Totoo at pinapakita nya kung ano talaga sya. Ganyan ang isang pusa. At ganyan sya. Hindi mo talaga maaalis sa kanya na ipakita nya kung ano sya. Kung ano talaga sya. Ipapakita nya lahat ng magaganda at masasama nyang ugali upang makita nya kung tatanggapin mo sya kung sa ano talaga sya. Mabait sya at malambing na parang isang cute na pusa. Mabait at susuyuin ka nya kapag may gusto sya sayo o di kaya’y lalambingin ka nya ng napakatagal hanggang sa mawala ang inis mo sa kanya at upang kilitiin ka nya kahit na wala ka sa mood hanggang sa sumabog ka na sa sobrang pangingiliti nya. Hindi ka nya papansinin at iisnabin ka nya na parang isang cute na pusa. Ganun talaga. Natural lang na moody sya. Hahayaan ka lang nya sa ginagawa mo pero ang gusto nyang iparating ay pansinin mo sya at lambingin mo dahil gustung-gusto nya itong maranasan mula sayo. Makulit sya na parang isang cute na pusa. Oo as in sobra. Kukulitin ka nya sa ganito sa ganyan hanggang sa magsawa sya at hanggang sa mainis ka. Maingay at madaldal sya na ikukwento nyang lahat hanggang sa mapansin mo na sya. Maingay talaga sya, na lahat ng paraan ginagawa nya hanggang sa mapagod sya at magsawa kang makinig sa kanyang ingay. Cute sya na pusa. Kung napapansin mo lahat ng maliliit na bagay sa kanya, dun mo maiisip at makikita na talagang maganda sya. Maganda sya dahil sya iyan, sa kung ano talaga sya. Magbabago ang pananaw mo sa kanya dahil natural sya. Dahil totoo sya. At isa pa, gumala-gala man sya na parang isang pulubi ay babalik at babalik pa rin sya sa taong minamahal nya't nagmamay-ari ng puso nya.
"Meow" dinila dilaan ni Alex ang mukha ni Brent na mahimbing paring natutulog. Simula ng maging pusa sya't mapunta sa pangangalaga ng binata napatunayan nya sa sariling mahal nya talaga ito. Siguro kung hindi lang sila naparusahan ni Amber naging sila na ni Brent.
'Pahamak kasi 'tong si Lorsan eh! Kuuu sa susunod dina talaga ako sasama sa dwendeng mangkukulam na yun. Bahala syang kumilos mag isa'
"Hmmm" dumilat ang isang mata ni Brent , kaagad na nakita nyang pusa na nakatingin sa kanya. Napapangiti nyang hinila ito palapit sa kanya.
"Good morning Alex, hmm.. gutom kana ba?"
"Meow" dinila dilaan nyang mukha ng binata.
"ahaha.. gutom kana nga panay ng lambing mo sakin eh!"
Bumangon na si Brent at nag banyo, naligo sya't nag toothbrush, may misyon sya ngayong araw kaya nag iisip na sya kung san nya pwedeng iwan ang kuting na si Alex.
"Alex, iiwan muna kita kila Candy ha! May misyon kasi kaming mga assassin, di kita pwedeng isama dun baka mapahamak ka lang."
Nilagyan nya ng maraming cat food ang plato nito. "Ayan! sige na Alex, kain ka lang damihan mo para dika magutom."
"Meow" ambait naman ni Brent, bagay talaga kami, pag nakabalik nako sa dating anyo ko hinding hindi ko na pakakawalan ang tagalupang ito.'
"Ayaw mo na bang kumain Alex? Busog kana ba ha?"
Tanong sa kanya ng binata, "Meow" tumataba ang puso nya sa sobrang pag aalaga sa kanya ng binata. Hindi sya nito pinababayaan mula ng magkasama sila.
"Halika na nga alis na tayo" kinarga na ni Brent si Alex pagkatapos masigurong secured ng condo nya. Dalawang araw syang mawawala dahil sa Singapore ang misyon nila. Hinalikan nya munang pusa bago ipinasok sa loob ng kanyang jacket.
"Pakabait ka dun ha! Alex, wag kang magpasaway kay Candy at buntis sya. Maba bad shot tayo kay Eruto kapag may nangyaring masama sa asawa nya. Kaya pakiusap magpakabait ka dun saka bantayan mo si Candy, kapag may nakita kang di maganda O di kaya may gustong magsamantala at manakit sa inyo, kalmutin mo, wag kang patatalo ok! Babalik naman ako kaagad eh.."
Mahabang sabi ni Brent kay Alex, parang tao lang kung tratuhin nya ito, basta kakaiba talaga ang nararamdaman nya sa pusa.. Parte na ito ng buhay nya at napakahalaga nito sa kanya..
"Dito na tayo. Mami miss kita kuting, di bale 2 days lang naman ako mawawala, hayaan mo pasasalubungan kita hmm."
Nasa labas na ng gate sila Eruto at Candy kaya dina sya bumaba ng big bike nya. Inabot na lang nya ang pusa kay Candy at nagpasalamat dito. Sumampa naman sa likod nya si Eruto, ng makapwesto na ito kaagad nyang pinaharorot ang motorsiklo patungong airport. Nandun ng lahat ng mga kasamahan nila ng dumating sila at makapasok ng departure area.
"As usual, late na naman kayong dalawa." Ani King na nilampasan silang dalawa, dere deretso na itong pumasok ng immigration area.
"Bipolar talagang isang yun, tara na baka mamya magwala na naman yan."
Nagkatinginan na lang ang dalawa bago nagtapikan at sumunod sa mga kasamang nagsipasukan na sa loob.
' See you in two days Alex, I will miss you.'
?MahikaNiAyana