Chapter 3

1461 Words
"LET'S go, Aria." Hindi na nakatanggi si Aria ng hilain siya ni Sanya patungo sa dance floor kung nasaan ang mga kaibigan niya at masayang nagsasayawan. Nagkayaan kasi sila na magsayaw at naiwan silang dalawa ni Sanya sa mesa nila. Pero mayamaya ay niyaya siya nito nang makitang nag-e-enjoy ang mga ito sa pagsasayaw. Mukhang ini-enjoy ng mga kaibigan ang night out nila. “Enjoy the moment, Aria. Dance as if there’s no tomorrow.” nakangiting wika ni Sanya sabay sayaw sa saliw ng tugtugin ngmakarating silang dalawa sa dance floor kung nasaan din ang ilan sa mga kaibugan nila, mukhang lasing na ito dahil napansin niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Hindi naman siya uminom ng marami dahil magda-drive pa siya pauwi. At mukhang magiging driver siya ng mga kaibigang lasing na. Lagi namang ganoon, kapag nagkayayan ng inuman may isa o dalawa na hindi iinom or limited lang ang pwedeng inumin dahil hindi pwedeng lahat sila ay lasing. Dapat din may magbabantay for their protection. At para may hindi lasing na magda-drive pauwi para hindi sila madisgrasya. Mahirap na kasi baka ma-aksidente sila or hindi maka-aksidente pa sila. Hindi naman nagpa-kill joy si Aria. She dance as she wish. Sinabayan niya ang saliw ng tugtugin na pumainlalang sa loob ng bar. Hindi lang iyon, sumasabay din siya sa sigawan ng party goers na nasa gitna ng dance floor. And she had to admit, she’s enjoying herself. Siguro dahil matagal tagal na rin simula no’ng lumabas siya kasama ang mga kaibigan. Halos sinasabayan nga din nila ang kantang pumapainlalang sa dance floor habang sumasayaw din sila. Mayamaya ay napatigil siya sa pagsayaw ng may maramdaman niyang may bumunggo sa kanya mula sa likod. Hindi lang naman niya iyon pinansin dahil inakala niyang aksidente lang. Medyo siksikan kasi sa dance floor dahil madaming tao ang naroon na nagsasayawa. Babaliwalain sana niya iyon ng maulit na naman iyon. Nang ilang beses. It looks like sinasadya talaga na bungguin siya hanggang sa maramdaman niya na may humaplos sa pang-upo niya. “The hell?!” marahas ang ginawa niyang pagbaling sa likod niya para makita kung sino ang bastos na naghipo sa kanya. Hindi din niya napigilan ang manlaki ng mga mata. Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa likod niya. He’s face and eyes are red. Mukhang lasing na lasing ito. Pero kahit na lasing ito ay wala itong karapatan para hawakan siya nito sa maselang bahagi ng katawan niya. Ngumisi ito nang magtama ang mga mata nila. Hindi naman niya napigilan ang maningkit ang mga mata habang nakatitig siya dito sa pag-ngisi nito. Para kasing--hindi, binabastos kasi siya nito. “You asshole!” she said in a gritted teeth because if anger on what he did to her. Umangat din ang kamay niya para sampalin ito ng malakas dahil sa pambabastos nito sa kanya. Si Angelo nga ay hindi pa nito nahahawakan ang maselang bahagi ng katawan niya. Hindi pa ito lumalagpas sa boundary kaya walang karapatan ang lalaki na hawakan siya nito. Napansin naman niya na tumigil sa pagsasayawan ang mga nakapaligid sa kanya nang makita ang ginawa niyang pagsampal sa lalaking bastos. Pati ang mga kaibigan niya ay natigilan at napatingin din sa kanila. Halos sa kanila na nakatuon ang atensiyon ng nakapakigid sa kanila. Napansin din niya na naningkit ang mata ng lalaking sinampal niya, mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. At wala siyang pakialam do'n. She still angry on what he did to her. Kulang pa ang sampal na ginawa niya sa ginawa nitong pambabastos sa kanya. Muli na namang umangat ang kamay niya para sampalin ito. Napahawak naman ito sa pisnging nasaktan. “You b***h!” nanggagalaiting wika nito sa kanya. Halos umusok na din ang ilong nito dahil sa galit na nararamdaman. Mayamaya ay namilog din ang mga mata niya ng umangat din ang kamay nito patungo sa kanya. Mukhang gusto din siya nitong saktan. Awtomatiko namang pumikit ang mga mata niya. Nakarinig din siya ng malakas na pagsinghap sa susunod na mangyari. Hinintay ni Aria na dumapo ang kamay nito sa pisngi niya pero ilang segundo na ang lumipas at wala pa ring dumadapo. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya na nakataas sa ere ang kamay ng lalaking bastos habang may kamay na nakahawak dito. Nakita niya ang matipunong braso na humawak sa kamay ng lalaki na gustong manakit sa kanya. Kita nga din niya ang balahibo nito at ang ugat sa muscles nito. “Bakla ka ba?” Nag-angat ng tingin si Aria sa kanyang gilid ng marinig niya ang baritono at seryosong boses na iyon ng isang lalaki. At napaawang ang labi niya nang tumingim siya sa nagsalita. At nakita niya ang mukha ni Aiden. Kamay pala nito ang sumangga sa kamay ng bastos na lalaki na gusto siyang saktan. Wala siyang mababakas na anumang emosyon sa mukha nito sa sandaling iyon. “Bakla, ha?” wika ng bastos na lalaki. “Let see kung sino ang bakla sa ating dalawa,” mayabang na wika ng lalaki. Umangat ang isang kamay ng lalaki para suntukin si Aiden. Pero mabilis ang ginawang pagkilos nito, nasangga nito gamit ang libreng kamay ang suntok ng bastos at mayabang na lalaki. Ipipiksi sana nito ang kamay na hawak ni Aiden ng mabilis na kumilos ito at ipinilipit nito ang kamay ng lalaki. Napaigik ang lalaki sa sakit. Pilit na kumakawala ang lalaki mula sa pagkakahawak ni Aiden rito pero hindi nito iyon binitawan. Namamangha siya sa paraan ng pagkilos nito. Para siyang nanunuod ng martial arts sa sandaling iyon. Wala kasing nagawa ang bastos na lalaki kahit na pilit nitong pumipiglas mula sa pagkakahawak ni Aiden dito. Hanggang sa may lumapit sa kanila na bouncer ng nasabing bar. Mukhang nakita ng mga ito ang komosyon na nangyayari sa gitna ng dance floor kaya lumapit ang mga ito. “Anong nangyari dito, Sir?” tanong ng isang bouncer. Palipat-lipat din ang tingin nito kay Aiden at sa bastos na lalaki. Mukhang hinihintay nito na may sumagot sa dalawa. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga para kalmahin niya ang sarili dahil sa nangyari. “Binastos ako ng lalaking iyan. At muntik na niya akong saktan.” sa pagkakataong iyon ay siya ang sumagot sa tanong ng bouncer. Mayamaya ay tumingin si Aiden sa gilid nito. Nakita niyang may isang matangkad na lalaki na nakatayo do’n. “Make him blocklisted, Miguel. I don’t want this asshole to see his face anymore," he said in a gritted teeth. Napansin ko din na halos magsalubong ang mga kilay niya. “Copy, bud.” sagot nito. Mukhang ito ang may-ari ng bar at magkakilala pa ang dalawa. Tumingin ang lalaki na tinawag ni Aiden sa pangalang Miguel sa bouncer at inutusan ang mga ito na ilabas ang bastos na lalaki. “Yes, Sir," sagot naman ng dalawa. Pagkatapos ay hinawakan ng bouncer ang lalaki para sundin ang pinag-uutos ng amo ng mga ito. “Hindi pa tayo tapos. Magbabayad ka ng malaki!” banta ng bastos na lalaki kay Aiden habang kinakaladkad ito ng bouncer palabas ng bar. Narinig pa nila na nagsisigaw ito habang kinakaladkad ito palabas. Hindi naman ito pinansin ni Aiden. Sa halip ay tumingin ito sa kanya. “Are you okay?” tanong nito sa kanya. Magkasalubong pa din ang mga kilay nito pero mababakas naman sa mata nito ang pag-alala. Tumango siya bilang sagot. “O-oo. T-thank you for saving me," sabi naman niya. She was thankful dahil nando'n ito para iligtas siya sa bastos na lalaki. Dahil kung hindi ay baka nasaktan na siya. Nagpakawala naman ito ng malalim na buntong-hininga. Wala na din ang pag-alala na nakabalatay sa mata nito. Naging blanko na iyon. Napansin niya na mabilis magbago ang reaksiyon nito dahil kumurap lang siya ay iba na naman ang reaksiyon nito. "Next time, drink moderately. At huwag kayong makipagsiksikan sa dance floor dahil maraming asshole dito," bilin nito habang seryoso ang boses. At alam niyang hindi lang siya ang pinagsasabihan nito, pati na din ang kaibigan niya na kasama niya na nasa gitna ng dancefloor na nakatingin sa kanila. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi niya. At akmang bubuka ang bibig ni Aria para magsalita nang mapahinto siya ng tumalikod na ito at naglakad paalis sa dance floor. Sinundan naman ni Aria ang papalayong likod nito hanggang sa tuluyang mawala ito sa paningin niya. Mayamaya ay inalis niya ang tingin sa dereksiyon nito nang marinig niya ang nag-aalalang boses ni Sanya. "You okay, Aria?" tanong nito sa kanya. Napansin naman niyang nakatingin ang mga kaibigan sa kanya. Hinihintay ang sagot niya. "I'm okay," sagot niya dito. Nagpakawala naman si Sanya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay nagyayaan na kami na umalis na sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD