Prologue

1420 Words
Sherly POV “Takbo, takbo, takbo!” malakas na sigaw ng isang nilalang na humahabol sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako narito at tumatakbo. Natulog lang naman ako, ngunit sa akin paggising, hinahabol na ako ng isang halimaw na mahaba ang kuko at matutulis na ngipin na puno ng dugo ang bibig nito. Wala na ako pakialam kung mag sugat-sugat man ang mga paa, binti at braso ko. Dahil sa pagtakbo ko sa masukal na kagubatan ang mga sanga ng kahoy ay sumasabit sa akin katawan halos punit-punit na ang suot kong damit ngunit hindi ko ininda ang mga bagay na iyon ang nais ko lang ay makalayo sa nilalang na humahabol sa akin. “Hindi ako maaaring bumalik, kung saan ako galing!” usal ko sa aking isipan, hindi ko rin magawang lumingon baka sa aking paglingon ay sakmalin na lamang ako ng halimaw na humahabol sa akin. Gulong-gulo na ang aking isipan, “Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito? tanong ko pa sa akin sarili habang walang humpay ang aking pagtakbo at pagsuot sa mga sanga ng punong kahoy at sa siit ng mga kawayan. Ramdam kung nasa aking likuran na ang humahabol sa akin, ngunit hindi ko magawang lumingo, dahil sa isang beses na ginawa ko. Ang paglingon ay nakita ko ang mga mapupula nitong mga mata nanlilisik na nakatingin sa akin. Para akong isang kuneho na naligaw sa kagubatan at hinahabol ng mabangis na hayop na gusto akong lapain at gawing pagkain. Pagod na pagod na ang pakiramdam ko pero kailangan kong magpatuloy kung gusto kong mabuhay. Kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo para makalayo sa halimaw o sa nilalang na nais akong makuha. “Bakit, kasi ang tigas ng ulo mo Sheryl?” saad ko sa aking sarili. “Ano, ba itong pinasok mo?” tanong pa niya sa kanyang isipan. “Takbo, Sheryl! Muli kong narinig ang sigaw ng halimaw at sa klaseng ng pagsigaw nito tila malapit na sa aking likuran. Bahagya akong napalingon dahil sa pag tawag nito sa aking pangalan. “Teka, paanong alam nito ang aking pangalan at nagsasalita ang halimaw?!” naguguluhan tanong ko sa aking sarili. “Oh, s**t saan ba kasi ako nagsusuot!” sambit ko pa sa aking sarili, hindi ba ako na engkanto? Sa mga napuntahan kong lugar.” Usal ko pa habang patuloy ang pagtakbo ginagawa ko. Binilisan ko pa ang ginagawa kung pagtakbo, mas mabilis kaysa kanina hindi pwede makuha ako nito ayaw ko pang makita si San Pedro hindi pa nga ako makakatikim ng masarap na luto ng diyos na palagi sinasabi ng aking mga kaibigan tapos lalapain lang ako ng halimaw na ito. Habang tumatakbo hindi ko napansin ang malaking ugat ng punong kahoy at sa malas natalabid sa ugat at napasubsob sa lupa mabuti na lamang may mga dahon kaya hindi gaanong nasaktan ang aking mukha. Pero halos sumigaw ako sa sobrang sakit ng naramdaman ko ng sinubukan kung tumayo. Sa pagkadapa ng sumidhi ang kirot sa aking paa. “Ouch… s**t ang sakit!” Daig ko pa at pilit kong binabangon ang aking sarili. Ngunit halos mapamura ko ng sumidhi pang lalo ang matinding sakit sa aking kaliwang paa. “Arayyyy…!” daing ko habang pilit akong tumayo para lisanin ang lugar ngunit hindi ko kaya. “s**t, bakit nangyayari ang bagay na ito sa akin?!” naluluhang turan ko habang pilit ko parin tumayo hindi ko hahayaan maabutan ng halimaw at dito mamatay sa kagubatan na ito hindi ko naman alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Napasigaw ako sa sakit dahil sa pagpipilit kong itapak ang paa ko. Kusa akong natigilan ng mapansin kong para nawala ang ingay at yapak ng humahabol sa akin at tila tumahimik ang buong paligid. Dahan-dahan akong sumandal sa malaking puno para tingnan ang akin paa. At ganon na lamang ang pagluha ko ng makita kong namamaga ang kaliwang paa marahil gawa ng pagkatalabid ko sa ugat ng malaking puno. “Ohh, s**t,” mariing kong mura sa akin isipan. Pasalamat na lamang ako na tila nawala ang sumusunod na halimaw sa akin. Sanay huwag na itong magpakita at ang tanging dasal ko na lamang makaalis sa lugar na ito kung saan man ako naroroon. Ngunit ang sayang naramdaman ko pang madalian lang ng marinig ko sa aking likuran ang isang nakakatakot na ungol. Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko at halos takasan ako ng dugo nang makita ko sa malapitan ang halimaw na kanina lang, hinahabol ako. Ang mahahabang nitong nga kuko, mga matutulis na ngipin nitong halos na nakalabas sa bibig, ang malaking tainga na para sa lobo nakikita lamang niya at napapanood sa mga movie. “O my God!” tanging nasabi ko sa aking sarili. Habang nanlalaki ang mata nakatitig sa halimaw na dahan-dahan ngayon ng lalakad. “Napakaganda mo talaga, Luna kaya pala baliw n baliw sayo ang Alpha ng puting Lobo.” sabi pa ng halimaw sa kaniya teka nagsasalita ba ito o guni-guni ko lamang paano nagsasalita ang isang halimaw? tanong ko habang umatras patalikod. “Huwag kang lumapit!” Usal ko habang paatras ng paatras ko, upang wag lang malapitan ng halimaw, tumingin ako sa magkabilang gilid ko at naghahanap na pwede ipang laban sa halimaw ngunit wala akong makita. “Mapapasa akin na sa wakas ang Luna ng mga puting lobo?” nakangisi turan ng halimaw sa kaniya. Halos mandiri ako sa aking nakikita dahil tumutulo na ang laway nito habang lumalapit sa akin. “Please,,, huwag kang lumapit sa akin!” nagmamaakaawang wika ko dito. “Ano, bang kailangan mo saka hindi ako luna hindi ‘yun ang pangalan ko!” sabi ko pa rito. Tumawa naman ng nakakaluko ang halimaw. “Iba pala, ang luha ng hari ng puting lobo. Marunong magmakaawa. Ikaw ba talaga ang itinakda ng buwan para sa puting lobo mukhang isang sakmal ko lamang sayo patay ka na agad?” wika pa ng halimaw sa akin. At Halos matulos ako sa kinauupuan ko ng tumalon ang halimaw patungo s akin napapikit, napapikit na lamang ako ng mga mata at napasigaw sa sobrang takot… “Aaaaaah!” “Doktora,,, doc Sheryl…” “Doc, gising po!” “Aaaaaa, halimaw!” Napasigaw ako sabay mulat ng aking mga mata. Halos habulin ko pa ang aking paghinga dahil sa kaba at takot na darama ko. Nang mabawi ko na ang aking paghinga at naging normal napakunot ako ng mabungaran ko ang nag aalala mukha ng isang nurse. “Doc, ayos lang po ba kayo?!" Nag-alala tanong ng nurse habang nakatingin sa akin. Marahanan ako tumango “Oo, hindi lang maganda ang panaginip ko!” sagot ko rito napatingin ako rito ng abutan ako ng isang bote ng tubig. “Doc, tubig po!” wika nito. Agad ko naman tinanggap ang binigay nitong tubig at walang ano-ano ay ininom ko isang lagok lang ang ginawa ko. Parang tayong-tayo ang aking lalamunan. “Salamat!” pasasalamat ko sa nurse. Ngumiti naman ito sa akin. “Walang anuman po, doc. Mukhang hindi maganda ang panaginip ninyo ngayon dahil naririnig kong umuungol kayo na para bang binabangongot?” sabi pa ng nurse sa akin. “Ang akala ko nga po hindi na kayo magigising kinabahan talaga ako. Doc!” sabi pa nito habang nakatingin sa akin. Tipid akong napangiti sa nurse, bago nagsalita. “Salamat ulit, sobrang napagod yata ako wala pa kasi akong pahinga simula kahapon. Kaya siguro hindi maganda ang naging panaginip ko!” wika ko sa nurse. Sino naman kasi ang hindi mapapagod kung kagagaling mo lang sa medical mission sa malayong lugar ay isabak agad sa duty ang nakakainis pa ay pang gabi palagi ang shift ko at kapag minamalas ay kung wala ka pang kapakitan na doctor. “Ilan araw, na kasi wala akong matinong tulog kaya siguro. Binangongot ako!” Paliwanag na lamang niya sa nurse. “Baka nga po, Doc She!” naku doc kailangan ninyo rin po magpahinga, at mag ingat lalo na sa ating kalusugan. “Gusto ninyo po ba ng kape?” pagtatanong pa nito. “Sige, please!” Pakiusap niya sa dalaga nurse. Mukhang kailangan niya ng matapang na kape, para mawala ang antok niya ayaw ko nang managinip ng ganon. Nakakatakot baka sa susunod ay hindi na ako magising pa. Malalimbg na bumuntong-hininga si Sheryl habang nakatanaw sa nurse na papalayo para ibili siya ng kape. “Haist, akala ko totoo na. Mabuti na. Lang isang panaginip lang ang lahat.” Saad ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD