Chapter 25 - Force Nicy Lorraine Morit It's been two days since the dining with the royalties. Hindi gaya ng dati ay hindi naman nagkulong ulit si Limea. Nakakasama pa rin namin siya sa bago naming training ground. Pero parang hindi rin naman namin siya kasama. Her body's here but not her mind. Mas lalo siyang naging cold. Bumalik ang Limea na una naming nakilala sa bus. Her cold stare can pierce through you. Kaya kahit lapitan namin siya ay umiiwas pa rin. Even Oliver couldn't talk to her. "She's going to be fine, Nicy. She just needs time to think. Ibigay na natin kung ano ang kailangan niya," Jian said. Kami ang magkasama sa kwarto kasama si Limea. But she's not here, though. Malaki ang room para sa aming tatlo. May banyo, sari-sariling closet at beds, pati ang study table ay may