Nine

1201 Words
"Hoy Gaelan, kanina pako dito sa labas ng bahay mo ha! Bakit dika pa rin lumalabas dyang tangna ka?" Panay ang busina ni Brent habang kausap ang kaibigan sa telepono. Dinaanan nya si Gaelan sa bahay ng mga magulang nito, kasi dito nila iiwan ang dalawang pusa. Kanina pa pumasok ang binata pero hanggang ngayon dipa rin lumalabas ng bahay. "Saglit lang naman! kasi, si Amber pasaway eh! biglang lumundag ng ibinababa ko kaya ayun nahulog sa pool kelangan kong sagipin at eto nagbibihis pa lang ako." Napabuntong hininga na lang si Brent. Magkaibang magkaiba talaga ang pag uugali ng dalawang pusa nila. Kung gaano kalambing at kamasunurin ng pusa nyang si Alex, kabaliktaran naman ni Amber na mailap at pasaway. "Ok sige, maghihintay na lang ako dito. Basta bilisan mo na dyan at malayo pang byahe natin, ma traffic pa naman papuntang Tagaytay." "Oo na, ito na nga Oh! binibilisan ko ng pagkilos." Hinihingal na sagot ni Gaelan. Tutungo silang Tagaytay para bisitahin ang mga diwatang itinatangi. Mahigit isang buwan na rin kasi nilang hindi nakikita ang dalawa, dahil napadalas ang misyon nila. "Let's go Bro, drive as fastest as you can!" Tinapik pa ni Gaelan ang braso ni Brent pagkaupong pagkaupo nya sa passenger seat. "Tingin mo andun kaya sila ngayon?" "Sana! Gusto ko ng makita si Amber eh, Damn! I miss her, Bro." "Anong namiss mo sa kanya, ang pagpapahirap ba nya sayo?" Pigil ang tawang tanong ni Brent. "Ewan ko ba Bro, kung bakit patay na patay ako sa diwatang yun? kahit na napakasama ng ugali nito at walang ibang gawin kundi ang saktan lang ako." May bahid ng sakit ang tono ng boses ni Gaelan habang nagkukwento ito. Hinayaan nya lang itong maglabas ng sama ng loob nito habang nagmamaneho sya patungong Tagaytay. At ng sapitin na nilang bahay na tinutuluyan ng mga diwata kakaibang ligaya ang kanyang nadarama. Naunang bumaba ng sasakyan si Gaelan bago sya. "Tao po, Amber.. may tao ba dyan? este may diwata ba dyan?" Tinapik ni Brent ang balikat ng kaibigan ng marinig ang sinabi nitong diwata. "Hoy! Anuka ba! Baka may makarinig sayo na kapitbahay nila." Nag aalalang napalinga linga sa paligid si Brent. Ng may mapadaang kapitbahay ay hinarang na nya ito. "Excuse me lang po! itatanong ko lang po sana kung may tao po ba dyan ngayon?" Tinuro nyang bahay nila Alex. "Naku! Iho, mag iisang buwan ng walang tao dyan, nag abroad yatang dalawang magandang babae na nakatira dyan eh, diko na sila nakikita." Nanlulumong nagkatinginan sila ni Gaelan at sabay pang napabuntong hininga at napailing. "Ah ganun po ba, sige, salamat po Ate." Nakangiting paalam nya sa babae. Ng bumaling sya kay Gaelan nasa sasakyan ng kaibigan naghihintay. Sumakay na rin sya't nagmaneho pabalik ng Manila. Pareho silang walang imik, parehong abala ang mga isip. Hanggang sa maihatid na nya si Gaelan at makuha si Alex at makauwi sa condo nya wala pa rin syang imik. Humiga sya sa sofa at ipinatong ang pusa sa kanyang dibdib. "Meow" "Alam mo ba Alex, kung kaya ko lang pumunta ng Engkantadia makita lang kita ginawa ko na." Hinaplos haplos nyang pusa na ngayon ay nakahiga na sa kanyang dibdib. Kinakausap nya ito habang ang nasa isip nya'y ang diwatang si Alex. "Kung pwede lang na mag ala-superhero ako na kayang mag teleport papunta dyan sa tabi mo, gagawin ko. Para sa oras na gustong gusto kong mayakap ka o hawakan ang mga kamay mo, magagawa ko. Hindi magiging mahirap para sakin ang batiin ka ng "Goodmorning". Kahit anong oras pwede kitang silipin kung nasaan ka man. Kaya kitang kantahan bago ka matulog ng hindi ka nahihirapan matulog." "Meow" Gumalaw ang pusang nakahiga pa rin sa kanyang dibdib, inabot nito ang baba nya saka dinilaan. Natawa sya sa kalambingan ng pusa sa kanya. "Kung pwede lang na ilipat ang bahay namin sa tabi o harap ng bahay niyo sa Tagaytay, gagawin ko. Kakatok sa pinto niyo tuwing gusto kong puntahan ang mahal ko. 'Pag kailangan mo ng kasama papuntang Engkantadya o kaya kung saan ka man gustong dalhin ng mga paa mo, madali satin ang magkita agad. It's just a matter of three-five steps bago makarating sa bahay ng bawat isa satin. Kung pwede lang puntahan kita kung kailan ko gusto, gagawin ko. Kasi sa totoo lang, gustong gusto kitang makasama hindi lang minu-minuto kundi segu-segundo. Gusto ko lagi kitang nakikita. Gusto ko abot kamay lagi kita. gusto ko nasa tabi lang kita lagi. gusto ko araw-araw makasama ka." "Meow, meow." Nag inat ang pusa saka humikab na ikinangiti nya. "Kung pwede lang talaga, kung pwede lang. 'Di na ko magdadalawang isip pa na gawin ang mga bagay na 'to. Ura-orada lilipad ako papunta sa kinaroroonan mo. Yayakapin kita agad, hahalikan, ipaparamdam ko sayo na kahit saglit palang tayong di nagkikita, miss na miss na agad kita. Handa kong puntahan ka anytime kasi mahal na mahal kita." Biglang tumayo mula sa pagkakahiga sa kanyang dibdib ang pusa saka ito tumingin sa kanyang mga mata. Nakita nyang pagkislap ng liwanag sa mga mata nito at sa isang pagkurap lang nya biglang nagbago ang paligid, nakalutang na sya sa hangin at ang pusang si Alex ay tumakbo papunta sa isang pusa na kilalang kilala nya. 'Bakit nandito ang pusa ni Gaelan?' "Brent!" Narinig nyang boses ng kaibigan mula sa kung saan. Pinalibot nyang tingin sa kapaligiran, nanlalaki ang mga mata nya ng mapagtantong nasa Engkantadya sila. Inabot ni Gaelan ang kamay nya kaya unti unting naiapak nyang mga paa sa lupa. Napatutok ang tingin nya sa dalawang pusa na parehong nakatingala't nakatingin sa bilog na buwan. "Brent, bakit tayo nandito?" "Hindi ko rin alam." Tinuro sa kanya ni Gaelan ang buwan na unti unting nag iiba ang kulay. Kinikilabutan sya sa hanging dumadampi sa kanyang balat. "Maaraw pa kanina bakit biglang gumabi? At bakit biglang naging buwan ang araw? magkaiba pang kulay. Hooo... Nakakatakot naman ang lugar na ito Brent." "Oo nga, ngayon lang ako nakakita ng buwan na dalawa ang kulay, asul at purple pa! kahit ang mga bituin nila dito kakaiba rin, nakakamangha talaga. Halika na Gaelan, kunin na lang natin ang mga pusa para makauwi na tayo." Dali dali nilang nilapitan ang mga pusa na nakatitig pa rin sa buwan. Akma na nilang hahawakan ang mga ito ng biglang lumiwanag ng nakakasilaw kaya napaatras silang dalawa. Ng unti unting naglalaho ang liwanag may naaninagan silang dalawang nilalang na nakatayo. Nagkatinginan silang dalawa ni Gaelan at napahawak sa isa't isa. Ng tuluyang maglaho ang liwanag wala na ang mga pusa nila, ang pumalit ay ang dalawang diwata na pinatawan ng kaparusahan ni Reyna Amethyst. Hindi makapaniwalang nakatingin ang dalawang binata sa mga diwatang nakapikit pang mga mata. Ganun pa rin ang posisyon ng mga ito, kung anong pwesto ng dalawang pusa kanina ganun din ang dalawang diwata, magkatabing magkatabi pa rin ang dalawa. Nakasuot ng pulang damit si Alex habang asul na damit naman ang kay Amber. Dun lang naisip nila Brent at Gaelan na ang mga pusang inalagaan nila ay walang iba kundi ang mga diwatang itinatangi nila. "A - Alex!" Awang ang labing sambit ni Brent. "A - Amber!" Nanlalaking mga matang sambit naman ni Gaelan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD