Chapter 3

2287 Words
Malakas na kabog sa dibdib ang gumising sa 'kin mula sa malalim na pagtulog. Pinilit ko pakalmahin ang sarili ko. The smell of newly white sheets caught my attention. I don't have this kind of fabric. The soft cushion behind me as if calling my name. This is not my bed. Minabuti kong tumayo para makita ang paligid kung saan ako naroroon. And my goodness! This is not my room nor our house for sure. Instinctively, tignignan ko ang katawan ko to check if I'm still wearing the same clothing I wore that morning. Thank God hindi nagbago ang damit ko. I looked around in search for my back pack. Hihingi na sana talaga ako ng tulong sa mga pulis o kung sino man ang ma-dial ko. But then I heard the door squeaked. I saw a man wearing a red checkered long sleeves polo and black pants. He was about to come in but he was surprised to see me awake. "Cason?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Why does he look so different? When in fact, salamin lang naman ang bagong suot niya sa kanyang mukha. But as I watch him eagerly, it was not just the glasses. Kasama sa mga pagbabago ang wet look niyang buhok na nakasanayan ko ng makita na palaging naka-ayos. At ang pananamit niya, masasabi kong matured kumpara sa mala-teenager outfits niya simula nang makilala ko siya. "Althea, I'm glad you're awake." Even the way he speaks changed in a nick of time. What the hell is happening? "Where am I, Cason? At baka naman, gusto mong magpaliwanag." I said crossing my arms. "I understand, you want answers. But please, make yourself comfortable. Magpalit ka muna." He handed me a denim long sleeves dress. "I'll be waiting downstairs." Kunot-noo akong naiwan sa loob ng silid na iyon. Now I'm not just worried about what happened hours ago but also to what is happening now. Am I supposed to doubt Cason? Like what he said, I made myself comfortable. I took a quick shower just to freshen myself up along with my mind. Alam kong hindi dapat ganito ang ginagawa ko. Hindi ko dapat pinagkakatiwalaan si Cason lalo pa't mukhang kaming dalawa lang sa bahay na ito. But what choices do I have, I'm not quite sure yet. Bago ako lumabas ng kwarto, hinanap ko muna ang cellphone ko. I wanted to text Papa just to let him know my whereabouts. But it wasn't there where I left it. Naisip ko nalang na baka ninakaw na iyon ng kriminal na nanutok sa 'kin ng kutsilyo. Paglabas ko ng kwarto sumalubong sa 'kin ang modernize style ng kabuoan bahay. Hindi man ito kalakihan ay maganda naman ang pagkaka-decorate nito sa color combination na black and light blue. The kitchen and the dining has enough space that can accommodate three-person max. And that is because the living area ate up almost all the space of the house. Malaking ang flat screen television doon at maging ang itim na sofa sa harapan niyon. Most of the living room is invaded with techy things, like big speakers, computers and a few game consoles. I can say that this house is truly a man cave but with a touch of femininity due to its cleanliness. "Cason, nakita mo ba 'yung phone ko? I need to talk to Papa. I have to let him know na nandito ako." Cason was in the middle of arranging the plates for the two of us. But stopped when he saw me. "I don't think that's a good idea, Althea." Seryoso niyang wika. "Maupo ka na at kumain na muna tayo." Dugtong niya matapos ilapag ang muebles sa mesa. I sat facing him. I want to see him. Kailangan kong makita kung si Cason nga ba itong nasa harapan ko. His stance is way different than the sloppy Cason I know. Hindi ko magalaw ang pagkaing nakahain dahil sa ayaw kong maalis ang tingin ko sa kanya. He stopped his spoon in the middle of taking the food to look at me. "Masanay ka na. This is me, the real me." Hindi ko naiwasang magulat nang bigla siyang magsalita. I was too caught up in my mind. "Wait lang ha. Hindi na ako makapag-isip." I stood up and walk away a bit to breathe. "Sino ka ba talaga?" I came back to question him and stood there and not leaving without an answer. Binitawan niya ang kutsara't tinidor na hawak niya to face me. I can see that his eyes were tired. And that he couldn't rest because of me. "I think it's better if you eat first -" "NO! I want answers now!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magalit. I'm so damn confused. He folded his arms and took a deep breathe before continuing. "Okay." "Three questions. That's all I can answer." He said. Alam ko ito. Kapag nagtanong ako kung bakit tatlo lang, considered na iyon na unang tanong. I have to think for questions that would answer only what I need to know. "Sino ka ba talaga?" Seryoso ko ng tanong. "I'm Cason." Maiksi niyang sagot. "Ano namang klaseng sagot 'yan? Syempre alam kong ikaw si Cason! What I meant was, why you suddenly changed? Ikaw ba talaga 'yung Cason na dance parter ko? O baka naman clone ka lang or kambal ka niya?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at nagalit na ako. Seryoso ako sa tanong ko and I expected a real answer. "Kumalma ka, Althea. Hindi mo ako maiintindihan kung magagalit ka lang." "Just tell me!" He removed his glasses at ipinatong iyon sa mesa. "My name is Cason James Belloso. I'm the same man who danced with you this morning. The same man who saved you from sure death." I felt troubled when I heard the word 'death'. And I have to know kung anong ibig niyang sabihin doon. "Sure death?" I said, almost whispering. "This might sound crazy to you, pero 'yung lalaking naka-itim na umatake sa 'yo, I believed he was hired to kill you." I tried hard to understand the last sentence he just said but I just can't. Wala akong malaking kasalanan sa kahit na sino man para gantihan ako nang ganito. Alam ko sa sarili ko na wala akong kaaway at imposible ang sinasabi ni Cason. "And why would I believe you, Cason? Dance partner lang kita. You know no better." I was skeptical. "My knowledge about your situation is limited. Hindi ko masasagot lahat ng katanungan mo. But believe me, we both want the same thing. And that is to keep you alive." Pabagsak akong umupo sa upuan. Napatakip nalang ako ng mukha to keep myself together. Malapit ng sumabog ang utak ko. I wanted to run and go back home. But at the same time, gusto kong malaman ang dahilan kung ano ang ibig niyang sabihin. "Nasa panganib ba talaga ang buhay ko?' I said in a teary eye. "I'm afraid, yes." I buried my hands onto my face again, para mapigilan ang luha na nagbabadya. Hindi ko man alam kung saang emosyon galing ang mga luha, sa takot o lungkot ba. I lifted my face when I heard a phone rang. And it was Cason's. "Excuse me, I have to take this call." Lumayo si Cason bago niya sinagot ang tawag niya. Hindi ko alam kung maiiyak o matatawa ako sa mga nangyayari. Iyong bully na Cason na kilala ko bigla nalang naging gentleman, may pa-excuse-excuse me pang nalalaman. Imposible! Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain, baka sakaling kapag nabusog ako at makaisip din ako nang matino. Pero nakuha ko ng maubos ang pagkain wala pa rin akong maisip na dahilan kung bakit nagkaka ganito ang buhay ko. Ngayon pa talagang picking season sa academy, in the next few days darating na ang mga managers at big bosses sa academy. Dalawang taon kong hinintay ang araw na iyon and I can't let this stupid event take that chance away from me. Sa pagbalik ni Cason tinapos ko na ang pagkain ko. "I have to go home. Salamat sa pag-alaga at pagligtas mo sa akin." Tumayo ako naglakad paakyat sa silid to get my stuff and go. "You can't go home." Malungkot na wika ni Cason. "Bakit?" Nakita ko ang mukha niya na tila ba nalulungkot at nag-aalala. I felt that there is something wrong. "Nasusunog ang bahay ninyo." Hindi na bumalik si Cason sa hapag kainan bagkus ay dumiretso ito sa sala at kinuha ang remote control ng kanyang t.v. Sa pagbukas niya dito ay bumungad sa amin ang balita na may nasusunog na bahay sa lugar namin. Naubos na ng apoy ang bahay at paniguradong wala ng natira pa doon sa lagay na iyon. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Cason pero natulala ako nang sinabi ng reporter na bahay ng mga Luna ang nasusunog. Nilapitan ako ni Cason at tinapik-tapik ang likod ko. "Huwag kang mag-aalala. Wala silang nakitang bangkay sa sunog." Kahit pa paano ay lumuwag ang dibdib ko. Hindi naman importante sa 'kin ang bahay, ang inaalala ko lang talaga sina Papa at ang bunso kong kapatid na si Sean. "Malakas ang hinala ko na kagagawan din iyan ng mga taong gustong manakit sa 'yo," ani Cason. Dali-dali akong lumayo kay Cason at nag-isip. Honestly, wala akong maisip na gagawin. I think my mind is faulty. Flashes rushed into my head, faces of my Papa and Sean. Hindi man maganda ang relasyon namin ni Papa pero hindi ko masikmurang isipin na hindi siya makita matapos kong malaman ang lahat. I need to see my little brother badly, he is only ten years old, panigurado ko nangiginig na iyon sa takot. "I'm going. Gusto ko silang hanapin. I want to see them." I rushed my way in search for the door that will lead me outside pero hinabol ako ni Cason. He grabbed my hand making me face him. "Hindi mo kailangang umalis para lang makita sila." He stated. "Come with me." He led me inside a door na hindi ko naisip na isang elevator pala. He pushed the button going down and waited for it. Hindi niya binitawan ang kamay ko all throughout. We dance before and held hands, but this feels different. Nakasanayan kong ako ang may hawak sa kamay sa tuwing magsasayaw kami ngunit ngayon siya ang may hawak sa kamay ko. Making me feel that he is in control and that I am safe in his hands. Sa pagtigil ng elevator bumungad sa akin ang malawak na silid na puno ng mga computers at monitors. Mga cctv live footage mula sa labas ng bahay. Mapa na kung saan may mga naka-tract na hindi ko maintindihan. Maraming cable wires sa sahig kaya nag-ingat ako sa paglalakad. Cason guided me to one of the computers where a video is currently on play. I saw Papa and Sean resting comfortably in a sofa some place else that I didn't know. "Live footage iyan kuha sa bahay na pinagtataguan ng pamilya mo. They're safe, is this reason enough for you to stay away from danger?" Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong ligtas silang dalawa. They're all I have in this world. Hindi man kami okay, mahalaga sila sa 'kin. "But how did they?" Hindi ko natuloy ang itatanong ko dahil sa matinis na tunog na nagmula sa isa sa mga computers doon. Mabilis na tinignan ni Cason ang dahilan niyon. Nakita ko nalang na mabilis itong nag-type sa keyboard at ilang saglit lang tumigil ang nakakabinging tunog. "Nandito kami sa basement." Wika ni Cason sa microphone na katabi lang ng ginamit niyang computer. Guminhawa ang pakiramdam ko nang mahagip ng camera ang pagngiti ni Sean. Doon nasigurado ko na ligtas sila at nasa mabuti silang kalagayan. How I wish nandoon ako, I want to see them face to face. I want to hug my brother. I want to hug Papa. Ngayon ko lang napagtanto, matapos ang lahat ng nangyari. Hindi lang simpleng krimen ang sinasasangkutan ko. Kung nakaya nilang saktan ako at saktan ang pamilya ko, totoo ngang delikado ang buhay ko. Lahat ng tanong ko kung bakit ay sisinantabi ko muna. Mas gusto kong malaman ngayon kung sino ba ang may kagagawan nito at kung ano ang dahilan niya. Narinig ko ang elevator na bumukas at doon ko natuon ang atensyon ko. There was man standing inside of it. He was wearing a maroon hoodie and tattered pants. Tila napako ang mga mata ko sa kanya dahil sa suot niyang red round reading glasses at sa nakasabit na fancy headphones sa kanyang leeg. Lumapit si Cason dito at binati siya. Sandali silang nag-usap at ilang saglit lamang nakita ko ang lalaki na sinisilip ako. As Cason moves away, the man who wears fancy headphone rushes towards me. "Miss Althea?" he said. "I'm Sayer Ethan Orquia. Huwag mo ng alalahanin ang pamilya mo, dinala ko sila sa safe house. Walang makakagalaw sa kanila doon." He handed me his hands which I gladly took. "Maraming salamat, Sayer. Did they ask about me?" Tumayo ako para makita at makausap ko siya ng maayos. "Your brother did, I made sure na hindi siya mag-alala sa'yo. I promised to keep you safe." I can't help but to smile. Nalaman ko lang na nakausap ng taong ito ang kapatid ko at sinigurado niya na ligtas sila't hindi ako inaalala, created a spark of hope in my heart. Cason approached us, clearing his throat. "Sa taas nalang tayo mag-usap. Halika na Althea." He lightly pushed Sayer and reached for my hand. I felt a slight tension in the spaces in between us. But his warm hand made me forget about that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD