Chapter 2

2842 Words
Chapter 2 Kinabukasan maaga pa rin ako nagising, kahit kulang na kulang ako sa tulog hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi na ginigising ako ng aking ina dahil binangongot naman ako. Hindi ko alam kong bakit nangyayari sa akin na madalas akong managinip ng kakaiba at sa mga panaginip ko parati kong naririnig ang pangalan Luna. Na labis kong pinagtaka hindi naman luna ang aking pangalan, naweweirdohan ako. “Sino ba si Luna? tanong ko pa sa aking sarili. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga at pinilig ang ulo ko para mawala sa aking utak ang nilalaman ng panaginip ko ng nagdaang gabi. Minabuti ko na lang mag-ayos, ng aking mga gamit na dadalhin ko para sa medical mission. Labag naman sa loob ko ay wala ako magagawa kundi sumunod sa aking Abuelo. Tanggapin ko na lamang ang pinag-uutos nito dahil wala naman ako magagawa kundi sumunod. Mahirap pa naman suwayin ang utos ng matandang hukluban na ‘yun. Napanguso na lamang ako sa kawalan. Habang nag-ayos ng aking gamit. Na dadalhin patungo sa Quezon province, tumawag sa akin si nurse fate na pinapaalam nito sa akin na mamayang gabi daw kami aalis papunta sa lugar kung saan kami mag medical mission. Para daw makaiwas sa traffic. Napahinto ako sa paglalagay ng mga gamit sa aking maleta nang makarinig ako ng mahinang katok buhat sa labas ng aking silid. “Pasok!” tanging nasabi ko, hindi naman nakalock ang aking kwarto at may kaunti siwang sapat lang para marinig ng nasa labas ang aking sasabihin. Hindi naman na ako nag-abala pa tingnan kung sino ang pumasok alam na alam ko na kung sino sa pabango palang na taglay nito alam kong ang aking ina. “Anak,” bungad na tawag ni Mommy sa akin. Naramdaman kong umupo ito sa aking tabi. “May, pupuntahan ka ba? Sheryl?” tanong ni mommy at nasa boses nito ang pagtataka. “Magbakasyon ka ba, anak?” wika pa nito. Sunod-sunod naman ako umiling sa sinasabi ng aking ina. “Hindi po,” tipid kong sagot. “Oh, saan ka pupunta bakit? Nag-iimpake ka ng mga gamit mo huwag mong sabihin sa hospital ka na titira?” natatawa biro pa ng ina ko. Nakasimangot naman ako sa tinuran ni Mommy at bahagya inihinto ang pag-aayos ng aking gamit. “Hindi ako magbabakasyon mommy may medical mission po ulit kami. Pupuntahan,” magalang kong sagot at bahagya tumingala sa aking ina. Kitang-kita ko naman ang gulat na reaksyon sa mga mata ng mommy ko. “Ano'ng, sabi ko anak!” wika pa nito "Medical mission ulit!" wika ni ginang Jocelyn sa anak niya. “Opo, medical mission muli mommy,” sagot ko naman. At muli kong binalik ang aking atensyon sa pag-iimpake ng akin mga gamit. "Diba? Anak kababalik mo lang noong nakaraang linggo galing sa Bicol dahil nag-medical mission ka doon?!" nasa boses pa rin ng mommy ko ang pagtataka. "Opo,” tipid kong sagot. “Ewan ko ba kay Lolo lagi na lang niya ako pinatapon sa malalayong lugar upang mag-medical mission!” inis kong wika sa aking ina. “Tulad po ngayon sa Probinsya naman ng Quezon niya ko pinadala,” saad ko sa akin ina. “Hindi ko alam kung pinapahirapan lang ba ako ni lolo. Sa dami ng doctor sa hospital na pagmamay-ari niya ako nalang palagi ang pinapatapon niya sa pag memedical mission. Hindi naman sa ayaw ko mommy kasi gusto ko rin naman ang makatulong sa kapwa ko mamamayan, bukal sa loob ko ang pagtulong, masaya po ako sa akin ginagawa pero mommy mukha yata nag-eenjoy si lolo sa kanyang ginagawa pagpapadala sa mga lugar na liblib.” reklamo ko sa akin ina. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy at marahan ako niyakap nito. “Hay, nako anak nagiging madalas na yata ang pagpapadala ng Abuelo mo sa mga liblib na lugar,” sabi ng mommy niya habang niyayakap ako. “Oo nga po, mommy,” sagot ko naman. “Ewan ko nga po kay, Lolo kung bakit ako na lang palagi eh nariyan naman si Kuya Caleb, Liam, at Xander pero ako palagi nakikita ni lolo apat naman kami doctor sa hospital niya!” pagrereklamo ko pa sa aking ina. Mas lalo pa akong niyakap ni Mommy dahil sa mga sinabi ko. “Kaya siguro ako madalas bangongutin dahil sa mga liblib na lugar na pinupuntahan ko!” hindi ko na mapigilan lumuha para dahil sa inis na nararamdaman ko. “Sss,” pag-alo ni mommy sa akin habang hinihimas ang likod "Anak, pasensyahan mo na ang lolo Edwardo mo ah!" anas sa akin ni Mommy. “Siguro, may dahilan ang abuelo mo kung bakit palagi ikaw ang pinapadala niya sa mga medical mission,” untag pa ni mommy. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Mommy, naintindihan ko naman po si Lolo at gusto ko rin makatulong sa kapwa. Pero ang akin lang po, huwag naman sunod-sunod niya akong ipadala sa mga liblib na lugar dito sa Pilipinas." nakasimangot kong saad sa aking ina. “At kahit ano pang dahilan ni Lolo sana’y magpahinga muna niya ako kahit isang buwan lang. Pagkatapos ko sa medical bibigyan niya ako agad ng schedule para duty at nakakainis panggabi paano ko makakatulog ng ayos. Kung palagi ganon ang ginagawa ni Lolo,” himutok ko pa. "Hayaan mo anak, kakausapin ko ang lolo mo kapag nagkita kami.” ani ni mommy sa akin. “Sa ngayon pagbigyan mo muna ang abuelo mo, sa gusto nitong gawin. Alam kong may dahilan si Papa,” sabi pa ng mommy niya. “Huwag na po, mommy baka sabihin pa ni lolo nagsusumbong ako sa inyo!” pagtanggi ko sa nais ng aking ina. "Saka tungkulin ko rin po ito bilang isang doktor. Makatulong sa mga taong nangangailan lalo na mga may sakit na tao na hindi magawa magpatingin dahil kapus sila. At walang pangbayad sa mga hospital. “Okay din po ito na isip ni lolo. Naiinis lang ako kasi sa pinaggagawa ni lolo lagi ako pinapadala sa mga liblib na lugar ay hindi na ako makahanap ng boyfriend dahil palagi ako pinapadala ng matanda ‘yun sa mga liblib na lugar mabuti po kung may makita ako Fafa o mala adonis na lalaki para naman makapag boyfriend ako. Kaso wala ako mahanap, puro puno damo at mga ligaw na hayop nakikita ko,” napapakamot na turan ko sa aking ina. Tumawa lamang si Mommy sa aking sinabi. “Ikaw, talaga bata ka! O hala sige maiwan na kita. Para matapos na ang pag-iimpake mo. Basta kapag nakakita ka ng Fafa sa bundok mag pabuntis kana para pag-uwi mo dito may apo na ako sa'yo!” natatawa biro pa ni mommy sa akin. “Ako'y baba na para ipaghanda ka ng masarap na pagkain sigurado ilang linggo naman bago tayo magkikitang dalawa,” sabi pa ni Mommy sabay halik sa ulo ko at bago lumabas ng silid ko niyakap muna ako nito ng mahigpit. “Luh, mabuti sana kung may Fafa sa bundok wala naman baka nga engkanto ang makukuha ko Mama!” natatawa saad ko sa aking ina. “Mas okay yun, magkakaron na ako ng apo engkanto, saka kung meron papatol sayo anak?!” biro pa ng aking ina sa akin habang lumalabas ito ng silid ko. Napapailing na lamang ako at muli ibalik ang atensyon ko sa aking mga gamit na dadalhin ko papunta sa medical mission. Ito na ang araw ng pag-alis nila patungo sa Quezon province. “Haist, hito naman po tayo sasabak naman sa medical mission, nako kapag natapos talaga ang mission natin mag leave muna ako kahit two weeks lang!” sambit ni Doc Alvi habang papasok ito sa loob ng van na maghahatid sa aming patungo sa lugar. “Ako din,” segunda naman ng iba. “Ikaw, doktora She, magbakasyon ka rin ba? Kapag nakabalik na tayo?” baling na tabong ni doctor Nathalie kasama rin nila ito sa kanilang team. “Magkukulong ako sa loob ng kwarto ko at manood ng mga movie, ayaw ko mag bakasyon sa ibang lugar!” sagot ko sa mga ito at habang sinasandal ko ang akin likuran sa sandalan ng upuan at hinilig ko pa ang akin ulo sa bintana ng van. “Hala bakit, ayaw mo bang magbakasyon. Bakit hindi na lang tayo pumunta sa boracay pagkatapos nito?” seggust ni Doc Alvi sa amin. “Oo, nga bakit hindi tayo pumunta sa beach. Upang makapahrelax napaka-boring naman ng iniisip mo matulog at magkulong sa kwarto mo doc Avilla?” Sabi pa ni Nurse Fate sa akin. “Wala ako sa mood, na pumunta sa lugar. Mas gusto kong ihiga maghapon ang katawan ko sa ibabaw ng kama na walang istorbo,” sagot ko habang nakapikit ang mga mata ayaw niya talaga umalis o gumala pagkatapos ng medical mission nila. Tumagilid siya ng upo at sinadal ang ulo sa bintana. “Matutulog na muna ako, gisingin ‘nyo nalang ako kapag naroon na tayo sa lugar. Dahil kapag dumating na tayo wala na magiging pahinga pa!” sabi ko sa aking mga kasamahan. “Ay true, bhe wala na nga pala tayo magiging pahingi teka ilan linggo ba tayo doon?” bigla sabi ni Savana isa rin doctor na kasama nila kahit nakapikit ang mata ko ay kilala ko ang boses nito. “Sabi sa memo ay dalawang linggo raw tayo, sa naturang lugar!” si Doc Alvi ang sumagot sa tanong ng kasamahan nila. “s**t ang tagal ah,” reklamo ni Savana. Napapailing na lamang ako at marahan na bumuntong-hininga pinilit na wag ng pansinin ang pinag-usapan ng mga ito gusto ko muna matulog dahil kulang na kulang ako sa pahinga. “Hindi ko alam kung bakit ako na lang palagi ang pinag iinitan ni Lolo, dahil ba ako lang ang apo nito babae dahil halos lahat ay mga lalaki saka may pinsan naman sila doctor bakit hindi ito pinapadala ni lolo sa mga medical mission tanging ako lang!” naiinis kong saad sa akin isipan. Inalis niya ang isipan ‘yun at pinili na lamang matulog at unti-unti kong naramdaman na bumibigat na ang talukap ng aking mga mata hanggang sa nararamdaman ko nakatulog na ako. Makalipas ang ilang oras na biyahe naramdaman ko ang pagyugyog sa aking balikat. “Doc, Sheryl…” “Doc, gising na po!” sabi ng gumising sa aking. Dahan-dahan kong mulat sa aking mga mata at bumungad sa kanyang mukha ang nakangiti si Nathalie. “Doc Sheryl, nandito na tayo!” nakangiti saad ng dalaga doctor kasamahan ko. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid bukas na kang pintuan ng van na sinasakyan namin kanina at halos ako na lang ang nasa loob ang iba ay bumababa na. “Grabe ang sarap ng tulog mo, Bhe simula ng umalis tayo sa hospital hanggang makarating tayo dito sa lugar kung saan mag medical mission tayo ay tulog ka parin?” natatawang puna ni Doktora Alvi. “Oo nga, para kang mantika kung matulog!” nakakatawang biro naman ng iba nila kasamahan. Napangisi na lamang ako sa tinuran ng mga kasamahan ko. “Sempre sinulit ko na ang pagkakataon, dahil oras na nagsimula tayo para na tayong mga manok na mayat-maya ang gising dahil sa mga patient natin,” sambit ko pa. “Sabagay tama ka,” sabi nalang ng mga ito. Ang pinaka head ng medical mission na si Doctor Dela cruz ay nakita kong nakikipag usap isang matandang lalaki marahil siguro ang kapitan ng lugar na ito. Nag matapos mag usap ang mga ito lumapit na sa amin si Doctor Dela Cruz kasama na nito ang Matandang lalaki. At isa- isa kami ipinakilala ni Doc Dela Cruz. “Mang Berting sila po ang mga kasama kong mga doktor at nurse,” pagpapakilala ni Doc, Dela Cruz sa amin. “ Si doktora Alvi, doctor Savana, at si Doctora Sheryl, Doctora Nathalie, Nurse Warren, Nurse Fate at ang mga kasama namin!” Nakangiti pagpapakilala ng amin pinaka head. Isa-isa kami nakipagkamay sa kapitan. “Maganda araw po!” sabay-sabay namin bati sa Ginoo. “Maganda araw din, po sa inyo at lubos po akong nagpapasalamat dahil napili ninyo ang baryo namin para sa inyong medical mission," sabi ng aming kapitan. "Malaking tulong po ito sa amin dahil bihira lang po kaming magkaroon ng ganitong pagkakataon na makatanggap ng libreng serbisyo medikal," dagdag pa ng ginoo. "Masaya po kami na makatulong sa inyong komunidad," sabi ni Doctora Alvi. "Oo nga po, sana ay marami kaming matulungang mga tao dito sa inyong baryo," sabi naman ni Doctor Savana habang may mga ngiti sa labi ng mga kasamahan kong doctor. Kahit panay kami reklamo dahil kami palagi ang pinapadala sa mga liblib na lugar ay ginagapanan namin ang amin mga trabaho at may sinumpaan kami tungkulin na gumamot at mag ligtas ng buhay ng tao sa abot ng amin makakaya. "Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan ninyo kami ng pagkakataon na makapaglingkod sa inyo," sabi naman ng iba pang kasamahan namin. Pagkatapos kami mag pakilala isa-isa ay dinala na kami sa amin tutuluyan. Halos gusto na lang namin umurong o mas gusto matulog na lang sa labas kaysa pumasok sa loob ng bahay sino ba Naman ang hindi matatakot kung makikita mo ang itsura ng bahay ay daig pa ang isang haunted house sa mga horror movie napapanood sa sinehan. Panahon pa yata ito ng amin mga nino sa kalumaan. “Sure, diyan tayo tutuloy sa loob ng dalawang linggo?” pabulong na tanong ni Nurse Fate sa amin hindi pa ito na kuntento ng humawak ito sa akin braso. “s**t, para ayaw ko nang tumuloy iba ang pakiramdam ko sa bahay na ito?” Sambit naman ni Nathalie habang nakahawak rin ito sa kabilang braso ko. “Ikaw, Doc Sheryl may kakaiba ka bang nararamdaman? tanong nito habang papasok kami sa loob ng bahay. “Baka, may multo dito o may gumagalang kaluluwa!” dagdag na wika ni Warren. “Ano, ba kayo sa tanda ninyong ‘yan naniniwala pa rin kayo sa multo! Tumigil nga kayo?” pagsaway ni doctor Alvi sa mga nurse na kasama namin. Napapansin ko ang takot at pag-aalinlangan ng aming mga kasamahan habang papasok sa loob ng bahay. Ngunit hindi ko rin maiwasang ma-appreciate ang ganda ng bahay sa kabila ng pagkaluma nito. Ang pagkakagawa nito mula sa puno ng narra ay nagbibigay ng isang kakaibang aura ng kagandahan at pagiging malapit sa kalikasan. "Oo nga, medyo may pagkaluma na ang bahay, ngunit hindi natin dapat sukuan ang ating misyon na tumulong sa mga taong nangangailangan," sabi ko sa mga kasamahan ko. "Ang kagandahan ng bahay na ito ay nagpapakita ng kasaysayan at pagpapahalaga sa tradisyon at kultura ng lugar na ito." "Tama ka, Doc Sheryl," sabi ni Doctor Savana. "Hindi dapat natin hayaan ang takot na pigilan tayo sa pagtupad ng ating tungkulin. Saka hindi pa ba kayo sanay eh sa ospital nga mayat maya may nagparamdam doon.” Naiiling na wika ko sa mga ito. “Sabagay,tama ka doc she!” sagot ng tatlo nurse na kasama namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng bahay. “Oo,may nararamdaman kong may kakaiba sa lugar na ito hindi sa bahay ngunit hindi ko alam kung ano ngayon lamang ako kinabahan ng ganito.” saad ko sa akin isipan ngunit pinilit kung ignore ang akin nararamdaman. Baka guni-guni ko lamang ito dala ng pagod sa byahe. Kung kaya kung ano-ano ang pumapasok sa loob ng akin isipan. Nakita naman nila napakaganda ng loob ng bahay kumpleto sa lahat ng kagamitan at maraming kwarto ang bahay. “Pagpasensyahan ninyo na po itong bahay, medyo luma na po,” Hingi paumanhin ng kapitan ng tuluyan na silang nakapasok sa loob. “Si Kap, nagpapatawa ano pong medyo luma eh luma na talaga po ‘yun bahay!” Sabi ni Nurse fate ar sinabayan pa nito ng pagtawa. “Oo, panahon pa kasi ito ng akin nino o madaling salita panahon ng mga kastila ay nakatayo na ito bahay at ang kwento sa akin ng lola ko noon marami daw tumira dito!” Pagkukuwento ng ginoo sa amin. “Pero, okay na po kami sa iba nga pinupuntahan namin ay sa mga tent lang kami natutulog noon, kaya ayos na po kami dito,” alanganin ngiti ni nurse Fate dahil masama tingin ng amin head. Tama ka, Nurse Fate," sabi ko habang tumatawa rin. "Kahit na luma na ang bahay, okay na po kami!” sagot ko naman. Tinignan namin ang mga kwarto sa bahay, at napansin namin ang mga kagamitan at gamit na maayos pa rin ang kalagayan. "Kahit na luma, makikita pa rin ang ganda ng bahay na ito," sabi ko. "Ang mga gamit at kagamitan nito ay patunay ng pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga taong.” saad ko na lamang. “Sana lang talaga, walang multo dito!” mahinang bulong ni Alvi sa akin. Natatawa na lamang ako sa tinuran ng aking kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD