GALIT. Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. He has the mesmerizing set of hooded sable eyes, but all I could see was anger, pain, and hatred. Taliwas ang nakita kong emosyon sa mukha niya sa nakapaskil na tarpolin sa bungad ng munisipyo. Sa tarpolin, walang kaemo-emosyon ang mga mata ni Uno. Para bang normal na sa kanya ang hindi magpakita ng emosyon sa harap ng camera.
Hindi tulad ngayon na kaharap ko siya, at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na nagkaharap kami, at ang unang pagkakataon na ito ay nakitaan ko siya ng galit.
“M-Mayor, pwede bang lumayo kayo ng very slight?” Ang kapal ng mukha ko, pero sinenyasan ko pa siya. “Saka ho, Mia Barbara ang pangalan ko. Hindi Mia Karen,” mahinahon ang boses na dagdag ko pa, baka sakaling pagbigyan niya ako sa pakiusap kong lumayo siya ng kaunti.
Pero kung ayaw niyang lumayo sa akin, pwes itatanan ko na! Eme!
“Don’t play with me, Mia Karen,” aniya at halos maging buntong hininga ang paraan ng pagbanggit sa pangalan na sinambit niya.
Base sa tinging pinupukol niya sa akin, parang isa akong bata nakikipagbiruan at nawawalan na siya ng pasensya. Wala sa sariling napakagat labi ako. Para akong maiiyak sa frustration! Pilit na pilit na ako talaga si Mia Karen? Ano bang magagawa niya? Hindi nga ako ‘yon!
My eyes bore onto him lazily. Alam niyo ‘yon? Gustong-gusto ko linisin pagkatao ko sa kanya, pero dili na lang mag-talk, mga maricakes! Iniisip ko pa lang na ulitin na hindi ko pagmamay-ari ang pangalan niyon, nawawalan na ako ng energy. Nakakasigaw!
His lips parted again—like he’s going to say something again, but I, myself, accidentally interrupted him. Hindi ko ugali ang manira ng momentum, pero wala akong ginagawang masama!
Bumuwal ako, at sumalpok ako sa matipuno niyang katawan nang may biglang nagtulak sa pintong kinasasandalan ko.
Kahit pala masama ang tingin at mga salitang binato niya sa akin kanina, hindi niya hinayaang mawalan ako ng balanse. Mabilis na sinalo niya ako. His strong arms snake around my shoulders as if he was trying to protect me at all costs. Kahit na natatabingan ng tela ang balikat ko, dama ko ang init na nagmumula sa palad niya.
My chest glued against his. Para akong nablangko habang nakatingala sa kanya, samantalang siya ay salubong pa rin ang magkabilang kilay. Normal pa ba ako kung sabihin kong ang gwapo pa rin niya kahit nakakunot ang noo niya?
“I do, Mayor…” usal ko.
At dahil doon, tinulak niya ako, at naumpog naman ang ulo sa hamba ng pinto.
“Hala! Sorry po!”
Pumasok ang isang babae sa loob ng opisina. Sa kaliwa nitong kamay, may hawak itong coffee mug. Base sa suot nitong itim na slacks at pormal na blouse, sekretarya ito ng Mayor.
“Ma’am, ayos lang kayo? Pasensya na po,” ulit pa nito.
At dahil sa sobrang kahihiyan ko, hindi na ako nagsalita pa at mabilis na lumabas ng opisina. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Mayor Uno sa pangalang pilit na tinatawag niya sa akin, pero hindi ko siya nilingon. Hindi naman kasi ako si Mia Karen.
Mabilis na bumaba ako mula ikalawang palapag. Lumabas ako ng munisipyo at saka ko lang naisipan ang suminghap ng hangin. Pinatong ko pa ang kamay sa tuhod ko habang hinahabol ang paghinga. Jusko! Bakit pakiramdam ko ay hinabol ako ng demonyo?
Nawala na sa isip ko ang tunay na sadya ko sa munisipyo ng Buena Astra. Parang natatakot na akong umakyat uli sa second floor. Nawalan na ako ng lakas ng loob magpatuloy sa job fair ng Good Orions. Para man akong gaga, pero imbis na umakyat uli, umuwi na lang ako.
UNO IBARRA’S POINT OF VIEW
“MIA KAREN!” You’re leaving me again?! You’ve never changed! All you could do is run away from your responsibilities! “Damn it!” Naiyukom ko ang aking palad at isang malaking pagtitimpi ang ginawa ko para hindi lang mapasuntok sa hangin.
I tugged my own hair out of frustration as my mind can’t stop thinking about that face. That same angelic face I once fell in love with. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit niyang hindi siya si Mia Karen, where in fact she looked like Mia Karen. I know she is her. She is Mia Karen no matter what she reasons out.
“Mayor? Okay lang po ba kayo?” tanong ni Cathy sa akin, ang sekretarya ko.
Napabuntong hininga ako saka ito tiningnan. Hawak pa rin nito ang isang coffee mug. Oo nga pala. Nagpatimpla ako ng kape rito bago pumasok sa opisina ko si Mia Karen. “Pakilagay na lang sa table ko ang kape, Cathy,” ani ko.
Naglakad ito palapit sa table ko at nilapag ang coffee mug. Nagpasalamat ako rito saka sinabihang pwede na itong lumabas. Confusion was written all over her face before she exited my office. Alam kong curious ang sekretarya ko sa babaeng nasa opisina ko kanina lang, pero walang namutawing tanong mula sa labi nito.
And that’s good. Hindi ko kailangan ng tao na may pagka-chismosa.
Nang mapag-isa na naman ako sa opisina, ilang minuto lang ang nagdaan at nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pants ko. Napaismid ako nang mabasa ko ang pangalang nakarehistro sa screen ng phone ko.
Walang gana na in-slide up ko ang berdeng button para sagutin ang tawag ni Brix—isa sa mga kaibigan ko mula noong college days.
“Uno, my friend!” bungad agad nito.
Sa panimula pa lang ng sira ulo, ayoko nang kausapin pa ito. “You sounded like Tommy Diones in Pepito Manaloto. So, no. Hindi ko pinapautang ang kaban ng bayan, Brix,” kaagad na katwiran ko. “Si Jake na lang ang lapitan mo when it comes to money.”
“Ganyan mo ba talaga pagsalitaan ang kaibigan mo?”
“You don’t sound offended at all.” I shrugged my shoulders. “What do you want though?”
Sa tanong ko, bigla na lang natahimik ang kausap ko sa kabilang linya. Ilang segundo muna ang pinalipas nito bago muling nagsalita si Brix. “I need some of your advice!” he cried out like a kid.
Napahilot ako ng sentido. “Don’t tell me, nag-away na naman kayo ni Ally?”
“Then, I won’t tell you.”
“For Pete’s sake, Brix! Kung ayaw mong mawala ulit sa’yo si Ally, you better treat her good. Mag-asawa kayo, at hindi na mag-boyfriend at girlfriend. Matuto ka naman manuyo.”
“Hey! I was actually courting her! Sadyang siya lang ang ayaw makipag-bati.”
All through the call, nakinig lang ako sa rants ni Brix. Paulit-ulit na lang kami sa ganitong usapan. Tatawag ito sa akin, bibigyan ito ng kaunting advice, tapos mangangatwiran ito hanggang sa mauwi ito sa pagra-rant.
Isa si Brix sa dumadagdag sa sakit ng ulo ko. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin naglalabas ng hinanakit ang lalaking ito, at hindi sa tatlo pa naming kaibigan.
Nakikinig lang ako sa rants nito hanggang sa dumako ang mata ko sa isang kapiraso ng papel at pink na envelope na nakakalat sa malinis na sahig. Nakalapat pa rin ang cellphone sa tenga ko nang pulutin ko ang mga ‘yon.
I adjusted my eyes to read what was written on the paper. Napagtanto kong isa iyong resume.
Pumintig ang ugat sa sentido ko sa inis nang unang mahagip ng mata ko ang two by two size formal picture na nakadikit sa kanang bahagi ng papel. It was the woman earlier. She has the same eyes, pointed nose, and thin pinkish lips as the woman I loved before. Walang duda na siya nga si Mia Karen.
I scanned my eyes on the information inputted on her resume. Pero ganoon na lamang ang pagkunot noo ko nang tumbukin ako ng pagkalito nang mabasa ko ang pangalan na nakalagay.
“Mia…” The first accidentally slip out of my tongue.
“Fck? W-What did you just say, Uno? Did I really heard her name from you?"
I didn’t mind Brix who was still in the other line. Her name… Bakit ganito ang nakalagay na pangalan sa resume? “Mia Barbara?”
Sino nga ba talaga siya?