Chapter 7 – Captain Zeus
"Wala akong maalala," aniya at saka komportableng nahiga sa isang bakanteng higaan sa kwarto. Nilapitan ko naman siya at umupo sa kama na hinihigaan niya.
"Kahit pangalan mo, hindi mo alam? Saan ka nakatira at bakit ako lang ang nakakakita sa 'yo?" tanong ko ulit sa kaniya kahit na kanina ko pa siya kinukulit.
"Oo nga! Ang kulit mo naman. Dapat pala, hindi na kita nilapitan. Ako pa pala ang kukulitin mo. Akala ko naman kasi ay tahimik ka," aniya sabay pikit.
"Huwag mo akong tulugan. Bahala ka, hindi kita tutulungan," pam-bablackmail ko sa kaniya.
"Ayos lang. Mas masaya nga na ganito. Nagagawa ko ang kahit anong gusto ko kahit na wala akong maalala," preskong sagot naman niya.
"Ewan ko sa 'yo! Tinakot mo na lang ako sa wala. Dapat nga hindi ka na lang nagpakita," sabi ko sa kaniya, bahagyang nakasimangot na.
Bumalik ako sa kama at saka nahiga. Magpapahinga na lang ako. Baka sakaling paggising ko ay wala na siya rito sa kwarto.
"Natakot ba kita?" Sulpot niya sa mukha ko. Hindi ko mapigilang mapatili sa kaniya. Nasapak ko rin ang mukha niya dahil sa gulat.
"Ano ba! Huwag mo nga akong ginugulat!" bulalas ko sa kaniya. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Aatakihin yata ako sa gulat.
"Ang sakit mo manapak, a!" sigaw naman niya sa 'kin pero inisnaban ko lang siya.
Ilang minuto kaming natahimik na dalawa. Mukhang hindi pa rin siya umaalis dahil rinig ko pa rin ang paghinga niya. Rinig ko rin ang paghinga ko pati na ang mga ibon sa labas ng kwarto. Hindi naman ako makatulog dahil nandito pa rin siya.
"Haist!" Bumangon na ako sa higaan ko at saka ako naglakad palapit sa pinto para lumabas.
"Teka! Saan ka pupunta?" tanong niya, akmang susunod na sa 'kin.
"Lalabas. Hindi na ako makapagpapahinga rito kaya lalabas na lang ako. O kaya naman mag-eensayo na lang ako para lumakas naman ako kahit kaunti," sabi ko.
"Paano ako?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ang gagawin ko sa 'yo?"
"Sama 'ko!" bulalas niya at saka sumunod sa 'kin sa pinto.
"Anong sasama? Baka kausapin mo lang ako nang kausapin sa labas. Ako lang ang magmumukhang tanga 'no," sabi ko sa kaniya.
Baka nga baliw na ang tingin sa 'kin nung nurse kanina dahil sa ginawa ko pero umakto lang siyang parang wala lang.
"Sino ang may sabi? Pwede naman tayong mag-usap sa isip lang. Nakalimutan mo na bang may utang ka pa sa 'kin dahil tinulungan kita sa klase mo?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ayoko na sanang makasama siya at magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kaniya pero tama siya. May utang pa ako sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko matatapos ang misyon ko sa klase ni Sebastian.
"Sige na nga! Pero huwag kang gagawa ng kahit anong kalokohan kapag nasa labas na, a?" banta ko sa kaniya.
Malapad lang siyang ngumiti sa akin at tumagos na sa pinto. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil mukhang kailangan ko nang kabahan sa ngiting iyon. Sana naman ay wala siyang gawing kahit anong problema sa 'kin.
"MABUTI NAMAN at kumpleto na kayo. May gusto sana kaming ibalita sa inyo kaya maaga namin kayong pinatawag kumpara sa natural na oras ng klase natin," ani Sebastian.
"Pinatawag kaming muli ng ST para sa panibagong misyon kaya naman hindi na muna kami ang magtuturo sa inyo." Marami ang umangal dahil sa naging balita niya. Kung ako ang tatanungin, ayos lang naman sa 'kin kahit sino ang magturo basta ay marami akong matutunan.
"Alam kong ganiyan ang magiging reaksyon niyo pero alam kong hindi kayo ma-didisappoint kapag nalaman niyo kung sino ang papalit sa amin." Tumingin siya sa kaniyang likuran at saka naman lumabas ang isang matangkad at gwapong lalaki.
Lumakas bigla ang tilian ng mga babae na halos ikawindang ko. "Meet Captain Zeus of Team Leopard."
Hindi ko maiwasang hindi sipatin ang kabuoan ng kapitan. Sobrang tangkad niya na para siyang player ng isang basketball team. Kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat pero para iyong kumikinang sa tuwing nadadampuan ng sinag ng araw. Ang tangos ng ilong niya at ang lalim ng mga mata niya na sobrang nakaka-attract.
Ngayon lang ako na-attract sa isang lalaki kaya naman hindi ko maiwasang hindi mamangha. "Ganiyang ang tipo mo sa mga lalaki? Walang taste," bulong niya sa tainga ko.
"Wala kang pakialam!" pabalang na sabi ko sa isip ko. Mukhang natanggap niya ang nasa isip ko dahil mas lalo siyang sumimangot.
Ngayon ko lang siya napagmasdan. Hindi siya ganoon katangkad pero mas matangkad naman siya sa 'kin. Maputi siya at matangos ang ilong. Singkit naman ang kaniyang mata at ang kapal ng kilay niya. Ang higit na nakapukaw sa atensyon ko ay ang mapupula niyang labi. Bakit hindi ko napansin na ang gwapo rin pala niya?
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tinitigan ang bago naming guro. Kung hindi ako nagkakamali, si Zeus na ang magiging guro ng rank C. Hindi kaya kami kuyugin ng mga rank A at B na mga babae kapag nagkataon dahil kami ang tuturuan niya?
"Ako si Zeus at siya naman ang vice captain na si Margo. Calyx, Peter, Jing and Felix are our members. It's nice to meet you," simpleng pagpapakilala niya. Sobrang seryoso niya na para bang hindi siya ngumingiti.
Mukhang masungit pa yata ang magiging guro namin. I can't help but think about Matthew while looking at him. Hindi ko na nga siya nakikita para makalimutan ko agad siya pero ito naman si Zeus na magpapaalala sa 'kin sa kaniya.
Hindi ko namalayang magsisimula na pala ang training namin kaya naman hindi ako agad nakapag-prepare. Hawak na nina Oliver ang mga sandata na gagamitin nila sa pakikipaglaban kay Zeus pero ako ay nakatayo pa rin at nakatulala.
Nagtatakang tumingin sa 'kin si Oliver pati na rin sina Eunice. Kukuha na rin sana ako ng sandata ko nang biglang iharang ni Zeus sa harap ko ang espada niya. He's the captain; he must be a front attacker.
Agad akong nag-tumbling palayo sa kaniya pero mabilis lang din niya akong nasundan. Panay ang iwas ko sa pagwasiwas niya ng espada. Sinigurado kong walang masasayang na mana sa katawan ko dahil hindi ko naman iyon kailangan para makaiwas.
Nagplano ako agad sa utak ko kung paano ako makakakuha ng armas. Panay ang ilag at iwas ko sa mga atake niya pero kitang natatamaan pa rin niya ako. Napupunit ang ilang sleeves ng suot ko kaya alam kong kaunting tulak pa ay tiyak na masusugatan na niya ako.
I jumped as high as I can. Sa bubong ako napunta kaya tiningnan ko silang lahat sa ibaba. Ngunit hindi ko agad naiwasan ang atake niya mula sa likod ko. Nakatalon din siya nang ganoon kataas. Wala siyang sinasabi kaya hindi ko alam kung ano ang balak niya. Mukhang ayaw niyang umatras at hindi siya susuko kahit na sumuko ako.
Nagkaroon ako ng cut sa kanang braso ko. Tumalon ako pababa at umikot sa sahig para hindi masyadong maapektuhan ang binti ko. I learned that because of my dad. I'm from a shapeshifter family, after all, at isa sa mga past time namin ang maghabulan sa bubong.
Mabilis akong tumakbo sa lamesa at agad kumuha ng isang dagger. Dalawa sana ang gusto ko pero hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para makakuha ng isa pa. Ginamit ko iyon para sanggahin ang mga atake niya.
Halos mapatigil ang rank A at rank B sa pag-eensayo dahil nakarating na kaming dalawa sa pwesto nila. Nanonood na lang sila sa ginagawa naming dalawa at hindi na nag-ensayo. Gusto ko sanang gumamit ng mana pero kailangan kong gamitin iyon kapag kailangan ko na at sigurado na akong mapupuruhan ko siya.
Natuto na ako sa mga araw na palagi na lang ako napapagod sa tuwing gagamit ng mana.
"He doesn't have any weak point on his body," bulong niya. Hinanap agad siya ng mga mata ko at nakita kong pinanonood niya kaming dalawa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib niya.
"What should I do if he doesn't even have any weakness?" tanong ko.
Paano ko naman siya matatalo kung wala naman pala akong mahahanap na weak point para matamaan ko siya ng dagger ko?
"Then make one," ang huli niyang sinabi bago siya mawala sa paningin ko.
Napahawak ako sa kaliwang braso ko dahil nasugatan na rin niya iyon. Naramdaman ko agad ang hapdi roon kaya lumuwag ang kapit ko sa dagger. Tumalon ako agad upang lumayo sa kaniya pero para siyang kidlat na lumapit sa 'kin.
Nasa harap ko na siya at handa na akong saksakin nang maalala ko ang sinabi ng lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. "If he doesn't have any weakness, then make one."
How the hell am I going to make a weak point?!
Napadilat ako nang may maisip akong paraan.
No way! I can't do that! Don't be ridiculous, Limea!
Pero ano pa bang paraan ang pwede kong gawin?
Wala na! Iyon na lang.
Crap! Remind me to hit my head on a wall later. Ayokong maalala ang gagawin ko ngayon na tiyak na pagsisisihan ko habang buhay.
Without hesitation, I kissed him on his lips. Tulad ng inaasahan ko ay napatigil siyang bigla sa ginawa ko kaya hindi agad siya nakagalaw. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para i-pin down siya sa sahig. Inikot ko ang braso niya at idiniin ko sa likod niya.
Agad kong tinutok ang dagger ko sa leeg niya para hindi na siya makakilos. "Game over," mahinang sabi ko. I look at him with bored eyes kahit na sa loob ko ay nagwawala na ang puso ko sa kaba.
What have I done? I just kissed a captain. To top it all, isa siyang elite captain. I even had the guts to kiss him in front of the crowd. Lupa, please! Lamunin mo na ako bago pa maging huli ang lahat!