bc

The Substitute Husband

book_age18+
14.9K
FOLLOW
101.7K
READ
escape while being pregnant
second chance
manipulative
drama
bxg
betrayal
first love
secrets
surrender
husband
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG! Not suitable for young readers!

Aria Victoria is about to marry the man of her dreams. And it was Angelo Rodrigo

Wala namang problema sa naging kasal nilang dalawa maliban na lang sa hindi pagdating ng bestman na Twin Brother nito na si Aiden. Hindi kasi agad ito nakauwi galing sa California. Gayunman ay natuloy pa din ang kasal nila ni Angelo.

Naging mabuting asawa naman si Aria Victoria kay Angelo. Ginampanan niya ng maayos ang tungkulin niya bilang asawa nito. Naging masaya ang buhay may-asawa nilang dalawa ni Angelo. At lalo pa niya itong minahal sa mga araw na lumipas. Mas minahal pa nga niya ito simula noong asawa na niya ito kaysa noong boyfriend pa niya ito.

Pero ang sayang nararamdaman nila ay may katapusan nang may ma-diskubre siyang lihim na ikakadurog ng puso niya.

Hindi pala si Angelo ang lalaking kasama niya sa harap ng altar na kapalitan niya ng wedding vows. Hindi pala si Angelo ang lalaking kasama niya sa iisang bubong. Kundi ang Twin Brother nito na si Aiden.

Si Aiden na naging...

Substitute Husband.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BINAGALAN ni Aria Victoria ang pagpapatakbo ng kanyang kotse ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng dashboard para tingnan kung sino ang caller niya sa sandaling iyon. At hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita at mabasa niya na ang boyfriend na si Angelo ang tumatawag sa kanya. Mabilis naman niyang kinuha ang bluetooth headset at sinagot ang tawag nito. "Hi, babe," bati niya kay Angelo. 'Babe' ang endearment nilang dalawa sa isa't isa. At kahit na hindi siya nito nakikita ay nakangiti siya. Masaya kasi siya na tumawag si Angelo sa kanya. Ganoon talaga kapag in-love ang isang babae. Para nga din siyang teenager na kinikilig pa habang kausap ang boyfriend. Iiling na lang si Aria sa naisip. "Hello, babe," bati din nito sa kanya. She bit her lower lips as she heard him voice. "Hmm...napatawag ka?" mayamaya ay tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. "Well, tumawag ako para sana sabihin na i-cancel ang dinner date natin na dalawa," sabi nito sa kanya. "Oh," sambit niya, pilit niyang itinatago sa boses ang disappointment na nararamdaman ng sabihin nitong ika-cancel nila ang dinner date nila. Excited pa naman siya sa dinner date nilang dalawa ni Angelo. Maaga nga siyang nagsara sa Pet Shop na pag-aari niya para may oras pa siyang mag-ayos. Hindi nga din siya sumama sa lakad ng kaibigan niya kahit na ang mga ito ang unang nagyaya na lumabas. Um-oo siya noong una siyang yayain ng mga kaibigan na mag-unwind pero noong yayain siya ni Angelo na kumain sa labas ay um-oo siya dito. Tinawagan din niya ang mga kaibigan na hindi siya makakasama sa mga ito. Medyo nagtampo pa nga ang mga ito sa kanya dahil hindi siya makakasama. Pero alam niyang tampong joke lang iyon. Kilala na kasi niya ang mga kaibigan. Matagal na silang magkakaibigan at alam niya kung totoong tampo iyon o hindi. "I'm sorry, babe," hingi naman ng paunmanhin ni Angelo sa kanya. "Nalaman kasi ni Mama na tatlomg araw ng nandito si Kuya. At nagpapasama siya sa akin na puntahan si Kuya," paliwanag naman nito sa dahilan kung bakit hindi matutuloy ang dinner date nila. "Your Twin brother is here?" tanong naman niya. May kakambal si Angelo. Si Aiden. Sa loob ng tatlong taon na relasyon nila ni Angelo ay never pa niyang nakita ang kakambal nito dahil naka-base sa America ang negosyo nito. At sabi sa kanya ni Angelo na bihira lang daw umuwi ang kakambal nito sa Pilipinas. Workaholic daw kasi si Aiden. Masyado daw itong busy sa negosyo nito kahit na successful na daw iyon. Sabi pa nga ni Angelo sa kanya na bilyonaryo na daw ang kakambal nito. At kapag umuuwi daw din ito sa Pilipinas ay hindi din daw nakakasama ni Aiden ang pamilya nito dahil trabaho pa din ang inaatupag nito. At sinabi pa ni Angelo sa kanya na magkamukha na magkamukha daw ang dalawa. Identical twins kasi si Angelo at si Aiden. At mukhang tama ang boyfriend dahil noong makita niya ang picture nito ay akala niya ay si Angelo ang nakikita niya. Hindi nga niya ma-categorize kung sino si Aiden at si Angelo dahil pareho ang facial feautures ng dalawa. Pinagbiyak na bunga ang mag-kakambal. Mabuti nga at hindi nahihirapan ang pamilya nina Angelo sa pagkaka-categorize sa dalawa. Dahil kung siya iyon ay talagang mahihirapan siya. "Yes. He is here," sagot ni Angelo sa tanong niya. Nagagalit nga si Mama dahil tatlong araw na pala si Kuya dito sa Pilipinas. Pero hindi niya sinasabi. Nalaman lang namin na umuwi siya noong tawagan siya ni Mama at inamin niyang nasa Pilipinas siya," dagdag pa na wika ni Angelo. Kambal ang dalawa pero 'Kuya' ang tawag ni Angelo dito dahil nauna daw ng limang minuto na ipinanganak si Aiden kaysa dito. At sa dalawa daw ay mas matured mag-isip si Aiden. Bubuka sana ang bibig ni Aria para sana magsalita ng mapatigil siya nang makita ang pagsemplang ng isang bigbike sa gilid niya ng iwasan nito ang kotse na kasalubong nito. "Oh, my god!" mayamaya ay bulalas niya nang makita niya ang pagyayari. “Aria, anong nangyari?” narinig niyang tanong ni Angelo mula sa kabilang linya, mababakas sa boses nito ang pag-alala. At kahit na hindi niya ito nakikita ay alam niyang pati ekspresyon ng mukha nito ay nakikitaan din niya ng pag-alala. “May na-aksidente.” sagot niya habang ang tingin ay nanatili sa big bike na sumemplang. Nakita din niya ang sakay niyon na tumayo mula sa pagkakasemplang nito. "Oh," bulalas naman ni Angelo mula sa kabilang linya. I took a deep breath. "Hmm...I call you na lang later, babe. Tingnan ko lang kung may maitutulong ako sa na-aksidente," sabi niya kay Angelo. Matulungin talaga siya. Kapag may ganoong eksena ay hindi talaga niya mapigilan ang huwag tumulong. "Okay. Mag-ingat ka," sabi naman sa kanya ni Angelo. "Call me if there's a problem," dagdag pa na wika niya. Tumango naman siya kahit na hindi siya nito nakikita. "Okay. I love you," sabi niya. Hindi na niya hinintay na sumagot si Angelo. Pinatay na niya ang tawag at inalis niya sa kanyang tainga ang bluetooth headset niya. Hininto din niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Pinatay niya ang makina at nagmamadali siyang lumabas sa kotse para tulungan ang lalaking na-aksidente na hanggang ngayon ay pilit na tumatayo mula sa pagkakasemplang nito. Mukhang may iniinda itong sakit dahil sa nakikita niya na parang nahihirapan ito. Nang makalapit siya ay agad niya itong hinawakan sa balikat. Naramdaman niya na para itong natigilan noong hawakan niya ito. “Okay ka lang?” tanong niya rito sa nag-aalalang boses. Nag-angat naman ito ng tingin patungo sa mukha niya. Kahit nakasuot ito ng helmet ay kitang-kita niya ang kulay itim na mga mata nito na ngayon ay nakatitig sa kanya. “Ayos ka lang ba?” inulit niya ang tanong ng hindi pa siya sumasagot. Hindi din niya maiwasan ang makaramdam ng kaba baka kasi may malala siyang natamo sa aksidente dahil hindi siya nagsasalita. “I’m okay,” sagot nito sa baritonong boses. Medyo nakaramdam naman siya ng relief nang sumagot siya na okay lang siya. Bumaba naman ang tingin niya sa braso nito. Napasinghap siya nang makita ang malaking galos sa braso nito. At may dugong kumalat din do’n. “No. You’re not okay,” sabi niya habang nakatitig siya sa galos nito. Hindi din niya maiwasan ang mapakunot ng noo sa sandaling iyon. Darn. Kung okay lang ito, eh hindi sana ay wala itong sugat na dumudugo. Mga lalaki talaga, mga egoistic kung minsan. Hindi nila maamin sa sarili na nasasaktan sila. Hindj naman nakakabawas sa p*********i iyon. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay pumaikot ang isang kamay niya sa baywang nito. Napansin niya na natigilan na naman ito pero hindi na lang niya ito pinansin. At nasa isip kasi niya sa sandaling iyon ay mabigyan ng paunang lunas ang galos nito sa braso. “Kailangang magamot ang mga galos mo para hindi mainpeksyon,” sabi niya rito sa seryosong boses. "Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Ipinatong niya ang isang kamay nito sa balikat niya at inalalayan na maglakad patungo sa kotse niya. Binuksan niya ang back seat at inalalayan niya itong umupo ro’n. “Stay here. May kukunin lang ako sa kotse ko. Babalik din ako agad.” sabi niya rito bago siya umibis sa driver seat ng kotse niya para kunin ang first aid kit na lagi niyang dala-dala. Binalikan niya ang lalaki. Nang makalapit siya dito ay nakita niya na inaalis nito ang helmet na suot. Tinulungan naman niya ito sa pagtanggal nang makita niya na nahihirapan ito. Mukhang nararamdaman nito ang kirot sa braso nito. At hindi niya napigilan ang manlaki ng mga mata nang matitigan niya ang lalaki ng tuluyang nitong natanggal ang suot nitong helmet. Akala niya ay si Angelo ito dahil kamukhang-kamukha nito ang boyfriend niya. Kung hindi lang sa stubles sa palibot ng panga nito ay mapagkakamalan niya ito na si Angelo. Very neat kasi ang mukha ng boyfriend. Ayaw nito na may tumutubong stubles sa mukha nito. At bigla din niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Angelo na dumating na ang Twin Brother nito, ang lalaking kaharap niya ay si Aiden. At siguradong-sigurado siya ni Aiden ang kaharap niya sa sandaling iyon. Do'n lang naman inalis ni Aria ang tingin sa lalaki nang makita niya na sinilip nito ang braso nitong may galos. At do'n din niya na naalala na kailangan niya iyong gamutin. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang first aid kit at ipinatong niya iyon sa hita niya. Binuksan niya iyon. Inilabas niya ang kailangan niyang paglinis sa galos. “Masakit?” tanong niya rito ng idinampi niya ang bulak na may alcohol sa galos nito. “No,” he answered in a deep and baritone voice. Nag-angat si Aria ng tingin rito. And she was caught off guard ng mapansing titig na titig ito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapakagat ng ibabang labi. And it was wrong move dahil bumaba ang tingin nito sa labi niya. Mabilis naman niyang inalis ang pagkakagat niya sa kanyang ibabang labi. Iniwas na din niya ang tingin dito at pinagtuunan na ng atensiyon ang pagga-gamot niya sa mga galos nito. Ramdam pa rin niya ang init na titig nito pero pilit na lang niyang binabalewala iyon. Hindi naman niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang sa titig nito. Gusto naman niya itong sitahin pero hindi na lang niya ginawa. Hinayaan na lang niya itong titigan siya. At itinuon niya ang atensiyon sa pabibigay lunas sa galos nito sa braso. Kapag nararamdaman niya na napapaigik ito ay tinitigilan niya abg pagdampi ng bulak sa galos nito at kung minsan ay hinihipan niya iyon para kahit papaano ay mabawasan ang hapdi at kirot. At hindi nagtagal ay natapos na rin siya sa paggamot rito. “I’m done.” sabi niya ng haplusin niya nang mahina ang gasang inilagay niya sa galos nito. Pagkatapos niyon ay nag-angat muli siya ng tingin rito. He still looking at her. She smiled at him. May napansin siyang kakaiba na bumalatay sa mukha nito ng nginitian niya ito pero hindi niya mabigyan ng kahulugan kung ano ang kakaiba do'n kaya hinayaan lang niya. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho sa susunod. Para iwas disgrasya. Mahirap na at baka mas grabe pa ang matamo mo." Hindi niya maiwasan na bilinan ito. Ganoon din kasi ang madalas niyang sabihin kay Angelo kapag nagmamaneho ito. Lagi niyang sinasabi na mag-iingat ito palagi sa pagda-drive para iwas aksidente at hindi ito maka-aksidente din. Tumango naman ito bilang sagot. “Thanks,” simpleng sagot nito sa buong-buong boses. Hindi naman niya napigilana ng mapatitig ulit sa mukha nito. He really looks like Angelo. At sa sandaling iyon ay gusto sana niyang magpakilala sa lalaki na boyfriend niya ang kakambal nito. Pero mas pinili na lang niyang itikom ang bibig. At bahala na si Angelo na ipakilala siya sa kakambal nito. Tumayo naman na ito mula sa pagkakaupo nito sa backseat ng kotse niya. Kinuha nito ang helmet nito at isinuot na nito iyon. Pagkatapos ay sumampa na ito sa bigbike nito. At bago pa nito iyon paandarin ay tumingin pa ito sa kanya. Itinaas naman niya ang isang kamay para kawayan ito bilang pamamaalam. He nodded. At saka nito pinaandar ang bigbike nito. Binusinaan pa siya nito bago ito tuluyang umalis. Nasundan na lang naman niya ang papalayong pigura nito. At nang tuluyan itong mawala sa paningin niya ay do'n lang naman siya sumakay sa kotse niya at umalis na din.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook