ISABELLE
"Ah, Tatay, Nanay. Mauna na po akong lumabas. May nakalimutan pa pala akong gagawin." Paalam ko sa kanila. Hindi na ako nag-aksaya pang magpaalam sa lalaki. Hindi ko kasi naiintindihan ang mararamdaman ko nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit tila may kung ano'ng liliparan na paro-paro sa loob ng aking tiyan. Tila may ilang libong bultahi ang gumagapang sa aking katawan. Napaka init ng kanyang palad. Kahit hindi man ako nakakakita ramdam ko ang kga titig niya sa akin. Kaya hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.
Nagmistulang jelly ang aking dalawang tuhod dahil sa na panlalabot nito, hindi ko alam kong bakit ako nagkaganito? Ngayon lamang ako nakaramdam na may taong nakapagpalambot ng aking mga tuhod. Hindi naman ako mahiyain o matatakutin sa mga tao. Sadyang iba lang talaga ang dating sa akin ng lalaki.
"Ah, mag-uusap muna kayo anak. Huwag mo muna siyang ewan para naman maging makaibigan na kayo. Para naman mapanatag ang loob niya rito sa atin," Pigil sa akin ni Inay. Ito talaga si Inay alam ko naman iba ang pinapahiwatig niya sa tono palang ng kanyang pananalita. Hindi lang ito nangyari naninirito ako sa mga anak ng kakilala niya. Hindi ko naman kailangan ng nobyo para maging masaya. Makatulong lang ako sa kanilang dalawa kahit sa mga gawing bahay lang ay labis ko na itong kinatuwa. Oo, nawalan ako ng paningin, isa akong hamak na bulag pero hindi naman ako lumpo para hindi makakilos. Hindi ito hadlang sa akin para tulungan ang aking ina lalo na sa mga gawaing bahay. At isa pa alam ko naman na walang kahit sinong lalaki na magkakagusto sa akin na isang bulag. Kaya matagal ko ng tinaggap ang naging kakulangan ko. Tinanggap ko na maging matanda na akong dalaga. Pero ang gusto ni inay na magkaroon ako ng sariling pamilya dahil daw kung wala na sila wala ng mag-aalaga sa akin. Pero sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng mag-aalaga sa akin. Kaya kong alagaan ang sarili. Na hindi umaasa sa ibang tao.
"Oo nga, naman Isabelle. Gusto ko pa sanang makilala kita," segunda ng lalaki. Tila ba may nais itong ipahiwatig. Ngunit tila nasisiyahan ang aking puso sa pagbigkas nito sa aking pangalan. Napakasarap pakinggan ang kanyang tinig tila ba ito isang dj radyo na madalas kong pinapakinggan. Napakalalaki ng kanyang tinig buo.
"Ah, eh, ano kasi may gagawin pa ako sa labas," pagdadahilan ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay pa na sumagot pa. Kinuha ko na ang aking tungkod na gawa sa kawayan at iniwasiwas sa sahig ito ang guide ko sa aking Rd nkmn mabunggo sa ano mang bagay. Nang tuluyan na akong makalabas ng silid ay nakahinga ako ng maluwang pakiramdam ko kasi para akong sinasakal sa loob nahihirapan akong huminga.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nakilala akong ibang lalaki. Sa katunayan marami na nga akong naging nakaibigan na lalaki. Natawa nga ako kay inay kasi nga gusto raw niya akong e set- up niya akong magkipag blind date na literal naman na bulag ako. Napasandal ko ang
"Hoy, anak. Ano'ng nangyari sa iyo. Bakit ka umalis doon sa silid. Eh gusto ka pang makausap ng binata." Biglang sulpot ni inay sa aking likuran.
"May tinapos po kasi, ako kanina Inay. At isa pa hindi naman ako kailangan doon." paliwanag ko kay Inay. Ayaw kong kantiyawan na naman niya ako. Kahit simple lang ang buhay namin salat sa materyal na bagay at pera ngunit isa lang ang maipagpasalamat ko sa kabila ng aking kapansanan biniyayaan naman akong ng mga magulang na totoong nagmamahal sa akin sa kabila ng aking kakulangan. Maituturing kong isang kayaman ang magkaroon ng isang masayang pamilya. Dahil hindi naman basihan ang pera para sabihing masaya ang isang tao.
"Hmmp, nagkuwari pa ang Isabelle namin. Ano? Hindi ba boses pa lang nakakainlove na?" Hindi ko mapigilang mapatawa kay Inay dahil sa ginawang pagsundot-sundot nito sa aking tagiliran.
"Inay naman nandiyan ka na naman. Bakit ba ang hilig mong mang kantiyaw sa akin," himotok ko kay Inay.
"Eh, ito naman hindi na mabiro. Siyempre pinapatawa lang kita. Pero napaisip kasi anak kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa batang iyon?" biglang seryoso ang tinig ni Inay.
"Nay, kung sakali ba hindi pa rin bumalik ang kanyang alaala. Sa atin pa rin ba siya titira?" Alanganing tanong ko ay Inay.
"S'yempre naman anak. Alangan naman at papalayasin natin. Nakakaawa naman 'yung tao at isa pa ayaw mo ba na mayroon na tayong ibang kasama sa bahay. Isang gwapo at artistahin pa," pagmamayabang ni Inay sa akin. Hindi ko maiwasan isipin na totoo ba talaga ang mga sinasabi ni Inay na gwapo nga ba?.
"Naku! Isabelle tumigil ka nga diyan kailan kapa naging interesado sa mga gwapo?" kutos ko sa aking sarili.
At isa pa kapag gwapo ay mga babaero 'yan. Katulad ng tiyahin ko. Kasi nga gwapo si Tiyong Miyong makailang beses itong naabutan ni tiyang na may kasamang obang babae. Kaya sabi ni tiyang sa amin dati ng pinsan kong si Cristine hindi mahalaga ang panlabas na anyo ng isang tao. Ang mahalaga minahal ka ng totoo at marunong rumespito sa katulad nating mga babae.
"Tama naman po kayo, Inay. Pero ang sa akin lang naman, Inay. Baka hinahanap na siya sa kanyang tunay na pamilya. Paano kung may asawa at anak siya, Inay?" paliwanag ko kay Inay. Pero magkung ano'ng kirot akong nararamdaman ng banggitin ko ang na may asawa at anak na ito. Bigla na lamang nanginit ang sulok ng aking mga mata.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Talaga bang nahihibang na ako. Bakit ba naisip ko ang mga bagay na iyon? Ilang araw pa ngang nandito sa puder namin ang lalaki ngunit may kakaiba na akong nararamdaman.
"Wala namang problema kung may kukuha sa kanya anak na kanyang pamilya. Pero sa ngayon, kailangan muna natin siyang kupkupin at aalagaan. Wala naman tayong ibang magagawa kundi ang maghintay na lamang na may maghahanap sa kanya." paliwanag sa akin ni Inay. Sa tingin ko tama rin naman po si Inay. Wala naman talaga kaming magagawa dahil nasa isang maliit na Isla lamang kami nakatira. Malayo sa kabihasnan, maging kuryinti ay wala kami. Kaya hindi namin alam kung ano ang nangyari sa labas ng aming Isla.