Kabanata 4: Kiss

4021 Words
XIMENA LAINE CASSIDY  HINDI ako umuwi ng gabing iyon, pinilit ko sila na hayaan akong mag-alaga kay Kristoffer. Sabi ni Albert e' ko dapat makita si Tope sa ganitong kalagayan pero gusto ko na makita at maalagaan siya. Ako ang nag-alaga sa kanya para makapag-usap at magka-ayos kami. Kaya nang ihatid nila si Kristoffer sa kanyang apartment e nakiusap akong sumama at magpaiwan na rito. I really want to have a new relationship with him, a new friendship, a renewed one, and I just want to be happy again. Buong gabi kasi ay nagsusuka siya at dumadaing dahil sa bugbog ng katawan niya kaya hindi ko siya maiwan. Pumayag naman si Yaya Euge pero kailangan ko daw maagang umuwi dahil baka bukas dumating si Mama ng Pilipinas. Nagulat pa nga ako kasi ang alam ko e next month pa siya, pero 'yon, pinilit siya ni Dad na bantayan ako kasama si Yaya Euge. Feeling ko alam na ni Mama na mananatili ako sa tabi ni Kristoffer ngayon gabi. Marahil ay naikwento na sa kanya ni Yaya Euge. Inihiga ni Joseph at Chance si Tope. "Sa tangkad at payat e' nito napakabigat!" reklamo ni Joseph kay Chance. Tinanggal ni Samuel ang sapatos nito, "Bibihis muna namin siya, Xena." Giit ni Samuel sa kanya. "Hindi, ako na ang bahala sa kanya." "Wow, ang tapang ah. Di ka ba natatakot baka mamaya mangyari sa inyo 'yung mga nangyayari sa pocket books? Yung One Night Stand?" tanong ni Samuel sa kanya. Binatukan siya ni Albert at tinawanan naman 'yon ni Joseph. "Kung mangyari man 'yon edi okay lang. Mas lalong 'di niya ako maiiwasan kung pinaplano man niya." Namula si Samuel sa aking sagot. "Naks, our American Girl!" Giit ni Albert at saka niya inakbayan. "But are you really okay be to be left alone with him?" tanong niya sa akin.  "It's already 2010, and yes I'm okay to be left with him. Hindi ako gagawa nang mga bagay na ikakapahamak ko. Trust me!" "Baka mamaya pag hinalikan ka niyan--" "Chance, I'm okay. I will just take care of him for a night. Tatawagan ko kayo isa't- isa bukas para ibalitang buo pa ako at ang pagkatao ko." Sabi ko sa kanila at saka ako mahinang ngumiti.  "Okay sure ka ah?" Joseph said. Tumango ako sa kanila, "And then maglalabas na lang ako ng gamit ni Tope. And titingin din ako dito ng shirt and shorts niya na pwede mong magamit." Giit ni Samuel at pumunta ito sa closet ni Tope para kumuha ng damit. "Hmmm..." Mahinang ungol ni Tope at bumaliktad ito sa kama. "Lasing na lasing ang gago. Pakitanong na lang bukas kung bakit umuwing may suntok 'yan ah?" Giit ni Albert sa akin, inilapag ni Samuel ang damit sa kama at saka dinekwat ang bag niya. "Ako na ang bahala. Umuwi na kayo." Sabi ko sa kanila at saka ako ngumiti. Nang makaaalis sila ay umupo ako sa gilid ng kama ni Tope, sinimulan ko siyang bihisan at nang matapos ako ay inayos ko naman pagkakahiga niya sa kama ay nagbihis na rin ako at saka bumalik sa tabi niya. "Nandito na ako Tope. Ito na ang huling beses na magiging miserable ka." Bulong ko sa kanya at hinaplos ko ang kanyang pisngi. Binuksan niya ang kanyang mata, ang pungay nito at mahinang ngumiti sa akin. "Bumalik ka na..." Bulong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya, "At hindi na ako aalis pa..." Maaga- aga ako nagising nang sumapit ng umaga at saka naghanda ng breakfast para sa kanya. Mayroon siyang mga pagkain dito pero kinailangan kong bumaba sa 7-11 sa kanto para bumili ng salt and pepper kasi naubusan na siya. Nagluto ako ng toast na binabad ko sa egg, salt and pepper at saka bacon bilang breakfast tapos e nagsaing din ako kasi baka kanin ang gusto niya. “Ano pang ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin nang makita niya akong naghahanda ng almusal para sa umaga. Ngumiti ako sa kanya, “Good Morning!” bati ko sa kaniya, inilapag ko ang pagkain sa lamesa.  “Sorry, hindi ako marunong gumawa ng komplikadong breakfast kaya Bread, egg and bacon lang ang naluto ko.” Giit ko dahil nakatingin siya sa akin. Tumingin ako sa sarili ko at nakita kong suot ko pala ang kanyang T-shirt. "Pinahiram sa akin ni Samuel ang damit mo kagabi. Ayaw mo bang suot ko 'to?" tanong ko sa kanya pero nanatili siyang nakatitig sa akin na tila ba hinuhusgahan ako. "Iniisip mo bang nag- s*x tayo?" tanong ko sa kanya. "Hindi!" "E bakit ang judgmental ng tingin mo? Don't worry we didn't do. Sobrang lasing ka kagabi kaya inalagaan kita. You were vomiting and waking up hour by hour because you wanted to pee." Giit ko sa kanya. “Bakit ka nandito?” tanong niya muli sa akin. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang kanyang mukha, mas lalong nangitim ang pasa niya rito. "I took care of you that's why I'm here. Bakit ka ba kasi naglasing at pumunta sa tambayan niyo na may bugbog. Nasira tuloy ang gwapo mong mukha." Hahawakan ko sana ang kanyang mukha pero tinapik niya ang kamay ko. “Hindi iyon ang ibig sabihin ko Xena. Bakit ka bumalik?” tanong niya muli sa akin. “Kailangan pa bang tanungin 'yan ha? Hindi ba pwedeng isipin mo na lang na bumalik ako para sa’yo?” tanong ko sa kaniya. “Ang dali sayong sabihin na bumalik ka para sa akin, pero ang dali mo ring umalis ng walang paalam.” Sagot niya sa akin. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata, ang tampo na mayro'n siya sa akin. He hates and I know that. "I'm really sorry for leaving. And not being able to get back to your letters." Sabi ko sa kanya. I still need to ask Mom regarding the letters that he sent that wasn't able to reach me. “You broke your promise,” sabi niya sa akin. “Kristoffer, ayokong isipin mo na 'di ako tutupad sa aking pangako  kaya ako bumalik ngayon. Ilang taon ko pinilit si Daddy na hayaan akong bumalik dito. Natagalan ako pero ginawa ko. Nandito na ako ngayon!” sabi ko sa kaniya. “But you’re too late, Xena. Wala nang humahawak sa pangakong binitawan mo. Alam kong gusto mong bumalik na parang wala lang nangyari at ibalik ang lahat sa dati pero hindi na 'yon pwede. You can't just go back as if nothing happened and make people depend on you over again.” Sabi niya sa akin. “Hindi naman na ako mawawala e,” sagot ko sa kaniya at binaling ko ang attensyon ko sa pagkaing nakahanda sa lamesa. “I’ll stay forever, just as what you want. Hindi na ako mawawala,” “But you just did.” Napalunok ako, I know I was wrong, he was willing to be with me yet I left without any word. Natakot kasi ako na baka hindi na ako makabalik pa. I was afraid that it’ll hurt him more if it’ll fail pero naging successful ang lahat at nakabalik. “Kumain ka na lang almusal at gumawa din ako ng honey- lemon juice para sa hang-over mo.” Dagdag ko pa sa kaniya at saka ako mahinang ngumiti. “At saka may regalo din pala ako sayo.” Saad ko sa kaniya at kinuha ang bag na dala ko.I saw him looked at me while I'm opening my bag. Kinuha ko ang kulay berdeng knitted jacket na ginawa ko para sa kanya noong nagpapagaling ako sa hospital dati. It took me three years to do jacket for him. Sana nga lang at tama pa sa kanya ang size na 'to. Tope is tall, 6 footer siya at maganda din ang shape ng katawan niya. Nakakakaba kasi baka hindi na kasya sa kanya 'to.“Habang nasa New York ako ay nakahiligan kong mag-knit kaya ginawa ko 'to para sayo. Medyo matagal ng nakatago to kaya parang naluma na—” “Hindi ko kailangan ang regalo mo, Xena. What I need is for you to leave me alone,” sabi niya sa akin. “But I can’t just leave you alone. I decided to live for you so there’s no way that I’m leaving your life alone.” Pagpupumilit ko sa kanya, ‘di ako papatalo kay Tope. I’m here for him. “Do what ever you want but there’s no way I’m letting you back in my life.” Sabi niya sa akin at mahina akong ngumiti. Umupo siya sa dining table at kinuha ang ginawa kong hang-over juice para sa kanya. Ang ngiti ko ay naging ngisi. Lumapit ako sa kanya at umupo sa lamesa, sa harap niya. "Ximena!" sita niya sa akin.  “Wala ka nang magagawa Tope. When you decided to make me your Wendy. You just made a deal with heaven that you will be intertwined with me forever. Ako at ikaw habang buhay na tayong magsasama.” Sagot ko sa kaniya at ngumisi ako. Nakipagmatigas na ako sa kanya pero hindi ako papayag na mawala ako sa buhay ni Tope. Kung matigas siya ngayon, pwes papalambutin ko siya. Hindi ko man mabalik yung batang Tope na nakilala ko e ang gusto ko ay mapa-alala ko man lang sa kaniya yung mga bagay na natutunan kong paniwalaan ng dahil sa kaniya.  Umuwi na ako matapos no'n. Masyado siyang magaling  makipagmatigasan sa akin pero di ako titigil. Hindi ako basta na lang titigil. What we have is not just a simple childhood games, and playtime. What we have is special and worth keeping. Alam ko na hindi ko lang siya basta kalaro, nung mga oras na naniwala ako na siya talaga si Peter Pan at ako ang Wendy niya. Alam kong hindi lang siya isa sa mga batang makikilala ko sa labas ng bahay para makalaro. Alam ko sa sarili ko na siya yung taong makakasama sa Neverland at magiging masaya kaming dalawa. Kristoffer didn't talk to me the whole morning, he didn't even volunteered to take me home that's why I called Mang Alejandro to fetch me. Nakakainis si Tope parang 'di siya nagwo-worry sa akin. He really acted like I'm not important or someone he cares. Ano pa ba kaya ang mga maari kong gawin para makuha ang attensyon niya? Alas diyes na nang umaga ng makauwi ako. Pagparada ni Mang Alejandro ay nakita ko ang sasakyan ni Mama. She really did came back! My Mom is really full of surprises, marahil nang sinabi niya kay Yaya Euge na pauwi na siya e nasa eroplano na siya noon. “Xena, mabuti naman at umuwi ka na.” sabi ni Mama sa akin at sinalubong niya ako ng yakap. "Mom, napaaga ata ang dating mo dito sa Manila. Akala ko next month ka pa? Why did you follow me right away?" "Wala bang welcome home muna, Mama. At ganyan agad ang tanong mo?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Kasi naman sobrang biglaan ka! Akala ko tipong mamayang gabi pa dahil kakasakay mo lang nang eroplano kahapon. Siguro nasa eroplano ka na nang in-inform mo si Yaya Euge no?" tanong ko sa kanya. She chuckled. "Oo, Ms. Xena. Nagulat ako e' madaling araw may nakatok. Ang Mama mo na pala!" Giit naman ni Yaya Euge. "And you are not at home when I came. Yaya Euge told me that you stay with Tope overnight." Sabi niya sa akin at pinag-cross niya ang braso niya. "I think pamewang looks stricter, Euge? Should I just do pamewang?" tanong niya kay Yaya. Natawa ako sa kanya, "I'm sorry If stayed with Tope overnight. But don't worry we didn't do anything premarital." “Alam ko naman na hindi gagawa ng premarital. You were dating Luke for 5 years but you didn't do anything bad. Mabuti ay wala ang Dad mo dito kung 'di patay ka. He will freak out if he finds out that you slept outside the house.” sagot naman niya sa akin at saka siya naupo sa sofa. "Umupo ka muna sa akin. Kwentuhan mo ako kung ano ang nangyari. Mas naging gwapo ba si Tope? Did he become hot?" tanong niya sa akin at saka siya ngumiti. She was even more excited than me! Umupo ako sa kanyang tabi. "Mom sobrang hot niya at ang gwapo niya. He has blonde hair and piercings pero ang hot niya tingnan. Wait, I secretly took a photo of him at class." Giit ko at inilabas ko ang aking phone. I wish they could invent a better Iphone 3 with clearer camera quality.  This Iphone 3 is ground breaking but I need a better camera! Ipinakita ko kay Mama ang picture niya. "Tama ka, he's pretty hot. He is hotter than Luke." Natawa ako sa kanyang sinabi. "But Mom, a lot of things has change. Pakiramdam ko 'di ko kayang makisakay sa changes na nangyari. He changed a lot." Giit ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay. “Xena, sa kada araw na lumilipas, experiences always contributes on changing us. Parang ikaw, you find it silly to smile at weird to run around with kids and play like they do, but when you met them you constantly changed. You became the happiest little thing I’ve ever known. You became brave when you decided to protect Tope from his Tito and you decided to fight for your life but most of all when you realized how magical life can be when you learned how to love. And love the idea of having a new life.” Masayang kwento ni Mama sa akin. “And here you are, making me and your Dad proud of your achievements.” Sabi niya sa akin, napangiti ako ng marinig ko na sinabi ng mommy ko iyon sa akin. I’ve decided to make the most of my life when I became healed. Akala ko kasi no’n mamatay na talaga ako, I was in comatose for a week and when I woke up. The doctor forbids me to move. Sobra akong natakot noon at 'di ako nakipag usap sa kahit na kanino at kay Tope. He was persistent when we are young but I gave up and let my parents decided my fate. And I was happy to have lived after that but I wasn't prepared of the changes. “Mom, pwede ko rin bang mabalik yung dating meron kami ni Tope, kahit nasaktan ko siya ng lubos nung iniwan ko siya?” I asked her. “Oo naman, Xena. As long as you still love and care for him you can still turn his heart as soft as before. You just have to make him believe in things that he decided to forget,” she told me. “Things that he decided to forget, what is it Mom?” I asked her. “You know it Xena, you are the one who knew him so well.” she said.  *** KRISTOFFER did a good job avoiding me most of the time, even if it means that he will avoid the whole barkada. I really hate him for doing that! I also want to be able to bond with all 6 of us! Me, Sapphire, him, Joseph, Albert, Chance and Samuel. I just want us to do some catching up but he was avoiding me! Hindi naman ako pangit para iwasan! Ang ganda- ganda ng damit ko everyday, tapos ganyan siya sa akin! This guy really want me out of his life. But I will not stop, never will I stop.Take my word, take it!  I always see him around with Sapphire during free time in the cafeteria. Naiinis ako kasi ang sweet nilang dalawa. I also want to cling on him like that, napanguso ako. "Naiinggit ako, gusto ko ring pumulupot ng ganyan kay Tope." Sabi ko kay Chance. Nagkunot ang noo nito sa akin at saka napangiwi. "Ututan kita diyan e."  "Sa akin ka lang pumulupot sa akin, Xena. Handang handa ang aking muscles para sa'yo." Nakangising saad ni Joseph sa akin at saka siya umupo sa aking tabi. Ako naman ang ngumiwi sa kanya at saka ko siya tinulak sa kanyang upuan.  “Seryoso talaga siya tungkol sa pag-iwas sa’yo. Wala na talaga siyang balak na papasukin ka ulit sa buhay niya. Kaya ako na lang ang dapat mong papasukin.” siguradong tugon ni Joseph sa akin. "Joseph siguro gwapong - gwapo ka sa sarili mo pero wala kang jowa no?" tanong ko sa kanya. "Nakuha mo tumpak! Feeling playboy pero walang jowa." Natatawang giit ni Chance sa akin. Tumawa din ako, I mean kaming lahat. Tinawanan namin siya lalo na ng mapagtanto naming pikon siya nakita ko kasi ang pagbuo ng inis sa mukha ni Joseph. "Pero anong plano mo? He will keep up with that. He even avoids hearing your name." Giit ni Albert sa akin. Parang may lightbulb na tumubo sa ulo ko. “He can’t avoid me forever, susundan ko siya like a cursed ghost. Hindi ko s’ya titigilan.” sagot ko naman sa kaniya. “I mean Xena, nung wala ka halos ihagis niyan si Sapphire kasi dikit ng dikit tapos maharot. Tapos ngayon para silang magjowa kung magholding hands.” Sabi ni Joseph sa akin.  Nag-init ang ulo ko sa tinuro ni Joseph sa akin. Ako dapat ang hawak- hawak niya! Ako ang kasama niya buong gabi. I even slept beside him and wore his shirt! “Baka pinagseselos lang niya si Ate Xena,” hula naman ni Samuel sa kanya kaya tiningnan ko siya ng masama. “Well, kung pinagseselos niya ako, it worked. Selosa kasi akong babae lalo na kung nagsalo na kami ng mainit na gabi." Giit ko sa kanila. Bumuka ang kanilang bunganga, "Wait may nangyari sa inyo noon?" Umiling ako. "We just slept beside each other and I wore his shirt. But that night was hot kasi sira 'yung aircon niya at uminit ang buga pagdating ng 3AM." Nakahinga sila ng maluwag dahil sa aking sinabi. "Samuel, take care of my bag for a while." "Bakit ate Xena?" tanong niya sa akin. "Kailangan ko lang makausap si Kristoffer Mendoza.” paalam ko sa kanila. “Ano na namang sasabihin mo kay Tope? Naku! Dededmahin ka lang ng baba no’n tapos baka isaksak lang sa’yo!” Joseph asked me.   “Ibang baba ang isaksak niya sa akin." Giit ko sa kanya. Napangiwi silang apat sa akin. "Ang OA niyo alam niyo ba 'yon? Dapat ganito ang personality ninyo kapag may gusto kayong mabawi! Anyways, sasabihin ko lang sa kaniya na ako lang dapat Wendy niya at dapat maalala n'ya 'yon.” Sagot ko sa kaniya. Inayos ko ang aking damit. Feel na feel ko ang terno ko mula sa H&M with matching boots. Alam kong magagandahan si Tope sa akin pag lapit ko. Matatameme siya at kukunin ko 'yon na chance. Lumapit ako sa kanila pero bago pa man ako makaupo sa tabi ni Tope ay hinarangan ako ni Sapphire.  “Hi Xena!” sabi niya sa akin at ngumiti siya, halata sa mukha niya ang landing tinatago niya. Alam kong may inis sa akin si Sapphire. Halata naman kasi na crush niya si Tope noong bata kami at mas naging halata 'to ngayon. Pakiramdam ko e higit pa sa crush ang nararamdaman niya kay Tope. “Hello!” sagot ko naman sa kaniya. “Anong ginagawa mo dito? As far as I’m concern and as I know, diba binalaan na kita na huwag lumapit kay Tope?” sabi niya sa akin. “Actually, as far as I’m concerned too and as long as I can remember. Ako ang Wendy dito kaya lalapitan ko ang Peter Pan ko kasi baka may nakakalimutan siya. I’ll just remind him something,” I told her, she responded with a sly laugh but she is pissed off. “Oo nga pala, kinalimutan ka na niya kasi you’re not worth it of his love. Sorry Xena, hindi ka na gusto ni Tope. He likes me now,” sagot niya sa akin. “Oh really?” I asked her tumango siya sa akin at nagtinginan kaming dalawa.  “Sorry Sapphire, pero ngayong nandito na ‘ko. Ang tunay na first love niya, ako ang gusto niya,” I told her. “Well then prove it baka paglapit mo sa kaniya e'  itaboy ka lang niya,” she said. "Tope doesn't like you anymore!" Dagdag pa niya sa akin.  “Tabi ka muna, papatunayan ko sa’yo at isasampal sa mukha mo.” Sagot ko sa kaniya at lumapit ako kay Tope  at hinawakan ko ang kamay niya. “Let’s talk!” aya ko sa kaniya pero pabalya niyang inalis ang kamay ko. “Wala tayong pag-uusapan Xena,” sagot niya sa akin. “Diba sinabi ko na, you can’t just simply avoid me. I’m your Wendy remember?” tanong ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako. “Oh yes right, I remember that. You are my Wendy and I am your Peter Pan. Laro natin yun no’ng mga bata tayo. It's just a game. Nothing but a game.” sagot niya sa akin.His height covered me because he is tall enough, 6 footer si Tope to be exact, inilapit niya ang labi niya sa tainga ko na tila ba may ibubulong siya sa akin. “Wala ka ng dapat panghawakan Xena, kaya ‘wag mo na akong habulin. Hindi ka naman na importante sa akin.” bulong niya at mahina siyang tumawa sa akin, narinig ko rin ang ang tawa ni Sapphire. “Sorry girl, but I told you. He’s mine.” Sabi ni Sapphire at hinawakan niya ang kamay ni Tope palayo sa akin. I smirked when I saw her pull him away from me. Hindi ako papatalo. I am his Wendy, I’ll have him. Call me possessive, but I’m his Wendy. You’re just his Tinkerbell. “Tope!” sigaw ko sa pangalan niya.  Agad kong hinila ang isang kamay niya.  Call me aggressive but I won't make my move. I might lose him. Hindi papayag na bumalik para lamang sa wala.  Napaharap siya sa akin at saka ko siya hinalikan. My lips moved on his lips. His soft and pinkish lips. Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. I moved my lips against him and surprisingly he moved his lips too. Sinasagot niya ang halik ko at napapikit ako nang dahil do’n.  The sweet feeling of his lips gave me the reason to continue what I started. The way how it moves against mine, the way how it feels like he was waiting for my kiss too. The way of having him in between my fingers. Pero nang maalala ko kung bakit ko siya hinalikan ay tumigil ako. Hindi ako dapat madala kahit kadala- dala ang masarap n’yang halik. He looked at me with his brows crossed. “What the hell!” He cussed in a whispered manner. He bit his lips and showed me a confused look. I smirked again, I got him. “This is what I meant Kristoffer, when you made me your Wendy you made a deal with heaven that we will be intertwined forever. You can’t just simply avoid me because you wanted to.” Sabi ko sa kaniya at saka ako ngumisi, nilapit ko ang labi ko sa tainga niya at saka ako bumulong. “Remember that kiss, Tope. You will long for that after today. You will long for more than that.” Sambit ko sa kaniya at saka ako tumalikod. “Woah!” sabi ng mga tao na nakakita sa mga pangyayari. “Xena! Hokage Moves 101!” bulalas ni Joseph at saka ako gumawa ng pogi sign bago ako umupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD