"Nagustuhan mo ba?" umaasang tanong ni Zeus nang dalhin niya ako sa bahay na napili niya para aking malipatan, "Malapit at isang sakay lang ito mula sa kompanya. Budget-friendly din at secure pa ang area dahil malimit na may nagpapatrol na mga tanod." Manghang inilibot ko naman ang aking tingin sa loob ng bahay na iyon. Sa tingin ko naman ay sapat lang ang laki nito para akin. Wala naman din kasi ako masyadong gamit para humiling nang mas malaki na tirahan. Tsaka may kamahalan ang malalaking tirahan lalo na sa Maynila. "Hmm... Ayos na ayos na sa akin ito," tumatangong pagpayag ko habang tinitignan ang mga parte ng bahay, "Sige, kukuhanin ko na." Sa mabilisan na pagpayag ko ay malawak na napangiti si Zeus at bahagyang nakahinga pa ng maluwag. "Mabuti naman nagustuhan mo. Ang totoo kasi