Chapter 24 - Kingdom Limea Seay Meadow "We're here," anunsyo ni Captain Loki. Inilibot ko ang paningin ko. Matapos ang nakapapagod na paglalakad namin at pagtawid sa bundok, nakarating na kami sa kaharian na sinasabi nila. Kumunot ang noo ko dahil tanging gate pa lang ang nakikita ko. May mga berdeng halaman ang gumagapang sa puting gate. May mga bulaklak iyon na iba-iba ang kulay at iba't iba rin ang klase. Halos limang pulgada ang taas niyon kaya hindi namin kita ang nasa likod nito. Napabuntonghininga si Nicy at saka sumandal nang bahagya sa akin. "Grabe! Hindi ko na yata kayang magpatuloy pa. Hoo! Ang puso ko, bibigay na," sabi ni Nicy sa pagitan ng mga malalalim na hininga. "Ito na ba iyon? Kasi kung hindi pa, iwanan niyo na lang ako. Hindi ko na rin kayang maglakad," ani Jian