Chapter 5

1882 Words
Kina Bukas kahit madaling Araw na ako natulog ay maaga pa rin ako bumangon dahil ngayon araw ang simula ng aming medical mission. "Good morning, Doc!" masayang bati ng mga kasamahan ko ng maabutan ko ang mga itong nag-aalmusal na sa habang lamesa. "Good morning din sa inyo!" balik-bati ko sa mga ito. Nagtimpla muna ako ng kape tinapangan ko ang aking kape na para hindi ako antukin mamaya habang naggagamot ng mga patient. Sanay naman ako sa puyatan, Ngunit nais ko lang tapangan ang kape iinumin ko. Dahil hindi maalis sa isipan ko ang nakita ko kagabi para kasing may kakaiba sa mata ng kung sino nilalang ang akin nakita. “Doc, She mukhang hindi ka nakatulog ng maayos?” puna sa akin ni Doc Alvi. “Oo, namamahay yata ako,” sagot ko naman. “Mabuti kayo parang hindi namamahay?” balik-tanong ko sa mga ito. Nag-umpisa na kaming kumain ng agahan dahil ano mang oras ay magsisimula na kami sa amin paggamot sa mga nakatira dito. Paglabas palang namin ng bahay kung saan kami tumuloy ay marami na ang mga taong magpapagamot. Nakahanda na rin ang mga tent na nagsisilbing clinic ng bawat doktor na tumitingin sa kalusugan ng mga taong naghihintay sa kanila. May nakita na akong mga bata, matanda, nakapila sa bawat tent na nakalaan para hindi masyado magulo kapag nagsimula na silang manggamot. Ang pagiging doktor ay isang napakahalagang tungkulin na hindi basta-basta. Kailangan ng disiplina, dedikasyon at pagmamahal sa kapwa upang magampanan ang responsibilidad na ito ng maayos. Isa itong propesyon na hindi lang basta trabaho kundi misyon na nagbibigay serbisyo at tulong sa mga nangangailangan. Ito ang palagi turo ng aking abuelo sa aming magpipinsan na doctor. Kahit gaano ka kataas ay kailangan mo pa rin bumaba para tulungan ang mga nangangailangan. Ay palagi ang bilin ng amin abuelo kaya alam kong may mabuti puso ang director, kahitnaiinis pa rin ako sa kanya ay proud akong na naging apo niya ako. Kahit dalawa linggo lamang ang naging pahinga ko at ito naman kami na sa liblib na lugar dito sa Quezon province. Upang mag gamot ay iniisip ko na lamang makakatulong ako sa aking kapwa. Alam ko naman na malaking tulong ang ginagawa ng akin. Abuelo lalo na sa mga lugar na tulad nito sa mga komunidad na malayo sa mga medical facilities. Ito ay isa sa mga paraan upang makatulong sa mga taong hindi agad makapunta sa mga ospital o klinika para sa kanilang pangangailangan. Kahit may inis at sama ng loob ako sa akin abuelo hindi ko parin maiwasang mapangiti dahil sa katulad niyang mag-isip marami tao itong natutulungan. Bukal sa aking puso ang ganito nakakatuwang isipin sa kabila ng puyat at pagod, nandito pa rin kami upang magbigay ng aming serbisyo sa mga ito. Sa pagtayo ng mga medical mission tulad nito, hindi lang sakit ang aming inaasikaso kundi pati na rin ang kalusugan ng mga tao. Binibigyan namin sila ng libreng check-up, gamot at konsultasyon sa mga sakit na kanilang nararamdaman. Ito ay isang magandang paraan upang makatulong sa mga nangangailangan at maiparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa. Sa tuwing mayroon kaming medical mission, nariyan ang pakiramdam ng kasiyahan at kagalakan sa bawat taong natutulungan namin. Ito ay isang biyayang hindi matatawaran na makatulong sa kapwa at makapagdulot ng ngiti sa kanilang mga labi. Hindi lang physical ang aming tinutulungan kundi pati na rin ang kanilang emosyonal na kalusugan. Ang dapat pagtuunan ng pansin ng government ay ang ganitong proyekto na sa mga liblib na lugar. Magtayo ng mga hospital para sa mga mahihirap at walang kakayahan na magbayad. Proud ako sa aking Abuelo na nag-iisip ng ganito para sa kapwa. Ang pagiging doktor ay isang tungkulin na sagrado at dapat gawin ng buong puso at dedikasyon. Hindi sapat ang pera o karangalan kundi ang tunay na layunin na magbigay serbisyo at tulong sa kapwa tao. Sa bawat medical mission na aking pinagtatrabahuhan, nararamdaman kong may kabuluhan ang aking pagiging doktor at ang aming ginawang tulong sa mga nangangailangan. Kahit na maaga pa at antok na ang aking nararamdaman, hindi ‘yun magiging hadlang sa aking misyon na maglingkod sa iba. Dahil sa bawat taong natutulungan namin at bawat ngiti na ibinibigay namin, mas lalong lumalalim ang aming pagmamahal sa propesyon na ito. Isang karangalan at pribilehiyo na makapaglingkod at makatulong sa kapwa tao. "Grabe, kapagod," boses ni Doctor Nathalie ang aking narinig kaya't agad akong tumingin sa kanya. Hindi ko siya masisisi dahil sa dami ng kanilang naging mga pasyente sa unang araw pa lang ng kanilang medical mission. Napakaraming tao na ang pumunta at humingi ng tulong sa baryo, at hindi maiiwasan ang pakiramdam ng awa na nadarama ko. Naisip ko na ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko at ng mga opisyal ng gobyerno. "Sige, Doc Nath, magpahinga ka na muna," sabi ko sa aking kaibigan. "Mamaya na lang po, Doc. She, kaya ko pa naman," nakangiti nitong tugon. Tumango na lamang ako bilang sagot at muling ibinalik ang aking atensyon sa bata na kasalukuyang sinasuri ko. Mahalaga na maalagaan namin ang mga pasyente na nagpunta upang humingi ng tulong sa kanilang mga karamdaman. Ang mga sitwasyon tulad nito ay nagpapaalala sa amin na ang serbisyong pangkalusugan ay napakahalaga, lalung-lalo na para sa mga komunidad na hindi masyadong naaabot ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan. Nakakaawa ang mga bata, sa tingin ko pa lang ay mga malnourished na ang mga ito kulang sa bitamina. At sa iba pa pang pangangailangan ng mga bata tulad ng iba. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa mga batang ginagamot ko. “Nay, painom ‘nyo po itong gamot sa anak ‘nyo po para bumababa ang lagnat niya,” sabi ko sa ginang habang karga nito ang anak na tatlong taon gulang palang ngunit ang katawan nito para lamang sa isang taon gulang lamang. “Ito, tatlong beses sa isang araw po ninyo ipapainom sa anak mo po at ito naman po ay kada apat na oras kahit wala nang lagnat ang anak ninyo tatlong araw po kahit hindi na siya nilagnat,” pagpapaliwanag ko sa ginang ngunit nakatingin lang ito sa akin na para bang nahihiya. “Nay, may gusto po ba kayo sabihin,” hinawakan ko ang kamay ng ginang ngunit nagulat ako ng hilahin nito ang kamay at tila hiyang-hiya sa akin “Naku, doc pasensya na po baka madumihan ko po ang kamay ninyo,” nahihiya wika ng ginang habang hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata. Nakaramdam naman ako ng habang sa sinabi ng ginang sa akin at napatingin sa mga kamay nito oo nga marumi ang mga kamay nito na puro lupa galing pa yata ito sa pagtatamin bago pumunta dito upang ipagamot ang anak nitong may lagnat. Oo anak mayaman ako nabuhay akong may gintong kutsara sa aking bibig lahat ng gusto ko nakukuha ng walang kahirap-hirap. Ngunit kahit ganon ang kinalakihan ko hindi kami pinalaki ng aking mga magulang na maging matapobre o magmataas sa nakakababa sa amin ng mga kapatid ko. Tinuruan kaming rumespeto at gulang sa kapwa namin at wag magmalaki kung ano meron kami pianalii kaming simple at may takot sa panginoon. Muling kong hinawakan ang kamay ng ginang na kinagulat nito akma sanang babawiin muli ngunit hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay at marahan kong hinaplos. “Nay, huwag po kayong mag-alala okay lang po madumihan ang kamay ko.” nakangiti tugon ko sa ginang na alanganin pa rin itong nakatingin sa akin. “Doc, hindi po ba kayo magagalit kung marumihan ko po ang kamay ninyo?” alanganin tanong pa nito. Umiling-iling ako “hindi po nay, bakit po? maang na tanong ko sa ginang. “Wala naman, po, akala ko po kasi tulad kayo ng mga doctor na pumunta dito sa lugar namin na nagagalit po kapag nadumihan ang mga kamay nila ng tulad kong mahirap,” malungkot na sagot ng ginang sa akin. Nagulat ako sa sinabi ng ginang sa akin. “Kaya po ba, pilit niyong hindi humahawak sa akin? Baka magalit po ako sa inyo?” malumanay kong tanong. Dahan-dahan naman tumango ang kaawang ginang sa akin. “Opo!” Tipid pa nitong sagot. Marahan na lamang ako bumuntong-hininga at muling ngumiti sa ginang na kausap ko. “Huwag po kayo mag alala hindi po ako magagalit kahit madumihan ang kamay ko.” sambit ko at marahan na pinisil ang kamay ng Ginang. Binigyan ko ito ng matamis na ngiti at sinabi dito na ayos lang na madumihan ang akin kamay at kahit kailan hindi ako magagalit hindi ko lubos maisip na meron palang tao na tumutulong ngunit hindi bukal sa loob panlabas lamang. Nagpatuloy ako sa paggamot at halos man lumo ako na hindi lamang ang ginang ang nakaranas ng kagaspangan ng ugali nang ibang doctor na nag medical mission sa lugar nila marami palang iba. Binibigyan ko ng oras at pansin ang bawat pasyente, nagtatanong at nakikinig sa kanilang mga saloobin at pangangailangan. Sa bawat paglukob ng aking mga kamay, patuloy kong sinisikap na bigyan sila ng komportable at ligtas na karanasan habang kami ay nakikipagtulungan sa kanilang paggaling. Kahit na pagod at puno ng mga pasyente, hindi ako sumusuko sa pagtalima sa tungkulin ko bilang isang doktor. Patuloy akong umaasa na ang maliit na tulong na maibibigay namin ay may malaking epekto sa kanilang buhay at kalusugan. Hangad kong magdulot ng pag-asa, lunas, at kaluwagan sa kanilang mga buhay. Sa gitna ng mga pagod at pagsubok, naniniwala ako na ang pag-aalaga at serbisyo sa mga nangangailangan ay isang karangalan at hamon na dapat naming harapin. Patuloy kaming magtutulungan sa buong koponan ng medical mission para tiyaking nabibigyan namin ang mga baryo na ito ng tamang pangangalaga at pag-aalaga na kanilang kinakailangan. “Ohh, sa wakas natapos din,” mahinang puna ni Doc alvi na pinipiling pa ang ulo at balikat nito sa sobrang pagod nadarama nito. “Kaya nga po, doc grabe nag dami palang tao sa lugar na ito,” wika naman ni nurse Fate. Tumayo ako at marahan na inunat ang aking likuran na bahagya nangalay sa pagkakaupo. “Saan ka puno, Doc She?” tanong ni nurse Warren. Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang tanong ni nurse Warren at bumaling dito. “Dito, lang magpahinga,” tipid kong sagot. “Gusto ninyo bang sumama?” tanong ko. Sabay-sabay naman umiling ang mga ito. “Hindi na doc, ikaw na lang para ayaw na humakbang ng mga paa namin,” sagot sa akin ni Doctor Nathalie. Nagkibit-balikat na lamang ako sa mga ito at pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad patungo likod bahay na aming tinutuluyan. May kung ano nag-udyok na pumunta ako sa loob ng gubat kung saan nakita ko ang dalawang kulay gintong pares na mga mata noong nagdaang gabi. Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni nurse Fate na isa lang ‘yung baboy ramo o mabangis na hayop na naligaw sa gubat. Habang naglalakad papunta sa loob ng gubat may nakita akong isang mahabang kahoy. Wala sa loob na kinuha ko ito para magsilbing armas ko kung sakaling may masagupa akong mabangis na hayop sa loob kakahuyan. Pagpasok ko sa loob ng kakahuyan hindi ko maiwasang mapangiti at humanga sa ganda ng aking nakikita hindi ko akalaing napakaganda ng lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD