Chapter 3

1833 Words
Chapter 3 Naging mabilis ang pag-eenroll namin. Ibinigay lang ang pangalan at iba pang mga impormasyon tungkol sa amin. Kasama sina Nicy at Jian kaya hindi kami naligaw. Pinapunta kami sa isang silid katabi ng mga training rooms at pinapasok. Magkahiwalay kami ni Alton dahil kailangan daw ng background check para maiwasan ang pagpasok ng mga sorcerers. Gusto ko pa sanang tanungin kung ano ang mayroon sa mga sorcerers pero hindi ko na nagawa. Pangalan pa lang kasi ay tunog masama na. Mukhang hindi naman mawawala ang mga masasamang tao sa mundo. Hindi naman siguro maiiwasan ang mga ganoon. Training rooms ang tawag sa mga silid kung saan nag-eensayo ang iba't ibang class. Ayon pa kina Nicy at Jian, iba ang mga rooms ng mga class depende pa sa kung ano na ang ranggo mo. Mayroong rooms sa mga ranggong A, B at C, ang A bilang pinakamataas. Bukod din naman ang ranggo ng mas mataas sa A na kung tawagin ay rank S. Sila na raw ang mga ranggong pinadadala sa ibang dimensyon upang harapin ang mga sorcerers at marcollds. "Maligayang pagdating sa paaralan ng Raekia. Masaya kaming ito ang napili mong pasukan," ani ng babaeng nasa harap ko. Halos mapatalon ako nang dahil sa pagsulpot niya sa harapan ko. Pagpasok ko ay dilim ang bumungad sa 'kin. Bigla naman siyang lumitaw sa harap ko na parang isang robot kung magsalita. Hologram lang ang buo niyang katawan ngunit malaya siyang naglalakad sa buong silid. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito. Mukhang naka-program ang buong silid na ito kaya kahit saan siya magpunta ay nagagawa niya ang gusto niya. Dinala niya ako sa harap ng isang malaking pader. Doon lumabas ang buong mapa na kung huhulaan ko ay ang mapa ng buong Raekia. Walang kahit anong pangalan pero ayon sa kwento noon ni Nicy, ito nga iyon. "Ito ang mapa ng buong Raekia. Ayon sa mga impormasyon na ibinigay mo ay hindi ka rito nakatira. Ito ang una mong dapat pag-aralan." Tinitigan ko pa ang mapa bago ko inalis ang tingin doon. Napahawak ako sa palapulsuhan ko nang maramdaman ang malamig na bagay na dumampi roon. Nang tingnan ko ay may nakasuot na roong silver na bracelet. Manipis lamang iyon at halos hindi na makita dahil sa maputing kamay ko. "Lahat ng impormasyonng mahahanap mo ay automatikong mailalagay sa bracelet na iyan. Sa ngayon, tanging ang mapa pa lamang ang laman nito." "Teka!" Hinarap ko ang babaeng hologram at saka nagtanong. "Akala ko ba ay i-babackground check niyo kami?" nagtatakang tanong ko. "We already did." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi nahalatang nagawa na niya. Ang tanging ginawa lang niya ay ipakita sa akin ang mapa. "Marami ka pang pwedeng malaman sa silid na ito. Iiwan na muna kita para mapag-isa ka." May itatanong pa sana ako pero hindi ko na siya nakita. Nawala na siya sa harap ko kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa silid. Doon ko nakita ang iba't ibang mga makabagong kagamitan sa loob. Halos puro hologram lang ang nakita ko. Hologram ng isang eroplano, kung saan kita ko ang halos makina na nagpapagana niyon sa loob. Pwede ko iyong lakihan at ilapit sa 'kin para mas lalo kong makita ang loob. Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga katabi nito. Nakakita ako ng iba't ibang mga hayop. Dahil curious ako, iyon ang nilapitan ko at sinuri. Parang tunay ang mga ito kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. Para akong nakatingin sa lamang-loob ng mga hayop. Para akong nakatingin sa lamang-loob ko sa tuwing nagpapalit ako ng anyo. Hindi ba at pwede raw ipasok ang kahit anong impormasyon dito sa bracelet? Wala naman sinabing may limit ang dapat ilagay. Baka kaya pwede ilagay itong mga 'to? I mean, wala lang. Gusto ko lang. Sinipat ko pa ang bracelet dahil hindi ko alam kung paano ipapasok ang mga hologram na ito. Pinindot-pindot ko na siya pero wala pa ring nangyayari. "Paano ba 'to?" Tiningnan ko naman ang hologram ng mga hayop. Iyon naman ang pinindot ko. Nagulat pa ako nang may lumabas doon na menu. Para itong mga letrang lumulutang sa hangin. May mga nakasulat na Equip, Information, Quit at kung ano-ano pa. I clicked the Equip button. "Wow! Parang laro lang sa computer. Astig!" mahinang bulalas ko. Doon ko nakita ang mga laman ng bracelet ko. May menu rin na lumabas na maraming pagpipilian. Wala talagang limit na pwedeng ilagay. Nang matapos ako, nilibot ko ang tingin ko. Gusto ko nang lumabas. Pero hindi ko alam kung paano. Nang makita ko ang pinto, sinubukan kong pindutin iyon. Hindi naman ako nagkamali. May lumabas ding menu roon at may nakasulat na Quit. Agad namang namatay ang mga ilaw at bumukas ang pinto. Napanganga na lang ako dahil sa pagkamangha. Hindi ko inaakalang may ganito na pala sa mundo ngayon. Makabago na at kakaiba. Ang talino siguro ng nag-imbento nitong lugar. Sa tingin ko, may dapat pa akong ikagulat sa pag-aaral ko sa lugar na ito. Napaka-advance na kasi ng mga teknolohiya na ginagamit dito. Hindi tulad sa bahay na kahit Microsoft ay nagca-crash at nag-hahang na agad. Sa tingin ko ay mabilis din ang wifi nila rito. Sayang lang at wala akong phone dahil iniwan ko iyon. Ayoko kasing mahanap ako nina papa at tita. Naglakad ako palabas upang hanapin sina Nicy pero hindi ko naman sila nakita. Mukhang gumala pa sila kaya ganito. Naglakad-lakad din ako para maging pamilyar sa mga lugar. Hindi naman siguro ako maliligaw rito. Pwede rin naman akong magtanong-tanong sa mga madadaanan ko. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. May mga nagtitinda kasi rito sa loob na para akong nasa fiesta o festival. Ang pinagka-iba lang talaga ay ang mga tinitinda. Lumapit ako sa isang stand at sinipat ang binebenta nila. Marami akong nakikitang estudyante na tumitingin din. Ang uniporme nila ay kulay asul at berde. Pare-pareho sila ng mga disenyo pero nagka-iba lang sa mga pin nila na nasa bandang dibdib at may nakasulat na pangalan. Lumapit ako sa stand na nagbebenta ng palobo, iyong lumolobo kapag hinipan mo. Imbis na bilog ang lumabas doon ay iba't ibang hugis ang nabubuo niyon. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga lumilipad. Isang korteng dragon ang hinipan ng nagtitinda. Mukhang gusto niya ipakita sa 'kin kung ano talaga ang nagagawa ng bubbles na iyon. Tiningnan ko naman ito gaya ng gusto niya at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita. Bigla kasing gumalaw ang dragon na iyon at para bang bumuga ng apoy. Ang kaibahan lang ay hindi apoy ang lumabas kung hindi bula lang din. Pakiramdam ko ay nakanganga na ako habang pinagmamasdan iyon hanggang sa pumutok na at nawala na sa paningin ko. "Paano niyo po nagawa 'yon?" tanong ko sa nagtitinda. "Mahika, Ineng. Tiyak na bago ka lang dito kaya nagulat ka pa," aniya. "Mahika? Ginagamit ng mga witches?" Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko. "Kung nagagawa naman pala ito ng mga estudyante eh bakit pa po kayo nagbebenta?" tanong ko na ikinatawa naman niya. Kumunot tuloy ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? "Hindi ako nagbebenta, Ineng. Stand lang ang mga nakikita mo rito para sa mga bago at gustong tumingin dito sa loob ng Raekia," natatawa pa ring sabi niya. Napakamot ako sa batok ko at napaiwas ng tingin. Bigla kasi akong nahiya sa sinabi ko. Hindi ko inaasahang isang stand lang pala ito. Akala ko kasi ay tindahan. "Pasensiya na po, Manang." "Ayos lang iyon, Iha. Ano nga ang pangalan mo?" "Limea po. Ikaw po, Manang?" "Tawagin mo na lang akong Aling Susan. Huwag na manang! Masyadong pangmatanda." "Sige po, Aling Susan." Hindi naman ako nagtagal at umalis na. Nilibot ko pa ang mga stand doon at napatunayan kong hindi nga sila tindahan. Maraming magaganda at kakaibang bagay ang mga nasa stand na sa tingin ko ay ikatutuwa ng mga gustong bumisita rito. May nakita pa nga akong sirena na kumakanta. Nasa isang maliit siya na pond sa tabi ng mga stand. May ilang nanonood sa kaniyang mga kabataan na sa tingin ko ay bumibisita. Mga manghang-mangha sila sa ganda ng boses nito. Sa tuwing kumakanta nga siya ay nagsisitayuan pa ang mga tubig sa pond at kumokorte ng iba't ibang hugis na sobra namang kinamangha ng mga nanonood gaya ko. Isang halik sa pisngi ang binibigay ng sirena sa mga batang nanonood matapos kumanta. Mukhang mahilig siya sa mga bata kaya sobrang saya niya. Kahit na pinanonood ko lang ang mga nasa stand ay sobrang naaliw ako. Hindi simpleng amusement park lang ang lugar na ito. Puno rin ng mahika. Kanina lang ay makabagong mga kagamitan ang nakita ko pero ngayon, puro mga gawa naman sa mahika. Marami pa talagang bagay sa mundo ang hindi natin nakikita. Sobrang na-eexcite tuloy ako sa kung ano pa ang pwede kong makita sa mga susunod na araw na pag-stay ko rito sa Raekia. "Limea!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Nicy na tatalon-talon pang kumakaway sa 'kin. Kasunod niya si Jian na kalmadong naglalakad lang sa likod ni Nicy. Tiningnan ko lang sila hanggang sa makarating sila sa kinatatayuan ko. "Hindi mo man lang ba ako kakawayan pabalik para hindi ako magmukhang tanga?" tanong ni Nicy habang nakanguso, sabay kawit ng mga braso sa braso ko. "Huh?" tanong ko. Hindi ko kasi nakuha ang gusto niyang sabihin. "Wala!" nagtatampong sigaw niya pero iniba rin niya ang usapan. "Kumusta naman ang paglilibot mo?" tanong niya. "Okay lang," sagot ko. "Iyon lang? Hindi ka man lang ba nagandahan sa mga stand na nakita mo?" nagtatakang tanong niya pero nakangiti pa rin siya. "Nagandahan naman," sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Jian sa hindi malamang dahilan pero nagkibit-balikat lang si Jian. Ibinalik na lang ni Nicy ang tingin sa 'kin. Bago pa siya makapagsalita ulit ay narinig na namin ang isang pamilyar na boses ng lalaki. "Guys! Nandito lang pala kayo," ani Alton na medyo hinihingal pang lumapit sa 'min. "Ngayon lang natapos ang screening mo?" tanong ni Jian. "Hindi. Kanina pa," aniya. "Bakit ngayon ka lang? Saka bakit naman pagod na pagod ka?" nagtatakang tanong ni Nicy sabay punas ng pawis ni Alton. Hmm... "Ah! Naglibot kasi ako kaya lang sa kabila ako nagsimula kaya hindi ko agad kayo nakita," aniya. Hindi niya pinigilan si Nicy bagkus ay mas yumuko pa siya para mas mapunasan niya iyon. "Ganoon ba? Tara! Sabay-sabay na tayo at ipagpatuloy ang paglilibot!" Hindi na rin kami nakaangal dahil hinila na niya ako kasama sina Jian sa kung saan. Wala namang problema sa 'kin kung sasama ako sa kanila kaya hindi na ako umangal. Isa pa, hindi pa naman ako pagod sa ka-iikot kaya sa tingin ko ay pwede naman ako sumabit sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD