Chapter 3

1213 Words
Hindi ako mapakali dahil sa labis napag-aalala, lakad-upo ang aking ginawa. Hindi ko maiintindihan ang aking sarili, bakit ba labis akong nag-aalala para sa lalaki. Tila ayaw kong may manyaring masama sa kanya. "Umupo ka nga muna anak at akoy nahihilo na sayo, halika nga rito," saway sa akin ni inay. "Hayaan mo Isabelle anak, sa tulong ng panginoon, hindi siya nito pababayaaan at sana maging maayos na ang kalagayan nito," sabat naman ni itay. "Sana nga itay, inay. Dahil kawawa naman po ang pamilyang naghihintay sa kanya kapag mamatay siya." diritsahang sabi ko sa kanila. "Shh h'wag kang mag-iisip ng ganyan anak! Ang mas mabuti pa ipagdasal natin, na sana ay maging maayos na ang kalagayan ng estranghero." saway sa akin ni inay. Pagkatapos ko na kumain ng haponan, ay nagpasya akong pumunta sa aming maliit na kwarto ang kinalalagyan nang estranghero. "Sana magising na po sya Lord," piping dasal nang aking isipan. Kinakapa- kapa ko ang kanyang kinalalagyan, nakahiga sa aming maliit na katre na yari ng kawayan, si tatay lamang ang gumawa nito . Gusto kong kompermahin kung totoong lalaki ba ito, ngunit base sa aking nahahawakan ang kanyang mukha ay may munting bigote ito . Ingat na ingat kung pinagapang ang aking kamay pababa sa katawan nito, dahil baka magising ito at isipin pa na pinagsamatalahan ko siya. May malalapad itong dibdib at ang kanyang braso ay naglalakihan at nagsisitigasang mga muscle bahagya ko pang pinipisil ito. Bigla kong nakagat ang aking pang ibabang labi, may kakaiba sa aking nadaramdaman, para akong napapaso dahil nakaramdam ako ng init sa aking buong katawan. Tila may kung anong nagrarambulan sa loob ng aking puso dahil sa labis na pagkabog nito. "Ano kaya kanyang hitsura? may angkin kayang gwapuhan ito? dahil kung sakakisigan siguradong lamang ito!" ani ng aking isipan. Tila kinikilig naman ako sa aking naiisip.. Ilang sandali pa ng aking pananatili sa loob, nakarinig ako ng ungol .Hala nagising ko ata siya ! dali- dali akong lumabas sa silid, pununtahan ko si inay at itay, ipapaalam ko na gising na ang estranghero. Agad namang tumalima ang mga magulang ko, pununtahan nila ang estranghero, na napulot ko sa dalampasigan. " Sino kayo? Anong pangalan ko? Bakit wala akong matandaan? Paano ako napunta rito?" historical na tanong nito. "Ahhh e, iho kami po ang tumulong sa 'yo. Dahil natagpuan ka ng anak namin sa tabingdagat na walang malay, kaya dinala kana namin sa aming bahay upang magamot." paliwanag ni inay. "Sa- salamat po, pero wala po akong maalala, Kung sino man ako at saan ako ng galing," aniya ng isang baritonong boses, napakalalim ng kanyag tinig, tila nasakailaliman ng lupa. Napakasarap pakinggan, tila yata mas dumoble ang lakas ng kabog sa aking dibdib. "Nay ,bakit po wala siyang maalala?" tanong ko kay inay ng makalabas na kami sa silid ng binata. "Siguro anak, tumama yung ulo n'ya sa matigas na bagay kaya nagkaroon siya ng amnesia, matindi ang kanyang pinagdaanan kaya ito nakalimot sa kanyang kahapon." "Ano po ang ibig sabihin ng amnesia inay?ngayon lang po ako nakarinig. May pag-asa pa po ba na maalala nitong muli ay kanyang katauhan?" curious kong tanong. "Amnesia anak, yong nakakalimutan mo lahat ng bagay tungkol sayo at tanging dalubhasa lamang ang nakakaalam kung makaalala pa ba s'yang muli." paliwanag ni itay. "Nahala Mario dalhin ko mo na itong pagkain doon sa lalaki para makakain na," utos ni nanay kay tatay. Muling pumasok ng silid ang itay dala ang pagkain para sa estranghero, sumunod naman kami ni inay sa loob ng silid.. Hindi ko man ako nakakita, ngunit napahigpit ako ng hawak sa aking baston. Muli na namang bumilis ang t***k ng aking puso ng nararamdaman ko ang paninitig sa akin ng estranghero. Bigla akong naasiwa, hindi pa naman ako nakapagsuklay at sobrang sabog itong buhok ko. Tahimik lamang itong kumakain, tanging kalansing lamang ng plato at kutsara ang maririnig dito sa loob ng silid. Siguro sobrang nagugutom na siya dahil sa ilang araw na itong walang kain. Ngunit binasag ni inay ang katahimikan ng bigla itong magsalita, tinatanong nito kung kumasta na ang kalagayan ng lalaki. "Iho, kumain ka ng mabuti para bumalik 'yang lakas mo. Kumusta na naman ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" wika ni inay na may himig na pag-aalala. "A-ayos lang po ako ma-," hindi na natuloy ang nais na sabihin ng lalaki ng bigla sumabat si inay. "Ah, ako nga pala si Mila at ang asawa ko si Mario, pwede mo kaming tawagin na nanay at tatay. Ito naman ang kaisa-isa naming anak na si Isabelle, ang ganda niya ano?" nanginit bigla ang aking pisngi sa narinig kong tinuran ni inay, Napayuko ang ulo ko, nakakahiya naman kasi, baka akalain nito na neririto ako ni inay sa lalaki. Alam ko naman na hindi mangyayari na may magkakagusto sa akin na hamak na isang bulag. " Yes, your daughter is indeed pretty. Ahm thank you for saving my life Isabelle," ramdam ko ang na sensero ito sa pahingi ng tawad. Ngunit napaigtad ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko na nakapatong sa aking baston. Tila may isang milyong boltahe ng kuryenti na dumadaloy sa aking buong katawan. At halos mabingi na ako sa lakas ng kabog sa aking dibdib. Pakiramdam ko sobrang pula na ng aking pisngi dahil sa labis na hiya. "Ahhem, aheem," mabilis kong binawi amg aking kamay na hawak ng lalaki, nakarinig pa akong humagikhik si inay na nakaupo sa aking kilid. "Wa-wala pong ano man, kahit sino naman siguro ang makakakita sayo hindi mag-aatubiling tumulong sa nagngangailang ng tulong," pilit kong magsalita ng tuwid kahit ang totoo sobrang kinakabahan ako, para takman ang kaba sa aking dibdib. Pagkalabas namin galing sa silid ng estranghero, hindi ko ko napigilan ang aking sarili na magtanong kung anong hitsura ng lalaki . "Ahhmm nay, anong hitsura po ng lalaki?" na curious sa physical na anyo ng lalaki. "Naku m anak, hindi lang sobrang gwapo, mukhang anak mayaman pa, base sa kanyang hitsura at grabe anak sobrang matso, ang titigas ng mga muscle," sabi ni inay na mukhang kinikilig. "Hoy, ano yang matso, matso na yang naririnig ko ha?" biglang sabat ni itay na nandito na sa aming likuran. "Ano’ng matso inay? Macho siguro," panunudyo ko kay inay. "Ah, basta, magkapareha lang yon, mapa matso man or macho," maktol naman tinig ni inay. Ayaw kasi nito na pinupuna sa siya. " Mila Kung kailan ka tumanda sa ka nagkakaganyan," pagsusungit ni itay kay inay. "Ito namang itay mo, magtatampo ka agad. Syempre ikaw ang pinaka matso." pang- aalo ka agad ni inay. . "Sige, matulog na po ako inay at itay." paalam ko sa kanila, pakiramdam ko kasi nahihirapan na akong huminga dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog sa aki g dibdib. Hindi ko na hinihintay pa silang sumagot, kinuha ko ang aking tungkod at nilisan ang aming munting sala para pumasok sa aking silid. Oo, nalulungkot ako dahil pinagkaitan ako ng liwanag pero sa kabilang banda, mas swerte ako at masaya pa rin dahil nagkaroon ako ng magulang na mahal na mahal ako, na laging umaalalay sa akin. Pumasok na ako sa loob ng aking silid pero hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang estranghero na aking natagpuan sa tabing dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD