Chapter 1

2281 Words
Walang araw na hindi ako bumangon nang maaga, hindi ko pwedeng i-risk ang tanging pagkakataon para maipagmalaki ako ni Papa – At iyon ay maging member ng isang sing and dance group na sumisikat dito sa bansa. "Tutal wala ka naman makukuhang magandang trabaho dahil mababa ang mga grades mo, bakit hindi ka nalang sumali sa mga iyan." Hindi pa rin maalis sa isip ko kahit halos isang taon na nang marinig ko iyon mula kay Papa. Alam kong sarcastic ang pagkakasabi niya noon pero sineryoso ko, kasi tama naman siya, wala naman talaga akong silbi. Simula magka-isip ako hindi ko pa narinig sa kanya na sabihin niyang mahal niya ako o kahit man lang purihin ako sa mga achievements ko. Honor student naman ako simula elementary hanggang high school. Pinaghihirapan ko lahat ng na-achieve ko pero wala lang para sa kanya. Lalong lumala ang ugali niya nang iwan siya ng pangalawa niyang asawa. Pero mabuti nalang hindi nararamdam ng kapatid kong bunso ang mga naramdaman ko. Mahal siya ni Papa. Iyon lang ang isang bagay na ikinatuwa kong ginawa niya. Liban pa sa atensyon ni Papa, gusto kong sumikat sa pagbabakasakaling makita ako ni Mama sa TV. Simula kasi nang ipanganak niya ako, base sa kwento ni Papa, umalis siya nang walang paalam. Wala akong alam tungkol sa nanay kundi iyon lang. Iniwan niya ako. Tinignan ko ang orasan, alas-singko palang ng umaga. Si manong guard ang kasabay ko sa pagbubukas niya ng studio. Kailangan kong mauna para makapag handa pa ako kahit pa paano. Dahil ang araw na ito ang pinaka hihintay ko – Picking season ito kung tawagin. Once a year lang kung mangyari ang Picking season, dito hihimayin at ia-analyze mabuti kung sino ba ang posibleng mapabilang sa mga boy and girl group na pasisikatin sa bansa. With all my hopes up, I entered the room imagining myself being picked. "Althea Corrine Luna, we want you! Congratulations!" Sa pinaka malaking dancing room sa Star Studio Academy kung saan ako madalas mag ensayo. Suot ko ang black leggings na pinatungan ko ng malabot na shorts. Inayos ko ang pink tshirt na nakabuhol sa 'king tagiliran na may nakapatong na itim support shirt sa loob ay sinimulan ko mag-stretching para makapag-umpisa na sa pagpa-practice ko sa pagsayaw. Gamit ang earbuds at cellphone ko, pinatugtog ko ang kantang It Won't Stop ni Chris Brown na siyang piece namin ng partner kong si Cason James Belloso. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 5:26am na, wala pa si Cason, ang usapan namin eksaktong alas singko dapat nandito na. "Kahit kailan talaga, Cason!" I started to dial his number but then I heard footsteps coming from behind me. "Thea, huwag ka ng tumawag. Nandito na ako," aniya habang naglalakad papunta sa 'kin. He was wearing that same old black tee and dark maong pants paired with his black shoes. Obviously, he loves the color black, mabuti nalang at color red-orange ang buhok niya kung hindi wala nang ibang makikitang kulay sa kanya kung 'di black at porcelana niyang balat. "Late ka na." Naka-pamewang kong bungad sa kanya. "O.A nito." Umismid siya sa 'kin bago binitawan ang bag na dala niya sa tabi ng bag ko. "Bilisan mo, bago pa dumami 'yung tao rito." Paalala ko. Matapos ang ilang segundo niyang pag-is-stretching. Pinatugtog niya ang dance piece namin sa portable speaker na dala niya. Any moment now, we're going to start our routine. I needed to close my eye for a bit, habang pinakikinggan ang bass ng kanta. I have to feel it. I have to be sexy. I have to be one with the song. Sa pagmulat ko sa 'king mata, I saw Cason standing sexily in front of me biting his lower lip. Our eyes met, our cue to make a masterpiece out of dancing. Sa pagpasok ng lyrics ng kanta, nagsimula ng dumikit ang mga katawan namin. My hands stretches as I reach for his toned abs. I touched his abdomen na hinihingi ng kanta. Bawat salita at emosyon ay ipinapakita namin gamit ang aming mga katawan. I can feel his hunger to touch my waist as he sways me closer to his. Animo'y sinaniban kami ng pagka-sensual ng kanta, not even minding anything. No malice, ika nga. Hindi namin napapansin na sa kalagitnaan pala ng pagsasayaw namin ay isa-isa na palang nagdatingan ang mga co-trainees namin. All eyes are on us and yet we don't mind. They were silent but not until the song reaches its chorus. On that part, we had to stand close to each other making sure there were no spaces in between. I had to tip toe to reach for his neck pulling his head to make my nose touching his bare skin. This I do as his hand lingers in my back, pulling me hard and not wanting to let go. He stopped and looked at me. Wala ito sa routine namin, yet I had to play along. Namataan ko kasi na naroon na ang choreographer namin na pinag-iinitan ako - si Miss Soo. Nilakad niya ang kamay niya hanggang sa leeg ko and tugged me making an almost touch on our lips. I heard my heart hammered, napalunok nalang ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga. I pulled back. Mabuti nalang at patapos na ang kanta at sa routine namin, maghihiwalay talaga kami. I kept my composure and controlled my emotions. As the song finishes, nagpalakpakan ang mga co-trainees namin. That feeling of fulfillment is what I want my family to feel kapag sumikat na ako. I want to hear that same applause from them. Maramdaman ko man lang na ipinagmamalaki nila ako. Panandalian kong nakalimutan ang inis na nararamdaman ko towards Cason’s action during that few steps na wala sa routine namin. Choreographer Soo approached us, kinabahan ako. Kahit kasi anong galing ang ipakita ko hindi ko talaga siya ma-please. "You did a good job Cason, I felt the emotions, but there is this part na nanigas bigla yang katawan mo. You have to polish that." She gave him a little pat on the shoulders. Napalunok na ako nang tumingin siya sa 'kin. "Althea, that was the first time I saw you dance sensually." She smiled. Aba milagro! Nasiyahan siya sa ginawa ko. Tumaas bigla ang confidence ko, kaya nagmayabang ako. "Plano ko po kasi talaga na gulatin ang lahat sa gagawin ko." Nawala ang exciment ko nang muling bumalik ang simangot sa mukha niya. "Pero makalat, sobrang kalat ng mga stretches mo." She leaned towards me saka ito bumulong. "I still don't understand kung bakit ka tinanggap dito as a trainee. You don't even have the looks... nor the talent." Hindi na ako nakasagot dahil dumating ang isa pa naming choreographer at sinabing maghanda na kami para sa In-house Judging. Naglakad nalang ako palayo para kunin ang gamit ko. Dinaan ko nalang sa malalim na paghinga ang lahat ng masasakit na salitang narinig ko sa kanya, exhaled it to let it all out. Nilagok ko ang tubig na dala ko saka nagpunas ng pawis. Nakita ko si Cason mula sa salamin na nagsisilbing dingding ng studio na papalapit sa 'kin, agad akong tumalikod para makumprota siya sa ginawa niya. "Wala sa routine 'yong ginawa mo." Bulalas ko. May katagalan na kaming mag-partner sa sayaw ni Cason but I must admit, when I see him all sweaty like this hindi ko mapigilang matameme sa harapan niya. "Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. Pero effective naman 'di ba?" He smiled innocently at me. That smile takes every woman he desires including me. Pero hindi pwede, kailangan kong pigilan. I have goals and dreams. "Effective mo mukha mo! Ayusin mo kung 'di papalitan kita." Sinimulan kong maglakad palayo sa kanya. We have to be in the Auditorium in ten minutes. "Wala nang gustong maki-partner sa workaholic na tulad mo, Althea." Sinundan niya akong maglakad hanggang sa hallway. Naririnig ko siya but I chose not to mind him, siguradong wala akong napapala kung makikipag-diskusyon pa ako sa kanya. The line is piling up at the door in front of me, papasok na kasi iyon nang Auditorium, so I had to stop. Naramdaman ko nalang na nakadikit na ang likod ko sa katawan ni Cason. I sensed him leaning behind my ears. At our age of twenty-two, how can he have these toned abs while all I have is flabby tummy? So unfair! "You have no choice..." He murmured. "...but to stick with me." His voice sends shivers in me. I pushed him. Naramdaman kong nag-init ng mukha ko. "Ano ba! Huwag ka ngang magulo!" Pagtaboy ko sa kanya. I don't even remember how I and Cason became frenemy. Noong una tahimik lang siya sa mga dance classes hanggang sa tumagal kala mo close na kami kung makipagkwentuhan sa 'kin. But like what he said, I had no choice and he was right. No one wants to be my partner dahil nga sa pagiging workaholic ko sa pag-eensayo. The day went like the usual, we had to dance our routine again para ma-point out ang mga mali kong stretches at ma-point at kung anong pang pwedeng i-improve. Nakapasa naman kami sa in-house judging pero tulad ng sinabi ni Miss Soo, marami pa akong kailangang i-polish sa mga galaw ko. After the in-house judging, I was exhausted. Natagalan ako kahit sa pagbibihis dahil namaga ang paa ko sa sobrang gamit. Tahimik na ang studio, uwian na rin kasi, buong akala kong mag-isa nalang ako, pero hindi pala. Paglabas ko ng dressing room, nakatayo si Cason hawak ang tumbler ko na puno na ng malamig na tubig. "Althea!" Bati niya sa 'kin. He is cold when treating others but not to me. I guess, pinipili lang niya ang mga taong sinasamahan niya. Natuwa ako kahit pa paano, nawawala kasi ang mga mata niya sa tuwing tatawa siya. "Na sa'yo na naman ang tumbler ko, naki-inom ka na naman?" Sabi ko sa kanya habang kinukuha ang tumbler ko. "Oo, bakit ba?" Taas noo niyang sagot. "Tsk! Ikaw pa talaga 'tong matapang 'no, Cason?" Napakamot nalang ako ng ulo habang naglalakad palabas ng Academy. I had to convince myself not to argue because there’s no use. Pinigilan ko ang sarili ko na sagutin siya hanggang sa makalabas kami ng building. Pinili ko nalang na manahimik wala na rin akong lakas para makipag-away pa sa kanya. Cason is the type of person na hinahangan ng mga babae dahil lang sa looks niya. Guwapo siya at matangkad, no wonder kung mapipili siya sa Picking season. Malimit siya sa iba pero sa akin hindi naman. May mga pagkakataon na binu-bully niya ako pero kung minsan mabait naman siya sa 'kin, lalo na kapag napagbabalingan na ko ng galit ni Miss Soo. Panigurado pagdadala niya ako ng pagkain, to be specific – spicy noodles. "Uwi ka na?" Aniya. I looked at my watch, and it was just pass five o'clock pero makulimlim na ang kalangitan. "Mukhang uulan oh." Dugtong pa ni Cason habang tinitignan ang langit. "Kailan ba may sumundo sa akin? Tsaka `di ko naman kailangan. Kayang-kaya ko ang sarili ko." Inirapan ko siya at bahagyang itinulak para makadaan ako pababa ng hagdan. "Baka lang gusto mong kumain muna?" patanong niyang wika sa 'kin. Hindi ako sigurado pero parang humina ang boses niya, bigla kasing humangin ng malakas. I stopped and turned around to face him. He was twisting his foot and looking at it. Nahihiya ba siya? Nakapagtataka para sa isang taong malakas ang loob. Thinking about it makes me giggle a bit. Pagkarinig niya sa hagikgik ko agad niyang inayos ang postura niya at tumingin sa 'kin. He cleared his throat, "Hindi 'to date ha, baka lang kasi gusto mo ng spicy noodles." He said avoiding my eyes. Tumingin ako sa wrist watch ko, I have to check the time. Hindi ako pwedeng magpagabi sa daan, baka may masabi na naman si Papa. But the thought of spicy hot noodles lures me in. Nakakapanlaway! "Maaga pa naman, so... sige." How can I say no to spicy noodled in this cold weather? He was silent as we walk our way to our destination. Hindi ako sanay, nakakabingi yung pananahimik niya. So, I made my move and started a conversation. "Cason, pansin ko lang, 'di ka kaagad umuuwi. Strict ba parents mo o dahil iniiwasan mo girlfriend mo? Teka, may girlfriend ka ba?" Nilingon ko siya nang kaunti, gusto ko kasing makita ang reaksyon niya.Binibiro ko lang siya. We talk most of the time but usually it's just for him to tease me. Hindi kami nakakapagusap tungkol sa mga seryosong bagay katulad ng ganito. Naghintay ako sa sagot niya pero wala akong napala. He acted as if he didn't hear me, for in fact I know he did. Nagpanggap nalang akong naubo para maibalik ko ang lightness sa paligid. "Ahh, mukhang hindi na matutuloy ang ulan oh." I said looking up the sky. Nakita ko siyang tumingala. "May stars na." I said pointing at light I saw. `Di nga ako sure kung stars `yon o satellite lang. Hindi ko napansin na nasa dulo na pala kami ng sidewalk, paapak na pala ako sa gutter papunta sa pedxing. Okay naman sana, I didn't tripped but the thing is, naka-red pa ang stop light para sa 'ming pedestrian. Luckily, nandoon si Cason. Mabuti nalang at alerto siya at agad na hinila ang backpack ko para matigil ako sa paglalakad patungo sa rumaragasang mga saksakyan. It happened so fast, yet I felt that time stopped for us. Pero sa mga oras na iyon, all I saw is his face. Hindi ko naramdaman kung paano ako napunta sa bisig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD