Chapter 4 – Witches and Wizards
"Dito na tayo maghihiwa-hiwalay. Tuwing break lang tayo pwedeng magkita kaya dapat sabay-sabay tayo. Siguro naman ay hindi niyo na kami kakailanganin sa loob dahil may guide naman kayo," ani Nicy. Kinindatan niya kami ni Alton matapos niya iyang sabihin.
"Oo naman. Hindi naman pwedeng lagi na lang kaming aasa sa inyo ni Jian. Kaya na namin dito sa loob," ani Alton.
"Sige. Pasok na rin kami sa training rooms namin," ani Jian.
Napili ni Alton ang swords at ako naman ay sa witchcrafts. Interesado kasi ako sa kung ano ang ituturo nito sa 'kin kaya ito ang napili ko. I already know how to use archer pero hindi ko naman iyon interes.
Sa tingin ko, makatutulong sa akin ang mga matututunan ko rito sa tuwing nag-shi-shift ako. Ang tagal na rin pala noong huli akong nakapag-shift. Tiyak na masakit na naman sa katawan iyon kung nagkataon. Para tuloy ayoko nang isipin pa.
Pagpasok ko sa training room na may nakasulat na Witches and Wizards, malawak na field ang unang bumungad sa akin. Isa siyang open field kaya kita ko ang malinaw na kalangitan. Walang nagbabadyang ulan pero hindi rin naman tirik ang araw.
Sa dulo ng field ay natatanaw ko ang mga estudyanteng nakapila. Mga nakaberdeng uniporme ang ilan tanda na mga rank C pa lang sila. Ganoon din ang suot ko ngayon na binili pa namin nina Nicy dahil hindi raw iyon libre.
Nakahalo sa kanila ang mga nakakulay asul (Rank B) at kulay itim (Rank A) na uniporme. Mas marami sila kaysa nakakulay berde. Sa katunayan nga ay parang lima lang kaming mga bago rito. Ibig sabihin ay halos malalakas na ang mga nag-eensayo rito sa room na ito. Kinabahan tuloy ako, at the same time, na-excite.
Pumila rin ako sa kung nasaan ang apat na nakakulay berde. Panay ang tingin ng iba sa aming lima. Hindi naman weird ang tingin nila pero kahit papaano ay nakaka-intimidate pa rin. Para kasing may gagawin silang hindi namin magugustuhan kung may gawin man kaming hindi rin maganda.
"Good morning, students!" bati ng isang lalaking nakasuot ng kulay silver na damit. May linings na kulay gold ang sleeves niya at may kakaibang hat siya na suot na parang ga-graduate. Iyon nga lang ay kulay silver din iyon na may linings ng gold. Sila ang Rank S. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Waa! Ang gwapo ni Sebastian!"
"Nakita ko ulit siya. Nakaka-miss silang makasama sa training!"
"Team Scorpion, we love you!"
Ilan lang ito sa sigaw ng mga nakakulay asul at nakakulay itim na mga estudyante. Itong mga kasama ko ay hindi rin maitago ang pagkamangha sa taong nasa harapan namin. Iyon nga lang, hindi ko sila kilala. Dapat bang kilalanin ang mga rank S sa lugar na ito?
"Dahil naka-off duty kami ngayong umaga ay naatasan kami para turuan kayo," ani ng tinutukoy nilang Sebastian. Siya ang kapitan ng grupo nila ayon sa kulay pulang tela sa braso niya.
Kailangan kong itanong kina Nicy ang tungkol sa mga grupong ito dahil ngayon ko lang nalaman na sila ang magtuturo sa amin. Hindi ko alam kung magandang bagay ba ito o kailangan kong matakot.
"Ako si Sebastian Floyd, ang kapitan ng Team Scorpion. This is Chase, our Vice Captain. Samantha, Jake, Rafael and Hiro of Team Scorpion. We are assigned to teach you different magic that you can use. If you have any question, don't hesitate to ask me or my team members," aniya.
Nagtaas ako ng kamay. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko na kasing magtanong. Siguro naman ay ito na ang tamang oras para magtanong ako.
"Yes, Miss?"
"Limea," sabi ko.
"Yes, Miss Limea?"
"Ang isang grupo ay nabubuo dahil iba't iba ang mga pinag-aaralan nila. Pero paano niyo kami matuturuan kung iba-iba ang specialties ninyo at magic lang naman ang gusto naming matutunan?" nagtatakang tanong ko.
Sa hindi malamang dahilan, biglang natawa ang ilan dahil sa tanong ko. Tiningnan ko naman sila kaya natahimik ang paligid. Ano ba ang nakakatawa sa tanong ko? Kung hindi ko alam, may magagawa ba sila?
"I see. Well, we rank S are what you call the elite students. Hindi kami pwedeng tawaging mga elite kung isa lang ang pag-aaralan namin. We excel on a specific field but we also learn all there is to learn. Sana nasagot ko ang tanong mo," sabi niya, nakangiti na sa gawi ko.
Tumango na lang ako at hindi na nagtanong.
"So, kung wala na kayong tanong, pwede na tayong magsimula. The same strategy as usual. Ako ang magtuturo sa mga rank C, Chase and Samantha will teach rank B, Jake, Rafael and Hiro will be assigned to class A. Now, scatter..."
Biglang nawala ang Team Scorpion sa kanilang kinatatayuan. Bigla na lang silang lumitaw sa harap namin sa isang kurap lang. Hindi kami umalis sa kinatatayuan namin. Nakita naming sa ibang lugar nag-ensayo ang rank A at B.
Tiningnan ko si Sebastian na nakangiti sa aming lima. Apat kaming babae at isa lang ang lalaki.
"Una, sa tingin ko naman ay alam niyo na kung ano ang unang bagay na ginagawa kapag bago kayo sa isang lugar?" tanong niya sa amin.
"Ano?" tanong ng isang babaeng naka-ponytail ang mahaba at kulot na buhok.
"Mag-aactual fight agad?" tanong naman ng maikli ang straight na buhok.
"Self introduction?" tanong naman ng nag-iisang lalaki sa amin na may kulot na buhok.
"Right. The guy said it. Syempre, hindi pa natin kilala ang isa't isa kaya iyon ang kailangan nating gawin," aniya habang nakangiti. Napatingin siya sa akin at napangiti dahil siguro naalala niya ang tanong ko kanina.
"Dahil ako ang magtuturo sa inyo, let me introduce myself first. I'm Sebastian Floyd, Captain of Team Scorpion – an elite team. I'm already twenty-one pero sana kahit na mas matanda ang kahit sino sa inyo kaysa sa akin ay galangin niyo pa rin ako."
They also introduced themselves. Si Oliver ang lalaki sa amin, si Eunice naman ang naka-ponytail, si Cherry ang may maikling buhok at si Candice naman ang kanina pang tahimik gaya ko. Nahaharangan ng mahaba niyang buhok ang kaliwa niyang mata pero hindi naman niya iyon hinahawi. Magkakaibigan na ang tatlong babae kaya sabay-sabay silang nag-aral dito.
"Then, the self introduction is now done. Shall we proceed to the next introduction?" tanong niya sa 'min. Nagkatinginan kaming lima dahil hindi namin nakuha agad ang gusto niyang sabihin.
Itinaas niya ang kanang kamay niya. May lumabas na kulay berdeng ilaw roon kaya naman napaatras kami. Tatakbo na sana kami ngunit naging mabilis ang ilaw na iyon at agad na sumilaw sa mga mata namin. Nagsisigaw kami dahil sa init na hatid niyon sa mga mata namin.
"Relax," bulong ni Sebastian sa tainga ko. Nawala ang sigaw nina Eunice kaya sa tingin ko ay naririnig din nila ang boses ni Sebastian ngayon. "That won't hurt if you calm down and relax," bulong niya ulit sa tainga ko. Ang weird ng pakiramdam pero ginawa ko ang sinabi niya.
"Can you feel it now?" tanong niya.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko pati na rin ang paligid ko. May init na dumadaloy sa katawan ko pero hindi ko matukoy kung saang parte. Napakatahimik din ng paligid ko na para bang mag-isa na lang akong nakatayo sa isang kawalan.
"That is your mana – the mana flowing inside your body which gives you the strength, the ability and intelligence. It has invisible vessels inside your body. Iyon ang dahilan kaya hindi siya nakikita ng simpleng mga mata ng ordinaryong tao at ng mga kagamitang medisina."
"It has its own heart. Ang puso na iyon ang nagbibigay supply sa inyo ng mana. You can't remove it surgically but, you can remove it if you wish for it."
Pakiramdam ko ay kumunot ang noo ko dahil sa mga katagang iyon. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ano ang mangyayari kung tatanggalin ko iyon? Maibabalik ko pa ba? Mabubuhay pa ba ako kapag tinanggal ko iyon o para lang iyong normal na puso ng taong kailangan namin?
Ang dami kong tanong pero walang nasasagot. Ang dami kong gustong malaman pero hindi ko maibuka ang bibig ko upang magsalita. Wala akong ideya kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasa field pa rin ba kami at kaharap pa rin ba namin si Sebastian.
Anong klase training ito?
"This is the basic knowledge that you must know. Kahit saang klaseng room ka pumasok kanina – mapa-archer man iyon, swords, heal – you must know everything what's flowing inside your body."
Nasaan ka ba, Sebastian?
"But of course, dahil witch and wizardry and pinili mo ay may kailangan ka lang buksan sa katawan mong hindi mo na pwedeng isara. You must open your second brain." Gusto kong mapa-WTF sa kaniya pero hindi ko talaga mabuka ang bibig ko.
Second brain? Nagbibiro ba siya? Kanina ay dalawa ang puso namin sa katawan tapos ngayon naman ay sasabihin niyang buksan ang second brain namin? Nahihibang na ba siya? Gusto ko nang umalis dito dahil mukhang puro kalokohan lang naman ang sinasabi niya.
"You can leave now, pero hindi mo matatakasan ang nakatadhana para sa 'yo. You chose to enter this room, there's no turning back. Ang tanging paraan na lang ay ang buksan ang susunod mong utak dahil kung hindi, iyon ang ikababaliw mo," aniya na para bang ako lang ang kausap niya. O ako lang talaga? Is he only pertaining to me?
Pero sabi niya, hindi na ako pwedeng umatras. I already chose this. Wala na ba akong choice? Paano kung pagsisihan ko pa ito kung ipagpapatuloy ko pa? Paano kung ito ang ikamatay ko?
With that thought, napatigil ako sa kahit ano mang iniisip ko. Kahit pala sabihin kong handa na akong mamatay ay hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot. Kahit ano palang pagtanggap mo sa kamatayan ay nandoon pa rin ang takot sa dibdib mo.
I can't die yet. I still have nine lives... or not.
"If you're ready to open your second brain, think of your weakness. Think of them and kill it using your mind."
Matapos iyon, I saw my parents, Tita Leah, Shaun and Kuya Martin. They are smiling at me. Napaluha ako sa nakikita ko. They are indeed my weaknesses. Kahit na hindi ko kadugo sina Tita Leah at Shaun, I know deep inside me that I still care for the two of them. My dad loves them both, too. Kuya Martin, I know that he loves me even though he chose his dreams. Hindi naman niya gustong iwan ako because he loves me.
Can I really kill them for this unsure future?
Do I really have to?