilag ni Brent sa asong di sya tinantanan kakadila. "Amoy pagkain ka kasi Brent, kaya gustong gusto ka ng aso hahaha." Pang aasar ni Keros na sinabayan pa ng mga kaibigan nya ng malutong na tawa. Lalo tuloy syang nainis. "Brent, papunta na dyan si Marlleon." Boses ni Aeris ang sunod nyang narinig. At tumambad nga sa kanyang harapan ang kakambal ng target nila. "Oh s**t! Hero, stop it!" Tarantang awat ni Marlleon sa alaga nyang si Hero. Niyakap na nya ito para mailayo sa taong nakahiga na sa semento habang sinusubukang makatayo. At ng magtagumpay itong makatayo ng tuwid sumulyap ito sa kanya. "I'm sorry about what happened to you, I'll pay for your check up and medicines." Nag aalalang sabi ni Marlleon kay Brent, Habang sinusuri ng tingin ang mga galos at kalmot ni Hero dito. "Nah! I'm fine, no worries.. I can manage, thanks." "Brent, bantayan mo muna yang kausap mo't papasukin na namin ang building, don't let him go back here, ok! ." Ani Keros. "Noted." Pabulong na sagot ni Brent. " Pardon, What did you say?" Kunotnoong tanong ni Marlleon sa kanya. "Nothing, so his your dog?" "Yeah, one of my favorite dog. His name is Hero and I'm Marlleon. How about you, what's your name?" "Brent, nice to meet you Marlleon" nakangiti nyang sabi sa kaharap saka bumaba ang mata nya sa aso na nakalabas ang dilang titig na titig sa kanya. "and to you, Hero." Umuklo sya para magpantay sila ng aso saka hinaplos nyang mukha nito at hinimas himas ang ulo na nagugustuhan ng aso, kaya dinamba na naman sya nito at dinila dilaan. "Hey! Hero, I'm your boyfriend but your flirting with him? I'm jealous hmp." Gustong matawa ni Blaire sa narinig na sinabi ni Marlleon. "Aww...aww." Tumakbo naman ang aso kay Marlleon at ito naman ang dinamba at dinila dilaan. Nagtama ang paningin nila ni Marlleon at sabay pang natawa sa inasta ng asong di malaman kung sino sa kanilang dalawa ang uunahing dilaan. "You like dogs?" Tanong ni Marlleon kay Brent ng makatayo na ito. "Yeah, I loved cats and dogs." Napangiti si Brent ng maalala si Alex ang alaga nyang kuting. Sasagot na sana si Marlleon ng biglang mag ring ang cellphone nito. Nakasunod lang ang mga mata ni Brent sa kilos ng kaharap. "Hello, what?" Pause " What happened to Marabella?" Pause " Ok, I'm coming." Tumingin ito sa kanya na may pag aalala ang mukha. Nakikita pang bahagyang panginginig ng kaharap ng magpaalam ito kay Brent. 'His scared' naisip nya. "I - I'm sorry! I have to go, nice meeting you Brent." Ngumiti ito ng bahagya pero halata ang pagkabalisa nito. "Hero, let's go.. buddy, hurry up!" Patakbong umalis sina Marlleon at Hero. Akmang susundan ito ni Brent ng marinig nyang boses ni Keros sa earphones. "Brent, we need you here.. now!." kasunod nun ang putukan at ang malakas na pagsabog. "Ruunnn...!" Huling boses na narinig ni Brent bago na cut ang communication nilang lahat. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD