XIMENA LAINE CASSIDY
BUMABA ako nang sasakyan. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming nagbago pero maraming mga batang naglalaro. "Ms. Xena, anong oras po kita babalikan?" tanong nang aking driver. Tumingin ako sa kanya, "Tatawagan na lang kita kapag susunduin mo na ako, Mang Alejandro." Giit ko sa kanya at saka ako ngumiti.
"Sige po Ma'am, ingat 'ho kayo." Giit niya at pinaandar niya ang sasakyan. Naglakad - lakad ako at pinagmasdan ang mga pagbabago sa subdivision na 'to. I can't believe that I used to live here when I was young. Southern Neverland Subdivision. Hindi ko akalain na ito ang lugar kung nasaan talaga nakatago ang Neverland ng buhay ko.
Napahinto ako nang makita ko ang lugar kung saan ang Neverland sa loob ng Southern Neverland Subdivision. Ang lugar kung saan napakaraming ala-ala ang nangyari, ang lugar na nagsabi sa akin na apat mabuhay ako. Ang dating naming playground, ang aming secret passage.
Ang Neverland kung saan madalas kami maglaro kapag tinatakas niya ako at sinusundo sa may bintana ng kwarto ko. Ang dating abandonadong bahay na ngayon ay isang bakanteng lote na lang. Nakita ko na nakakalat ang mga gamit na dating nilaruan namin, naluma at nasira na siya ng panahon halatang ako pa lang ang dumalaw dito mula nong nasira ito.
“Miss, anong ginagawa mo dito?” tanong ng isang lalaki lumingon ako at nakita ko ang isang maputing lalaki na may malalaking tainga at chinitong mga mata, napangiti ako ng makilala ko siya. "Miss nawawala ka ba?" tanong niya muli sa akin. Napangiti muli ako, "Hala, Miss, nababaliw ka ba?" Sunod niya muling tanong sa akin.
“Ikaw na ba ‘yan, Chance?” tanong ko sa kaniya.
“Sino ka? Why do you know me? Are you my fans? Oh no frying pans!” Tanong niya sa akin sa kanyang alien English. Agad akong tumakbo para yakapin siya ng sobrang higpit. "Ay s**t sobrang gwapo ko ay may nangyayakap sa akin biglaan. OMG, I'm so handsome." Giit niya. Hindi pa rin niya ako nakikilala.
"Hindi mo ba ako naalala, Chance?" tanong ko sa kanya. Sa sobrang higpit ng yakap ko ay nautot siya, napabitiw ako para magtakip ng ilong ko.
“Chance, hanggang ngayon pa ba ‘di mo pa rin makontrol ‘yang pag-utot mo?” Tanong ko habang nakatakip ang aking ilong.
“Ikaw na ba iyan Xena?” tanong niya sa akin at tango ang sinagot ko sa kaniya.
“Ako nga ‘to Chance, long time no see!” sagot ko sa kaniya at siya naman ang yumakap sa akin.Binuhat niya ako at mukhang 'di naman siya nahirapan dahil kulang na lang ay ihagis niya. Ang excitement na kanina ay ako lang mayroon ay nalipat sa kanya.
“Ang tagal mong nawala Xena, sampung taon ka ring nawala. Akala ko hindi ka na babalik. Alam mo bang sinubukan kitang hanapin sa Friendster at Myspace.” sabi niya sa akin.
"Wala akong Friendster at MySpace kaya 'di mo ako makikita doon!" Natatawa kong giit sa kanya.“Kumusta na kayong lahat at saka si Peter Pan? Ano nang nangyari?" tanong ko sa kanya
“Peter Pan pa rin pala ang tawag mo sa kaniya.” Saad niya sa akin, mahina siyang bumuntong hinnga bago sumagot sa akin. "Gusto mo bang mag-usap muna sa cafe dito sa subdivision?" tanong niya sa akin.
"Sure! We can talk there!" Sagot ko sa kanya, he smiled at me. "Napakagaling mong ngumiti ngayon, Xena. Naninibago ako." Natatawa niyang giit sa amin. Pumunta kami sa isang cafe dito sa subdivision, um-order siya ng drinks at meryenda. Samantalang ako naman ay tiningnan ang paligid. Naparami nang nagbago, pakiramdam ko bago ang lahat ng nakikita ko.
Ikaw kaya Tope, kumusta ka na? Nagbago ka rin ba?
Nang matapos siyang mag-order ay inilapag niya ang drinks at meryenda sa lamesa. “Okay naman kaming lahat. So far, 'di kami naghiwa-hiwalay noong nawala ka. May mga naging busy lang kagaya ni Albert pero sa iisang college lang naman kami kaya 'di namin ramdam.Si Tope siya ang hindi naging okay lalo na noong nawala ka.” Sabi niya sa akin at nawala ang ngiti sa labi niya.
“Sinabi ko naman na babalik ako diba? Sabi sa akin e' wala na raw si Tope sa kanyang bahay dahil nahuli na 'yung abusive uncle niya. Nasaan na ba siya ngayon? I want to see him.” Sumimsim ako sa iced coffee na in-order niya para sa akin.
“I don’t think that’s a good idea." Natigil ako sa pag-inom at naibaba ko ang drink.
"Anong ibig sabihin mo? Gusto ko lang siyang makita Chance. I missed him."
"Alam ko na-miss mo siya pero kasi napakalaki ng pinagbago ni Tope. Sa aming lahat kasi siya yung ‘di nakapaghintay sa’yo at siya rin ang nakalimot kung paano ang ngumiti at maging masaya. Mas maganda siguro kung di ka na lang magpapakita sa kaniya ngayon baka kasi masungitan ka niya.” Paliwanag niya sa akin at saka siya kumagat sa Clubhouse Sandwich na in-order niya.
“Akala ba niya ay iniwan ko siya?” tanong ko sa kaniya.
“Lahat naman kami ‘yon ang inisip dahil bigla kang nawala Xena,” sagot niya sa akin. "Pero si Tope siya ang matyagang naghintay sa'yo. Kahit sugurin siya ng tiyohin niya noon at bugbugin para hilain pauwi e hindi siya pumapayag. Hinintay ka niya pero nawala ka at nasaktan siya dahil doon." Paliwanag niya sa akin
“Babawi ako sa kaniya kung ganoon. Bumalik na ako kaya sigurado ako na mawawala din yung tampo sa akin ni Tope.” sagot ko sa kaniya at bumuntong hininga siya sa akin.
“Are you here for good?” tanong niya sa akin tumango ako sa kaniya.
“Oo, dito na ulit ako titira sa Pilipinas. I’m back for good and for Tope,” sagot ko sa kaniya. “Papasok nga ako sa Southeast Arts and Sciences University, I’ll be starting school on Monday.” dagdag ko pa sa kaniya..
“Alam mo bang doon kami nag-aaral?" tanong niya sa akin "I've done my research before coming here. Pinili ko talaga ang school na 'yon para maging malapit ako kay Tope. I even chose the same course as him," Giit ko sa kanya.
"You're going to take music courses too?" tanong niya sa akin. "Yep, actually I'll just continue honing my skills here in the Philippines. Ang goal ko e si Tope at hindi ang diploma." Giit ko sa kanya. Mahina siyang tumawa sa akin.
“Maraming salamat Chance. Mabuti talaga ay nakita kita ngayon. The Neverland inside the Southern Neverland Subdivision never fails to make me happy but I noticed that it change. Nawala na ang bahay kung saan tayo naglalaro.” Sabi ko sa kaniya at napatingin ako sa paligid.
“Well, nasira na ang Neverland natin. Sinunog ang bahay kasi may bibili na daw tapos 'di naman pala matutuloy ipagawa. Nakalimutan na rin namin ang lugar habang nagtatagal. Tanging si Tope lang ang bumalik- balik doon hanggang tinigil niya. Ayaw na nga n'yang pumasok sa subdivision na 'to.” Sabi niya sa akin nalungkot ako sa sinabi ni Chance sa akin ng mga oras na iyon pakiramdam ko ako na lang ang humawak sa mga bagay na pinagdaanan namin.
“Wag kang mag-alala Chance. Ngayon na nasa Pilipinas na ako ulit e' babalik na ang Neverland natin. I will make a new Neverland and I will Tope with me there.” Sagot ko sa kaniya at saka ko pinulot ang lumang kahoy na espada na nakakalat sa paligid.
Alam kong hindi na kami mga bata pero ibabalik ko ang kasiyahan na umikot sa aming kabataan. Ang naging dahilan kung bakit nandito pa rin ako at humihinga.
***
“XENA!” nadinig ko ang malakas na sigaw ni Daddy habang naglalaro kaming apat sa labas. Natigil ako sa pagtakbo at paghampas kay Albert. Naglalaro kasi kami ng espa- espadahan. Ang eksena e si Albert si Captain Hook at ililigtas ko si Peter Pan. Nagpanggap na walang ginagawang masama sa kondisyon ko.
"Hala, sino yan?” tanong niya sa akin.
“Ang Daddy kong kill joy. Este, Ang Dad ko.” sagot ko sa kaniya.
“Aahh, may pinagmanahan ka pala.” Sagot niya sa akin at sinamaan ko siya ng batingin.Nagpamewang naman siya na tipong hindi niya na-gets kung bakit ang sama ng tingin ko sa kaniya.
“Bakit KJ ka naman talaga ha?” tanong niya sa akin at dinibidiban pa ako. Mas sinamaan ko s’ya ng tingin at nakipagtalo din siya ng tingin sa akin.
‘Hindi ako killjoy! Ikaw naman walking eyebags!”
“Hoy walang ginagawa ang eyebags ko sa—“ natigil s’a ng nadinig naming parehas ang sigaw ni Daddy. Sumigaw ito at mas galit pa ito, mukhang napagtanto niya nakikipaglaro ako at nilalagay ang health ko sa panganib.
“Anong ginagawa mo sa labas, Xena?! Diba pinagbawalan kitang lumabas?!” sigaw niya natahimik ako at yumuko na lamang dahil alam kong papagalitan niya ako. Sanay na ako sa sermon ni Dad pero nakakatakot pa rin ang shouting voice niya.
“Nakipaglaro lang po—”
“Alam mong bawal Ximena!” sigaw niya sa akin.
“Bakit po siya bawal maglaro e bata naman po siya?” tanong naman ni Kristoffer sa kaniya.
“Hon, bakit mo sinsigawan anak natin?” malumanay na tanong ni Mama nang madinig niya ang ingay namin ni Dad. Nakita ko siya na nasa labas na rin ng bahay namin na at agad niya akong nilapitan. Nagtago naman ako sa likod ni Mama.
“Paano kasi 'yang anak natin ang tigas ng ulo. Nahuli kong nakikipaglaro at nakikipag dibdiban pa sa mga kalaro niya. Bawal sa kaniya ang mapagod pero tingnan mo naman, nakikipaglaro pa!” sagot ni Dad sa kanya.
“Pinayagan ko si Xena na makipaglaro sa mga kabataang ka-edad niya, Hon. Wala siyang kasalanan, I allowed it. Maawa ka naman sa bata na buong araw lang nasa kwarto niya at nababagot rin. Tao rin naman tong anak natin na kailangan magsaya kung minsan.” Mahinahong paliwanang ni Mama sa kaniya.
“Papasukin mo ang batang yan sa loob at ayoko ng makita yan na nakikipaglaro sa labas.” Utos naman ni Daddy sa kaniya, ‘di man lang niya pinakinggan si Mama at pumasok na ito sa loob ng sasakyan niya para iparada na rin ang sasakyan. "Pagpasensyahan niyo ang Papa ni Xena ha? Pwede bang bukas na lang ulit kayo maglaro ng anak ko?" tanong ni Mama sa kanila.
"Opo, pwede naman po. Sige po uuwi na rin po kami!" Paalam ni Tope kay Mama. Tumingin ako kay Albert at binelatan niya ako, kaya inilipat ko ang tingin ko kay Tope.
Ngumiti siya sa akin na tila ba 'di big deal sa kanila ang nakita nila. Pinapasok naman na ako ni Mama napatingin ako sa mga kalaro ko, nalungkot ‘din sila gaya ko.
“Tara na laro na lang ulit tayo!” aya ni Sapphire.
“Pero wala na si ate Xena,” sabi naman ni Samuel.
“Naglalaro naman tayo dati na wala siya.” Sagot niya kay Samuel at agad naman na umiyak si Samuel dahil sa sagot nito. Pinagbawalan na ako ni Daddy na lumabas mula nang mahuli niya ako na nakikipaglaro. Hindi naman ako inatake ng sakit ko pero ayaw niya talagang pumayag. Sobrang higpit niya kasi niya pagdating sa mga ganitong bagay.
“Celine, naiintindihan mo naman ako ‘diba? Ayoko lang na mapahamak ang anak natin.” Paliwanag ni Daddy kay Mommy.
“Alam ko, pero sana naman ‘di mo pinagalitan ng gano’n ang bata. Roger, unang beses pa lang niya na magkaroon ng mga kalaro at kaibigan!” singhal niya kay Daddy.
“She can have more friends after her operation in the States, pero huwag muna ngayong 'di natin sigurado ang kanyang kalusugan, Celine.” Sabi ni Daddy sa kanya.
"Hindi mo ako naiintindihan, Roger. Your daughter is laughing and smiling with those kids." Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Dad. "I understand that you wanted Xena to do everything that she wants. But I want to save her, Celine. I want to be with our daughter that's why I'm doing this."
"Gusto ko ring makasama ang anak natin, Roger! Pero gusto ko siyang maging masaya." Sabi ni Mama sa kanya, isinara ko na lang ang pintuan ng kwarto ko at nahiga, do’n ay napaisip ako.
Bakit ba ako nagkasakit?
Bakit kahit mayaman naman kami ay ‘di ako gumagaling sa sakit ko?
Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na maging masaya dahil doon. Mabuti pa ‘yung mas mahirap sa amin nagagawang maging masaya pero ako hindi. Pakiramdam ko e' makukulong ako sa bahay na 'to, o kaya baka dito na lang din ako mamatay.
Lumipas ang ilang linggo at ito ako nanonood na naman sa bintana ng aking kwarto, araw araw silang naglalaro sa harap ng bahay namin. Tapos minsan din ay sinusundo pa ako ni Kristoffer pero ‘di pumapayag si Mama na palabasin ako ng bahay. Naiinis ako pakiramdam ko sa sobrang wala akong kwenta pati paglalaro bawal kong gawin.
Tatlong katok sa bintana ang narinig ko, ibinaba ko ang binabasa kong libro at tumingin sa bintana. "Ano 'yon?" tanong ko at sumilip ako sa binata. Doon ay nakita ko si Tope na nakangiti habang nakatingin sa akin katok pa siya ng katok.
“Papasukin mo ko kasi baka malaglag ako Xena!” sabi niya sa akin agad akong tumakbo para buksan ang bintana.
“Ano bang ginagawa mo diyan? Bakit ka kasi dumaan sa bintana e may pintuan naman sa ibaba?” tanong ko sa kaniya. "Hindi ka naman papalabasin ng Tatay mo kaya bakit ako dadaan sa pinto?" tanong niya sa akin.
"Kahit na! Super delikado diyan!" Giit ko sa kanya.
“Okay lang! Si Peter Pan ay handang sumuong sa panganib para sa aking Wendy." Giit niya at saka siya kumindat. Napangiwi ako na siyang dahilan kung bakit siya napanguso. "Halika na! Kailangan ka na ng mga anak natin sa Neverland!" Aya niya sa akin.
“Anak?” tanong ko pabalik sa kaniya.
“Nung naglalaro tayo e' asawa kita, tapos si Samuel saka si Joseph anak natin, tapos si Captain hook si Albert,” pagkwento niya sa akin. "Laruin natin ulit 'yon." Muli niyang aya sa akin.
“Halika na, laro na tayo!” aya niya sa akin at inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
“Ayaw ko, bawal akong maglaro kasi nakakapagod 'yan.” Malungkot kong saad sa kaniya.
“Bakit bawal ka maglaro? At saka ayaw ba nilang maging masaya ka?” tanong niya sa akin.
"Gusto ni Mama maging masaya ako pero sabi kasi ni Daddy, pwede lang daw akong makipaglaro, makipagtawanan, at kumain ng super sarap pag magaling na ako. May sakit kasi ako maraming bawal sa akin. Pag ‘di ko sinunod yung doctor mamatay daw ako.” sagot ko naman sa kaniya.
“Grabe naman yung doctor mo masyadong mahigpit. Wala naman siyang karapatan na ipagbawal sa’yo ang pagiging masaya. Saka si Lord lang daw ang pwedeng magsabi kung mamatay tayo sabi ni Mama. ” Mahina siyang humagikgik matapos nang sinabi niya sa akin pero tumigil din siya agad. Itong batang ito sobrang hilig humagikgik.
“Sayang bawal pala kitang maging kalaro at kaibigan kasi baka mamatay ka. Ayoko namang mamatay ka. Gusto ko happy ka.” sabi niya sa akin. “Bababa na lang ako,” saad niya ulit at humakbang na siya pababa.
“Sandali!” sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin, “Nung naglaro naman tayo e hindi ako namatay. Paano kung sumama ako sayo?” tanong ko sa kaniya gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi.
"Tara na sa Neverland, Xena!” Aya niya sa akin at dahan dahan kaming bumaba ng bintana at lumabas ng gate. Tanghaling tapat kaya tulog si Mama at gabi pa ang dating ni Daddy. Hindi naman siguro nila mahahalata kung makakabalik ako bago umuwi si Daddy. Lumusot kaming dalawa sa likod ng playground at naglakad sa parang bangin.
“Kristoffer, nakakatakot dito,” sabi ko sa kaniya.
“Wag kang matakot, ako si Peter Pan diba? Ililigtas kita!” sabi niya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating naming ang isang malaking abandonadong bahay.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya at tinuro niya ang paskil na nakalagay ay Neverland.
“Welcome sa Neverland, Xena!” Sabi niya sa akin at tumitig siya sa mga mata ko, nung mga oras na ‘yon gumaan ang buong pakiramdam ko. Ang saya saya kong kalaro silang lahat. Sana 'di matapos ang oras, sana lagi na lang kaming maglaro. Sana... Sana lagi kaming magkakasama. Ayoko nang mawalay pa sa kanilang lahat.
“Crush mo si Kristoffer no?” bulong sa akin ni Sapphire. Lagi akong tumatakas para lang makalaro silang lima dito sa lugar na ito. Ang dami naming ginagawa at nilalaro, kahit simpleng karton na pinagpatong patong nagagawa naming palasyo.
Lahat possible, kada oras masaya lalo na kung umiiyak si Samuel. Lagi kasi siyang pinapaiyak ni Joseph, tapos si Joseph naman laging nababatukan ni Albert tapos manguutot naman lagi si Chance. Nakakatawa sila kasama, nakakatuwa at sobrang saya. Siyempre kami ni Kristoffer o Tope ang tagapigil sa kanilang tatlo kapag magsisimula na silang mag-away. Si Sapphire naman ay madalas tahimik lang sa gilid at nakatingin sa amin.
“Hindi ko siya crush. Kaibigan ko si Tope!” pagtanggi ko sa kaniya, naramdaman ko naman ang biglaang pamumula ng mukha ko. “Tama, wag kang magkaka-crush sa kaniya. Ako lang ang pwedeng magkacrush sa kaniya kasi ako ang unang friend niya!” sabi niya sa akin at inirapan niya ako.
“Saka ayoko siyang makipagkaibigan sa mamatay na, kasi iiyak na naman siya pag iniwan siya. Kaya wag mo siyang i-friend! Layuan mo na siya.” sabi niya sa akin.
“Hindi ko naman siya iiwan e, saka ‘di ko siya papaiyakin kasi pinapasaya niya ako.” sagot ko sa kaniya. “Lahat kayo ganyan ang sinasabi kay Tope, tapos iiwan niyo siya matapos!” sabi niya sa akin at itinaas niya ang kilay niya.
“Hindi ko naman iiwan si Tope e,” muli kong sagot
“Para kang yung nanay niya, namatay tapos iniwan siya, tapos ngayon naman yung tatay niya nawawala kasi baon sa utang tapos iniwan siya sa Tito n'yang adik. Kaya kung iiwan mo lang din siya tulad ng nanay at tatay niya, umalis ka na lang kasi si Tope baka masaktan na naman.” Sabi niya sa akin.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi ni Sapphire sa akin. Kawawa naman pala si Tope dahil hindi pala masaya ang buhay niya, at saka wala na siyang mama at papa pero bakit ang saya – saya niya?
“Tope! Tope!” nakarinig kami ng sigaw ng isang lalaki sa labas at lahat kami napalingon.
“Patay! Nandito na si Tiyong!" sabi ni Tope at lahat sila ay nataranta na. “Dali Tope! Magtago ka dito!” sabi naman ni Sapphire at tinuro niya ang cabinet na sira sira. Malalakas na kabog sa pinto ang narinig namin.
“Tope lumabas ka dito! Ilabas mo pera nang Nanay mo tarantado ka!” sigaw nito. Sa unang beses nakita kong bumalot ang takot sa mukha ni Tope. Nanginginig siya at ‘di na siya nakagalaw dahil doon. Tuluyang bumukas ang pintuan at bumungad ang lalaking may nakakatakot na mukha galit na galit siya at may hawak siyang dos por dos.
“Nandito ka lang pala,” sabi niya.
“Tiyong, wala ng pera ni Nanay sa akin. Yung kay Tatay din po 'yung natira niya e na sa'yo na po ang lahat." Sabi naman ni Tope at umatras nito ngunit lumapit ang tiyohin niya at nilatigo siya ng dos por dos sumigaw si Tope.
“Wala po sa akin, Tiyo!”
“Wag mo akong binubwisit!” sigaw nito at hinampas ulit siya kaya napahiga na si Tope.
“Pigilan niyo siya,” sabi ko kela Albert. “Nakakatakot yung tito niya, baka kami naman ang paluin,” sabi ni Albert sa akin.
“Hindi ba marunong ka mag-fencing tusukin mo pwet niya!” sabi ko sa kaniya.
"Eh bata lang ako, matanda yan baka pwet ko naman ang paluin niyan!” sagot naman ni Albert.
“Ikaw Chance, ututan mo nga baka mahimatay siya. Please gumawa tayo ng paraan! Baka mamatay si Tope!” utos ko sa kaniya habang pinapakalma si Samuel na iyak ng iyak dahil sa nakikita niya ngunit di nakasagot si Chance at natulala na lang.
‘Tama na po!” sigaw ko at tumingin ang lalaki sa akin pero hinampas lang niya ulit si Tope, iyak ng iyak si Tope at puro pasa na ang katawan niya. Lumapit ako sa kaniya at yinakap ko siya tapos kaming dalawa na ang sunod sunod na nahampas ng hukluban na iyon.
“Xena, a –anong ginagawa mo?” nanghihina niyang tanong sa pagitan ng mga iyak namin. “Hindi ako papayag na masaktan ka kaya poprotektahan din kita.” bulong ko sa kanya.