XIMENA LAINE CASSIDY
BAGOT akong tumingin sa bintana habang tumitingin sa mga batang naglalaro sa labas ng bahay namin. “Xena, makipaglaro ka naman sa ibang bata hindi yung palagi ka na lang nagkukulong d’yan sa kwarto mo.” Aya sa akin ni Mama, niyaya niya akong makipaglaro sa ibang bata pero bawal mapagod useless din kungbaga.
Ako nga pala si Xena Cassidy, sampung taong gulang na ako. Ang Mama ko ay isang Pilipino at ang Papa ko naman ay isang Amerikano na may malaking negosyo dito sa Pilipinas. Ang negosyo nila ay tungkol sa mga b***l at mga accesories nito. Basta malaki ang building ng kumpanya nila Papa at ako naman ay may sakit sa puso kaya marami akong bagay na hindi ko magawa ng tuluyan. Katulad ng kumain anng masasarap at saka makipaglaro. Kaya ewan ko ba kung bakit niyaya pa ako ni mama na makipaglaro sa mga bata sa labas kung kahit pagkumpas lang ng kamay e' bawal kong gawin.
“Ayoko po, Mama, magbabasa na lang ako dito.” Sagot ko naman sa kaniya nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama umupo siya sa tabi ko.
“Anak, ‘di naman porket may sakit ka e hindi ka na magpapakasaya. Mas nakakalala ng sakit ang pagtambay lang dito sa kwarto mo. Aminin mo na nababagot ka dito?” tanong niya sa akin. Sobrang bagot na ako, bagot na bagot. Pero may choice ba ako? I can’t be free without thinking about this sickness of mine.
“Mama, ayoko nga po makipaglaro at saka nakakapagod yung laro nila. Takbo dito, takbo doon tapos ito e' ako tatlong lakad lang inaatake na sa puso.” Saad ko sa kaniya, nakikita ko kasi ang paghihirap ni Mama sa tuwing nagkakasakit ako. Ayoko siyang nakikitang umiiyak kaya mas gusto ko na andito lang ako sa bahay nakaprente ng ganito.
“Mas gusto ko na yung anak ko, ma-i-enjoy niya yung buhay niya kahit may sakit siya. Kaya kung gusto mong maglaro o maglibot sabihin mo sa akin ha?” sabi niya sa akin at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.
‘Sige po, Mama.” Nakaramdam ako ng kagustuhan pero hindi pwede. Ayokong may mahirapan na naman ng dahil sa akin. Kinahapunan nang wala ng araw ay mas dumami na ang batang naglalaro sa harapan. Nakaramdam ako ng inggit kasi naman naglalaro sila ng espada – espada tapos may prinsesa silang nililigtas, patakbo takbo sila tapos ang saya saya pa nila.
“Gusto mo bang sumali?” sigaw ng isang batang lalaki ng makita niya akong nakadungaw sa bintana, agad akong nagtago sa pagkakadungaw ko.
“Ano ba Tope? Eh ‘di nga lumalabas iyan ng bahay na ‘yan tapos inaaya mo na naman.” Reklamo ng isang babae sa kaniya.
“Eh parang gusto niyang sumali e,” sabi niya dito sa malakas na boses.
“Hoy! Sali ka sa amin baka gusto mong maging Wendy ko?” tanong niya at napadungaw muli ako sa bintana, sa oras na iyon may apat pang bata ang nakidungaw at nakangiti na inaaya akong makipaglaro sa kanila.
“Oo nga, halika na! Kakasawa na si Sapphire maging Wendy e!” aya nila sa akin. Nagkunot naman ang noo ko, hindi ba nila nakita na ‘di ako sumasagot at baka ayaw ko? Bakit ang kulit nila.
“Halika na!” muli niyang aya sa akin. Umalis ako sa kwarto ko at bumaba sa aming gate pinuntahan naman niya ako.
“Sasali ka na ba sa amin?” tanong niya sa akin
"Ayoko, baka mamatay ako kapag nakipaglaro ako sa inyo.” Sagot ko sa kaniya at saka ko siya inirapan.
“Bakit ka naman mamatay e maglalaro lang naman tayo?” tanong niya sa akin. “Saka ‘di kita hahayaang mamatay kasi ikaw ang magiging Wendy ko. Ililigtas kita siyempre!” sabi niya saakin
“Bakit ka ba Wendy ng Wendy e ‘di naman ako si Wendy?” tanong ko sa kaniya, muli ay ngumiti siya dahil doon kitang kita ko ang bungal niyang ngipin.
“Kasi ako si Peter Pan at ikaw naman ang aking Wendy. Misyon ko na protektahan at pasayahin si Wendy!” muli niyang saad sa akin at inaya niya muli ako na maglaro kasama nila.
“Peter at Wendy? Di naman sila totoo e. Story lang naman sila.” tanong ko sa kanila.
“Ngayong nandito ka na at makikipaglaro sa amin. E magiging totoo na si Wendy. Kasi ikaw ang Wendy ko at ako ang Peter Pan mo!” sagot niya sa akin, sobrang nakakailang ang mga ngiti niya. Masyadong bright ang ngiti niya halatang masayahin siya na uri ng tao.
“Teka diba ako si Wendy sa laro natin?” tanong ng isang batang babae sa kaniya.
“Hindi nga ikaw si Wendy feelingera ka talaga kahit kailan Sapphire. Ikaw nga si Tinkerbell,” sagot naman ng isang bata na bugnutin ang itsura at may hawak na espada.
“Hindi! Ako kaya si Wendy! Hindi ba Tope? Ako na talaga si Wendy?” tanong nito at saka pinapungay ang kaniyang mga mata pero ang tingin ng batang ‘yon ay nanatili sa akin. His eyes were inviting me into a secret world. A hidden one that I want to enter. Parang gusto ko tuloy na sumali na sa kanila.
Sinubukan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong iikot ang buhay ko.
Hindi ko alam pero binuksan ko ang gate namin and for the first time, lumabas ako ng aming bahay para makipaglaro sa kanila. Punong puno ng tawanan ang labas ng bahay ng dahil sa laro nila, mga laruan na espada, at kahoy ang nasa paligid ko. Iniisip ko ng mga oras na iyon, bakit ba sobrang saya nila e kahoy lang ang nilalaro nila. Hindi ko maisip ang sense ng laro nila marahil siguro unang beses ko pa lang na makipaglaro sa tala ng buhay ko.
Buong maghapon ay naglaro kami takbo dito, takbo doon parang walang oras na tumatakbo para sa akin. Napaksaya nila kasama, Si Kristoffer, Albert, Samuel, Joseph, Chance at si Sapphire at sila ang mga batang naging una kong kaibigan.
***
MULI ay tumingin ako sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko. Sobrang excited ko na! Makalipas ang sampung taon ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas. Kumusta na kaya ang mg kaibigan ko dito? Napangiti ako ng maalala ko ang oras na una ko siyang nakilala. Kung saan buong lakas ng loob niya ako inayang makipaglaro at ako naman ay nagmatapang na lumabas ng bahay upang makipaglaro sa mga batang iyon.
Sampung taon na rin pala ang lumipas mula ng gumawa kami ng masasayang alaala na pinaghawakan ko upang tuluyang gumaling. Ang mga alaala na nagpapaalala sa akin ng dahilan kung bakit alam ko na kung paano maging Masaya. Siya ang dahilan kung bakit ako lumaban at ngayon nakabalik upang ipagpatuloy ang mga nasimulan naming alaala.
“ Xena, naayos na pala ng Mom niyo ang enrollment niyo Southeast Arts and Science University. Pagdating natin sa Pilipinas ay 'di niyo na aalalanin ang enrollment.” sabi ni Yaya Euge sa akin.
Kasama ko na si Yaya Euge mula nang nasa New York ako, inalagaan niya ako pero kinailangan niyang umalis noong 14 ako. She came back on my 16th birthday to take care of me again. Hanggang ngayon na 20 na ako ay ganoon pa rin. Maasahan siya at kahit mas maganda ang trabaho niya sa New York mas ginusto niyang samahan ako. Para kasi kay Yaya, anak na ang turing n’ya sa akin.
“Natanong niyo ba si Mama tungkol do’n sa mga kalaro ko dati. Doon pa rin ba nakatira sila Kristoffer?” tanong ko sa kaniya.
“Ang sabi niya po e matagal ng lumipat ng bahay yung Kristoffer na hanap ninyo. Lumipat daw siya nung nahuli ang Tiyohin niya na ginagawang d**g den ang bahay nila." Giit niya sa akin. "Ta-talaga po? E' anong nangyari sa kanya, Yaya? Is he fine, is he okay?" tanong ko sa kanya.
"Okay naman siya kaso Xena, mukhang 'di maganda ang pinagdaanan niya. Papalit - palit siya ng tinirahan at balita pa daw na nanatili siya sa orphanage noong 13 siya."
"Yaya, why didn't I know this? Akala ko... Akala ko okay lang siya." Giit ko sa kanya. "Xena, sa tingin ko minaigi ng Mama mo na huwag muna sabihin sa'yo dahil baka mag-aala ka. Nagpapagaling ka pa kasi noon at ngayon hinayaan na niya akong ikwento 'to sa'yo." Giit niya sa akin. Mas lalo ko tuloy sila gusto makita ngayon. I want to see Tope and hug him, I want to be here for him. Promise, pag nakita ko siya e lagi ko siyang papangitiin. Tope might have felt bad being alone all this time.
"Huwag ka nang mag-alala kay Tope, Xena. Mayron din kasing iniwan na mana ang kanyang yumaong ina na nakuha niya noong 18 siya kaya ngayon e' stable na ang buhay niya."
"Ta-talaga po?" Tumango siya sa akin. "Ano pa po ang mga nalaman ninyo?" tanong ko muli sa kanya.
"Si Samuel naman ay namatay na ang ina niya nung nakaraang taon lang. Yung Albert ay isang fencing champion at lumalaban siya sa Olympics. Yung Chance at Joseph naman e' normal lang daw ang buhay. At saka ang batang nagngangalang Sapphire, maayos din ang kalagayan niya. At saka pala, yung bahay na sinasabi mo. Nasunog na daw yun pitong taon na ang nakakaraan kaya bakanteng lote na lang iyon.” Pagkwento niya sa akin napapikit ako habang inaalala ko kung paano niya ipinakilala sa akin ang playground namin.
“Marami na talagang nagbago nung nawala ako yaya,” sabi ko sa kaniya at mahina akong ngumiti.
“Sa tingin mo, kilala pa kaya nila ako?” tanong ko sa kaniya.
“Si Tope? Naalala pa kaya niya na ako si Wendy?” tanong ko sa kaniya ngunit ngiti ang gumuhit sa labi ni yaya. “Umalis man si Wendy at iniwan si Peter Pan dahil sa pinili nitong lumaki, kahit kailan hindi niya malilimutan ang unang babaeng nagturo sa kaniya ng tunay na kahulugan ng saya, tuwa at nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal.” sagot niya sa akin.