Ilang minuto na ang lumipas pero wala sa sarili na nakatitig lamang ako sa hawak hawak kong baso. Kitang kita ko pa ang bahagyang nanginginig ng mga kamay ko pero mas kalmado na ako kumpara kanina. "Savannah... Gusto mo pa ba ng tubig?" nag-aalalang tanong sa akin ni Zeus at inabutan muli ako ng maiinom. Agarang iniling ko naman ang ulo ko bago binitawan na ang baso na hawak ko at hinarap ang tingin ni Zeus. Kasalukuyan na nasa isang restaurant kami na malapit lamang sa kinaroroonan ng kompanya. Dito ako agarang dinala ni Zeus nang makita niya ang grabeng panginginig at pagkaputla ko dahil sa nangyari. Ngayon ay bahagyang nahimasmasan na ako. Ngunit kung hindi dumating si Zeus nang oras na iyon ay hindi ko na alam ang nangyari sa akin. Anumang isip ang gawin ko ay wala akong ideya kung