"Kumain ka na, baka ma-late ka pa sa appointments mo ngayong araw." Kasalukoyang naghahain si Mia ng mga pagkain sa hapagkainan at mabibilis ang kilos na ginagawa para kay Alexus na may pasok ngayong araw. Definitely, wala siyang alam na si Alexus ang may hawak sa sarili nitong schedule. He can absent or go to work every time he felt.
"You don't have to hurry, wife. You can take your time." Napansin ni Mia na hahawakan siya ni Alexus sa braso kaya't inunahan niya ito sa paglayo upang makaiwas. Hinubad ni Mia ang kaniyang apron at isinampay muna 'yun sa katabing upoan.
Muling kumunot ang noo ni Alexus sa naging pag-iwas ng asawa niya. Iniiwasan ba talaga siya nito? For what reason?
"Sige na, kain na." Wika ni Mia at umupo sa katapat na upoan ni Alexus. Dahilan kung bakit nagugulohan ng husto si Alexus dahil hindi naman do'n umuupo ang asawa kundi sa tabi niya. Imbes na magtanong ay tahimik na lamang siyang kumain. Ni nauna nga itong matapos kaysa sa kaniya at tumatkbo papunta sa itaas dahil ihahanda daw nito ang kaniyang isusuot para sa trabaho.
Habang naghahanda ng mga isusuot ni Alexus ay panay ang pagbuntong-hininga ni Mia. Alright, kaya mo 'to Mia. Pagtiisan mo nalang. Sabi niya sa kaniyang sarili at inilatad na ang mga damit sa kama. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa umakyat si Alexus kaya lumabas siya at sinilip ito mula sa ikalawang palapag. Pero gano'n nalang ang gulat niya nang makita ito sa lababo na kaharap lang ng island counter at naghuhugas.
"Alexus! Ako na diyan." Tawag pansin niya dito at tumakbo pababa. "Tabi na, magbihis ka na do'n. Takneneng, bakit ka ba naghugas?" Aniya at kinabig si Alexus paalis. May mga bula pa ang kamay nito na siya na rin ang naghugas. Samantalang tahimik lang si Alexus habang tinitingnan ang asawa niyang hinuhugasan ang kamay niya. Tapos no'n ay hindi siya umalis kaya ito na rin ang nagtulak sa kaniya papunta sa kuwarto niya. Para lang silang timang na naglalaro ng tren-tren. "Maligo ka na. Sa baba lang ako." Agad din naman itong lumabas nang maihatid siya sa kuwarto. Marahan niyang sinuklay ang sariling buhok at natatamad na tinungo ang banyo. Something's really going on here, and he doesn't know what it was.
Timing na tapos na si Mia sa pagliligpit ng dining ay natapos rin si Alexus at pababa na. Kagaya kanina ay wala pa rin itong imik. Hinatid niya ang asawa sa kotse, kagaya ng ginagawa niya araw-araw sa tuwing papasok ito sa trabaho. "Ingat ka sa biyahe, galingan mo rin sa trabaho. Bye!" Hindi pa nga nakaalis si Alexus ay tumakbo na siya pabalik sa loob ng bahay na para bang may pinagtataguan.
"Master, maayos lang ba si Madam?" Tanong ni Jeff habang tinitingnan ang kaka-sara lang na pintuan ng bahay.
"I don't know either."
Jeff made a scorn expression in the face, "That's odd. Iniiwasan ka ba niya? It's not like ganiyan siya kahapon at sa mga huling mga araw." Hindi lang pala si Alexus ang nakapansin, pati si Jeff na medyo nanibago sa inakto ng asawa ng kaniyang amo.
"What do you think is the reason why she avoided me, Jeff?" Seryosong pagtatanong ni Alexus sa personal staff niya.
Napapaisip naman si Jeff, at dahil wala siyang alam masyado patungkol sa relasyon, "Wait, let me search about it. Master." They didn't leave the house just yet at naghihintay ng sagot mula sa magiging research ni Jeff. "Ang sabi dito, Master. Kapag iniiwasan ka raw ng babae, marahil ay galit siya sa'yo? Galit ba siya sa'yo, Master?"
Sa pagkakaalala naman ni Alexus ay hindi galit ang asawa niya sa kaniya kaya umiling siya, "She's not."
"Okay, ito. Ang sabi, may strong sensibility daw ang mga babae lalo na sa mga may asawa na. They can feel something inferior tungkol sa mga asawa nilang nagloloko—" Hindi nagawang maituloy ni Jeff ang kaniyang sinasabi nang awtomatikong tumuon ang kaniyang paningin sa kaniyang amo na walang kaemo-emosyon sa mukha habang nakatingin pa rin sa nakasaradong pintuan ng bahay nito.
Alexus can feel Jeff's glare, "I was not home last night. I went home early in the morning and she was awake." Malamig niyang rason habang kitang-kita naman ni Jeff ang nagtatagis nitong bagang.
"Uhm, should we ask the twins about the Madam's activity the whole day?" Jeff doesn't want to offend his boss kaya minabuti niyang ibaling ang atensyon sa ibang paraan.
"Ask them."
'Yun nga ang ginawa ni Jeff, bumaba siya sa kotse at tinanong ang dalawang bantay na magkakapatid.
"Wala namang ginagawa si Boss Madam na kakaiba. Maliban nalang sa paghihintay niya kay Master kagabi. Ala una pasado na yata namatay ang ilaw sa sala kaya masasabi namin na late na siyang natulog." Pahayag ni Kent.
Sumingit naman si Ian. "Pero, Jeff. Pwede naman nating tingnan sa CCTV para mas convenient ang impormasyon."
Sa tingin naman ni Jeff ay may point si Ian kaya't bago siya bumalik sa sasakyan ay humingi siya ng kopya ng footage na nangyari kagabi. Tiyaka 'yun ipinakita kay Alexus. "Seems like the Madam has been waiting for you to come home last night, Master. Late na rin ng umakyat siya sa kuwarto niya." Pahiwatig niya rito bago pinaandar ang kotse. Nakita ni Alexus kung paano nagpapaka-busy si Mia dis-oras ng gabi. Mukha naman itong natutuwa sa ginagawa but seeing her yawning simultaneously was the evidence of her na inaantok na ito.
But then a certain call made his brow arch. Who is she was talking with? And why does she looked annoyed? She was mumbling something na hindi niya matukoy pero mukha itong nabuwesit. At mukhang dahilan rin kung bakit nito nilisan ang sala.
Sinubokan niyang e zoom-in ang video pero malabo ito kaya hindi niya nalaman kung sino ang kausap nito sa cellphone. May iba kaya itong kinakausap maliban sa kaniya? Kung oo, sino naman?
"Try to identify the caller who she was talking. I need an answer before tomorrow ends."
"Yes, Master."
Pagdating naman sa H&T Real estate company sa mismong kompanya ni Hunt ay nadatnan ni Alexus ang isa pa niyang kaibigan na si Khairro.
"Oh? Look, who's here!" Natatawang sambit ni Khairro sabay tayo para salubongin si Alexus. "Goodness, Czar. Are you here for a consultation too?" Makaloko nitong dagdag at inakbayan si Alexus na hindi naman kumuntra.
Lumingon naman sa banda ni Alexus at Khairro si Hunt na nagmumukha ring problemado. Pati tuloy si Alexus ay na-kuryuso imbes na siya rin itong may sariling problema. "Oi, Khairro. Tumahimik ka nga. Sakit mo sa tenga!" Sita ni Hunt na medyo iritadong umupo sa swivel. Tiyaka binalingan ng tingin si Alexus na umupo sa pang-isahang sofa. "Alexus, anong ginagawa mo dito sa opisina ko sa ganitong oras? Wala naman tayong meeting na kailangang pag-usapan."
Alexus just sigh, "I think I need your advice." Kilalang babaero si Alexus dati. Ni kahit napaka-tahimik nito ay sekreto lang lumabok. Nagulantang nga ang dalawa dahil sa nalaman. Mostly pa sa mga babaeng nai-kama ni Hunt ay dumaan na kay Alexus. He was anxious because of that. Pero sabi nga, past is past.
Lumitaw na naman ang nakakairitang halakhak ni Khairro. "Babae ba, Czar?" At ang torpeng si Alexus na malakas sumulong sa iba't-ibang ilog ay tumango, for the very first time na nagbabahagi ng problema sa isang babae! "Woah! Himala!"
Pati si Hunt ay napapatayo, "Are you serious? Dahil ba talaga 'yan sa babae?" Hindi makapaniwala na tanong nito.
Pumagitna naman si Khairro, "Alam ko kung sino 'yan, 'yung fiancé mong si Denise noh?" Paghuhula ni Khairro sa isang dismayadong tono. Simula't sapol kasi nang makilala niya ang fiancé ng kaibigan ay hindi na niya ito gusto. Hindi niya mapangalanan pero hindi niya naman maikakaila na kahit pilitin pa niya ang sarili na magustohan ito ay hindi pa rin talaga.
"Si Denise ba 'yan, bro? Bakit? Ano ba ang nangyari? Nag-away kayo?" Nagtungo si Hunt sa couch na inuupoan ni Khairro at sabay nilang tinitingnan si Alexus na animo'y mga imbestigador o marito kung malala.
Alexus bit his lower lip as well gathering his hands together. "It's not her."
Awtomatikong namilog ang mga mata nito kasabay ng mariin na paglunok. "You mean, a different girl?"
"Ibang babae?" Halos magkasabay ang dalawa na nagtanong. Ang kani-kanilang mga problema ay parang naipagsawalang bahala muna dahil kay Alexus.
Walang kaemo-emosyong tumango si Alexus, "I have a wife."
---
SA kabilang banda ay kakatapos lang maglinis ng bahay si Mia at ngayon ay sinubokan na makahanap ng contact sa nanay niya. Pero wala pa rin siyang napala dahil sa wala naman 'yung cellphone na maaari nitong magamit para makapag-usap sila. Mag-iisang buwan na at nami-miss na niya ito. Gusto na niyang umuwi at makita ang nanay niya pero wala pa kasi siyang natanggap na in-voice kay Alexus. Ayaw niya naman itong stressin dahil sa pagod ito araw-araw.
Inilagay niya ang cellphone sa drawer ng bedside table niya saka napagpasyahan na mag-swimming nalang sa ibaba. Wala naman siyang ginagawa.
Hapon na ng magsawa siya at kasalukoyang nagpupunas ng kaniyang buhok nang may biglang pumatong sa kaniyang mga kamay at iginiya iyon para patuyoin ng maigi ang kaniyang buhok.
"Are you bored?" She stilled the moment she heard Alexus spoke. "I got off early today, so I went home immediately." Na para bang normal lang dito na makipag-usap sa kaniya? Hindi ba ito nababahala na baka magalit nito ang sariling kasintahan? Bakit ba ito umuwi sa kaniya, kung pwede naman siya nitong tawagan every moment na kailangan siya nito?
"Hindi naman ako nabuburo dito. Ikaw? Dapat nag-aksaya ka muna sa labas kasama ang mga ka-trabaho mo bago ka umuwi." Inagaw ni Mia ang tuwalya at nauna ng naglakad papasok sa bahay. Tumutulo pa ang kaniyang basang damit sa sahig na kaniyang nadadaanan. And she could feel him entailing her.
"I have no one to spend the remaining hours of my day, so I went home to give it to you." Sinungaling. The initial impression of her mind says. Tumuloy siya sa kuwarto niya at dire-diretso lang sa banyo. Neither did she notice that a certain changes had change from her na siyang nahahalata ni Alexus.
He wants to ask her about the worries which pushes her to avoid him, pero papaano? Papaano siya magtanong kung pati siya ay wala namang karapatan? Dapat pa nga ay umiiwas din siya dito, pero ano itong ginagawa niya?
Sa paglabas ni Mia ay nakabihis na siya at nasa kuwarto niya pa rin si Alexus. "Magluluto na ako ng haponan natin." Tiyaka siya lumabas at hindi na ito hinintay pa na magsalita.
She was in the kitchen when he settled in the dining. Silently observing her while she cooks. Ilang sandali pa ay natapos na ito at pinaghain na ng masarap na pagkain. This time, ulam nila is adobo na may homemade gravy. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at tanging mga kubyertos lang nila ang maririnig na nag-iingay dahil sa pagsalpok ng kutsara at tinidor sa plato.
"There will be a party that I have to attend tomorrow night. I need you with me." Kasuwal niyang pagpapaalam kay Mia na tahimik lang na ngumunguya ng crunchy taba ng baboy. When in fact, he wants to ask her, 'Don't you want to talk to me about how my day goes?' Hindi siya sanay sa pagbabago nito.
"Sige, paghahandaan ko. Ihabilin mo nalang sa iilang tao mo para hindi ko na kailangang lumabas ng bahay." Nginitian siya nito bago binalingan ang pagkain.
At the back of his mind, naalala niya ang mga pinag-usapan nila ng mga kaibigan niya. They're very shock to know na may kasama siyang ibang babae. Sinabi niya rin sa mga ito na asawa niya ang kasama niya at hindi ang fiancé niya. Napiga pa siya ng mga loko-loko niyang mga kaibigan pero sa huli ay binigyan siya ng mga ito ng privacy.
"Baka ang problema talaga diyan ay hindi mo siya pinagbibigyan sa gusto niya." Suhestiyon ni Khairro pagkatapos ay humalukipkip. "I'm very curious with your wife, buddy. What does she look like?" Dagdag nito at pinakatitigan siya.
"Oh kaya, masyado kang cold." Si Hunt naman ngayon ang nag-komento. Kasabayng paghilig sa hiligan ng couch. "And I also think, you're cheating. Alam mo naman ang mga babae ang talas ng kutob."
Parehong may punto ang dalawa, so Alexus thought that it was because he spent outside last night. Hindi niya rin naman sinabi ang tunay na rason kung papaano siya nagkaroon ng asawa nang kaka-sira lang ng kasal niya last month dahil sa isang ambush.
Matapos ng naging usapan na 'yun ay tahimik lang din siyang umalis at hindi pa nag-abala pang magpaala. Leaving his friends in awe and confused.
"I allow you to go home, Mia." Parang isang signal kay Mia ang sinabi ni Alexus sa kaniya. Nilingon niya ito na may galak sa kaniyang mga mata.
"T-Talaga?" She needs assurance baka magbago na naman ang isip nito. Tumango ang asawa sa kaniya. Napapangiti siya at nagpalapak pa dahil sa saya na nadarama.
"But I will be with you."