Chapter 2

1590 Words
PAGPASOK ni Aria sa loob ng bar ay agad na tumambad sa kanya ang ingay ng tugtugin at sigawan ng mga party goers na nasa gitna ng dance floor. Nasisilaw din siyasa mga nagkikislapan na ilaw. Gayunmam ay pilit pa din niyang inilibot ang tingin sa loob ng bar para hanapin si Sanya at ilan sa mga kaibigan niya pagkapasok niya sa nasabing establishemento. At sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang mga kaibigan na nasa sulok ng bar. Mukhang siya na lang ang hinihintay ng mga ito dahil siya lang ang wala do'n. Kompleto na sila. At mukhang uulanin na naman siya ng sermon ni Sanya dahil late na naman ang dating ko. Handa naman na din siya sa isasagot niya sa kaibihan kapag sesermonan siya nito. At dahil hindi natuloy ang dinner date nila ni Angelo ay sumama na siya sa lakad ng mga kaibigan. Wala naman na siyang ibang gagawin sa condo niya kaya naisipan na lang niyang sumama sa lakad ng mga ito. Tinawagan din niya si Angelo para magpaalam sana na sasama siya sa mga kaibigan sa bar pero un-attended ang numero nito, mukhang busy ang boyfriend niya. Kaya tinext na lang niya ito para magpaalam, mababasa din nito ang text niya once na maharap na nito ang cellphone. Sasabihin sana niya din niya na nakita niya ang kakambal nitong si Aiden at ito ang nakita niyang na-aksidente kanina pero hindi na lang niya ginawa. Kapag nagkita na lang sila ng personal niya sasabihin. At baka by now, ay magkasama na ang kambal. Iyon naman ang reason nito kung bakit na-cancel ang date nila. Hindi din niya napigilan sisihin ang kambal nito kung bakit hindi natuloy ang dinner date nila ni Angelo. Kung sana ipinaalam nito sa pamilya nito ng maaga na nasa Pilipinas na ito, eh, hindi sana nagpasama ang Mama nito kay Angelo na puntahan ito. Tumuloy na din si Aria sa pupuntahan kahit na hindi nag-reply sa kanya si Angelo. Alam naman kasi niya na hindi siya nito pagbabawalan sa gusto. Isa iyon sa nagustuhan niya kay Angelo, hindi siya nito sinasakal. She can do whatever she want. Hinahayaan siya nito dahil may tiwala ito sa kanya. At gayon din siya dito. He trust him, too. Kaya siguro going strong pa din ang relasyon nilang dalawa. Nagpatuloy naman na siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa mesang kinaroroonan ng mga ito. "I'm sorry, I'm late, guys," hingi niya ng paunmanhin sa mga kaibigan. Napansin naman niyang tumuon ang atensiyon ng mga ito sa kanya. Nginitian naman niya ang mga ito. Pagkatapos ay umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Sanya. “Akala ko ay natuloy ulit ang dinner date niyo ni Angelo. Akala ko ay hindi ka na darating. You’re 30 minutes late,” wika ni Sanya ng tumingin ito sa kanya. Na-late siya dahil umuwi pa siya sa kanyang condo para maligo at magpalit ng damit. At medyo na-traffic din siya sa pagpunta niya do'n kaya medyo nahuli siya ng dating. Kumibot-kibot naman ang kanyang labi bago siya ngumiti. “Well, maraming namamatay sa maling akala,” wika niya sa natatawang boses. Nakangiting iiling naman si Sanya sa sinabi niya. Dinampot nito ang isang bote ng San Miguel Light at inabot nito iyon sa kanya. “Here," wika nito sa kanya. "Kanina ka pa namin hinihintay. Nakadalawang bote na kami," sabi nito sa kanya. “Thanks.” wika niya ng kunin niya iyon sa kamay nito. Pagkatapos ay uminom siya sa hawak na bote. Naramdaman pa niya ang pait sa kanyang lalamunan ng uminom siya sa hawak na alak. “Excuse me, guys.” Napatingin si Aria sa isa nilang kaibigan na si Kaileen ng kunin nito ang atensiyon nila. Napansin niya, lahat ng atensiyon ng mga kaibigan ay tumutok na rito. Nakita ko ang matamis na ngiti na nakapaskil sa kanyang labi sa sandaling iyon. “And since, Aria is already here I have an announcement to make,” wika nito mayamaya, napansin din niya ang ningning sa mga mata nito sa sandaling iyon. Mukhang good news ang i-a-announce nito base na din sa reaksiyon ng mukha nito. “Anong i-a-announce mo?” tanong ni Sanya rito. Lahat sila ay naghihintay sa sasabihin nito. At lahat din sila ay mababakasan ng kuryusidad. Ngumiti si Kaileen ng matamis. Pagkatapos ay itinaas nito ang isang kamay. Iginalaw-galaw pa nito ang daliri. oarang gusto nitong tumingin sila do'n. Tumutok naman ang tingin nila sa kamay nito, lalo na sa daliri nito. At do’n nila napansin ang isang one carat diamond na suot nito. “I’m getting married,” nakangiting anunsyo nito sa kanila. Ang lawak-lawak ng ngiti nito at abot din iyon sa mata nito. “Oh, my god!” “Oh!” “Wow!” Halos sabay-sabay nilang bulalas na magkakaibigan. Iba-iba din ang kanilang reaksiyon sa anunsyo nito. Pero lahat sila ay masaya sa kaibigan, kasi kahit na two years lang ang relasyon nito kay Kiel ay ikakasal na agad ang mga ito. Well, saksi naman sila sa pagmamahalan ng dalawa. And Kiel is very much in love with Kaileen. At ganoon din ang kaibigan nila. Kitang-kita kasi nila ang pagmamahalan ng dalawa kapag magkasama ang mga ito. “Congratulations, Kaileen.” nakangiting wika niya rito. “I’m happy for you," pagpapatuloy na wika niya. She was indeed happy with her. Nag-kanya-kanyang bati din ang ilan sa mga kaibigan niya kay Kaileen. Ang iba ay tinatanong kung kailan ang big day nito na agad naman sinasagot ni Kaileen. Mayamaya ay napatingin siya sa katabing si Sanya ng sikuhin siya nito. “What?” tanong niya rito ng sulyapan niya ito sa kanyang tabi. Kinunutan naman niya ito ng taasan siya nito ng isang kilay. Napansin din niya ang naglalarong ngiti na nakapaskil sa labi nito. Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Ikaw?” wika nito sa kanya na may ngisi sa labi. Bahagya na naman kumunot ang noo niya. “Anong, ako?” balik tanong niya. Hindi kasi niya ito maintindihan sa sinasabi nito. “Kailan naman kayo ikakasal ni Angelo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Sanya sa kanya. Napanguso naman siya sa sinabi nito. "Eh, hindi pa nga siya nagpo-propose sa akin," wika niya dito. Nakangiting inilapit naman ni Sanya ang mukha sa kanya para bumulong. "Kung hindi pa nagpo-propose. Unahan mo na. Ikaw na ang mag-propose sa kanya. Uso na din na ang babae ang unang magpo-propose," natatawang bulong nito sa kanya. "Para maiba naman," dagdag pa na wika nito. Nakangiting iiling naman si Aria sa sinabi ni Sanya sa kanya. Ayaw naman niyang siya ang unang mag-propose sa boyfriend niya. Gusto naman niyang si Angelo ang unang mag-propose sa kanya. Gusto niya kapag yayayain siya nitong magpakasal ay hindi dahil pini-pressure niya ito. Ang gusto niya ay iyong bukal sa puso nito ang pagpapakasal. Hindi naman kasi biro ang pagpapakasal. Gaya nga ng madalas na sinasabi ng ilan na, ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo kapag napaso ay iluluwa. Hindi iyon ganoon. It was lifetime commitment. Kaya kailangan iyong pag-isipan na mabuti bago nila pasukin ang pagpapakasal. Pero sa totoo lang, kapag mangyayari iyon. Kapag yayain siya ni Angelo ng kasal ay tumataginting na 'Yes' ang isasagot niya. Ready naman na siyang lumagay sa tahimik. She was now twenty seven years old. Noon nga ay dream age niya para magpakasal ay twenty five years old. Two years nang na-delay ang dream age niya for marriage. Kinuha naman ni Aria ang bote ng San Miguel Light at tinungga niya iyon hanggang sa maubos niya. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin ng may lumapit na waiter sa table nila. Napansin niya na ang tingin nito ay nakatutok sa kanya. “Yes?” tanong naman niya sa waiter, mukhang may gusto kasi itong sabihin sa kanya kung bakit ito lumapit sa kanya. “Good evening, Ma’am.” nakangiting wika nito sa kanya. Pagkatapos ay inabot nito sa kanya ang isang wine glass na naglalaman ng margarita. “May nagpapabigay po,” sabi nito sa kanya mayamaya. Kinuha naman niya ang inaabot nito out of courtesy. “Sinong nagpapabigay?” tanong naman niya. "Iyong lalaking nakaupo po sa harap ng bar counter," sagot nito sa kanya sabay turo sa dereksiyon ng bar counter. Sinundan naman niya ang tinuturo nito. Aria narrowed her eyes para makita niya kung sino ang tinuturo nito. At bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kakambal ni Angelo na nakaupo sa may bae counter. Ang kakambal ba ni Angelo ang tinutukoy ng bartender na nagbigay ng wine glass sa kanya? At nang magtama ang mga mata nila ay itinaas nito ang hawak nitong wine glass bilang pagkakilala. Mukhang tama siya, ito nga ang nagbigay ng alak. "It's that, Angelo?" mayamaya ay tanong ni Sanya sa kanya. Mukhang tiningnan nito ang tinitingnan niya. Inalis naman ni Aria ang tingin sa lalaki at inilipat niya iyon kay Sanya. "No. He is Aiden, twin brother ni Angelo," sagot niya sa kaibigan. "Oh, he really looks like, Angelo," komento nito sa kanya. Tumango naman siya. Magkamukha naman talaga ang dalawa."Identical twins kasi sila," sagot ulit niya. Pagkatapos ay binalingan niya muli ang waiter. "Pakisabi, salamat dito," wika ko sabay taas sa hawak ko na wine glass. “Okay, Ma’am.” wika nito bago ito umalis sa harap nila. At nang tumingin siyang muli sa dereksiyon ng bar counter ay nakita niya na nakatitig pa din ito sa dereksiyon niya. Nagkibit-balikat na lang naman siya na inalis ang tingin sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD