Naging mabilis ang takbo ng oras at hindi ko man lang namalayan na dumating na naman ang aming uwian. Kaya aaminin ko na medyo kabado ako. Natatakot ako na baka katulad kahapon ay magpakita muli ang lalaking iyon at balakin na naman dakipin ako. Mahigpit na binilinan naman ako ni Zeus na huwag na huwag na aalis ng mag-isa. Na kahit anuman ang mangyari ay ihahatid niya ako pabalik sa hotel na tinutuluyan ko. Kaya eto ako ngayon nag-aantay sa kanya dito na lang din mismo sa cubicle ko. Hindi naman kasi niya ako pinayagan na pumunta sa ibang lugar katulad ng lobby na walang kasama. Nagkataon din kasi na naunang umalis si Violet dahil may date muli sila ng jowa niya. Ayaw nga niya sana iwanan ako kanina dahil wala pa si Zeus. Pero alam ko na importante sa kanya na mapuntahan ang date na iyon