Final Chapter

1747 Words
"Kung sa susunod ay wala ako sa simula ng ‘yong umaga, Halimbawang madaan ka sa amin at maliwanag ang sala, Kung maari, ay 'wag mo na 'kong asaming makita, Sabihin na lang nating, ayos na ako at payapa." "A - Alex." "Kung makita mo man ang mga wasak na damdamin sa amin, Halimbawa mang pumasok ka para sila tanungin, Kung maari ay 'wag mo na 'kong tignang matiim, Sabihin na lang nating, magiging masaya ako kung masaya ka rin." Hinaplos ni Alex ang mukha ni Brent na titig na titig sa kanya, halos dina ito kumukurap alam nyang natatakot ito na baka biglang maglaho na naman sya't dina muling magpakita pa. "Kung matapos na silayan mo ako sa huling beses, Ay tumulo ang luha mo’t wala na ang aking boses, Pakiusap, lumabas kang minsan at tumingin ka sa langit, Makikita mo, iisang ulap at araw ang pareho sa'ting nakatakip." "Bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? May balak ka na naman bang lumayo sakin, ha! Alex?" Namasa ng mga mata ni Brent, sa totoo lang takot na takot sya. Ayaw nyang mawala sa kanya ang diwatang itinatangi. "Iisang umaga lang ang sa atin ay sasalubong, Iisang gabi lang ang parehong sa atin ay tatalukbong, Kung wala man ako para ang “mahal kita” ay maibulong, Tandaan mo, ako na ngayon ang hanging iihip sa karagatan mong walang alon." Pumatak ang luha sa mga mata ni Brent, kaagad syang pumikit para pigilan ang pagtulo nito. Naramdaman nyang pagsuyong yakap at haplos ni Alex sa kanya. Mas lalo tuloy sumikip ang kanyang paghinga. "Kaya’t kung sa susunod ay magmulat kang wala ako sa'yong tabi, Halimbawa mang magsikip ang dibdib mo sa aking pag-alis, Wag mo sanang isipin na ang mag-isa kang lumakad ang aking nais, Dahil kung ako lang, habang buhay ako sa 'yong mananatili." Niyakap nya ng mahigpit si Alex, di maampat ampat ang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Ramdam nya na kapag bumitaw sya sa diwata maglalaho na lang itong bigla. "Alex, wag ka naman ganyan, wag naman ganito please! Alam mong hindi ako magiging masaya kapag nawala ka sa piling ko, kaya sana pakiusap wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita." Kumalas sa pagkakayakap nya si Alex kaya wala na syang nagawa kundi ang bumitaw dito. Sinapo ni Alex ang kanyang mukha saka ngumiti ito ng may kasiyahan sa kanya. "Mahal ko, kung karapat dapat ka sa pagmamahal ko sayo, kusang ibabalik ako ni Bathala sa piling mo. Kaya wag kang mabahala, hindi ako mawawala sa piling mo. Magtiwala ka lang Brent!" Hinalikan ni Alex sa labi si Brent, habang magkalapat ang kanilang mga labi unti unting naglalaho si Alex, tinatangay sya ng hangin hanggang sa tuluyan na syang maglaho. Tumingala sa langit si Brent saka pumikit ito at umusal ng panalangin. "Maghihintay ako sa muli mong pagbabalik mahal ko, dahil ikaw ang kaligayahan at buhay ko.!" Mula ng lumisan si Alex sa mundo ng mga tao palagi na sa Tagaytay si Brent, nakatambay sa talon na malapit lang sa bahay nila Alex, gaya ngayon nakaupo sya sa isang malaking tipak na bato tumitipa sa kanyang gitara at sinasabayang pagkanta ng "Diwata" . Hindi sya nagsasawang haranahin si Alex, alam nyang nakikita't naririnig sya nito kahit na nasa magkabilang mundo pa silang dalawa. ♪ ♪ Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata Aking diwata♪ ♪ Ikaw ang pinakamaganda 'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata (aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala Na nakita na ang pinakamakinang na tala (talagang hiwaga) Walang katapat Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagka't Ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata Naaalala ko pa nu'ng una kang masilayan, nanghihinayang Gustong-gusto kita kausapin Makilala, subali't may kaba Kaya nahihiya lang Sinayang ang nakatakdang tadhana Karapat-dapat nga ba na magkandarapa sa Isang prinsesa na may delikadesa Kaysa sa gano'n, baka sakaling game ka maging reyna? ♪ ♪ Date tayo, oo, ikaw at ako Liparin natin ang iba't ibang parte ng mundo Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay Kung sabagay, karangalan kong alagaan At pahalagahan ang natural mong kagandahan Aminin ko man o hindi Kapag nasa paligid ay pasimple na ngumingiti Sana kako tamaan.♪ ♪ ♪ ♪ Nakapikit at nakatingala sa langit si Brent, damang dama nya ang pagkanta, sa kanyang isipan nakikita nya si Alex masayang nakangiti sa kanya. ♪ ♪ Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, woh Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, woh Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata Aking diwata♪ ♪ Ikaw ang pinakamaganda 'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata (aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala Na nakita na ang pinakamakinang na tala (talagang hiwaga) Walang katapat Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagka't Ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata Hanggang sa nagkakilala muli♪ ♪ At unti-unti kang nakikilala, munti Pang tumiklop na parang makahiya, uh Naglakas-loob, uh, d'yan sa kaliwa, uh Ang daming pumipila, daig pang MRT Pero 'di ba't sa pag-ibig, mas kabit 'pag less than three? Ano'ng sagot, pwede mo 'kong tanungin May tanong ako sa'yo, pwede mo 'kong sagutin Sana oo na lang din♪ ♪ Susubukang abutin Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin Oras na maghawak-kamay baka bigla kang alukin Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin, uh Ikaw ang aking laging nais makapiling Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling Binibining napakaganda at wagas, walang wakas Samahan mo 'ko, sabay tayong mangarap nang mataas Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata Nu'ng nakita ko s'ya, 'di makapaniwala♪ ♪ Sa taglay n'yang ganda, tinamaan din ako Teka, bakit ganito, ba't napapa-rap ako? 'Di ba, sabi ko sa'yo, 'wag mo na akong isama? Para 'kong nasilaw sa kasama mong diwata Ngayon, alam ko na ba't nasiraan ka ng ulo Napapakanta ka na lang na parang ganito Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, woh Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, woh Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata Aking diwata♪ ♪ Ikaw ang pinakamaganda 'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata (aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala Na nakita na ang pinakamakinang na tala (talagang hiwaga) Walang katapat Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagka't Ikaw lang ang minamahal ko Oh, aking diwata.♪ ♪ Dahan dahang idinilat nyang mga mata pagkatapos kumanta. Tumingin sya sa talon kung saan nandun ang portal patungong Engkantadya. Minsan naiisip na nyang pumasok dun para sunduin si Alex, pero palaging nagdadalawang isip sya na baka magalit sa kanya ang diwata at tuluyang mawala na ito sa kanya. Habang patagal ng patagal ang pagtitig nya sa talon na para bang nakikita nya si Alex doon, nakangiting kumakaway sa kanya, napabuntong hininga na lamang sya't napapailing. "Hay, hindi ko alam kung bakit ganito ang pagtingin ko sayo. Ang lakas ng dating mo sa akin. Kahit simple ka lang, bakit gandang-ganda ako sayo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nakikita ng mga mata ko. Ang ganda mo. Mula sa buhok mong mahaba at kapag hinawakan mo ay napakadulas. Sa tenga mong maliit pero kapag hinawakan ay napakalambot. Sa ilong mong maganda na napakasarap pisilin. Sa mata mong mapupungay na kapag kumindat ay nakapang-aakit din. Sa labi mong malambot na napakasarap halikan. Ang mga katangiang ito ang bumabalot sa napakaganda mong mukha, nakakabighani talaga. Mula sa panlabas mong anyo na bumabalot sayo ng buo; sa balakang maganda, sa nipis ng iyong tiyan, sa indayog ng iyong mga paa habang naglalakad sa daan. Sa ganda ng iyong mga kamay at sa kinis ng iyong balat. Pati narin ang ngiti mong sobrang nakaka-akit pa kaysa sa buwan. Isama mo narin ang ugali mong bumabalot sa pagkatao mo. Sa ganda ng ugali mo na parang isang santa. Hindi mo alam ay sa pinapakita mo nahuhulog na ang loob ko sayo. Hindi mo din siguro alam na ang taas ng respeto ko sayo at ganun ang pagpangarap ko sa isang diwatang katulad mo. Tunay na nakamamangha ang pagkatao mo. Dahil ang iyong pinapakita ay kung sino kang totoo. Bakit ka ba naging ganito? Kung pwede ka namang maging isang simpleng babae na kukumpleto sa buhay ko. Isang diwatang katulad mo ang bumubuo sa buong pagkatao ko." Tapos na syang magsalita, pero ang Alex na nakikita nya sa talon ay nandon pa rin nakangiti at kumakaway pa rin sa kanya. Napakurap kurap sya't nagbabakasakaling totoo na itong mga nakikita nya. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng sa pagtingin nya ulit sa talon ay nandun pa rin si Alex at sa isang iglap lang ay nasa harapan na nya ito. "A - Alex! Totoo na ba ito O kathang isip ko lang ang lahat ng ito?" "Hindi ito kathang isip mo lang mahal ko. Bumalik na ako at hinding hindi na ako mawawalay pa sayo." Sinapo ni Alex ang pisngi ni Brent saka hinalikan ito ng mariin na tinugon naman agad ng binata. "If I know what love is, it is because of you." Natigilan sa paghalik si Brent ng marinig sa kanyang isipan ang boses ni Alex. Bahagya syang lumayo dito at pinakatitigan ang diwatang pinakamamahal nya. "Ikaw ba yu - " dipa nya natatapos ang pagtatanong ng magsalita ulit sa isip nya si Alex. ' I love You ..Brent Red. ' Misteryosang ngumiti si Alex kay Brent at kumindat pa ito na ikinatawa nya ng malakas. Nahinto ang pagtawa nya ng biglang nagbago ang kulay ng mga buhok nila. Ang kulay puti nyang buhok ngayon ay kay Alex na at ang pula nitong buhok ay sa kanya na. Ni hindi sya nag komento, kasi kahit magbago man ang mga hitsura nila, ayos lang yun sa kanya basta't magkasama lang silang dalawa. "I love you if you only knew .. that's when we first met in the forest.. Alexis Martinez Red" Kasabay nun nagtagpo ulit ang kanilang mga labi. Parehong masaya, maligaya at kuntento na silang dalawa na magkasama. "To Love is nothing, to be loved is something.. to love and be loved is everything" ?❤ Brent & Alex ❤ Story - THE END - "Love recognizes no barriers. It jumps hurdles, leaps fences, penetrates walls to arrive at its destination full of hope" ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD