"Bakit ka pakalat kalat sa daan? eh ang liit liit mo pa? Umuwi kana baka hinahanap kana sa inyo!"
Panay ang himas ni Brent sa ulo ng pusang itim na nadaanan nya sa kalsada. Muntik pa nya itong masagaan dahil sa liit nito at kulay hindi kaagad ito mapapansin ng mga motoristang dumadaan duon. Binuhat nyang pusa at inilapag sa labas ng gate kung saan malapit ito nakapwesto.
"Dito ka lang ha! Wag ka ng pumunta sa kalsada ok. Babye na kuting. Mag iingat ka."
Tumalikod na si Brent, tinungo nyang big bike saka sumampa na dun, akmang isusuot nyang helmet ng marinig nyang boses ng pusa, kaya nilingon nyang pinag iwanan dito kanina. Nanlumo sya ng makitang wala ng pusa dun.
"Meow."
Napatingin si Brent sa paanan nya, napangiti sya ng makita ang pusa na nakatingala sa kanya. Natatawang umalis sya sa motor nya para damputin ang pusa.
"Gusto mong sumama sakin kuting? Kaya lang baka may nag mamay ari na sayo, makasuhan pako."
"Meow, meow."
Napatitig si Brent sa mga mata ng pusang itim, nakita nya dun ang lungkot na tila nakikiusap itong isama na nya. Napatingala na lang si Brent sa madilim na langit. Tila uulan ng malakas, kawawa naman si kuting kung iiwan lang nya. Baka mabasa ito at mamatay.
"Meow" dinila dilaan ng pusa ang kamay nyang may karga dito.
"Ikaw ha! Ke bata bata mo pa marunong ka ng kumiringking, gusto mo na agad ako, eh ngayon lang nga tayo nagkita?"
"Meow" kiniskis ng pusa ang mukha nito sa kamay nya na ikinatawa naman nya ng malakas.
"Ang lambing lambing mo talaga. Sige isasama na lang kita. hmm"
Binuksan nyang zipper ng suot na leather jacket saka dun isinilid ang pusa. Dinilaan pa sya nito sa baba ng yumuko sya para tingnan kung maayos ng lagay nito sa kanyang dibdib.
"Meow"
"Your welcome," aniya sa pusa na tila ba nagkakaintindihan silang dalawa.
"Meow"
"Oo na nga, uuwi na tayo kuting, oh wag kang malikot ha! baka mahulog ka!"
Ng pinaandar nyang motor, sumiksik ang pusa sa loob ng jacket nya. Hindi na ito muling dumungaw pa. Napangiti na lang si Brent sa inasta ng pusa. Parang tao lang, nakakaintindi ng sitwasyon.
"Hay, gutom nako, kuting gutom kana rin ba?"
Hindi sumagot ang pusa, siguro tulog na't napagod kakagala gala sa kalsada.. Ng may madaanang fast food huminto muna sya't pumasok sa loob.. Matapos mag take out ng pagkain nagmamadali na syang umalis. Malapit na sya sa kanyang motor ng may madaanang boutique. Sa nakikita nyang mga naka display nahinuha nyang may makukursunadahan sya dun kaya pumasok sya't naki usyoso. Nakuhang pansin nya ng isang heart cat name tag, kinuha nya ito saka dinala sa counter magbabayad na sana sya ng magsalita ang cashier.
"Sir, baka gusto nyu pong palagyan ng pangalan, libre lang po." Nakangiting sabi ng babae sa counter.
"Talaga! Sige gusto ko yung ilagay na pangalan ay Alex. Hmm.. kuting gusto mo ba yun?"
Kausap ni Brent sa pusang nakatulog na yata sa loob ng jacket nya.
"Sir?"
Ngumiti si Brent saka binuksan ang zipper ng jacket nya sa harap at dun lumitaw ang pusa na tulog na tulog nakalabas pang dila nito sa gilid ng bibig.
"Ay! ang cute naman ng pusa nyo Sir, may sombrero po kami dito, baka gusto nyu po? sigurado bagay ito kay Alex."
"Yeah, ok bigyan moko ng light blue." Sinara ulit ni Brent ang zipper ng jacket nya saka bumaling sa cashier. "Pwede bang dalawang pangalan ang ipalagay ko sa name tag?"
Inilapag ng babae ang isang maliit na kulay light blue na sombrebo sa harap ni Brent bago sumagot.
"Ok lang po Sir, ano pong name? Pwede po nating e back to back yung name nyo ni Alex."
Natuwa si Brent sa sagot ng cashier, "Brent" malapad ang ngiti nya habang sinusulat nito.ang pangalan nya.
"Sige po, paki antay na lang saglit lang 'to. Mag ikot ikot po muna kayo, baka may magustuhan pa kayo sa mga paninda namin."
"Yeah sure, thanks."
Nag ikot ikot naman si Brent sa loob ng shop, natutuwa nyang pinaghahalungkat ang iba't ibang accessories para sa pusa. Kumuha na rin sya ng cat food, shampoo, sabon kahit nga yung nakita nyang suklay kinuha na rin nya't dinala sa counter, tamang tama naman at bumalik ng cashier kaya natapos ng lahat at nakauwi na rin sya sa wakas.
"Kuting, gising kana uy! kakain na tayo." Naihanda na nyang pagkain nya at yung kay Alex nakaplato na rin. Inilapag nya sa mesa ang pusa saka pinaamoy dito ang tuna na pagkain nito. Nangiti sya ng makitang dumila dila ito saka nagmulat. Hindi man lang ito tumayo para kumain, ang ginawa nito habang humihiga dinila dilaan ang tuna.
"Abah! Kuting, umayos ka kapag kumakain tayo, di pede yang katamaran mo sakin."
Pinatayo nya ito, pero bumabalik talaga sa pagkakahiga ang pusa. Tila bigat na bigat ito sa katawan, kaya hindi nito magawang tumayo. Naaawa namang sinubuan nya na lang ito.
"Ngayon lang to ha! Kuting, sa susunod magkusa ka ng kumain naiintindihan mo ba ako ha! Alex?"
Tumingin sa kanya ang pusa "Meow" sagot nito na tila naiintindihan talaga sya nito.
"Pagkatapos mong kumain maligo naman tayo para luminis ka naman, ok?"
"Meow"
"Langya! Naiintindihan mo talaga ako ha, kuting?"
"Meow"
"Woah! Great! Hahaha.. Ma memental nako nito dahil sayo eh."
Nakatingin lang sa kanya ang pusa na dumidila dila. Nangingiti naman syang hinimas himas ang ulo nito.
"Tapos kana bang kumain? Ayaw mo na ba? Sige, liligoan na kita para mailagay ko ng name tag mo.. mmm."
Dinala nyang pusa sa banyo, niligoan nya ito pagkatapos i blower ikinabit nyang name tag nito at sombrero.
"Wow! Bagay sayo.. hahaha lalo kang naging cute."
Sinusuklay suklay pa nyang balahibo nito habang malapad ang pagkakangiti, panay naman ang pagdila nito sa katawan na paminsan minsan pati kamay nya dinidilaan rin nito.
"Mula ngayon, akin kana ha! Wag na wag mo akong iiwang mag isa, dito ka lang sa tabi ko, magsasama tayo habang buhay kuting, hmm.. Alex."
Hinalikan nyang pusa na dinilaan naman sya nito, maya maya niyakap nya na ito.. Nakaramdam sya ng kaligayahan habang yakap yakap ang pusa. Masaya sya dahil ngayon may makakasama na sya't dina mag iisa, hindi na boring ang buhay nya.
"Meow"
"I love you Alex.. mwah."
?MahikaNiAyana