Kabanata 3: Changes

2328 Words
XIMENA LAINE CASSIDY DUMATING ang Monday at pumunta ako sa school, inayos ko ang schedule ko and with Chance's help. Kinuha ko ang schedules na parehas kami ni Tope, ayaw pa nga niya ako pagbigyan pero makulit ako kaya 'yon may mga subjects kami ni Tope na parehas. It's my chance para makita at makausap siya, maging magkalapit ulit kaming dalawa. Pumasok ako sa isang magulong classroom kung saan maraming mga estudyante ang nagpapractice ng musical instruments nila. "Tama nga si Chance, akala ko nagbibiro lang siya nang sinabi niyang bumalik ka na ng Pilipinas." Tumingin ako sa harap ko at nakita ko ang isang babae na may maikling itim na buhok at mapungay na mata pero masungit tingnan, Si Sapphire. "Sapphire?" I called her, it's her. Sa sobrang excitement ko ay nagbadya akong yakapin siya pero... umiling siya at umiwas sa akin. "Meron lang akong sasabihin sa'yo, Ms. Balikbayan. Huwag mong lalapitan si Kristoffer because he is mine," banta niya sa akin at saka siya kumindat. "Andito na si Ser!" sigaw ng isang estudyante at nagpasukan na lahat ng tao sa classroom at ang natirang bakante na lang ay ang dalawang upuan sa likod, pumasok ang lalaking professor at bumati ito sa amin. "As you all know, may test tayo ngayon. Have you prepared your musical piece?" tanong ng professor sa amin. "Yes sir!" sagot nila. "Great, let me hear it but before that..." biglang bumukas ang pintuan dahil parang sinipa ito at tumahimik ang lahat. "Good Morning, sir!" Sabi ng isang boses, lumingon ako at nakita ko ang dalawang matangkad na lalaki na pumasok at prenteng naupo sa kanilang upuan. Si Tope, siya ba 'yon? Oo, nga siya nga! Nakita ko na si Tope. Yung mga matang 'yon ay siguradong kay Tope, madali ko lang naman pala siyang makikita ngayon akala ko ay hindi ko siya agad makikita dahil sinabi ni Chance sa akin. Once in a blue moon lang daw kasi pumasok si Tope kaya hindi inakalang makikita ko siya sa unang araw ko sa ekwelahan na ito. Agad akong napangiti at napalingon sa harap mukhang 'di pa ako handa na magkatitigan kaming dalawa. "Late na naman kayo, Mr. Mendoza at Mr. Huang!" sigaw ng professor sa kanila, kumindat naman ang isa bilang pangasar sa professor na iyon. "Atleast pumasok naman kami Sir diba?" sagot nung isa pa na tila ba nangangasar ito sa pagbigkas niya. Mr. Huang? Si Albert, Si Albert nga yung kasama ni Tope, mas lalo akong na-excite dahil doon. Gusto kong tumakbo ng mabilis upang yakapin sila ng mahigpit. "Sir, magsimula na po tayo sa ating lesson and exam. Oh and diba we have an exchange student from New York, bakit 'di muna siya magpakilala sa lahat?" narinig ko napalingon ako at nakita ko Sapphire na nagsasalita. "Nakalimutan ko na iyan Sapphire, thank you for reminding me. Ms. Ximena Laine Cassidy? Where are you?" sabi ng professor at tinaas ko ang kamay ko. "Would you mind to give us a sample of your music?" He asked me. "It would be my pleasure," sagot ko sa kaniya. Music became my hobby and interest nung nasa New York ako, it even qualified me for New York Academy of Performing Arts pero 'di ko na tinapos kasi nung pumayag si Daddy na lumipad ako pabalik sa Pilipinas. I grabbed the opportunity para makabalik agad. I can still achieve those dreams without New York Academy, I can work on it with Tope. "Can I borrow a violin?" tanong ko at pumayag naman siya tumayo ako sa harap at tumingin ako kay Tope at ngumiti gano'n din kay Albert na napatayo pa nang makikilala ako. "Xena..." I heard him whispered. Our eyes met but it felt so cold. The warmth and shine that used to make my world bright seemed to have disappeared. "Sabi sayo 'tol e babalik si Xena." sambit pa nito pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Tope. I played the Violin, yung favorite song namin nung bata pa kami madalas naming naririnig 'yon, jingle 'yon nang isang mayor na tumatakbo dati. Sobrang sikat ng kantang 'yon naging trending 'yon sa buong Pilipinas dati. Natawa ang lahat sa narinig nilang tinugtog ko. "Bwisit!" yun ang nakapagpatigil sa akin sa pagtugtog. It's him, it's his voice. His voice defines the word coldness."Is that even a f*****g music or a f*****g performance? Paano 'yan nakapasok dito?" tanong niya muli. "Tope!" tawag ko sa kaniya tumingin siya sa akin and a smirk drew on his face. "Sorry, I just remembered this song. This is special for me so I decided to play it," I said at tumingin ako sa teacher. "Well, for a classic campaign jingle it was pretty impressive, pero huwag iyan ang tutugtugin mo sa klase ko." Sambit n'ya. "Im sorry sir, gusto ko lang na maging light ang welcome sa akin sa klaseng ito." Sambit ko sa kaniya at bumalik na ako sa upuan ko. I looked at Tope, bagot na bagot siyang nakinig sa mga kaklase namin na tumugtog. Nang maubusan na ng oras ang iba ay napagdesisyonan ng professor namin itutuloy na lang bukas. He and Albert screamed a loud yes nang sabihin nitong class dismissed na. Nang umalis ang professor lumapit ako kay Tope, gusto ko s'yang makausap. Gustong- gusto, naalala pa naman siguro n'ya ako? I mean, I think he can still remember our childhood games and plays. "Tope! Sandali, mag-usap tayo," sabi ko sa kaniya at huminto siya. Bagot s'yang huminto at humarap sa akin. Tope had grown up into a handsome young man, he looked so bad-a*s but for me he is still Tope. The Tope I came for. "Ako to si Xena, yung Wendy mo!" sabi ko sa kaniya, he smirked when he heard that. Like he was listening to some s**t that he already knows. He changed. "Sabi ni Chance galit ka sa akin kasi umalis ako," saad ko sa kaniya. "I'm sorry for leaving you alone, pero ito ako bumalik na para sa'yo." Dagdag ko pa sa kaniya pero nanatili siyang naka-poker face sa harap ko. "Tapos ka na? Aalis na ako," yun lang ang sinagot niya sa akin pero 'di ako sumagot sa kaniya, tinitigan ko lang siya. Pinagmasdan ko lang s'ya, I never thought that he grew up like this. He was so nice looking and almost a ragged prince charming like. But he changed, he's no longer my Peter Pan. But I know in his heart... Peter Pan still exist. Nung nawala ako ang daming nagbago kahit siya nagbago. Para siyang naging ibang tao, ibang iba sa iniwan ko. "Tope, makipag-usap ka naman ng maayos kay Xena. She came back as she promised," sabi naman ni Albert pero iniwanan siya ni Tope at buntot buntot niya si Sapphire paalis, lumapit sa akin si Albert. "Tampo lang 'yon ng slight sa'yo. Lambingin mo s'ya mamaya tapos bigyan mo ng candy, babait din yun" sabi niya sa akin at ngumiti siya, ginulo niya ang buhok ko. "Long time no see, Wendy." sabi niya sa akin *** "BWISIT na Chance 'yon, 'di sinabing bumalik ka na..." sabi sa akin ni Albert habang andito kami sa Cafeteria. "Sinabi kong isekreto muna niya ang pagdating ko. Ang gusto ko kasi ay si Tope muna ang makakita sa akin," sabi ko sa kaniya. "Hay naku! Kahit kailan talaga si Tope pa rin ang priority mo. Nakakainggit na si Tope ha? Ang gwapo nang baba niya para sa'yo," saad niya sa akin. "Bumalik ako dito para sa kaniya, Albert. Siya lang ang dahilan kung bakit nandito ako," sagot ko sa kaniya. "Tinawagan ko yung dalawang ugok saka si Chance papunta na sila dito. Excited si Samuel na makita ka, alam mo bang dalawang buwan na iyak na iyak yung tabachingching na yun nung umalis ka." Sabi niya sa akin. "Pasensya na at umalis ako ng walang paalam," sagot ko sa kaniya. "Alam ko naman na umalis ka kasi ayaw ng Daddy mo sa amin. Ilang beses ka napahamak nung naging kalaro mo kami," sabi niya sa akin at tumawa naman ako dahil doon. "Wala lang iyon sa akin, masaya ako sa mga napagdaanan natin kung mauulit 'yon. Gusto ko ulit mapahamak kasama kayo." Saad ko sa kaniya at saglit kong binalikan ang mga alaala namin. "Xena!" tumingin ako sa mga sumigaw at nakita ko ang tatlo na kumakaway sa akin, agad na tumakbo si Samuel upang yakapin ako ng sobrang higpit. "Xena, na-miss kita." Sabi niya sa akin at bumitaw siya sa yakap niya sa akin tiningnan ko siya kung umiiyak siya pero hindi naman. 'Naks, 'di na iyakin!" sabi ko sa kaniya. "Binata na ako e," sagot niya sa akin sunod na yumakap sa akin si Joseph. "Never na akong iiyak." "Nagsalita ang umiyak habang nanonood ng Frozen kagabi," pang-aasar ni Albert sa kaniya. "Ulol! Tears of Joy 'yon!" "Hala natunaw si Olaf! I- pasok n'yo sa refrigerator, please?! Huhuhuhu..." pang-aasar ni Albert muli sa kaniya. Namuo ang luha sa mga mata nito at agad ng humagulgol. "Hindi na nga ako iyakin e! Hindi na! Ang sama n'yo sa akin. Ate Xena oh! Ate! Huhuhu..." natawa na lang ako sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago si Samuel, nakakatuwang isipin no'n. "Naks, Xena! Chicks na chicks na siya. Pwede ka ba i-kis—" "Manahimik ka Joseph!" Sabi ni Albert at binatukan ito ng dala dala niyang stick na pang Fencing Stick. "Joke lang naman, pero Xena kung crush mo ko kasi gwapo na ako ngayon at habulin ng chicks, keri lang 'yon. Sanay na akong hinahabol ng mga chicks, pogi kasi ako e." "Ulol!" saad ko sa kaniya pero 'di pa rin s'ya nagpapigil at tuloy pa rin sa litany n'ya. "Pwede naman kitang ligawan e. Pramis, di ka magsisi pag ako ang minahal mo." pagmamayabang niya sa akin at kumindat pa siya. "Nakakadiri ka, mas gusto ko pang maamoy ang utot ni Chance kesa ang i-date ka Joseph.Gumising ka nga," sagot ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang puso niya na tila ba nasasaktan siya. Nagamustahan kami at nagkatuwaan pero hinihintay ko si Tope. "Wag mo na siyang hintayin Xena, di yun pupunta dito. Lakas ng tampo no'n sayo e" sabi sa akin ni Joseph. "Paano ko ba siya makakausap ng maayos? Nag-sorry na ako sa kaniya pero inirapan pa ako kanina" sabi ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga. "Ganda nitong boxers na regalo mo Xena, isusuot ko na to bukas." sabi ni Albert at tinago niya ang regalo ko sa kaniya. "Ako, ate Xena ubos ko na yung chocolate na bigay mo!" sabi naman ni Samuel at nakita kong wala ng laman yung isang malaking box ng Ferrero Rocher na regalo ko sa kaniya. Napa-facepalm na lang ako, "Ang bango naman nito Xena, hihihi matatakpan ba nito amoy ng utot ko?" tanong ni Chance sa akin. "Alam niyo puro kayo kalokohan," sabi ko sa kaniya. "Lagi naman e, Masaya kaya kami kasama Xena. Wag kang mag-alala pag binubully ka ni Tope aawayin namin siya." sabi sa akin ni Joseph at saka siya kumindat na feeling gwapo pa sa harap ko. *** "ITO ang bago naming Neverland." Sabi ni Samuel at tumingin ako sa paligid, isang lumang bodega na may mga sofa at maliit na refrigerator, mga nakakalat na gamit at pinagkainan. "Pasensiya ka na dahil madumi dito. Madalas kasing natutulog si Tope ditto tapos 'di pa marunong mag-ayos." Sabi ni Albert sa akin at inayos niya ang sofa para upuan ko. "Bakit hindi na katulad ng dati?" tanong ko sa kaniya. "Xena, 20 na kami hindi na kami maglalagay ng wooden swords at kahon na gagawin palasyo. Poster na nang sexy girls at cars ang ilalagay namin d'yan!" sabi niya sa akin. "Hindi iyon ang tinutukoy ko. Kung ito..." Giit ko at saka ko tinuro ang buong lugar."Bakit ganito? Bakit parang ang daming nagbago nung nawala ako?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ba siya naniwalang babalik ako?" tanong ko sa kaniya. "He believed you, kada araw nandoon siya sa tambayan. Hindi siya umaalis do'n, akala niya babalik ka agad pero wala, walang sagot yung mga sulat ni—" "Sulat?" tanong ko sa kaniya. Wala akong natanggap na kahit isang sulat mula sa kaniya noong nasa New York ako. "Oo, sumusulat siya araw-araw sa'yo, gusto kasi niya malaman kung bakit ka umalis. Kung galit ka daw ba sa kaniya kasi siya ang dahilan kung bakit hindi ka na nakakaalis ng bahay noon at lagi kang umiiyak," sagot ni Albert sa akin. "Maraming napagdaanan si Tope mula nang nawala ka. Ginamit siya bilang d**g p****r ng Tiyuhin niya nag makalaya ito sa kulungan. Kawawa si Tope at wala siyang naging kakampi noon. Wala ka kaya pakiramdam niya napag-iwanan siya. Kahit nariyan kasi kami ikaw ang hinahanap niya. kaya 'di mo rin siya masisisi." Paliwanag naman ni Joseph sa akin napayuko ako at tumulo ang luha ko. "I'm sorry," sabi ko sa kanila. "Ano ba, wag kang umiyak at huwag kang mag-sorry," sabi nila sa akin. "Basta nung wala ka sinigurado naming matino yang si Tope." Sabi naman ni Chance sa akin at tumingin siya sa orasan. 'Alas 9 na at wala pa si Tope," sabi naman ni Chance. "Napasubo na ata yung loko..." sagot naman ni Joseph sa kaniya. Hanggang sa may marinig kaming malalakas na katok sa pintuan. "Buksan niyo yung pintuan!" sigaw ni Tope sa labas. Agad kong binuksan ang pintuan at isang lasing na Tope ang bumungad sa akin, lasing at puno ng bugbog ang mukha. "Bwisit! Bakit ka nandito?!" sigaw niya at tinulak niya ako mabuti nasalo ako ni Albert. "Ano ba tol?" tanong ni Albert, agad akong kumawala at inalalayan si Tope na pumasok sa loob. "Bitawan mo ako dahil hindi kita kailangan! Bakit kasi bumalik ka pa, bwisit naman oh!" sigaw ulit niya sa akin. "Huwag mo na lang muna siyang lapitan Xena, kami ng bahala sa kaniya." Saad ni Chance at wala akong nagawa kundi ang tumayo sa gilid at tingnan ang mga pagbabago na dinatnan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD