“MIA! May tawag ka!” pasigaw na sabi ni Kuya Marco.
Mula sa pagpapaypay ko ng uling para maluto itong mga iniihaw kong bituka at paa ng manok, inabot ko saglit kay Benson ang hawak kong pamaypay na gawa sa karton. Dala ang maliit na bag, umakyat ako ng bahay at bumungad sa akin ni Kuya na buhat-buhat ang apat na taong gulang na anak.
Inabot niya sa akin ang de keypad na cellphone. Iisang numero lang ang ginagamit namin, at iyon ay ang numero ni Kuya Marco. Siya lang naman kasi ang may cellphone sa amin, e. Wala naman akong balak bumili dahil mas uunahin ko pa ang pangangailangan dito sa bahay kaysa sa bagay na hindi naman ganoon mahalaga sa akin.
Hindi ko na tiningnan kung anong numero ang nakarehistro sa screen ng telepono, kaagad kong nilapat iyon sa kanang tenga ko. “Hello po? Mia Barbara Ybanez speaking,” panimula ko.
“Glad to contact you, Miss Ybanez. I am Tuesday, from Good Orions Factory. I congratulate you, because you are one of those applicants who are qualified for the job. If you are still in, please meet us in Buena Astra’s municipal office today. You need to submit the following requirements.” Binanggit nito ang mga requirements na madalas kailangan sa trabaho. “Thank you.” Hindi na naghintay pa ang nasa kabilang linya sa sasabihin ko, pinutol na nito ang tawag.
Saglit akong natulala. Pilit pina-process ng utak ko ang narinig ko mula sa tawag. May times pa naman na hirap akong mag-comprehend ng mga biglaang tawag. Pero nang maintindihan kong tanggap ako sa trabaho, nagtatatalon at nagtitili ako sa tuwa.
Matapos kong ilabas lahat ng kilig sa katawan ko, mabilis kong ipinasa kay Kuya Marco ang sling bag na lalagyan ng bayad at panukli. “Kuya, natanggap ako sa trabaho!” masayang anunsyo ko sa kanya. Hindi mapuknat ang ngiti ko sa labi. “Kayo muna bahala rito, ah? May isu-submit lang ako sa munisipyo. Uuwi rin ako kaagad. Pakisabi na lang din kay Mama na aalis ako saglit.” Akmang tatalikod na ako para dumiretso sa kwarto ko nang may maalala ako. Kinuha ko ang maliit na bag mula kay Kuya Marco at kumuha ng dalawang daan. “Pamasahe lang. Ibabalik ko rin agad.”
Iniwan kong nakatanga sa sala si Kuya Marco. Kaagad naman akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng disente. Matapos akong gumayak, ang hinarap ko naman ay ang mga kakailanganin kong isu-submit na credentials.
Lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang sa paradahan ng tricycle. Nagmamadali talaga ako. Ayoko namang ako ang hinihintay. Nakakahiya naman ‘yon.
Wala pa man kalahating oras, nakarating na ako sa munisipyo. Nakakapagtaka nga, e. Usually, lampas kalahating oras ang byahe papuntang munisipyo. Pero hayaan na nga. Mas mabuting napadali ang biyahe ko.
Automatic na inakyat ko ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga papeles ko na para bang takot akong mabitawan ang mga ito. Pag-apak na pag-apak ng paa ko sa huling baitang, ang galit na galit na mukha ng mayor kaagad ang bumungad sa akin. The usual emotion I saw in his face the first time I met him.
“You’re here again,” he trailed off. His eyes squinted due to visible annoyance registered on his face. “Mia Karen.”
Adrenaline pumps me up. Kahit na nakatayo lang ako at kaharap ang nag-iisang Mayor Uno Ibarra, parang nakikipag-karerahan ako sa mga kabayo base sa bilis ng paghinga ko. Nanlamig at namawis ang magkabila kong palad at alam kong nag-uumpisa nang mabasa ang hawak kong mga papeles.
Madaldal akong tao, pero ngayon, naumid ang dila ko at para akong natuod sa kinatatayuan ko.
Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin, wearing that usual mad emotion on his face. “Matapos mo akong takbuhan noong isang araw, talagang magpapakita ka pa rito. Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!”
Gustong-gusto kong isigaw sa pagmumukha niya na hindi ako si Mia Karen, pero hindi ko kaya. Aside sa matapos ang posisyon niya sa buhay, wala akong lakas ng loob na gawin iyon.
“Get out,” utos niya.
Hindi ako gumalaw.
“I said, get out!” pag-uulit niya na sinabayan niya ng pag-senyales. “Get out of my city, Mia Karen!”
Dumagundong ang malakas na pagsinghal niya sa ikalawang palapag ng munisipyo. Dahil do’n, napapiksi ako at naging dahilan iyon pag-urong ko. Ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang walang nakapang baitang ang aking paa.
Pinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko habang hinihintay ang pagdausdos ng katawan ko sa hagdan at pag-landing sa sahig.
“HOY, BARBARA! Jusmiyong bata ka!”
Hindi lang boses ni Mama ang gumising sa diwa ko, pati na rin ang bugbog na natamasa ng kanang braso ko. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ko, noon ko napagtanto na nasa bahay lang pala ako.
Lumapit si Mama sa akin tinulungan akong makatayo. Sa lahat ng panaginip ko, ang pagkahulog ko lang ang nagkatotoo.
“Ano bang nangyayari sa iyo, ha?” nag-aalalang tanong ni Mama. “Huwag ka na muna kayang pumasok sa Elias, Barbara? Tiyak kong pagod ‘yan. Baka mapa’no ka pa kung hindi mo ipapahinga ‘yan.”
Nang makatayo ako ng maayos, pinisil-pisil ko ang braso kong nasaktan. “Kung pagod ako, ‘Ma, matutulog naman ako, e. Ayokong mapundi ng wala sa oras, ‘no? Saka nanaginip lang ako kaya ako nahulog.”
May pag-aalangan na tiningnan ako ni Mama. Wala man siyang say sa lintanya ko, mababakasan ng pag-aalala ang mukha niya.
Bumuntong hininga ako. “May alas tres na ba, ‘Ma?”
“Alas dos y media pa lang, ‘nak. Bakit?”
“Pupuntahan ko si Marites. Ipapalinis na naman niya ‘yong patay niyang kuko.”
Sa lahat ng nagpapa-pedicure sa akin, ‘yong kay Marites ang hindi ko favorite. Pinagtitiyagaan ko lang dahil dagdag kita rin ‘yong ibibigay niya sa akin.
Iniwan ko na sina Mama sa bahay at dumiretso na ako sa bahay ni Marites. Actually, magkatapat lang ang bahay namin, e. Hindi ko na kailangan mapalayo pa.
For the second time in this month, magtutuos na naman kami ng kuko sa paa ni Marites. Dumadagdag tuloy ang itsura ng kuko nito sa pagiging bangag ko sa mga oras na ito. Isang oras din ang naging tulog ko kanina, pero jusko! Tanghaling tapat, ang nag-iisang Uno Ibarra kaagad ang nasa panaginip ko.
Sure, he is one of the men of my dreams. May prinsipyo sa buhay. Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita namin, alam kong mabuti at matulungin siyang Mayor. Ang gano’ng klaseng tao, husband material kaagad! Nililigawan at hindi pinahihirapan.
Kaso may saltik ‘ata sa brain. Pinipilit ang isang bagay na hindi naman talaga.
“Barbs, hindi ba’t kuya mo ‘yon?”
Nawala ako sa pagmo-monologue nang magsalita si Marites. Hawak man nito ang touchscreen na cellphone, pero ang atensyon nito ay nakatuon sa likuran ko. Tinuro pa nito ang nasa likuran ko gamit ang nguso nito.
Para naman akong naudyukan sa ginawa nito, kaya lumingon na rin ako sa likuran ko. Si Kuya Marco. Hawak-hawak nito ang de-keypad na telepono.
“Mia, may tawag ka.”
Binundol ako ng kaba sa sinabi ni Kuya Marco. Deja vu? Parang ganito ‘yong nangyari sa panaginip ko kanina, ah?
Lumunok ako ng laway bago nagtanong. “A-Ano raw pangalan, Kuya?”
Nagkibit balikat ito. “Hindi nagpakilala, e. Ikaw hinahanap.” Nilapit pa nito ang telepono sa akin at wala na akong nagawa kundi ang kunin iyon sa kanya. “Naiinip na ‘yan. Kausapin mo na.”
Nang tumalikod si Kuya, saka ko nilapat ang telepono sa kanan kong tenga. “Hello? Mia Barbara Ybanez speaking. Sino po sila?” Please. Wrong number ka lang. Hindi ikaw ‘yong Tuesday sa panaginip ko, hindi ako nakapag-apply sa Good Orions two days ago!
“This is the Mayor of Buena Astra.”
“Ha?”
“Damn it! It’s Uno Ibarra.”
Lord! Panaginip ba ‘to? Kung oo, pakihulog ulit ako sa higaan nang magising ako!