Ako si Isabelle de Jesus, labing siyam na taong gulang at isang hamak na bulag.
Nagkakasakit kasi ako noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Sa kasamaang palad naapektuhan ang aking mga mata, noong una ay medyo lumalabo lamang ito, ngunit 'di naglaon ay tuluyan na akong nabulag.
Pero sabi ng doktor nang minsan dumalo kami ni inay ng minsang may medical mission sa karatig Isla, may chance pa na nakakakita ako kung sa sakaling makahanap kami ng eye donor. Ngunit malaking halaga ang aming kakailanganin para sa nasabing operasyon. Hindi na ako umasa pa na makakakita pa akong muli, dahil sa estado ng ating pamumuhay. Mahihirapan kaming makakalikum ng halagang kalahating milyon.
Tanging pangingisda lamang ang ikinabubuhay ng karamihan sa amin at isa na dito ang aking itay Mario, at ang aking butihing inay ay nasa bahay lamang, kung minsan tumatanggap ito ng mga tahiin ng mga kapitbahay namin. Ngunit hindi pa rin sapat kahit pagsamahin pa ang kita ng aking mga magulang para sa aking pagpapa opera. Kahit na sampung libo ay mahirap kami makahagilap lalo na kaya itong kalahating milyon.
Kahit isa man akong bulag hindi naman ako maituturing na pabigat sa aking mga magulang. Tumutulong ako kay nanay Mila sa gawaing bahay, sinasanay ko naman ang aking sarili na gawin ang mga bagay na makakaya kung gawin. Hindi naman porke't may kapansanan wala ng pakinabang at pabigat na dito sa mundong ginagalawan.
Nakaugalian ko na pagkatapos ng aking mga gawain ay lumabas ng bahay upang matungo sa dalampasigan, para magpahangin at kung minsan doon ko narin ilalabas ang aking mga hinanakit sa buhay.
"Nay, lalabas lang po ako magpapahangin lang," wika ko kay inay.
"Sige anak, pero huwag kang masyadong magtatagal. Malapit na tayong mananghalian." sagot ni inay
"Opo inay," maikli kung tugon at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Sa tulong ng aking mahal na tungkod na kasa- kasama ko sa ilang taon na lumipas, gawa pa ito ni itay na yari sa kawayan. Kahit sa aking sitwasyon hindi mahirap sa akin ang pumunta sa dalampasigan, kabisado ko naman ang daan dahil sa halos araw-araw akong mamalagi rito.
Nandito na naman ako sa aking paboritong spot sa tabing dagat, natatandaan ko pa, bago pa ako tuluyang nabulag, dito ako madalas naglalaro kasama si ate Cristine. Nasaan na kaya siya? matagal na rin nang huli niya akong binisita.
Ang isla namin dito sa bohol ay maituturing na isa sa may pinaka maganda at maputing buhangin, may asul na karagatan lalo na at iniingatan ito ng aming punong barangay. Mahigpit na Ipinagbabawal dito ang pagdidinamita at pagtapon ng mga basura sa dagat. Ngunit sa kabila sa napakaganda ng naming Isla ay malimit pa rin itong puntahan ng mga turista, dahil siguro ay hindi pa gaanong na nadiskubre ang aming Isla. Mabuti nga naman kung ganoon, ayaw kung masira ang Isla namin, hindi natin maitatanggi na may mga turista talaga na burara. Ayaw kong masira ang Isla namin na maituturing na isang tagong paraiso.
Naipikit ko aking mga mata habang dinadama ang bawat pagdampi ng malamig at sariwang hangin sa aking balat, pinapakinggan ang tunog ng alon sa dagat, tila ba isa itong musika sa aking pandinig, napaka sarap pakinggan at nakakagaan sa mabigat kung pakiramdam. Tila nawawala at tinatangay ng mga alon aking kalungkutan nararamdaman. Sana nga dalhin na lang nito sa pusod ng karagatan at hindi na bumalik pa kailan man. Dahil magpa hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na matatanggap ang aking sinapit, ang aking mga pangarap ay tila naglaho kasabay nang paglaho ng aking paningin.
Ilang oras ang nagdaan at napagpasyahan kung bumalik na ng bahay dahil masyado na rin nasisikatan ng tirik na araw ang aking kinalalagyan at tamang- tama dahil tinawag na ako ng aking nanay Mila.
"Anak Isabelle, hali ka na dumating na ang iyong itay at nang makapananghalian na tayo," tawag sa akin ni inay.
"Opo nay nandiyan na po ako" balik kong sigaw kay inay, kinapa ko ang aking dalang tungkod. Dahan-dahan kong iwinawasiwas sa daan ang aking tungkod. Ngunit biglang sumibol ang kaba sa aking dibdib, ng nakarinig ako ng isang tinig na umuungol malapit lamang sa akin. Pina kikinggan kung mabuti kung saan nagmumula ang tinig.
Ang ikinagugukat ko ay may isang bagay na natusok na bagay sa aking tungkod kaya mas lalo ko pang diniinan ang aking pagtusok at nakarinig na naman ako ng mahinang ungol.
Dios ko! hindi kaya tao ito? Kinakabahan man ay dahan-dahan akong lumuhod at kinapa ko ang kung anong natusok na bagay sa aking tungkod at lumikha ng ungol. Halos mapatalon ako sa aking matinding pagkagulat, dahil may humahawak sa aking mga kamay.
"Tulungan mo ako," wika ng mahina at nahihirapang tinig.
Ngunit mabilis kung hinatak ang kamay at kumaripas ng takbo. Nakalimutan ko na yata na isa akong bulag, ngunit hindi ko pa rin alintana kahit magkadapa - dapa na ko dahil sa sobrang takot na aking nadarama .
"Ahhhhh inay !itay!" tili ko habang tumatakbo.
.
"Dios ko anak, anong nangyari? Bakit parang nakakita ka ng multo?" takang tanong ni Inay.
"Na-nay, tay may tao, may tao po," hingal kong tugon.
"E syempre anak may tao talaga, anong akala mo sa amin unggoy?" pabirong bulalas ni itay.
"Hindi itay! ang ibig kung sabihin ay nakarinig ako ng umungol ng tao."
"Naku hindi kaya namaligno ka na anak? Yan na ba sinasabi ko sayo, h'wag kang palagi pumunta doon sa malaking bato, baka may nakatira doon na engkanto." tila na hintakutang sabi ni inay.
"Mukhang may kababalaghang ginawa ang maligno!" natatawang tugon ni itay.
"Tumigil ka nga diyan Mario, alam ko na 'yan kung ano ang nasaisip mo!" singhal sa kanya ni inay.
"Hindi po tay, inay tao po! humihingi ng tulong sa akin!" sabat ko sa kanila dahil nagsimula na naman itong magbangayan.
"Ano tao? halika ka na Mario puntahan na natin."
"Dios ko anak, tao nga! Dalian mo na Mario dalhin natin sa bahay at gamutin natin ang kanyang mga sugat." sabi ni inay.
"Nay, kumusta na po ba s'ya? Gising na po ba ?Nay baka kailagan na natin dalhin sa hospital"
"Naku, Isabelle anak!
hind pwede mahihirapan tayong lumuwas ng Tagbilaran City, isa pa wala tayong pera pambayad doon. At hindi naman tayo makapunta ng hospital kung bangkang pangisda lang ang gamitin kailangan panating umarkila ng bangkang de motor para makapunta doon, kaso wala tayong pera nak!"mahabang paliwanag ni inay.
" Sige po inay, naiintindihan ko po sana gumaling na po ang estranghero inay." nalulungkot kong wika.
"Sana nga anak, halika ipagdasal natin, na sana gumaling na ang prince charming mo!"
"Si inay talaga kung makapagbiro, alam mo naman ang kalagayan ng anak ninyo. Walang magkakamali sa akin." saway ko kay inay, ngunit bakit parang may kung anong kumikilitinsa aking puso.