Sa pagpasok namin sa elevator, I felt a bit of strain in the way he holds my hand. Hindi ko na pinansin, nawawala rin kasi ang atensyon ko sa nakaw-tingin ni Sayer sa 'kin.
Nagulat nalang ako nang hinila ako ni Cason as he turned his body facing me. I couldn't help to think, is he blocking Sayer's view of me? I heard Sayer hiss in disapproval.
Nagkunwari akong naubo para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko sa pagitan nilang dalawa. Thank God at bumukas na ang pintuan ng elevator. Dali-dali akong lumabas, I have to draw back from the two of them.
"Cason, may nalaman ako," sabi ni Sayer. Thankfully nagsalita rin ang isa sa kanila for that loosened the anxiety of the surrounding. "Malaki ang tiyansa na BigHit ang nasa likod ng lahat ng ito."
Kinuha ni Sayer ang laptop niya sa maleta na dala niya kung saan naroon ang mga iba't ibang gadgets na sa totoo lang ngayon ko lang nakita at mukhang siya lang ang meron noon. Ipinakita niya kay Cason ang kuha ng CCTV malapit sa Academy. Mayroon ding kuha sa mga kalapit na establishimento, maging din malapit sa bahay namin.
"Tama ba yung narinig ko? Big Hit?" Usisa ko.
Lumapit ako sa kanila para makita ang naka-folder na papeles na bigay rin ni Sayer kay Cason ngunit agad naman niya itong sinara nang makita ako. Napaurong nalang ako't inayos ang pagkakatayo ko. Sandaling umalis si Cason para kunin ang laptop niya habang si Sayer naman ay abala sa pag-set up sa mga gamit niyang galing sa maleta. Nakita ko iyong magandang pagkakataon para masilip ang laman ng mga papeles na ipinagkakait sa' kin. Pa-simple akong lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang folder, tumigin-tingin muna ako sa dalawa kong kasama bago tuluyang buksan ang folder.
Laking gulat ko nang makita ko ang mga larawan ko sa pinaka unang pahina, naroon din maging ang mga detalye tungkol sa 'kin. Sobrang detalyado dahil maging ang oras ng pag-alis ko, saan ako papunta at maging kung saan ako daraan nakasaad rin. Nang ililipat ko na ito sa susunod na page, hinablot ito ni Cason na hindi ko napansin na nakatayo na pala sa likuran ko.
"Classified information ang mga ito." Ika niya na mabilis na inagat sa ere ang folder.
"Sino ba talaga kayo? Anong kailangan niyo sa 'kin? Bakit nandyan lahat ng tungkol sa 'kin?" Sunod-sunod kong tanong habang pilit na inaabot ang folder kay Cason.
"Hindi mo pa sinasabi sa kanya?" Pagtataka ni Sayer.
Sandali kong tinignan si Sayer, hinintay ko siya kung may sasabihin ba siya tungkol sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Pero bumalik din ako sa pakikipag-buno kay Cason sa pagkuha sa folder.
"Kung ayaw mong ipabasa sa 'kin 'yan, sabihin mo nalang lahat ng dapat kong malaman."
Tumigil ako sa paglundag para tignan si Cason mata sa mata. Gustong-gusto ko nang malaman ang lahat.
"Ayoko ng magmukhang tanga, Cason! Buhay ko ang nakasalalay dito, maawa ka naman." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha sa sitwasyon ko.
"Cason!" Nagtaas ng boses si Sayer na agad na lumapit sa 'kin. "Hindi dapat pinagmamakaawa ang mga babae." Tumayo si Sayer mula sa pag-aayos ng gamit niya at naglakad papunta sa 'kin.
Sayer held my hand and guided me far from Cason. I almost cried but I tried hard not to. Masyado ko nang naipakita na mahina ako. Dinala ako ni Sayer sa terrace at pinaupo sa outdoor dining set.
Ngayon ko lang nalaman, wala na pala ako sa siudad. Pinapalibutan ng malalaking puno ang bahay kung saan ako naroon at wala akong matanaw na ilaw sa napakalapad na kagubatan. Sayer left me for a while to fetch some water at sa pagbalik niya tila may bakas na ng galit sa kanyang mukha.
"Pagpasensyahan mo sana si Cason, masyado ng kinain ng trabaho namin," Bungad ni Sayer habang inaabot ang isang baso ng tubig. "Nakalimutan na niya atang gumalang sa babae." Dagdag pa niya matapos kunahin ang panyo mula sa kanyang bulsa at inabot sa 'kin.
"Pwede mo bang sabihin sa 'kin lahat? Malapit na kasing sumabog itong ulo ko eh." Bahagya akong ngumiti kahit pa may luha pa rin sa mata ko.
He sat on the chair across me. Kita ko sa mga mata niya na ang pagdadalawang isip sa request ko. Pero naroon din sa mata niya ang kagustuhan akong kausapin. Itinuon niya ang atensyon niya sa 'kin at tinignan ako diretso sa mata. I'm not used to looking people in the eyes. Sa tanan ng buhay ko si Cason palang ang natitigan ko nang matagal at ang tanging dahilan lamang niyon ay kasama iyon sa dance routine namin. But this is a different situation.
He folded his arms and crossed his fingers, placing them on his chin. "I cannot tell you everything. But I'll try to answer all of your questions."
Nabuhayan ako sa narinig ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at inumisahan ko ng magtanong. "What is this happening to me and to my family?"
He cleared his throat before answering. "Meron gustong manakit sa 'yo at sa palagay ko, nadamay lang ang pamilya mo sa sunog na nangyari. You know, para umuwi ka sa inyo at makuha ka nila."
"Sino? Bakit?"
Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang salamin. "That is something we're still trying to figure out. But I can say na malaking tao ang nasa likod nito. Nahihirapan akong mag-trace sa kanila, and that is very unusual of me." Hindi ko man kilala talaga si Sayer but what choice do I have but to trust him. A gush of wind suddenly came through us pero hindi iyon nagsilbi sa galit na nararamdaman ko.
"Normal na tao lang ako, normal na pamilya lang kami. Simpleng empleyado lang si Papa at mahirap na estudyante lang kami ni Sean! Wala silang makukuha sa 'min!" I tried hard not to let my emotions get into my head but I failed.
"They want something from you. Hindi ako sigurado, pero baka may sikreto kang alam na kailangan nilang makuha." Inayos ni Sayer ang upo niya at inusog ito nang kaunti para makalapit sa mesa.
"Wala! Wala akong sikreto na pakikinabangan ng iba. I don't even own anything! Bahay lang namin ang may halaga sa 'min na ngayon wala na rin!" I let my guard down and cried in front of him.
"Calm down, Althea. Ito ang dahilan kung bakit kami nandito. Dahilan kung bakit namin inaalam ang lahat ng tungkol sa 'yo." Nagkalma ako kahit pa paano sa sinabi ni Sayer. But my blood is still rushing over me, hindi ko kinakaya ang mga paratang sa 'kin.
I stood up and move away a little to breathe. Itinukop ko ang dalawa kong kamay sa bakal ng terasa at lumanghanap ng malamig na hangin. I'm so down. I feel like the world fell down on me.
Narinig kong tumayo si Sayer dahil sa pagkalaksing ng bakal na upuan. The cold wind started to get warm in his presence.
"I know what your feeling. Hindi mo man ako kilala. Ako, kilalang-kilala kita." Lumapit siya at tumayo sa likuran ko. "I've been following you almost three years now. Pasensya ka na kung hindi ako nakapagpa-kilala sa'yo. Even if, I wanted to do it. . . badly." Tumalikod ako para humarap sa kanya.
I wanted to protest. But his smiling eyes caught me off guard. Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya for clearing things up and for comforting me. Pero bigla nalang lumabas si Cason na nakahalukipkip pa ang mga kamay.
"Tapos na kayo?" He asked in bitterness.
Sayer let out a laugh before facing him. "Kanina ka pa ba d'yan? What's up?"
"May party ang Big Hit bukas ng gabi. Make a way for our names to be listed on the guest list." Ibinigay ni Cason ang tablet na hawak niya kung saan naroon ang impormasyon tungkol sa party.
"Our names?" Pagtataka ko. Nilingon ako ni Cason.
"Bakit pa kasama si Althea? You're just putting her in danger." Pagsalungat ni Sayer.
Hindi inalis ni Cason ang tingin niya sa 'kin kahit pa kinakausap siya ni Sayer.
"I cannot go there without a date." Aniya.
I wanted to oppose but Sayer did it for me. "Bakit siya pa? Humanap ka nalang ng iba."
Cason crossed his arms and looked seriously at Sayer. "She is the only woman here, not unless you want to cross dress."
Umalis si Sayer nang dahil sa pagkainis but before he can even go further, muling nagsalita si Cason.
"And buy her a dress. . . and matching masquerade masks for the both of us."