chapter 1

2120 Words
Chapter 1 pov Sheryl "Good morning, everyone!" masayang bati ko sa aking mga katrabaho kong doctor at mga nurse nang makapasok ako sa emergency room department. Dito ako naka-assign bilang isang resident doctor. Ako nga pala si Sheryl Herena Avilla, 25 years old. Wala pa naman gaanong patient kaya hindi pa toxic ang loob ng emergency room. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang mga itsura ng aking mga kasama, parang mga birynes santo ang pagmumukha ng mga ito. At daig pa ng mga ito nalugi "Oh, bakit ganyan ang pagmumukha ‘niyo? daig pa ang biyernes santo. Kahit napakalayo pa nang mahal na araw?" komento ko sa mga dalawang kaibigan kong doctor at nurse na kasama naming naka duty sa emergency room. Lahat sila nakatingin sa akin ng seryoso. Para bang napakalaki ng kasalanan nagawa ko. “Teka, bakit ganyan ang mga tingin ninyo sa akin?” maang kong tanong habang lumalapit sa mga ito. "Sino ba naman ang hindi sisimangot!" galit na wika ng kasamahan kong si nurse Fate. "Bakit? May nangyari ba na hindi ko alam? Nagtatanong ako rito dahil dalawang araw akong off at ngayon lang ulit nag-duty. Ngunit sa pagbalik ko pa may hindi yata maganda balita ang isalubong ng mga ito. Sunod-sunod naman tumango ang mga ito. “Oh, ano naman, ang masamang balitang ‘yun? Saka bakit ganyan ang mga tingin ninyo? Parang lalamunin ninyo ako ng buhay ah?” sunod-sunod kong tanong sa mga kasamahan ko. “Eh, paano naman kasi ‘yung magaling mong abuelo ay ipapadala naman tayo sa medical mission,” sabi ni Doctora Alvi ang kanyang kaibigan na pediatrics. “Ano!” malakas kong sabi at nanlalaki ang mga mata ko sa aking narinig . “Anong sabi ninyo?!” ulit ko sa sinabi ng mga ito at medyo napalakas kaya ang ilang patient ay napatingin sa gawi nila. “Ano, ba ‘yan Doc Rivina masyado naman eskandalosa ‘yang bibig mo? nakairap na wika ni Doc, Alvi sa akin. “Sorry…sorry, nagulat lamang ako sa sinabi ninyo pakiulit nga!” turan ko pa sa mga kasamahan ko. “Ang sabi namin, tyo ulit ang pinapadala ng director sa medical mission,” saad naman ni Nurse Nathalie sa akin. “Teka, bakit hindi mo ba alam? Balik-tanong naman nito. “Luh, magtatanong at magugulat ba ako kung alam ko,” nakairap na sagot ko. “Wala sinasabi sa akin ang director.” sabi ko pa. “Bwesit talagang, matanda ‘yun bakit himdi sinabi sa akin na may medical mission ulit! Samantalang kahapon ay magkasama pa kami sa mansyon nito para sa family dinner. "Hay nako, She, tayo ulit ang ipapadala ng board director sa medical mission!" sagot ni Doc Alvi. “Bakit? Hindi pa sinabi sa'yo ng director?” segunda pa nito. At halos sila nagulat dahil sa boses na narinig nila. Dahan-dahan silang lahat lumingon sa likuran. “Wala, kung meron! Hindi ako magre-react ng ganito,” sabi ko pa. “Di ba kakatapos lang natin mag-medical mission sa Bicol? Halos dalawang linggo tayo doon. Hindi pa nga natin nababawi ang ating lakas ng katawan at puyat. Tapos ano ito, tayo ulit ang ipapadala sa medical? Bakit wala na bang doctor sa hospital na ito? sabi ko pa habang umiinit na rin ang ulo ko dahil sa sinabi ng mga kasamahan ko. "Bakit, Doc Sheryl, may problema ka ba sa desisyon ko?” malamig at seryoso sabi ng isang tao. Napatalon halos kami ng mga kasamahan ko sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita sa likuran namin. Dahan-dahan kaming lumingon kahit alam na namin mung sino ang nagsalita gamit ang seryoso boses. Ang director lang naman ng hospital na ito ang nasa likuran nila. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Nakakuyom ko ang mga kamao. "s**t, patay ako!" sambit ko pa sa aking sarili. Bago humarap sa likuran ko, pinagmasdan ko muna ang mga kasamahan ko na kahit sila ay nagulat rin sa biglaang pagdating ng aming direktor. Pinaskil ko ang pinakamatamis kong ngiti nang humarap na sa likuran ko. "Ay, kayo pala Direktor Trinidad, magandang umaga po sa inyo!" matamis kong bati sa matandang director, nakasabit sa leeg nito ang stethoscope, at mariing siyang pinakatitigan. “Tinatanong, kita doctor Rivina may problema ba sa desisyon ko na ipapadala ulit kayo sa medical mission?” walang kangiti-ngiti ang labi ng direktor na tumitig sa akin. Napalunok ako ng laway pakiramdam ko para nanuyo naman ang aking lalamunan dahil sa ginawa ng kanyang Abuelo. “Yes lolo niya ang may-ari ng hospital na pinagtrabahuhan niya isa lang naman ito sa mga negosyo ng mga Trinidad kilala ang mga Trinidad pagdating sa negosyo. "Tinatanong kita, Doctora Sheryl, may problema ba kung kayo ulit ang ipapadala ko sa medical mission sa Quezon province?" muling ulit ng Abuelo ko sa akin. Sunod-sunod naman siya lumunok ng laway tila yata umurong ang dila ko dahil kahit anong litra ay walang lumalabas sa akin. "Ahh--ehh ano po kasi ah! napapakamot na wika ko. "Wala naman pong problema, Director Trinidad. Ang sinasabi ko lang po ay baka gusto ‘niyo muna iba ang ipinadala na mga doctor sa sinasabi ninyong medical mission? Dahil kakatapos lang po namin sa Bicol at ngayon lang po kami nakakabawi ng lakas simula ng dumating kami noong nakaraang dalawang linggo.” mahinahon kong pagpapaliwanag sa Direktor at aking Abuelo. Lalo naman ng salubong ang kilay ng matanda. "Inuutusan mo ba ako, Doktora Shelry?" mariing nitong wika sa akin. Mabilis naman ako umiling-iling rito. "Nako, hindi po Director," mabilis kong pagtanggi. "Sabi ko nga po na maghahanda na kami ng mga kasamahan ko para sa aming pag-alis papunta sa Medical mission!" alanganin kong wika. "Sa makalawa na ang punta ‘nyo sa lalawigan ng Quezon," pagkasabi ng direktor ay walang anu-ano itong tumalikod kasama ng mga ibang kawani ng hospital. Hindi man lang siya nakapagsalita. "Naku, kahit kailan talaga ang matandang 'yun!" ani ko sa aking isipan habang nakatingin sa papalayong direktor. Laglag ang balikat ko at napaupo sa silya. Parang ako'y pinagsakluban ng langit at lupa. "Grabe, nakakatakot talaga si Direktor!" sambit ni Fate. "Apo ka ba talaga ni Direktor Trinidad?" tanong naman ni Doktora Alvi habang umupo rin ito sa tabi ko. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan. "Oo naman, apo ako ng matandang hukluban na 'yun!" inis kong wika rito. “Apo ako ng direktor ng ospital, magkaiba lang kami ng apelyido dahil bunso ang anak ni Lolo ang mama ko at babae pa sempre dala-dala ko ay ang apelyido ng papa ko,” paliwanag ko pa. "Kasi naman lagi kang pinag-iinitan ng lolo mo? Ikaw palagi ang pinadala sa mga medical mission sa malalayong lugar!" sambit ng aking kaibigan. ."Kaya nga, Dok Sheryl, ikaw ang madalas ipatapon ni Direktor sa mga liblib na lugar dito sa Pilipinas. Mabuti ikaw lang pati kami nadamay!" nakasimangot na wika pa ni Fate. "Parang hindi naman apo ang turing niya sa'yo!" sambit pa nito. "Kahit nag-iisa ka lang na babae, pero kung tratuhin ka ni Direktor ay ganun na lamang!" singit naman ni Dok Nathalie, isa sa kanyang kasamang doktor dito sa emergency department. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga sinasabi ng aking mga kaibigan. Parang tama naman ang mga ito bakit nga ba siya na lang palagi ang itinatapon ng lolo niya sa mga liblib na lugar dito sa Pilipinas. Samantalang may mga itong lalaki na doctor din. "Mmm, Ano magagawa ko eh paborito kong apo ng aking lolo!" walang gana kong sagot. "Haist, huwag na nga natin pag-usapan pa ang mga 'yan. Kahit ano gawin natin, tuloy pa rin naman ang medical mission. At tayo ang ipapadala sa liblib na lugar ng lalawigan ng Quezon," anas ko dahil hindi ko na gusto pag-usapan pa ang trato ng aking abuelo lalo lang umiinit ulo ko at sumama ang loob dahil sa ginagawa nitong pagbabalewala sa akin bilang apo. "Mag-umpisa na nga tayo magtrabaho dahil dumadami na ang mga pasyente na dumarating dito sa loob ng emergency room." Ngunit ang kalooban ko ay nagngingitngit dahil sa matandang hukluban na 'yun. Pagod na pagod akong pumasok sa aming mansyon. Nagiging toxic ang duty ko kahapon hanggan kaninang umaga. 24/7 ang kanilang duty sa hospital na pagmamay-ari ng kanyang lolo. Ewan ko ba parang may sumpa yata ang pagdalaw ng lolo ko. Sa emergency room kahapon pagka-alis kasi nito hindi na kami natigilan ng mga patient. May ilan patient pa nga DOB na kung dinadala sa kanila. Napapailing na lamang talaga ako habang nakahawak sa aking batok. Pagpasok ko palang sa loob ng mansyon agad akong humilata sa mahabang sofa sa living area. “Hay, salamat lord nakapag pagpahinga rin at inilapat ko din ang aking likod,” sambit ko sa aking isipan. “s**t, hindi ko na kaya tumayo pa nakakapagod l, nakakaubos ng lakas.” dagdag na turan ko pa habang nakatingin sa kawalan. Parang ayaw ko nang tumayo dito at mas gusto ko nalang matulog dito sa sofa. Tinatamad na akong bumangon at pumunta sa aking kwarto. Tapos kailangan ko pang mag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa medical mission. “Bakit ba ako ang madalas na pinapadala ni Lolo sa mga ganon lugar?” kausap ko sa aking sarili, habang nakatutok ang akin mga mata sa sandelier sa taas ng aming mansyon. “Haist, nakakainis talaga ang hukluban na ‘yun! Kung pwede lang talaga mamili ng Abuelo ginawa ko na!” gigil ko pang sabi habang sinasabunutan ang sarili kong buhok. Kung may makakita lang s akanyang mga kasangbahay iisipin ng mga ito nababaliw na siya. "Oh, Anak, Sheryl, bakit ‘dyan ka sa sofa natutulog?" boses ng kanyang ina. Narinig ko ang mga yabag na pagtungo sa aking pwesto. Hindi na ako nag-abala buksan ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pag-upo ni Mommy sa tabi ko. "Anak, sa kwarto ka na matulog para tuloy-tuloy ang pagpapahinga mo!" sabi pa ni Mommy sa akin. "Ma, dito na lang po ako muna sa sofa," magalang kong sagot sa aking mommy. “Anak, mas mabuti sa kama mo, ikaw matulog? muling sabi ni mommy sa akin at ramdam ko ang paghaplos sa aking buhok. "Ma, parang hindi ko na po kaya ihakbang pa ang aking mga paa, upang umakyat sa itaas ng kwarto ko," sagot ko habang hindi tinitingnan ang aking ina, nanatili lang nakalagay ang mga braso ko sa aking mga mata. "Okay, sige ikaw na ang bahala, sabihin mo na lamang sa mga kasamahan natin dito sa bahay na wag muna sila gumawi dito sa living area para walang istorbo sa pagtulog mo!" untag ng mommy ko. Tanging pagtango lang ang sinagot ko sa aking ina. Talagang pagod na pagod ang aking pakiramdam. "Salamat, Ma!" usal ko pa. “Welcome anak,” Naramdaman ko ang paghalik ng ina ko sa aking ulo. Kaya hindi ko napigilan ang ngumiti dahil kahit nasa tamang edad na ako, binibaby pa rin ako ng mga magulang ko. Lumipas ang ilang sandali. Hindi ko namalayang nakatulog na ako dahil sa matindi pagod. “Luna…” “Luna sa wakas nakita na kita,” sambit ng isang baritonong boses na lalaki. Kumunot ang noo ko, “teka nanaginip naman ba ako?” tanong ko sa aking sarili hindi ko masyado makita ang mukha ng lalaking nakatayo sa aking harapan alam kong matangkad ang lalaki ito. “Sino, ka? tanong ko habang pilit kong inaaninag ang mukha nito. “Luna,” tanging sinasabi lang nito sa akin. “Mister, nagkakamali ka hindi luna ang pangalan ko. Sheryl!” usal ko pa rito. “Luna, sa tamang panahon magkikita tayong dalawa.” Saad pa nito. Akmang hahawakan ko sana ang mga kamay nito bigla na lamang ng laho sa kanyang harapan ang lalaki. “Sandali, saan ka pupunta teka sino ka?” malakas na sigaw ko habang pilit na inaabot ang kamay nito ngunit bigla na lang naglaho sa aking harapan. “Sandali lang….” “Sheryl…” “Sheryl..! “Anak..” “Anak, gising please!” Bigla ako napabalikwas ng bangon. Nang marinig ko ang boses ni Mommy. “Hay, salamat lord nagising ka rin anak!” sambit ng mommy niya at bigla na lamang siya niyakap nito. Ramdam ko ang matinding pag-aalala ni mommy sa akin hinahagod pa nito ang likod ko. “Anong nangyari mommy, bakit po? tanong ko habang nagtataka. “Anak, akala ko hindi kana magigising. Dahil kanina ka pa umuungol na tila nananaginip? Kanina pa kita niyugyog pero ayaw mo. At may tinatawag kang hindi maintindihan. Sabi ko naman kasi sayong bata ka huwag na huwag kang matutulog ng pagod. Dahil masama sa katawan ‘yan.” sermon pa ni mommy niya pero ramdam ko ang pag-alala nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD