Chapter 3

2743 Words
Chapter 3 Habang inaayos ko ang aking mga gamit sa cabinet na nakalaan sa akin naramdaman kong may tumabi at walang iba kundi si Nathalie, ito kasi ang kashare ko sa kwarto na kinalalagyan namin ngayon. Maayos naman ang silid ang mahalaga lang naman sa akin ang malinis na palikuran o banyo kahit sa papag lang nga ako matulog ay okay na sa akin. Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa pag-aayos ng aking mga gamit nang magsalita ito sa akin tabi. “Doc, wala ka bang nararamdaman sa bahay na ito?” tanong nito kaya napahinto ako sa aking ginagawa at humarap dito. “Wala!” tipid ko sagot at muli bumalik sa akin ginagawa. “Talaga, wala ka nararamdaman kakaiba?” pagkukumbinsi pa ni Nathalie sa akin tila hindi ito naniniwala sa akin sinagot. “Oo, bakit ano ba gusto mong isagot ko?” balik-tanong ko naman dito. Kitang-kita ko sa mga mata nito. Tila natatakot ang kaibigan. “Para kasing may kakaiba,” usal pa ni Nathalie. “Anong kakaiba, nakita mo lang na luma itong bahay may kakaiba na agad?” nakakunot noong wika ko pa. “Alam mo ang mabuti gawin mo ayusin mo na lang ang lahat ng gamit mo,” Kaysa kung ano-ano ang iniisip mo!” tugon ko kay Nathalie na hindi pa rin kumikilos sa aking tabi. “Hoy, para kang sira!” Untag ko pa rito. “Kasi naman, She prang may multo itong bahay!” sabi ni Nathalie tila natatakot ang kaibigan ko humawak pa ito sa akin braso. Huminga muna ako ng malalim pagkatapos hinarap ito sabay pitik ng mahina sa noo nito. “Bruha, naturingan kang doctor. Takot ka sa multo.” naiiling kong sabi sa aking kaibigan. “Saka ano ba kinatatakutan mo sa multo eh multo na nga hindi ka noon gagalawin.” wika ko pa. “May kasabihan nga tayo, matakot kana sa buhay kaysa sa multo!” Ang multo mananakot lang ‘yun hindi ka gagalawin ang buhay na tao ay sasaktan ka o pwede gawan ka pa ng hindi maganda.” sabi ko pa kay Nathalie. “Pero, iba pa rin kapag multo ‘no,” pangangatwiran pa nito. Napansin ko tila may pangamba pa rin ang mukha ni Nathalie para sa bahay na tinutuluyan namin. “Haist, Ewan sa'yo tinatakot mo lang sarili mo? Kung may multo nga ang bahay na ito. Gawin mo na lang makipagkaibigan ka para hindi ka galawin o gawan ng hindi maganda at sapian.” natatawa biro ko na lamang kay Natalie. “Puro ka naman kalokohan She, seryoso ako sa aking pakiramdam na may kakaiba dito sa bahay. Sa dami na nating napuntahan medical mission at mga bahay na tinutuluyan ay ito ang pinaka iba.” sabi pa nito habang mahaba ang nguso humarap sa akin. “Maniwala ka o hindi iba talaga parang nga may nakatingin sa atin,” usal pa ni Nathalie. “Hindi naman ako takot sa multo, pero ewan ko ba! Haist ‘di ko mawari ang akin sarili.” napapakamot pa ito sa ulo habang nagsasalita. Tinikom ko ang aking bibig para hindi matawa dahil sa nakikita ko itsura ngayon ng aking kaibigan. Baka sumama pa ang loob nito dahil pinagtatawanan ko lamang ang mga pahayag nito sa akin. "Totoo, naman na hindi dapat tayo matakot sa mga nagpaparamdam na multo Nathalie," sabi ko habang patuloy sa pag-aayos ng aking gamit. "Ang mga multo ay hindi dapat maging sanhi ng ating takot. Mas dapat tayong matakot sa mga taong buhay na may masamang intensyon." "Ang ating misyon dito ay magbigay ng tulong at serbisyo medikal sa mga taong nangangailangan," dagdag ko. "Kailangan nating manatiling matatag at mag-focus sa ating tungkulin." Mahinahon kong wika. Para mawala ang focus ng kaibigan ko sa mga iniisip nitong multo. Kahit ako may nararamdaman din ngunit hindi ko na lang sinabi. Ayaw kong matakot panglalo si Nathalie. Kaya nanatili na lamang tikom ang bibig ko at salungatin ang mga sinasabi nito. Napatingin ako kay Nathalie at ngumiti."Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako dito. Ako bahala sayo at siguro naman magiging ligtas basta magdasal lang tayo sa Panginoon. “Kaya tanggalin mo na sa isipan mo ang lahat-lahat ng agam-agam mo sa iyong utak!” sabi ko pa rito para hindi na matakot pa ang dalaga. Tumango naman si Nathalie at ngumiti na rin. "Salamat, Dok Sheryl.” Sabi na lamang ng aking kaibigan. “Naku, tama nga kakaisip sa mga multo ang mabuti pang gawin natin tapusin nalang natin ang pag-aayos ng mga gamit at lumabas na tayo baka naghihintay na sila sa ating dalawa saka nagugutom na ako _” wika ko kay Nathalie. “Ako din, gutom na!” sabi na lamang nito at mukhang napawi na ang takot at pag-iisip sa mga multo. Tama silang ng hinala sila na lang dalawa ang hinihintay ng mga kasamahan para mag hapunan. “Grabe nag tagal ninyo lumabas. Nagugutom na kami!” wika ng mga kasamahan namin mga nakaupo na ang mga ito sa mahabang lamesa. “Sorry, naman nag-aayos pa kami ng mga gamit namin,” katwiran ko sa mga ito. Umupo na jaming dalawa ni Nathalie sa bakante upuan na kalaan sa aming dalawa. Natingin ako sa mga nakahanda pagkain halos mag laway ako sa mga masasarap na pagkain nakalatag sa ibabaw ng lamesa. May inihaw na isda at talong, hipon, ginataang tulingan at iba pa. Nagdasal muna silang lahat bago mag-umpisa kumain nagpapasalamat din kami kay Mang Birting at sa asawa, anak nito nag-abala para sa kanilang masarap na hapunan. "Salamat, po Mang Birting sa paghahanda ninyo ng masarap na hapunan," pasasalamat ni Doctor Dela Cruz. "Walang anuman po, Doc. Dela Cruz. Sana po magustuhan ninyo ang simpleng handa naming para sa inyong lahat," magalang na sagot naman ni Ginoong Birting sa kanilang head Doctor. “Salamat po, Mang Berting,” sabay-sabay nilang pasasalamat ng mga kasamahan ko. "Kahit simpleng handa lang po, malaki ang pasasalamat namin sa inyo Mang Birting. Isang malaking tulong na rin ito para sa amin na laging abala sa aming mga pasyente," pahayag ni Doctor Dela Cruz. Tumago lamang ang ginoo sa tinuran ng amin head Doctor. “Sige po maiwan muna po namin kayo,enjoy po sa inyong hapunan,” sabi pa ng ginoo bago nagpaalam sa kanila. Nag-umpisa na kaming kumain lahat masasabi ko napakasarap ng mga luto sa pagkain. Hanggang sa magsalita ang si Doctor Dela Cruz. Kaya lahat kami napatingin sa gawi nito. “Bukas, magsisimula na tayo sa ating paggamot sa lugar na ito,” panimula ng amin head. “Eh, Doc pagkatapos po, ba ng medical mission babalik na po tayo sa maynila?” magalang na tanong ni Doc Alvi. “Hindi pa, mga dalawang linggo tayo sa lugar na ito,” sagot naman ni Doc, Dela Cruz. Halos natigilan kami sa sinabi ni Doctor Dela Cruz, halos nagsalubong ang amin mga kilay sa tinuran ng matandang doctor. “Bakit, hindi pa po, Doc?” maang na tanong naman ni Nurse Fate. “Dahil pagkatapos na natin gamutin ang lahat ng mga tao dito! Ay pupunta naman tayo sa Barrio Masinloc sa paanan ng bundok nang Sierra Madre dahil may mga katutubo na hindi bumababa sa kabayan dahil nahihirapan ang mga ito lalo na't wala naman silang sapat na pera pang pagamot kaya marami sa kanila ang may sakit.” Panimulang sabi ni Doctor Dela Cruz sa amin lahat. "Eh, Doc, matanong ko lang po, hindi ba tayo kukulangin sa mga suppliers at gamot na dala natin kung lilipat pala tayo ng ibang barrio pagkatapos natin dito?" nagtataka tanong ni Doctor Alvi sa amin head. Umiling-iling naman ang Ginoo sa sinabi ni Doc Alvi. “Hindi! dahil magpapadala ng karagdagang supplies at mga doktor si Director Trinidad,” sagot ni Doctor Dela Cruz. Tumahimik na kami at tinuon na lamang ang amin mga sarili sa pagkain. Wala na kaming magagawa kung ‘yun ang iniutos ng nakakataas sa amin. Kahit ramdam ko may mga kasamahan akong hindi sang-ayon sa sinabi ni Doctor Dela Cruz, nanatiling tahimik na lang ang iba dahil alam nilang wala na silang magagawa pa.” Narito na lang kami eh bakit hindi pa lubusin ng mga nakakataas sa amin di ba ang talino talaga ng kanyang lolo kahit kailan. Naisip pa talaga ang ganito bagay. Usal ko sa aking sarili at tinuon na lang ang aking atensyon sa pagkain, wala na silang magagawa kundi tanggapin ang desisyon. Hindi ako makatulog kahit ano'ng gawin ko at halos nabilang ko na ang mga tupa at kambing at nasa thousand na ang bilang ko, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Napatingin ako kay Natalie, tulog na tulog na ito at ang masaklap pa ay naghihilik ang aking kaibigan. Napapailing na lamang ako “mmmm mabuti pa ito, ang bilis langb dalawin ng tulog!” wika ko sa akin sarili at nagpasya pumunta muna sa labas ng bahay para mag pahangin. At baka sakaling dalawin na ako ng antok. Hindi naman ko natatakot na lumabas ng amin silid. Hanggang balcony lamang ko. Hindi ko nais lumayo pa dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito. Ang gusto ko lang ay magpahangin kahit saglit lamang.. Tahimik na ang buong kabahayan tanda na tulog na ang lahat ng tao. Dahan-dahan akong lumabas sa pintuan para hindi makalikha ng ingay at hindi maka istorbo sa mga natutulog. Binaybay ko ang daan patungo sa balcony may liwanag naman dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Pagkarating ko sa teresa ng bahay ay umupo ako sa isang bangko naroon sa balcony. Maliwanag ang sinag ng buwan ng tumingala ako sa kalangitan punong ng mga bituin na kumikinang sa malawak na gabi. “Wow napakaganda naman ng buwan, bilog na bilog!” Sambit ko pa sa akin sarili habang nakatingala sa itaas at pinagmamasdan ang liwanag nito. Naaaliw ako sa aking nakikita napakaganda ng lugar na ito napaka payapa at tahimik hindi tulad sa lungsod na ganitong oras ay napakaingay pa halos ang mga tao ay gising lalo na sa gabi dahil maraming mga bukas na club at mga taong nagsasaya. Parang halos ng tao sa lungsod ay napaka busy sa kanilang mga buhay. Napabuntong-hininga na lamang ako sa isipin ‘yun. Kung ako ang tatanungin mas gusto kung tumira sa ganitong lugar tahimik at mas naramdaman ko ang kapayapaan ng aking kalooban. Kaya hindi alam ng aking mga magulang na bumili ako ng sarili kong farm sa laguna kung saan nais ko manirahan. Habang nagmuni-muni ay napabaling ako ng tingin sa kabilang dulo ng bahay malapit sa kakahuyan. Parang may kaloslos akong narinig doon at kitang-kita ng dalawang mata ko ang paggalaw ng mga dahon tanda na may dumaan. Kaya nakakunot ang aking noo. “Teka may tao bang dumaan?” tanong ko sa aking sarili. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at dahan-dahan lumakad patungo sa dulo ng balcony, upang tingnan kung may tao, “sino ‘yan? may tao ba diyan? pagtatanong ko pa. Habang naglalakad at tinatanaw ang dulong bahagi ng balcony. Bahagya akong napahinto. At pakiramdaman ko ang buong paligid. “Sino yan?” ulit kong muli. Pero wala parin akong sagot na nakukuha. Humugot muna ako ng malalim na hininga, bago tumalikod at naisipan kong bumalik na sa amin kwarto. baka guni-guni ko lang ang makarinig ng kaluskos. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng may makarinig ulit ako na tila mga yabag na naglalakad patungo sa kakahuyan mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng mga yabag ngunit wala naman ako makita kahit palakihin ko pa ang akin mga mata wala pa rin tanging paggalaw lang ng dahon ang nakikita k “s**t, may multo yata!” tama ba si Nathalie may multo nga yata ang bahay na ito?” sabi ko pa sa aking sarili. “Lord, please ayaw ko pong makakita ng multo hindi po ako handa,” ani ko pa sa aking isipan. Muli akong nakarinig ng mga tunog na tila naapakan ang mga tuyong dahon. At kahoy sa buong paligid. Dahan-dahan akong lumapit sa dulo bahagi ng balcony. Para tingnan kung may tao nga ba o multo. Nasa pinakadulo na ako ng balkonahe. Nang magsalita ako. “Sino ‘yan?" tanong ko kahit may kaba sa aking dibdib dahil sa maaaring makita ko. “s**t sana hindi aswang ito o multo, nako baka kapre?!” mariing tanong ko sa aking isipan habang nasa utak ko naglalaro ang mga engkanto na madalas kong pinapanood sa tv. Muli na naman ako nakarinig ng kaloslos tunog na para bang may naapakan na tuyong dahon o kahoy. Kaya malakas na ang pakiramdam kong may tao sa kakahuyan. Ngunit nagsalubong ang aking mga kilay ng makakita ako na dalawang pares na mga mata na kulay ginto na tila isang ilaw. “Teka ano ‘yun?” wika ko sa aking sarili. Nang mag isang hakbang sana, ako ng may magsalita sa aking likuran na ikinagulat ko halos tumakas ang aking kaluluwa sa katawan ko. “Doc, Sheryl!” untag ng tao sa aking likuran dahil sa labis na pagkagulat ay napasigaw ako. “Aaaaa….!” “Doc, Sheryl ayos ka lang ba?” wika ni Nurse Fate at nagmamadali lumapit sa akin. Hawak-hawak ko ang aking dibdib ng mapatingin rito. “Ano ba. Naman nurse Fate bakit ka ba bigla-bigla nagsasalita sa likuran ko?” sambit ko rito habang nakahawak sa aking dibdib. “Sorry, po Doc akala ko kung sino nakaputi nakatayo. Ginulat ‘nyo rin po ako akala ko isa kayong white lady.” napapakamot na turan ni nurse Fate sa akin. “Okay, lang po ba kayo pasensya na po talaga!” Paghingi ng sorry nito. “Oo, ayos lang ako nagulat lamang ako sa'yo? bakit kasi bigla ka na lang tumatawag? mariing tanong ko ng makabawi na ako sa pagkagulat. “Doc, sorry na po talaga ang akala ko po kasi white lady kayo?” balik-tanong nito sa akin. “Ah? Anong white lady pinagsasabi mo? maang na tanong ko pa sa dalaga. “Hala si Doc, nagpapatawa. Hindi ninyo po ba alam ang kung anong kulay ng suot ninyo,” wika pa nito sa akin. Napatingin naman ako sa aking suot isang puting dress na pantulog ang suot ko at lagpas hanggang tuhod ko. “Oh, diba kahit sino makakita sa inyo ay pagkamala kayong white lady. kasi tingnan mo po ang suot ninyo?” nakangiwi wika pa nito sa akin. Alanganin naman ako napangiti dito oo nga naman kahit sino pagkamalan talaga ako white lady sa suot ko. “Tapos doc, narito pa kayo sa pinakadulo bahagi ng balcony. Talaga nagmukha kayo galang kaluluwa samahan pa ng haba ng inyong buhok,” sambit pa nito. “Oo nga eh!” tanging nasagot ko na lamang. “Oh diba para kayong ligaw na kaluluwa tapos nandito pa kayo sa labas sa kasagsagan ng dilim? ano ba kasi ang ginagawa ninyo dito sa labas?” nagtataka tanong pa ng dalaga. “Ah ano kasi hindi ako makatulog kahit ano gawin ko hindi ako dalawin ng antok!” marahan na sagot ko. “Kaya narito ako sa labas upang magpahangin sana, kaso may narinig ako na para may tao ‘diyan sa may kakahuyan.” turo ko kay Fate at bumaling sa aking likuran. “Titingnan ko sana kung may tao kaso ginulat mo naman ako.” “Saka may nakita ako na dalawang pares na mga mata na kulay ginto.” sabi ko pa rito. “Naku ,doc baka isang ligaw na hayop lang ang nakita mo at narinig mong tila naglalakad.” sabi pa ni Fate sa akin. “Ligaw na hayop,” ulit ko sa sinabi nito. “Opo, uso ang mga ‘yan sa lugar na ito lalo na sa province sa mga liblib na lugar tulad nitong pinuntahan natin,” “Katulad nalang ng mga mababangis na hayop tulad ng baboy ramo.” sabi pa ng dalaga sa akin. “Siguro nga baboy ramo ang nakita ko,” Pagsang-ayon ako na lang kay Fate at muling tumanaw sa kakahuyan ngunit may pakiramdam akong hindi isang mabangis na hayop ‘yun.” sambit ko na lang sa aking sarili. “Tara na nga pasok na tayo, sa loob inaantok na rin ako saka maaga pa tayong gigising dahil bukas na ang simula ng medical mission.” turan ko pa kay Fate. “Opo, Doc!” sagot nito. Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. upang matulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD