Pagsapit ng weekend ay maaga aga na lumarga ako dahil sa may usapan kami nina Giselle na magkita kita sa bagong bahay ni Myca. Alam ko na talagang magtatampo na ang dalawang iyon kapag na-late ako o kaya hindi nakapunta man lang sa plano nilang salo salo na iyon. Ngunit ang biglaan na pag-imbita nilang ito ay marahil nakahalata na sila na ilang buwan ko rin silang sinusubukan na iwasan. Dahil iyon sa hindi magandang resulta ng pag-date namin ni Glyden na siya mismong hiniling pa ni Myca sa akin. Ewan ko na nga lang kung inamin na ni Glyden ang nangyari sa kapatid niyang si Myca. Pero sa tingin ko ay imposible na gawin iyon ni Glyden. Lalo pa na katulad niyang lalaki 'yung tipo na masyadong ma-pride at mataas ang ego. Hindi sila mga aamin na may ginawang pagkakamali hanggang kaya nila ita