Eight

1220 Words
Ang diwatang masayahin ay napapagod din. Napapagod ngumiti sa lahat ng pagsubok na binibigay sa kanya ng Engkantadya. Ang unfair na kapag malakas ka, kailangan mas masakit ang mararamdaman mo dahil malakas ka at may tiwala sa 'yo na kaya mo. Paano kung palagi na lang? Paano kung yung malakas ay naging mahina na rin tulad ng iba pero patuloy na ibinibigay sa kanya yung pang malalakas na pagsubok na para lang sa mga bihasang engkanto? Minsan alam mong hindi na fair at ang tanging magagawa mo na lang ay magtiwala na lang ulit. Kasi, kapag hindi ka nagtiwala ikaw pa rin may kasalanan. Ikaw pa rin ang praning. Ikaw pa rin ang tanga at ikaw pa rin ang mali. Sa oras na palaging sila ang iniisip mo, pero kapag galit sila ikaw pa rin ang hindi nakakaintindi. Gaano kahirap sa isang diwata para maintindihan na kapag nag aaway ay hindi niya kailangan ng isa pang matapang na kausap? Ang kailangan niya ay yung engkantong iintindi at lalambing. Di mo kailangan ng pride o kaya naman ay ipakitang under mo yung isa. No. Hindi ganun yon. Patunayan mong may pagmamahal at huwag mo hayaang mawala yung koneksyon na kayong dalawa ang nag umpisa. Huwag niyong sayangin ang panahon. Ilan na lang ang matino. "Kung bakit naman kasi sumama pa tayo kay Lorsan eh? Ayan tuloy pati tayo naparusahan." Mangiyak ngiyak na sabi ni Alex kay Amber. Pagkaalis ni Brent kahapon bumalik kaagad sya sa Engkantadya at hinanap si Amber na isa ring pusa kagaya nya. Kung sya apektadong apektado si Amber naman ay chill lang. "Wag mo ng sisihin si Lorsan, patahimikin mo na yung dwendeng yun, nakakaawa na sya halos patayin mo na yung engkantong yun eh." "Panung hindi ako magagalit sa kanya eh niloko nya tayo Amber, naiintindihan mo ba ako ha?" "Alam mo kasi, may dahilan kung bakit nagawa yun ni Lorsan. Tama na Alex, nangyari na ang hindi dapat mangyari, wala na tayong magagawa para baguhin ang lahat. Mas mabuti pang maghintay na lang tayo sa pagbabagong anyo ng buwan para bumalik na tayo sa dati." 'Sana magbagong anyo ng buwan para bumalik na tayo sa dati!' Nakatingala sa buwan si Alex habang hinihiling nya yun. "Kumusta ka naman? Inaalagaan ka bang mabuti ni Brent?" Napangiti sya ng marinig ang pangalan ni Brent. Si Brent na sobrang lambing, maasikaso, maalaga, mapagpasensya at mapagmahal. Si Brent ang nagturo sa kanya kung paano magmahal ng totoo. Ang swerte nya sa totoo lang dahil sya ang itinatangi at minamahal nito. "Wag mo ng sagutin ang tanong ko, sa nakikita kong pagkislap at pagningning ng mga mata mo alam ko ng iniibig mo syang totoo. Mag iingat ka Alex, nakakawala ng katinuan sating mga diwata ang sobrang pighati kapag damdamin natin ay nasaktan." "Alam ko yun, kaya nga inihahanda ko ng sarili ko sakaling ako'y mabigo sa aspeto ng pagmamahal, Amber. Wag mo akong alalahanin ayos lang ako, salamat." "Mabuti naman at naiintindihan mo ng lahat." "Ikaw, ano ng kaganapan sa kaharian nyo? Alam na ba ng mga kalahi mong bampira ang mga balak mo?" "Hindi ko na nanaisin pang ipaalam sa kanila ang lahat Alex. Ayokong may madamay pang iba." Tiningnan nyang katabi, ramdam ni Alex ang paghihirap ng kalooban nito. Batid nya kung gaano kalupit ang angkang pinanggalingan ni Amber, lalo na ang Ama nitong bampira na si Merope na naging isa sa mga kabiyak ni Reyna Elyon ng kahariang Gaelan, ang mahigpit na kaaway ni Reyna Amethyst ang makapangyarihang Reyna ng Engkantadya. Tanging ang inang diwata lang ni Amber ang nagmalasakit sa kanya. Bata pa lang ito ng itakas sya ng kanyang Ina, isinama sya nito sa kahariang Umbra at naging isa sa mga tagaulat ng buong Engkantadya. Sa naganap na digmaan kung saan namatay ang Ina ni Amber, kasabay nitong nasawi ang Reyna ng Gaelan naging ganap na Hari ang kanyang Ama. Lahat nagbago simula ng sapilitan syang kinuha nito sa kaharian ng Umbra. Mula noon malaki ng pinagbago ni Amber. Isa lang ang pinagpapasalamat ni Alex , nag iba man ang pakikitungo ni Amber sa mga kapwa engkanto nila pero nanatili itong naging tapat na kaibigan sa kanila. "Halikana't bumalik na tayo sa mundo ng mga tao, baka dumating na sila Brent at Gaelan. Mag aalalang mga yun kapag di nila tayo nakita't naabutan." Yaya ni Alex sa walang imik na si Amber. Naglaho sila at lumitaw sa bahay ng kapwa nilang diwata na si Heneral Ixeo na ngayon ay Candy Mur ng bagong katauhan at asawa ni Eruto na kaibigan nila Brent at Gaelan. "Kuting Alex, nasan kana? Lumabas kana dyan sa pinagtatagoan mo't uuwi na tayo." Nagkatinginan naman ang dalawang pusa na sina Amber at Alex ng marinig ang boses ni Brent. Kaagad silang tumakbo na dalawa papasok ng kusina at dun nagmasid kung anong kaganapan sa loob ng bahay. "Bro, hindi namin mahanap ang mga pusa, naikot na namin ang buong bahay wala talaga sila dito." Ani Gaelan. "Eruto, nasan ang asawa mo?" Baling ni Brent sa kaibigang umupo sa sofa ng sala at hinugot ang cellphone nito sa bulsa at may tinawagan. "Relax Bro, mahahanap din natin ang mga pusang yun ok! Wag ka ng mag alala dyan." Si Gaelan na umupo na rin sa pang isahang sofa kaharap ni Eruto. "Kawawa naman si kuting, baka dipa yun kumakain. Gaelan, tumayo ka dyan halika hanapin natin sila." Di mapakali si Brent. Sobra syang nag aalala sa kanyang alagang pusa na si Alex. "Chill, Bro, baka pwedeng magpahinga naman tayo saglit. Masakit pang katawan ko dahil sa pagsabog ng building dun sa Singapore." "Panu kapag nasagasaan na pala ang mga pusang yun ha? panu ako mag chi chill nito? f**k! Ayokong ma stress kaya utangnaloob Gaelan, tumayo kana dyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita!" Ni hindi man lang kumilos si Gaelan kahit konti na lalo pang ikinainis ni Brent. "Hindi ka ba nag aalala sa kanila Gaelan? Tingin ko sayo parang balewala lang naman kung mawala ang pusa mo eh." "Tangna! Wag na wag mong kukwestyunin ang damdamin at pag aalaga ko sa pusang yun Brent! dahil wala kang alam sa tunay kong nararamdaman." Pumagitna na si Eruto sa dalawa bago pa magkainitan ang pagtatalo ng mga ito. "Anuba kayong dalawa? Dahil lang sa mga pusa nagkakaganyan na kayo?" "Hindi lang sila basta mga pusa!" Sabay pang sigaw ng dalawa kay Eruto na halata ang pagkagulat dahil sa reaksyon ng dalawa. Tila nahimasmasan naman si Gaelan. "Mahal ko ang pusang yun kahit na ramdam kong ayaw nya sakin, kasi palagi nya akong kinakalmot" natawa sya ng maalala ang ugali ng pusang napulot nya, para itong si Amber na laging umiiwas sa kanya. Kaya Amber ang pinangalan nya dito. "Meow, meow." Sabay pang napalingon bandang kusina ang tatlo ng marinig ang boses ng mga pusang hinahanap. Parehong nakaupo lang ang mga pusa at nakatingin sa kanila. "Alex!" Kaylapad ng ngiti ni Brent na tinakbo ang pusa saka kinarga at pinaghahalikan. "Amber!" Ganun din ang ginawa ni Gaelan, tinakbo at binuhat nya rin ang pusa, ng akmang hahalikan na nya ito, kinalmot ng kinalmot ng pusa ang mukha nya. "Hahaha na miss kita ng sobra Amber, mwah." "Ang weird nyung dalawa." Naiiling na iniwan ni Eruto ang mga kaibigan sa kusina. Kahit kelan hindi nya talaga maintindihan ang dalawang baliw na yun. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD