ANDREW
Nagising ako dahil sa sinag ng init na tumama sa aking mukha. Mula sa siwang ng dingding gawa sa kawayan. Marahan kong kinusot-kusot ang aking mga mata dahil sa medyo malabo ang aking paningin. Pagkatapos ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mula sa pinto na gawa rin sa kawayan, may apat na malalaking haligi na kahoy nag bawat sulok nito. Maging ang sahig ay gawa rin sa kawayan. Masasabi kong medyo may kalumaan na ang bahay ma ito dahil sa kita kong kinain ng mga anay ang haligi ng bahay.
Akmamg babangon ako mula sa maliit na katri na gawa sa kawayan na aking kinahihigaan. Ngunit napadaing ako at napahawak sa aking ulo dahil tindi ng magkahalong kirot at sakit. Hindi ko maiintindihan ang aking nararamdaman tila sing bigat ng sampung toneladang bakal ang aking buong katawan. Hindi ko man lang magawang maikilos ang aking mga paa.
Mariin kong ipinikit muli ang aking mga mata. Maging ang talukap ng aking mga mata ay nararamdaman kong mabigat rin ito. Nalilito ako kung bakit wala man lang akong naalala? Kung bakit maging ang pangalan ko ay hindi ko alam, kung sino ako? Saan ako nang galing? Kung ano ba ang tunay na nangyari sa akin? Dahil sa dami ng sugat na natamo ko. Tiyak may aksidente akong kinasasangkutan. Hindi ko rin alam kung bahay ko ba ito ang kinaroonan ko. Pero ang lahat nang 'yan ay wala akong mahapuhap na kasagutan.
Muli akong nagmulat sa aking mata nang marinig ko ang tunog ng langit-ngit ng pinto tanda na may pumasok sa loob. Isang matandang lalaki ang una kong nakitang pumasok sa loob kasunod ng matandang babae. Siguro ay mag-asawa silang dalawa. Ngunit ang nakaagaw ng aking atensyon ay pangatlong tao na pumasok. Isang magandang babae na may hawak na tungkod. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso, hindi ko magawang ihiwalay ang aking paningin sa kanyang maamong mukha. Nakakagaan ng pakiramdam habang tinitigan ko ito.
"Hijo, Salamat sa Dios, nakamata na ka. Tulo ka adlaw ka ng natulog sukad na nakit-an ka sa akong anak na si Isabelle sa daplin sa dagat." saad ng matandang babae sa akin. Nangunot ang aking noo sa kanyang tinuran. Bakit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya? Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.
"A-ano po ang ibig niyong sabihin? Wala po akong naiintindihan sa mga sinasabi ninyo," maang na tanong ko sa kanila..
"Ay, aruy Mario. Mukhang taga Maynila ang batang ito dahil tingnan mo 'yung pananalita niya. Aba! Dapat pala gamitin ko na itong tinatago kong mga Tagalog." palatak mg ginang sa kanyang mister.
"Hay, naku Mila. Ginamit mo na nga. Oh, siya manahimik ka riyan."
"Hijo, mabuti naman at nagising ka na. Tatlong araw kang natutulog simula noong natagpuan ka ng anak naming si Isabelle, sa may baybaying dagat," baling sa akin ng matandang lalaki.
"Ano ba ang pangalan mo, hijo? Ano ba ang nangyari sa iyo?" sunod-sunod na tanong nila sa akin. Habang anak naman nila na nag ngangalang Isabelle ay tahimik na nakikinig sa kanila.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Dahil sa totoo lang ako mismo hindi ko alam kung sino ba talaga ako? Kung ano ba talaga ang tunay na nangyari akin. Makailang ulit ko ng ipinikit ang aking mga mata nagbabakasali na may maalala ako. Ngunit kahit ano'ng pilit ko ay wala pa rin. Nanating blanko ang aking isipan.
"Tama na nga iyan, Mila. Bakit ba ang dami mong tanong? Pagpapahingahin muna natin 'yung bata," sita ng lalaki sa kanyang asawa..
"Ahhm, hijo, kumain ka muna, ha. Kukuha lang ako ng pagkain para naman bumalik' yang lakas mo, ha."
Hindi na lang muna ako sumasagot, bagkus tanging tango lamang ang naging tugon ko sa kanila. Namayani ang katahimikan sa loob ng munting silid. Hinihintay kong magsalita ang babae Ilamg sandali lang bumalik ang matandang babae na may bitbit na kulay pulang mangmok at isang pinaggan na puno ng kakanin. Napahawak ako bigla sa nakaramdam ako ng gutom nang nakikita ko ang bitbit na pagkain ng ginang. Bigla akong napahawak sa aking tiyan nang biglang kumakalam ito.
Nagkatinginan kaming lahat dahil sa lakas nito. Sobra akong nahiya sa aking sarili sa kanila. At kita naman sa kanila kung gaano ng pigil ng tawa ang dalawang ang mag-asawa. Nalipat ang tingin ko sa babae na nakaupo sa may maliit na silya na yari 'yan sa kahoy. Pareha pa rin kanina ang kanyang mukha hindi ko man lang mahanap kong ano ang tunay na kanyang emosyon. Tila ito isang kahoy na nakaupo.
Dahil sa hindi ko pa kayang igalaw ang aking buong katawan ay kumuha ng isang dagdag na unan at nilagay sa aking may badlang ulo para medyo tumaas ito ng kunti. Nanatili pa rin akong walang kibo sa kanila. Gusto ko man silang kausapin pero wala akong maisip na sasabihin. Nais ko sana na ang babae ang magpapakain sa akin pero nanaig ang hiya ko. Medyo may kalabisan na 'yun kung hihingin ko. Although, they're look kind but still ayaw ko pa rin silang abusuhin. I must be thankful dahil kahit hindi nila ako kilala hindi sila nagdalawang isip na kupkupin ako.
Bahagya kong ibinuka ang aking baba ng itinaas ng ginang ang hawak niyang kutsara. Isang mainit na sabaw ng tinolang isda ang ulam ko. Simple pero masarap, sinulyapan ko ang lamang plato halos mga lahati na ako sa kanin ng nararamdaman kong busog na ako.
"Hijo, gusto mo pa ba? Huwag kang mahiya sa amin mababait naman kami. Lalo na itong Isabelle namin. Kaya feel at home ka na lang dito. Pero pag pasensiyahan mo na ang buhay namin. Mahirap lang kami, payak ang aming pamumuhay dito," mahabang salaysay ng ginang. I'm so happy and blessed, dahil kahit hindi ko man nakikilala ang katauhan ko. May mga tao naman na handang tumulong at binuksan ang kanilang tahanan sa akin. For me, I found new home, and family sa kanila. Akmang tatayo na ang ginang mula sa aking gilid ng maagap ko itong hinawakan.
"I'm just to say thank you, maramng salamat sa tulong na binigay niyo sa akin. Kahit hindi niyo ako kilala hindi kayo nagdalawang isip na tulungan ako. Hindi man ngayon, sana dumating ang panahon na matulungan ko rij kayo in returns." sinsero kong pasasalamat sa kanila.
"Hay, naku, hijo. Huwag mong isipin iyan. Kahit naman siguro sino kung makakita ng may nangangailangan ng tulong. Tutulungan rin nila. Kaya huwag mo na iyan masyadong isipin. At isa pa kung hindi naman dahil sa anak naming si Isabelle hindi ka namin matatagpuan." maluha-luhang saad ng ginang habang tahimik namang nakikinig ang mag-ama.
"I just want to say thank you to your daughter," nahihiya kong saad sa kanila.
"Ay, halika dito anak. Just standing over their. He wants to say pasalamat," nakabungis-ngis na saad ng ginawang. At nilapitan niya ito pinatayo at inaalalayan papalapit sa akin. Napangisi naman ako at ang mister nito. Nakakatuwa kasi pinipilit ng ginang na mag - english.
"Mila, darling. Abay lumabas na naman iyang pagka-titser mo. May pa ingles-ingles ka pang nalalaman. Mali na naman," natatawang saad ng kanyang mister.
"Eh, ano naman ngayon. Atleast ako may nalalaman ako kahit kunti, noh. At isa bakit mo ako kinukuntra? Naku, out side the kulambo ka matulog mamayang gabi," himutok na saad ng ginang at iniarapan nito ang mister niya.
"Ay, sorry na darling. Promise hindi na ako kukuntra sa iyo," paglalambing ng mister nito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nanood sa kanila kung paano sila nagbabangayan at naglalambingan. Masasabi ko na ito ang tunay na kaligayahan kahit na sa payak nilang pamumuhay kita mo sa kanila ang tunay na pagmamahalan sa bawat isa. Napabaling ang atensyon sa isang tinig na kay sarap pakinggan. Tila ba bumukas ang langit at narinig ang mga anghel sa nagsisiawitan napakasarap sa aking pandinig.
"Pagpasensiyahan mo na ang inay at itay ko. Talagang ganyan talaga sila," saad ng babae sa akin. Mabini pa itong ngumiti sa akin nakita ko ang dalawang malalim na dimples sa kanyang pisngi.
"No, it's okay. Nakakatuwa nga silang tingnan. Ahm, maraming salamat sa pagsagip mo sa akin. Kung hindi dahil sa iyo. I don't know, if I am still alive at this moment," madamdamin kong saad sa kanya sabay abot ng kanyang kaliwang kamay. Hindi ko maintindihan ang aking sarili tila may milyon-milyong bultahi na dumadagan sa aking katawan. Nang hawakan ko ang kanyang kamay tila ayaw ko na itong bitawan. Napakalambot kaya hindi ko mapigilan na higpitan ang pagkakahawak nito.
"Ah, walang ano man po iyon." maikling tugon nito sabay hila sa kanyang palad. Nakaramdam ako ng panghihinayang ng nabitawan ko ang kamay ng dalaga. Bakit gusto kong hawakan ito habang buhay. Napapikit naman ako sa aking mata. Oh, s**t! Baka nagalit iyon sa akin. Sa tingin ko kasi isa siyang conservative na babae tje way she dressed up.