Chapter 13: Ball

3029 Words
Sa sumunod na araw ay naging abala si Mia sa pag deal ng mga taong dumadating sa bahay nila. May designer na may dalang sandamakmak na damit. May hairstylist din na may maraming tools at kinukulikot ang buhok niya. May makeup artist pa na hindi inaalagaan naman ang mukha niya. Nakaupo lang siya pero tila pagod na pagod siya sa pusposan na pinanggagawa ng mga ito. Kanina namang umaga ay may mga instructor pang bumisita, tinuroan siya kung paano umasal sa mga party, paano sopistikadang lumakad at makipag-communicate sa mga mayayamang posible na dadalo. Gabi na yata nang matapos ang mga ito. 'Yung katawan niya, kulang nalang pagbali-baliin. Tiyaka, kakatayo lang niya nang dumating ang mister niya. Saan naman kaya ito nanggaling at bakit ngayon lang ito nakauwi? Linggo naman, pero naglalakwatsa. Well, may nakalimutan nga pala siya. May kalaguyo nga pala ito at siya lang 'yung sampid. "Good evening." Like how she treated him ay 'yun din ang pakikitungo nito sa kaniya. Nagpapasalamat din siya dahil hindi siya nito kinukulit. "Magandang gabi." And she never dared to ask him how his day goes, kasi para sa kaniya ay hindi naman kailangan. Naka-roba lang siya at ang buhok niya ay naka-ayos na, pati ang mukha niya. She looked stunning and elegant, which she did not realize. On the other hand, Alexus was stunned by her upgrading looks. She wore a light makeup and for her plump lips are just a bit light lipstick that enhances the shape and color. Ang mga mata ay nadedepena ang pilik mata at ang kilay nito na manipis. Also, her face become lighter and became more innocent. "Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko?" At that moment, nasa hamba lang ng pintuan si Alexus at napapansin ni Mia na kanina pa siya nito tinititigan. Naiilang siya sa paninitig nito na tila ba tutunawin siya kung anumang oras. He blinked his eyes for about two times at pekeng tumikhim. "You look great." Tipid niyang sambit na ikina-salubong ng kilay ni Mia. "Talaga? Hindi ako panget?" Nakuryuso lang si Mia dahil kahit siya ay hindi makapaniwala sa naging mukha niya ngayong gabi. Parang hindi siya at sinapian lang siya ng kung anong modelong spirito sa nakaraan na hindi pa umaakyat sa ikalawang realm ng mundo. He smirked. "You're not. I guess, hindi mo ako maipapahiya ngayong gabi." Napatigalgal si Mia sa sinabi nito. Hindi pa siya nakapagsalita ay nakaalis na ito. Talaga bang iniisip nito na maipapahiya niya ito sa harap ng madla? Grabe naman ang asawa niyang 'yun. Hindi porket wala siyang alam sa mundo ni Alexus ay kaya niya naman sigurong makisama. "Psh!" Umirap nalang siya bago hinarap ang mukha sa salamin ng silid niya. "Ang ganda mo dzai! Kaya pagbutihan mo mamaya. Pag matapos ang araw na 'to ay uuwi ka na bukas. Makikita mo na ang nanay mo, alright? Fighting!" Pag-cheer niya sa kaniyang sarili bago tumayo at pinuntahan ang evening gown na susuotin niya. Nakasampay ito malapit sa bintana niya. A fitting off-shoulder in dark dazzling evening gown that could show a peek of her cleavage appears to her senses. Medyo kinilabutan pa siya dahil hindi naman siya sanay sa ganitong kasuotan. Isa pa sa mga problema niya ay kung papaano niya ito susuotin. Isang oras yata siyang nakatitig sa gown at mukhang wala pang plano na galawin 'yun kung hindi lang dahil kay Alexus na pumasok sa loob ng silid niya ay hindi siya aalis sa harapan no'n. "Is something the matter?" Tanong nito at tumigil lang sa harapan niya nang hinarap niya ito. "Wala na bang ibang choice na kasuotan? Hindi yata kasi 'yan kakasya sa'kin." Naiilang niyang wika at tinuro ang gown sa likuran niya. "There's none. Bakit hindi mo 'yan ini-reklamo kanina, kaya tiisin mo 'yang suotin." Napaka-lamig nito, doble pa sa treatment na ibinibigay niya dito. "Go on, get dressed. I'll wait for you downstairs." Saka lang niya napansin na nakabihis na pala ito sa itim na tuxedo. Mas lalo pang tumigkad ang kaguwapohan nito. Ang buhok ay malinis na nakasuklay patalikod at inilantad no'n ang makinis na noo ng asawa niya. Nag shave din ito ng bungot, pati labi nito ay nag-mistulang rosas sa pula. Kung hindi lang siguro ito lalaki ay mapag-kamalan niya itong nag-lipstick. "Don't be too long." Kapagkuwa'y tinalikuran siya nito at naglakad palabas ng silid niya. Napabuntong-hininga nalang siya dahil sa hindi niya talaga alam kung papaano 'yun isusuot. Hindi niya naman 'yun naisukat kanina dahil sabi ng designer ay nakaantala ang size niya sa nasabing gown. Alexus is waiting for her, patiently. Pero lumipas ang mahigit kalahating oras ay hindi pa rin bumaba si Mia. "What took her so long?" Tanong niya sa kawalan at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. But then, his phone vibrated. It was a message from denise. [I'll see you at the cruiseship, babe. I love you!] With flying kiss emoji sa dulo. Hindi siya nag-abala na replayan ito at nagtungo sa kuwarto ng asawa. Pagkapasok niya ay tumambad sa kaniya ang nanlulumong si Mia. Nakaupo ito sa dulo ng kama at nakayuko, animo'y may binubuhat na mabigat na problema sa kaniyang balikat. "What's wrong? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Malamig niyang tanong rito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya, her eyes were solemnly sad at sa nakikita niyang 'yun ay matutukoy niyang may problema. "What is it?" Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Hindi siya sinagot, kaya't lumuhod siya sa harapan nito at hinawakan ito sa magkabilaang braso. Pinagpantay ang kanilang mukha. "Tell me, anong problema?" Unti-unting nag-angat ng tingin si Mia kay Alexus, agad naman na nagtagpo ang kanilang mga mata at hindi rin naman gano'n ka layo ang agwat ng kanilang mga mukha. She pouted that tempts him to look closely into her lips. "Hindi ko kasi alam kung papaano yan... isusuot." Finally, at nasabi niya. Pero pagkatapos niyang magsalita ay naramdaman niya nalang ang paghawak ni Alexus sa kaniyang batok at inilapit sa mukha nito. Ang kasunod na nangyari ay ang paglapat ng kaniyang lab isa malambot nitong mga labi. She froze. When his lips move her mouth unconsciously make way for him. Masuyo siya nitong hinalikan at tila hinaharana nito ang kaniyang labi na magpadala. Napapikit si Mia sa kakaibang epekto na idinulot ni Alexus sa kaniya. Instead of pushing him away, she let him own her mouth and she didn't feel anything but security. Her heart instantly pondered. What's happening to her? Ilang minuto ang lumipas at pinakawalan din nito ang kaniyang labi. Pareho nilang hinahabol ang kanilang mga hininga as Alexus stared at her closed eyes. He was starstruck by her beauty kung praktikalan lang. She looked lovely when her eyes were closed. Pero nang dumilat ito ay agad siyang lumayo at tumikhim. "Next time, don't pout your lips if you don't want me to kiss you." Kalmadong sambit ni Alexus tiyaka naunang tumayo. Napakurap-kurap naman si Mia at napamaang pagkatapos. "Bakit ako ang kailangan mag-adjust? Kasalanan ko pa talaga na nalula ka sa ganda ng labi ko?" Walang kahiya-hiya niyang tutol. "Ikaw dapat ang mag-deal ng kahalayan mo at hindi ako." Dagdag niya tiyaka naiirita na tumayo. "Even if you try defending yourself, by the time that you will pout that plump lips of yours I will seal it with mine. Period." Bato din ni Alexus sa mababa at malamig na tono, animo'y hindi rin madaling maawat. Umirap nalang si Mia at naiinis na kinuha ang damit. "Gagawin mo ba akong shakoy sa damit na 'to? Ang sikip at ang lantad! Hindi mo naman siguro ako gagawing prosti, hindi ba?" Naiinis siya sa asawa niya, hindi man lang ba nasabihan nito ang designer na pinili na ayaw niya sa exposed na damit? Mukhang gusto pa siyang silipan. Talagang inilapit pa niya ang dress sa pagmumukha nito. Kalmado lang si Alexus at nag-krus ng mga braso sa malapad na dibdib. "Alright, dito nalang tayo sa bahay and don't assume na makakauwi ka sa inyu." Pinalidad niyang sabi at prenteng umupo sa upoan na nasa harapan ng vanity table. Nagtagisan sila ng tingin. "Aish! Buwesit jud uy! Sige na nga lang! Basta uuwi ako bukas na bukas!" Pagmamaktol niya pero wala namang magawa dahil 'yun ang requirement ng siraulo niyang asawa. Bakit pa kasi sa lahat ng trabaho na napili ng kaniyang nanay sa kaniya ay sa wife corporation pa! Hindi umimik si Alexus at tahimik lang na nakamasid kay Mia na hindi na magawang iguhit ang mukha dahil sa pagka-buwesit. Deep in his heart there lies the amusement. Pinipigilan niya lang ang ngumiti dahil ayaw niyang magpakita ng motibo. "Paano ba kasi ito susuotin? Tulongan mo nga ako!" In the end napapatayo si Alexus at tinulongan si Mia sa pagsusuot ng gown. "Damn! Bakit mo hinubad ang roba mo?!" Napapitlag si Alexus nang walang pagdadalawang isip na hinubad ni Mia ang roba niya. Nakapikit pa siya at mukhang ayaw pang manilip. Echos ng ogag na 'to. Kay babaerong tao maypa-pikit pang nalalaman. "Wear it back! Now!" Oh, tingnan mo kung makautos? Ang ganda kaya ng katawan ko. "Ayoko, ganiyan ka lang pikit ka. Ipasok ko lang ang katawan ko sa pisting gown na 'to. Huwag kang didilat kapag hindi ko sinabi." Gusto niyang tumawa dahil sa nakinig talaga ito sa kaniya. Naka-cycling shorts kasi siya at naka-tube naman sa pang-itaas, tanging tiyan at mga hita lang ang makikita pero mas mabuti na 'yung iwas kahalayan, baka hindi lang labi niya ang mahalikan. Mahirap na at maganda pa naman siya. "Dumilat ka na." Utos niya dito nang matapos niyang paghirapan na mai-kasya ang gown, hawak niya ang dibdiban ng gown. "Paki-angat na rin ng tube ko dahil padded naman ang gown na 'to." Dumilat naman si Alexus at agad na tumambad sa kamalayan niya ang makinis na likuran ng asawa. Napalunok siya. "Huwag ka mag-aalala, hindi ka makakasilip. Tatakpan ko ng maayos ang dibdib ko. Kaya bilis na." Nagdadalawang isip pa si Alexus pero dahil naaatat na si Mia ay napipilitan din siyang sundin ang gusto nito. Mula sa likuran ay paangat na inalis niya ang tube nito pero ang sabi ng kaniyang asawa na iigihan nito sa pagtago ng dibdib ay nakikita niya pa rin ang hubog no'n mula sa gilid. It made his head ache. "Paki-kabit na rin nitong kwentas." Matapos e-zipper ni Alexus ang gown mula sa likuran ay ibinigay naman ni Mia ang kwentas kay Alexus at inutosan ito na ikabit. Habang si Mia ay isinuot ang earrings. "Salamat." Mas nade-depena pa at nag glow-up pa si Mia sa ayus niya. Ang damit na suot niya ay yumakap sa magandang hubog na katawan ni Mia, may mahaba pa itong slit sa may hit ana hindi niya agad napansin. Hindi lang cleavage niya ang expose kundi pati na rin ang maganda niyang hita. Pero bahala na, para sa ikakabubuti ng ekonomiya at makauwi siya. Pagkarating nila sa venue ay napapatigalgal si Mia sa sobrang pagkamangha. Isang malaking barko lang naman ang pupuntahan nila. Pagbaba niya pa lang sa kotse ay sinalubong na kaagad siya ng malamig na hangin. Pero hindi naman siya sly kaya't hindi rin siya nagpahalata na giniginaw siya. "Ang laki ng barkong 'to. Anong tawag nito?" Hindi niya mapigilan ang sarili kundi ang magtanong nang papasakay na sila. Binabati pa sila ng mga nadadaanan na staffs. Marami na ring tao at ang malamyos na musika kasabay ng nagsasayang tao na nagsasayawan ay bumungad din sa kanila kalaunan. "This is a cruise ship we're heading to Paris so I'm gonna tell you that we can't go to your hometown by tomorrow." Napatigil sa paglalakad si Mia at hindi makapaniwala na tiningnan si Alexus. "Anong sabi mo?" Tumigil din si Alexus at binalikan siya. "I lied." Tiyaka siya hinatak papunta sa grand staircase patungong itaas. "Ayoko ng sumama, uuwi na ako sa bahay natin." Pagmamatigas niya at binawi ang braso mula kay Alexus. Pero bago pa siya makalayo ay naramdaman niya nalang ang sarili na umangat. "Uuwi ako, Alexus. Hindi ako masaya!" She hissed, but he doesn't mind. "Darn! Ibaba mo ako. Kung gusto mo mag Paris, sige doon ka. Dito lang ako sa Pilipinas!" Sa lakas ng boses niya ay halos lahat ng mata ay nakatuon na sa kaniya and like him, she doesn't care basta ibaba lang siya ni Alexus. Pero nakasakay nalang sila ng elevator ay hindi pa rin siya nito ibinaba. Sa iritasyon niya ay kinagat niya ito sa balikat, pero hindi man lang ito nag-react hanggang sa pumasok sila sa isang kuwarto at ibinaba siya sa kama. "Dito ka lang, huwag kang aalis." Anito at lumabas. Pero hindi naman siya preso noh! Kaya lumabas din siya. "Did I just tell you na huwag kang lumabas?" There's danger in his voice but she never blink. "Balik ka do'n." Utos nito na inirapan niya lang at nauna pang pumasok sa elevator. "Ayoko. Isinama mo talaga ako dito para ikulong lang sa kuwarto? Baliw ka ba? Preso mo ako, gano'n? Sana nalang pala ay hindi mo na ako dinarag dito." Pake ba niya kung maiinis ito sa kaniya. Galit naman siya dahil sa pagsisinungaling nito. "Alam mo, ang ayaw ko sa lahat ay 'yung sinungaling. Nagngingitngit ang paningin ko, pati dugo ko kumukulo." Alexus was about to talk back to her nang naunahan siya ni Mia na magsalita at parang isang tubig na kumukulo mula sa takuri ay bumuhos sa kaniya para mapatahimik. It was because he lied. He never tell her about Denise at saan siya nagpunta no'ng gabing 'yun. Tahimik lang sila hanggang sa makababa doon sa may ball space sa lugar na may maraming nagsasayawan. "Hey, man. Buti nakadalo ka?" Hindi niya na-appreciate ang ganda ng lugar dahil sa inis niya kanina kay Alexus. Habang nakatayo sa tuktok ng hagdan at nakatunghay sa mga tao na nagsisiyahan. There were a long buffet table sa isang sulok kung hindi saan pwede ka kumuha ng mga pagkaing gusto mo. The place is lighted with the mix of gold and silver, making the place look angelic. "It was you who invited me, I reject you once and I will be rude if I reject it twice." Sagot ni Alexus sa isang malamig na boses. Napansin niya ang paghiwalay ng asawa niya sa kaniya kaya't sinilip niya ito at nakita na nasa tuktok ng hagdan at nakahawa sa barandilya. "Ah-huh!" Kung saan nakatingin si Alexus ay sinundan din ng kausap ang paningin niya. "Sino siya? Girlfriend mo?" Ibinalik ni Alexus ang tingin kay Thompson, kapatid ito ng kaniyang matalik na kaibigan na si Thomas. "She's my wife." Napa, "Oh..." Ito sa pagkagulat. "Such a beautiful lady. Pero hindi ko alam na nag-hiwalay na pala kayo ni Denise. Anong nangyari ba?" Mukhang kuryuso din ito na hindi niya gustong sagutin. "A complicated story, I don't want to reminisce." Hindi na nakakagulat na may maraming nakaalam sa kanila ni Denise hindi lang naman dahil sa isang controversy lumabas ang relasyon nila kundi pati ang tungkol sa kasal na hindi natuloy dahil sa isang ambush. Ang alam ng nakakararami ay nag-hiwalay sila dahil do'n. Pero ang totoo ay nililimitahan lang nila ang kanilang sarili na magkita para umiwas sa posibleng panganib. Pero hindi kagaya ng paniniwala na nakararami ay gano'n ang paniniwala ng mga tao na nakapalibot sa anino ni Alexus. Some were suspicious of their break up. Iniwanan ni Alexus ang kausap at nilapitan ang asawa. Hindi na nagulat si Mia nang may yumapos sa bewang niya. Tahimik lang siya, dahil naiinis pa rin siya dito. "Are you still mad at me?" Pabulong at masuyong tanong ni Alexus sa kaniya. "Kalimutan mo na. Basta pag-uwi natin, sasamahan mo ako sa Cebu." Ang pagka-disgusto sa boses ni Mia ay nahihimigan pa rin ni Alexus. "I will." Sa sagot lang nito ay na-kalma na siya nito. Mukhang sa pagkakataong ito ay totohanin na nito ang hiling niya. "Let's go down, and eat." Nagpa-tangay nalang din si Mia dito at magka-dikit na bumaba. Nagmumukha silang sweet and daring husband and wife. Halos naoapatingin ang lahat sa hagdanan at nakita kung gaano ka nakaka-inggit ang simpleng pagngingitian ni Mia at Alexus sa isa't-isa, when in fact pagkain lang naman ang pinag-uusapan nila. Isa na roon si Denise na kakarating lang. Bumungad sa kaniya ang naturang eksena at kaagad na dumilim ang kaniyang paningin. "Hey, darling." Naka-arko ang kilay ni Denise nang binalingan niya ng tingin si Thomas. Ngumisi at humalakhak naman si Thomas, "You looked jealous, huh?" Tila inaasar siya nito na pinaikutan niya lang ng mga mata. "Remember what you told me before, Denise. Panindigan mo dahil hindi ako marunong sumauli ng bagay na inagaw ko na." Ani ni Thomas at mariin siyang hinapit at dinala sa buffet kung nasaan ang couple of the night na si Alexus at Mia. I don't love Alexus, I only want his money and power. Yan ang sinabi niya kay Thomas, at dahil sobra siyang gusto ni Thomas na handang-handa gawin ang lahat para sa kaniya ay pinikot niya ito. Pero dahil hindi simpleng baliw si Thomas, nakulong siya rito at bantay-sarado. "Look, who's here!" Abala sa pagkukuha ng mga pagkain sila Mia at Alexus nang mapatigil sila pareho at mapalingon sa tumawag. "Thomas" Sambit ni Alexus at sinundan naman ni Mia ng tingin ang tinawag nito. Sumalubong naman sa kaniya ang isang lalake na Moreno, at may tattoo sa mukha. May hitsura din ito at naka-clean cut ang buhok nito, nade-depena pa ang naturang hubog ng maskuladong katawan dahil sa fitted tuxedo. "Bro, buti naman at sumipot ka na!" Mukhang kaibigan ito ni Alexus dahil sa nakikipag-man to man hug ito dito. "Yeah, I made it this time." Hindi lang din nalalayo ang agwat ng tangkad ni Alexus at ito. Kung ipagkumpara ay mas malaki ang katawan ng kaibigan nitong si Thomas, pero dahil sa sobrang pag-ehersisyo ay nag-mistulang panget ang pigyura nito dahil sa hindi balanse. Unlike kay Alexus na sakto lang at timbang lang ang hubog ng katawan. "Kailan nga tayo ulit nagkita? Last week? Or last last week?" Tahimik lang si Mia at babalik na din sana para kumuha pa ng pagkain nang mahagip ng paningin niya ang isang babae na nasa tabi nito. "Hi babe..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD