Dream 2

1201 Words
Inaantok na kinusot ko ang aking mga mata pagkatapos ng aking magandang panaginip. Mahigit tatlong taon na rin ang nakalipas magmula na makilala ko si Apollo na siyang naging boyfriend ko sa mundo ng panaginip. Yes, tama kayo ng nabasa. May naging boyfriend ako sa mundo ng panaginip at Apollo ang pangalan niya. Kaya kahit likha lamang siya ng aking kaisipan ay naranasan ko naman na mahalin ng isang lalaki. At sa bawat gabi ng aming pagkikita ay nagde-date, nagki-kiss at naglalabing labing kami. Para tuloy kami isang magkarelasyon na lihim na nagkikita sa aking panaginip. Alam ko na napaka-weird ng nangyayari na ito sa akin dahil sa realidad ay NBSB at virgin pa talaga ako. Ito ang dahilan kaya wala akong pinagsasabihan kahit sino tungkol sa nilalaman ng mga panaginip ko. Ayoko isipin nila na ganoon na ako ka-desperada na magkaroon ng lovelife. "Hay... Kung totoo lang siguro si Apollo sa realidad ay malamang kinaiinggitan na ako ngayon ng mga kababaihan... Ang problema nga lang ay gawa-gawa lang siya ng aking imahinasyon," dismayadong komento ko pa, "Kaya masakit man ay kailangan kong tanggapin na wala akong tunay na Apollo sa totoong buhay." Natigil ang malungkot na pag-iisip ko tungkol kay Apollo nang mapatingin ako sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan nakaturo ang mga kamay nito. Pagkatapos ay dali dali ako napabangon sa aking kinahihigaan. Friday pa naman ngayon. Ibig sabihin may napakarami akong trabaho sa opisina. Halos madapa pa nga ako aking pagtakbo para lang mabilis na makapasok sa banyo at makapaligo. Nang matapos ay agarang nagbihis at nag-ayos ako saka dinampot ang aking bag sa ibabaw ng isang upuan. At dahil sa talagang male-late na ako ay wala na akong oras na makakain pa ng agahan kaya siguro sa lunch na lang ako babawi ng aking kain. Pagdating ko naman ng entrance ng kompanya ay todo ngiti sa akin ang security guard. Alam ko na matagal na ito nagpapa-charming sa akin pero ini-ignora ko lamang siya. Well, kahit hindi kasi sadya ay hindi ko maiwasang na ikumpara sila kay Apollo. Alam ko na unfair na gawin ko sa kanila iyon lalo pa inihahambing ko sila sa isang lalaki na gawa lang naman ng aking imahinasyon. Ngunit ano ang magagawa ko. Para sa akin si Apollo na ang pinaka-perfect na lalaki sa mundong ito. "Hi Miss Savannah!" magiliw na pagbati sa akin ng gwardiya na siyang nagpabalik ng isipan ko sa realidad, "Habang tumatagal ay paganda ng paganda kayo ah! Hiyang na hiyang po kayo rito sa kompanya." Pilit na nginitian ko naman siya. "Pasensiya na, Kuya Guard. Male-late na ako kaya aakyat na ako," nagmamadaling pag-iwas ko naman sa kanya. Hindi na nakaangal ang security guard dahil talagang male-late na ako kung patuloy na kakausapin pa niya ako roon. Nang makarating naman ako sa aking floor ay laking pasalamat ko na sumakto ako sa oras. Buzzer beater kumbaga. Pagkatapos ay hingal na hingal ako napaupo kung nasaan ang cubicle ko. Nagtataka naman na nilingon ako ni Violet na siyang kasamahan ko rito sa pagtra-trabaho. "Ito yata ang unang beses na muntikan ka na ma-late," taas kilay na tanong ni Violet sa akin, "May problema ba?" Pagod na pinunasan ko naman ang namuo kong pawis sa aking noo dahil sa aking mabilis na pagtakbo kanina. "Ah... Eh... Kasalanan kasi ito ni Apollo. Pagkatapos niya na pagurin ako ay nakalimutan yata niya na gisingin ako kanina," nakanguso kong pagrarason ko sa kanya. "A-Apollo?" takang pag-ulit ni Violet bago inaatig ako na siniko, "Girl, may boyfriend ka na? Kailan pa?!" Biglang nasamid ako sa tanong niyang iyon. Napatapal pa ako ng kamay sa aking bibig dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ni Apollo. Ilang taon ko na rin kasi sinisikreto ang tungkol sa kanya para aksidente na masabi ko ito ngayon. Tsaka gustung gusto ko man sabihin kay Violet na mayroon nga ako na boyfriend kaso ang problema ay gawa-gawa lamang siya ng aking imahinasyon. Kaya lang natatakot ako na baka isipin niya na nagka-saltik na ako sa utak. "H-Hindi ah... Aso ko lang iyong si Apollo... Ha ha ha ha..." pagrarason ko na lang, "Magdamag ako nakipaglaro sa kanya kagabi kaya napagod ako..." Sandali na tinignan muna ako sa mata ni Violet. "Ah... Nag-aalaga ka na pala ngayon ng aso... Ipakita mo naman siya sa akin sa susunod," dismayadong komento ni Violet sa pag-aakala na nagka-boyfriend na ako, "Pero wala ka ba talaga na balak na magka-boyfriend na? Uy girl... Kailangan mo rin ng personal life at huwag puro trabaho ang atupagin. Napag-iiwanan ka na at sayang naman iyang ganda mo 'no." Napakamot ako ng batok dahil sa binibigay niyang payo na iyon. Gusto ko naman talaga magka-lovelife pero sadyang mas matimbang si Apollo sa puso ko ngayon. Kapag ini-imagine ko rin na nakikipag-date ako sa ibang lalaki sa realidad, pakiramdam ko ay palihim na magchi-cheat ako kay Apollo. Kaya talaga ang hirap ang sitwasyon ko. Kahit hindi naman totoo si Apollo ay napaka-loyal ko sa kanya na hindi naman dapat. "H-Hindi lang siguro pa napapanahon..." tanging naisagot ko kay Violet, "Marahil parating na rin naman ang lalaking magpapatibok ng puso kong ito." "Iyan kasi ang hirap sa iyo, Savannah... Ang choosy mo sa lalaki. Wala kayang perfect guy sa mundo. Mauubusan ka lang ng matinong lalaki kung patuloy ka lang mag-iintay diyan," pagbibigay payo pa niya muli, "Gusto mo ba na ireto kita sa mga kakilala ko na single? Meron din ako mga kakilala na may mga gusto sa iyo pero nahihiya lang dahil sa mailap ka." "Violet, pass muna ako riyan. Alam mo naman month end ngayon kaya mas magiging busy tayo," agarang pagtanggi ko. "Ayan ka na naman. Kilalanin mo kasi muna sila bago ka tumanggi," nakangusong komento ni Violet, "Sayang din ang mga iyon 'no." Natigilan kaming dalawa sa pag-uusap nang pumasok na sa pinto ng floor namin si Mr. Mijares, ang CEO ng kompanya. Mabilis na inilibot pa niya ang tingin sa kanyang paligid bago nagsimulang naglakad patungo sa direksyon ng kanyang opisina. Ngunit nang saktong mapadaan siya sa harapan ng cubicle ko ay biglang malakas na kumalam ang tiyan ko. Dahil doon ay agarang napahinto sa paglalakad niya si Mr. Mijares at napalingon pa siya sa aking gawi. Hiyang hiya naman ako napayuko ng ulo. Napakaganda naman kasi ng timing ng aking tiyan. Bakit tumunog ito kung kailan nasa harapan ko na ang CEO? Malakas na tumikhim si Mr. Mijares at halatang pinipigilan na matawa. Pagkatapos ay nilingon niya ang kasama niyang sekretarya. "Ibili mo siya ng makakain," seryosong utos pa ni Mr. Mijares na ikinalaki ng mga mata ko. "Naku sir! Huwag na po!" agarang pagtanggi ko at namumula na ako ngayon sa labis na hiya. Mariin na tinitigan naman ako ni Mr. Mijares na tila sinasabihan ako na bawal na tumanggi. "Miss Savannah Quintana, tanggapin mo na lang. Hindi ko kayang isawalang bahala na may empleyado na nagugutom ngayon sa kompanya ko. Saka makakatulong din sa trabaho mo na may laman ang tiyan mo," pagrarason ni Mr. Mijares kaya ginagawa niya iyon. Hindi ko tuloy alam kung saan ako dapat mas mabigla. Na kilala niya ako sa pangalan o talaga sa bibigyan talaga ako ng makakain ng CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD