Chapter 26 - Decision Nicy Lorraine Morit Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang sunod-sunod na yapak niya palapit. Saglit pa siyang tumigil at hinabol ang hininga niya. Pinigilan ko ang pagngiti ko bago ako lumingon sa gawi niya. Nakataas ang isang kilay, magkakrus ang mga braso at mataray na nakatingin sa kaniya. Napansin ko ang pagtaas at pagbaba ng adam's apple niya. "Ahm... g-gusto mo raw akong makausap?" He cleared his throat. Hindi rin siya makatingin sa 'kin nang deretso. Nakakatuwa siyang pagmasdang aligagang-aligaga. "Spill it!" utos ko sa kaniya. "Pero hindi ibig sabihin na makikinig ako ay patatawarin na kita. I'm doing this because Limea told me to do so. Explain everything! Gusto kong malaman ang lahat." I stayed on my ground. Ayokong umiyak ngayon sa harap niya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books