Chapter 5 - Whisper in the Wind
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa ilaw na bumungad sa akin kaya napangiwi ako. Medyo in-adjust ko pa ang paningin ko hanggang sa makita ko ang nag-aalalang mga mukha nina Nicy at Jian. Sa likod naman nila ay si Alton na nakangiting nakatingin sa 'kin.
"Finally, you're awake! Akala namin ay may balak ka pang matulog for another two days!" bulalas ni Nicy habang nakayakap na sa 'kin nang mahigpit.
"Good thing you're awake. Tatawagin ko na ang nurse," ani Alton sabay labas sa kwarto kung nasaan kaming tatlo.
"Ano'ng nangyari? Bakit ako nandito?" tanong ko nang mapansing nasa isang clinic ako.
"You lost consciousness after your first training. And OMG!" bulalas ni Nicy.
Hindi na niya masabi ang nais niyang sabihin dahil nagsimula na siyang tumili. Napatakip tuloy ako sa tainga ko. Umirap na lang si Jian at sa kaniya ko itinanong kung ano ang problema nitong si Nicy.
"Si Captain Sebastian pala ang nagtuturo sa inyo kaya nagwawala na naman si Nicy. May gusto kasi siya sa captain ng Team Scorpion kaya ganito," aniya. Napabuntonghininga na lang siya sabay iling kay Nicy.
"'Di ba ang gwapo niya? And mind you, siya pa ang nagbuhat sa 'yo papunta rito! Ang swerte mo! Ano'ng feeling na mayakap niya?" tanong niya sa 'kin.
Napangiwi ako sa kaniya. "Hindi ko talaga alam, Nicy. I'm unconscious, remember?" sabi ko sa kaniya.
Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko. "Oo nga pala. Pero sayang 'yon! Minsan lang tayo makakita at magkaroon ng guro galing sa elite. Ang swerte mo lalo na at ang captain pa ang naging guro mo!" Tili na naman siya nang tili.
Ang dami pa niyang sinabi sa 'kin tungkol kay Sebastian pero hindi ko na narinig. Naalala ko na naman ang nangyari sa 'kin sa training na sabi sa amin ay introduction pa lang. Hindi ko alam pero may kakaiba na ngayon sa katawan ko. Hindi na tulad ng dati na magaan. Parang bumigat na ang katawan ko, pisikal at sa loob ng dibdib ko.
Nalaman ko kina Nicy na dalawang araw na akong natutulog. Kahapon pa nagising sina Oliver na nahimatay rin matapos iyon. Ganoon daw talaga ang nangyayari kapag bago ka pa lang. Isang araw lang ang itinagal ni Oliver dahil matagal na pala siyang nag-aaral dito. Nakapagtatakang rank C pa lang siya.
"You know, hindi naman ibig sabihin na dalawang taon kang mag-aaral dito ay dapat rank B ka na next year. May requirements kasi na kailangan mong matupad bago ka tumuntong sa rank B. Hindi lang basta-basta ang label na rank B, ranggo ito ayon sa lakas ng isang estudyante," ani Jian nang matanong ko ang tungkol kay Oliver.
"Madalas, kapag healer ka ay mahirap magpataas ng ranggo rito. Pwede maging magaling na healer ka kahit na nasa rank C ka pa rin. Tataas lang ang ranggo mo kapag naging physically fit ka na at kaya mo nang humarap sa mga Marcolld."
Napakunot ang noo ko. "Marcolld?" tanong ko. Nabanggit na ito sa 'kin pero bago lang siya sa pandinig ko.
"Hindi pala namin nasabi sa iyo. You know, hindi naman susulpot na lang nang basta-basta ang mga kakaibang nilalang dito sa mundo natin. Tulad na lang ng mga Fire Fox sa gate. Hindi naman iyan mabubuhay nang dahil lang sa gusto natin. May sarili silang mundo kung saan sila lumaki at nagkaroon ng mga magulang."
"Totoo ang ibang mundo? Paano naman sila makakapunta rito?" tanong ko.
Gusto ko talagang malaman ang lahat. Gusto kong malaman kung paano sila nakakapunta rito sa mundo ng mga tao.
Nagkatinginan silang dalawa bago sumagot. "Sa katunayan niyan, hindi pa rin namin alam. Mga rank B pa lang kami kaya hindi pa kami pwedeng makakita ng ganoon," ani Nicy.
Napayuko naman ako dahil sa pagkadismaya. Gusto ko kasi talagang malaman. Gusto kong makita gamit mismo ang sarili kong mga mata pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon.
"Pero kung gusto mo talagang malaman at makita. May isang paraan naman na pwede mong gawin at ang tanging paraan na naisip kong hindi mapanganib," ani Jian.
"Ano naman 'yon?"
"Go and rank up to rank S. Sila ang mga pinapadala para labanan ang mga masasamang Marcollds na pilit pumapasok sa mundo natin. Sa ganoong paraan, makikita mo ang nais mong makita," tatango-tangong sabi ni Nicy.
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil dumating na ang nurse. Sinabi lang sa 'kin na normal lang daw na mawalan kami ng malay dahil nabigla ang katawan namin sa p**o. Masasanay rin daw kami sa mga susunod na araw, at isang araw na lang daw ang itatagal ng pagkawala ng malay ko. Hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon.
Nang sa tingin ko ay bumalik na ang lakas ko, dumeretso na ako sa training room namin. Ayos na ito kahit late, at least ay makapapasok pa ako sa loob. Kahit ano 'ng maabutan ko ay ayos lang.
Pagbukas ko sa pinto, lahat sila ay napatingin sa 'kin. Hindi ko maiwasang hindi mapayuko pero pilit pa ri akong naglakad palapit sa mga kasamahan ko. Binati agad nila ako at tinanong kung ayos na ang pakiramdam ko.
"Ngayong kumpleto na ulit kayo, ituturo ko na sa inyo ang unang mahika na dapat niyong malaman. Pero bago iyon, kailangan niyong tandaan ang impormasyon na sasabihin ko sa inyong lima," ani Captain Sebastian na siya pa ring guro namin.
Tumango kaming lima sa sinabi niya.
"And Witch sa aming grupo ay si Sam at si Jake naman ang Wizard. Kung napanood niyo na ang laban ng grupo namin ay malalaman niyo kung ano ang role nila sa tuwing haharapin namin ang mga Marcollds."
"Support silang dalawa sa grupo namin at sila ang nagpapalakas ng mga kakayahan naming mga front attackers at support attackers. Pero hindi porket support lang ang mga witches at wizards ay hindi na nila aaralin kung paano protektahan ang kanilang mga sarili."
Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at kumuha ng isang dagger sa mesa na puno ng mga armas. Nakita kong ginagamit iyon ng ibang mga ranggo na nakipaglalaban.
So, hindi lang pala kapangyarihan ang kailangan naming pag-aralan? Good.
"You must know how to use a specific weapon na sa tingin niyo ay makatutulong sa grupo. You can use a dagger, swords, archers... anything. Pero kung ako ang tatanungin, you must choose a small and easy to carry weapon para hindi kayo mahirapan."
A red light appeared at Sebastian's hand. Gumapang iyon sa dagger na hawak niya at walang sabing pinukol niya iyon sa isang kawayan na nakatayo sa hindi kalayuan. Naputol iyon kaya agad kaming umalis upang hindi kami tamaan.
Hindi pa kami nakaka-move on ay parang boomerang na bumalik kay Sebastian ang dagger na inihagis niya. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga sa ginawa niya. That was just a simple dagger pero nalagyan niya ng twist ayon lang sa paghagis niya.
"Be creative; think of different things on how to protect yourself and your team. Controlling different weapons with your power is the basic thing that you must learn. Sa pamamagitan nito, you can do an offense and at the same time, a defense for the team."
Kumuha si Oliver ng isang mahabang kahoy sa mesa. Siya ang unang magpapakita ng kakayahan niya dahil siya ang mas may experience sa aming lima.
Pinanood lang namin siya sa kung ano ang gagawin niya. I can't help but anticipate on what he's going to do. He has the experience. Malamang ay may plano na siya.
A familiar red light came off his hand. Gumapang din iyon sa buong kahoy na hawak niya na parang ahas na pumupulupot doon.
"Now, aim for that flag," turo ni Sebastian sa isang flag na nakasabit sa tuktok ng isang building. Pero sa kinatatayuan niya ngayon ay may dalawa pang building na nakaharang. Kailangan niyang gawin ang tulad ng ginawa ni Sebastian pero kailangan ay sakto ang accuracy niya.
Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Oliver dahil pinutol niya bigla ang kahoy na hawak niya. Inintay kong pigilan siya ni Sebastian pero nanonood pa rin ito at pinagmamasdan nang mataimtim ang estudyante niya.
Kahit na naputol ang kahoy, magkarugtong pa rin ang kulay pulang ilaw na nakapalibot sa kahoy. Inihagis niya ang isang bahagi nito. Medyo mahina ang paghagis niya kaya ang bagal niyon pero parang kidlat naman na binato niya ang isang kalahati ng kahoy.
Kung hindi mo itututok ang paningin mo roon ay hindi mo makikita kung ano ang nangyari. Pinatama niya ang pangalawang kahoy sa kabilang parte niyon para lumiko ang unang kahoy. Tumama iyon sa flag na tinuro ni Sebastian nang lumiko iyon at iniwasan ang mga nakaharang na building sa harap.
Hindi lang iyon ang ikinamangha ko. Walang talim ang kahoy na hawak niya kanina pero nakatarak na iyon ngayon sa flag. Akala ko ay matatapos na roon ang lahat pero bumalik ang isang parte ng kahoy kay Oliver na parang boomerang, iyong hindi tumarak sa flag. Nasalo niya ito.
Itinapat niya ang kalahating parte sa itaas at isang boomerang na naman ang dumaan sa uluhan namin. Bumalik sa dati ang mahabang kahoy at para bang hindi iyon magkahiwalay kanina. Tuluyan na ring nawala ang pulang ilaw.
Hindi ko maiwasang hindi mapapalakpak sa ginawa niya. Hindi namin namalayan na nakatingin na rin pala sa amin ang kaninang busy sa pag-eensayo na mga rank A at B. Pati sila ay hindi makapaniwala sa mga nakita nila.
Tiningnan ko si Oliver na tahimik pa rin. Parang walang nangyari kanina kung makaasta siya. Wala man lang siyang pakialam sa mga babaeng tumitili na ngayon dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung nagmamayabang ba siya o talagang wala lang siyang pakialam sa paligid niya.
"Get ready, Limea. Ikaw na ang susunod. Pumili ka na ng sandata na gagamitin mo," ani Sebastian.
Nilapitan ko ang mahabang mesa at pumili ng tatlong dagger. Isang pares ang pinili ko at iyong pang-isahan lang. Hindi ko alam kung ano naman ang patatamaan niya sa akin pero mas ayos na kung marami ang gagamitin ko.
"This time, tatawagin ko ang mga uwak sa field natin. Don't hesitate to kill them if I ask you. Hindi naman sila totoo at gawa lang sila sa system ng room natin." He whistled two times.
Tiningnan ko ang kalangitan at maraming ibon ang lumipad paikot sa taas.
Mga itim silang mga uwak at sobrang bilis nilang kumilos. Mga sampu siguro sila o higit pa. Hindi ko kasi mabilang ang mga iyon dahil na rin sa araw na tumatama sa mga mata ko. Sa tuwing nagtatama ang mga pakpak nila sa isa't isa ay may ilaw silang nabubuo. Parang spark.
"Let's see. Use those daggers to kill all of them," seryosong sabi niya.
Nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? This is harder than what Oliver did. Ang dami ng mga ibon na lumilipad at tatlo lang ang kinuha kong daggers. Paano ko naman sila mapapatay?
"Remember to use your imagination. Be creative," aniya na para bang nababasa niya kung ano ang nasa utak ko. Napakagat ako sa labi ko at tiningnan muli ang mga ibon sa itaas.
Ang bilis talaga ng lipad nila. Ang dami rin nila kaya hindi ko alam kung paano ko sila papatayin lahat gamit ang tatlong daggers.
"Take your time," aniya pa. Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso ko. Para bang sinabi niya iyon na may himig ng pagka-uyam.
Tinitigan ko ang mga ibon. Siguro naman ay may kahinaan ang mga ito. Kailangan kong malaman kung ano ang pattern na gagamitin ko para mapatamaan sila. Siguro naman ay pwede kong gawin ang kaninang ginawa ni Oliver, hindi ba?
"Ano'ng gagawin ko?"
"Watch them carefully," bulong ng kung sino sa hangin.
Halos kilabutan ako sa narinig ko. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa tinig na iyon. Tiningnan ko si Sebastian ngunit mas lalo lang akong kinilabutan nang mapagtantong hindi siya iyon.
Who the hell was that?!