Chapter 2

1770 Words
I thought my heart stopped, dala ng pagka-gulat dahil sa kamuntikan kong kamatayan. I grabbed Cason's shirt to get a hold on him before I could lose my balance. I stood next him. But what is this? Nanginginig ba siya? Bahagya akong tumingala to see his face, kunot ang noo niya at bakas ang pag-aalala. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" He lifted my face and eagerly observe if I was injured somewhere. Nagulat ako sa naging reaksyon niya to a point na I can't move. The night lingers in the surrounding, preparing for the holiday season. Hindi ko matansya itong pagkabog ng dibdib ko. Bakit naninigas ang kalamnan ko? "Are you okay?" tanong ulit niya. I tried answering back but my jaw seems to be locked. I couldn't utter a word. "Dadalhin kita sa clinic." The green light went on, dinig ko ang pagrereklamo ng mga tao sa 'ming likuran. I lifted my hand to touch my heart. . . tried so hard to calm it. "Okay lang ako." I whispered. Hindi ko matignan ang mukha niya. Naramdaman kong tila nag-iinit ang mukha ko. I have to walk away. "Sigurado ka?" He said as he follows me across the street. Tumango nalang ako and made an okay gesture in my hand. Pagpasok namin sa convenience store sa hindi kalayuan. I made myself comfortable in the seat where I face the glass wall. Pinangkuha ako ni Cason ng spicy noddles, alam niya ang paborito kong flavor marahil madalas niya akong makita na iyon lang ang kinakain ko sa academy. How could I feel this again? Napigilan ko na ito noon, noong una kong nakita si Cason na pumasok sa studio. I forced myself to block this kind of emotion. Made myself believe na nandyan lang siya palagi para inisin ako. But with just one incident, my heart melted for him again. My thought stops nang ilapag niya ang noodles sa harapan ko. "Tagal mo." Pagsusungit ko. I have to erase all that crazy thoughts. "Sumingit na nga ako pila para agad makapagbayad." Aniya habang umuupo sa tabi ko. Tinignan ko ang pila sa counter. Mga babae ang nandoon at kahit na katabi ko na siya, sinisilip pa rin siya ng mga ito. "Hulaan ko ha? Ginamit mo na naman 'yang charm mo sa kanila? Nakipag-flirt ka na naman para mauna sa pila." Taas-kilay kong sabi. Kinuha ko ang plastic fork na nakapatong sa noodles ko at itinusok ko sa cover. It broke easily, parang doon ko yata nabuhos ang inis ko. "Nagseselos ka ba?" My heart thump again with that question of him. I slowly looked up to see his face. Gusto kong malaman kung seryoso ba siya sa tanong niya o niloloko niya lang ako. But to see him seriously looking at me and waiting for my answer, made me blush again. "Kapal ng mukha mo, Cason." Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain ng noodles. Kahit mainit, sumige ako sa paglamon. Hindi ko siya matignan pang muli, kahit pa sinilipin man lang sa gilid ng mata ko ay hindi ko magawa. I know for certain he is smiling. "Huwag kang mag-alala, Althea. Katulad ng sinabi ko sa 'yo noon, ikaw lang, wala pa ring iba." His words left me in shocked. Paano niya nasasabi iyon nang ganun-ganun nalang? That reminds me the first time he confessed his feelings for me. Mag-isa akong nakaupo sa court ng studio habang kumain ng tinapay. Bad trip na bad trip ako noon dahil kay Miss Soo. Wala akong ibang naisip noon kung 'di ang pagsasabunutin siya. Hindi ko alam na, pinagmamasdan pala ako ni Cason na nakaupo sa ibang table. Nilapitan niya ako at sinabing, "Huwag ka ng sumimangot, ikaw naman 'tong crush ko at hindi sila." He winked, so I thought nagbibiro lang siya. I didn't take that seriously 'coz after that we became close. Pero ngayon, heto na naman siya, ginugulo ang isip ko. Ginulat ako ng pag-bell ng pinto ng tindahan. Lumingon si Cason para makita ang lalaking pumasok. Should I ask him about his feelings? Para saan? Where will this lead me? "Ah, Cason..." I might as well ask him. Ibinaling niya ang atensyon niya sa 'kin but his face seems to be worried. "Ubusin mo na 'yang pagkain mo. Ihahatid na kita." He instantly became cautious. "Bakit?" tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba. "Just do it, Althea." He said as he finishes his food. Tumayo siya at kumuha ng maiinom namin habang ako sumunod nalang sa sinabi niya. A man approached me from behind. "Ah, excuse me, pwede mo ba itong basahin para sa 'kin? Nakalimutan ko kasi ang salamin ko." He is a middle-aged man at mukha naman siyang mabait. So, I helped as much as I can. "Althea." Untag sa 'kin ni Cason na hawak ang isang maliit na bote ng tubig. His stood beside me habang inaabot ang tubig. "May problema ba?" dugtong pa niya. He was sternly looking at the man. "Wala. Nagtatanong lang si manong." Paliwanag ko. Ngumiti naman ang lalaki at nagpasalamat bago tuluyang lumayo sa 'min. "Napano ka?" Pagtataka ko. Pero iling lang ang nakuha kong sagot. "Alis na tayo." Seryoso niyang sabi. He grabbed my bag and then my hand. Leading me out the store before finally letting it go. Sinubukan kong tanungin siyang muli sa biglaang pagseseryoso niya pero wala lang palagi ang nagiging sagot niya. Sinamahan niya ako sa paglalakad pauwi sa bahay. Tumanggi akong pagpahatid pero nagpumilit siya. "May napapansin ka bang kakaiba nitong mga nakaraang araw?" He said out of nowhere. "Wala." Matipid kong sagot. "Ano ba kasing meron?" I was puzzled. "Wala nga." Hindi na ako pumayag na wala nalang siyang nagiging sagot sa mga tanong ko. Tumigil ako sa paglalakad nang makaliko kami sa kanto papasok papunta sa bahay ko. Hinarap ko siya at pinigilan siya sa pagdaan gamit ang dalawa kong kamay. "Oops! Hanggang dito ka nalang." "Hindi. Ihahatid kita." Sinubukan niyang lagpasan ako pero hindi ako pumayag. Nakipagpatintero ako sa kanya mapigilan lang siya. "Althea, padaanin mo ako." Tinitigan ko siya at hindi ako nagpatalo sa kumikinang niyang mata. Pero sa tingin ko hindi ko siya makakayang pigilan. He is dead serious while I was just playing to get answers. "Fine," sabi ko. "Kung gusto mong dumaan diyan, edi dumaan ka. Sa shortcut nalang ako dadaan." Still, I deserve to know what’s going on. Iniwan ko siya at bumalik ako sa main road para mabalikan ko ang daan na shortcut pauwi sa 'min. Hinabol niya ako pero binilisan ko ang paglalakad ko. Tinatawag niya ako pero hindi ako lumilingon. Pagpasok ko sa eskinita at sumalubong sa 'kin ang madilim na daan. Wala kasing matinong ilaw doon at tambakan iyon ng basura ng mga katabing tindahan. Hindi ako dumaraan dito, feeling ko kasi delikado. Kung hindi lang dahil sa kanya hindi talaga ako daraan dito. Langitngit ng gulong ng saksakyan ang umalingawngaw sa tahimik na eskinita. Marahas na tumigil ang itim na sasakyan sa harapan ko dahilan upang matakpan ang daraanan ko pabalik sa main road. Isang lalake ang bumaba mula sa kotse. Itim ang suot niya at nakasuot ito ng sombrero. "Takbo, Althea!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Cason. Hindi ako agad nakahakbang ngunit nang makita kong bumunot ng baril ang lalaki ay tila kusang tumakbo ang mga paa ko. Kahit pa mabilis ang takbo ko ay tumingin pa rin ako kay Cason. Paano nalang kung siya ang mapahamak? Mabilis siyang tumakbo at nilundag ang sasakyan, maabutan lang ang lalaki at mapigilan ang balak nitong pagpapaputok ng baril. Kitang-kita ko kung paano siya makipag-buno sa lalaki. Sinipa ni Cason ang baril at nabitawan iyon ng lalaki. Bumwelo ng suntok ang kalaban pero mabuti nalang at maliksi si Cason at nakaiwas doon. Bagkus ay siya pa itong nakaganti ng suntok sa lalaki. Kinabog ko ang mga pintuan na makita ko para humingi ng tulong pero nakapagtatakang wala ni isang nagbukas ng pinto. Tumingin ako sa dulo ng eskinita, iyon nalang ang tanging paraan para makatakas ako at makauwi. Pero paano si Cason? Tumingin akong muli sa kinaroroonan niya. Nakahiga na sa semento ang kalaban at kita kong tila naghahanap ng pagkakakilanlan si Cason mula sa jacket na suot ng lalaki. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Ako ba talaga ang target ng lalaking armado? Bakit? Wala naman akong atraso sa kahit na sino. Kailangan ko ng sagot at pakiramdam ko may alam si Cason sa mga nangyayari. Nang humakbang ako pabalik sa kanya ay may kamay na dumakma sa bibig ko. Sinubukan kong pumalag ngunit tinutukan niya ako ng patalim sa leeg. I cried in fear. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Nanghina ako nang makita ko ang matalim na kutsilyong handang kumitil sa buhay ko ano mang oras. Cason, tulungan mo ako. Tila narinig ni Cason ang iyak ko. Kamlado itong naglakad sa kinaroroonan ko. Ngunit sa bawat hakbang ni Cason ay siya namang hakbang palayo ng kriminal sa likod ko. "Bitawan mo siya. Ibibigay ko lahat ng pera ko, huwag mo lang siyang saktan." Pakiusap ni Cason sa lalaki. "I-ihagis mo a-ang wallet m-mo dito!" Garalagal na wika ng kriminal. "Ibaba mo muna ang patalim mo. At itulak mo siya rito." Muling pakiusap ni Cason. Hindi inalis ni Cason ang tingin niya sa 'min, pinagmasdan niya ang bawat kilos ng kriminal. Ilang segundo lang at naramdaman ko nang unti-unti ng lumalayo ang patalim sa leeg ko at maging ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko "Cason~" I cried. "Kumalma ka lang Althea, ililigtas kita." Sa bawat segundong nagdaan tila napakabigat ng paligid. Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lamang naramdaman ang panghihinang ito dala ng takot. Nang akmang bibitawan na ako ng kriminal at itutulak na sana palayo sa kanya ay binalot ng ingay ng makina ng kotse ang eskinita. Dala ng pagkagulat ay napaupo nalang ako't tinakpan ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay at humagulgol ng iyak. Hindi ko na inalam pa ang nangyayari, handa na akong mawala sa mundo. Rinig kong pahina nang pahina ang ingay gawa ng kotse. Ngunit hindi pa rin mawala ang takot sa 'kin. "Althea~" Boses ni Cason ang narinig ko na tila nakapagbigay ng pag-asa sa puso ko. Marahan akong tumingala. Naroon si Cason sa 'king harapan, nakalahad ang kanyang kamay, handa na para abutin ko. "Halika na, umuwi na tayo." Inabot ko ang kamay niya na malugod niyang kinuha. Inalalayan niya ako sa 'king pagtayo ngunit ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na nakita. Nagdilim ang paningin ko at mukha ni Cason ang siyang huling nakita ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD