SABADO. Maaga akong nagising ngayong araw. Actually, hindi ako nakatulog sa sobrang excitement. Pinaghahandaan ko kasi ang job fair ng Good Orions Factory na magaganap sa Buena Astra. Ayokong mag-expect na matatanggap ako, pero hindi ko maiwasan ang umasa na sana isa ako sa mga pumasa sa interview.
Bago ako umalis ng bahay, tinulungan ko muna si Mama sa paghahanda ng almusal ng mga kapatid ko. Nang sumapit ang alas siete y media, gumayak na ako at chineck ang mga credentials na kakailanganin ko. Syempre, hindi mawawala roon ang mapatay kong resume.
Inaya ko si Madie na mag-apply, pero ayaw niya. Naisip ko, baka masaya na ang kaibigan kong iyon sa Elias. Sarili lang naman kasi at ang boyfriend ang tinutustusan niya, e. Ako na buong pamilya talaga. Mas kakailanganin ko ang malaking halaga para sa pamilya ko—lalo na para sa maintenance ni Papa. Malaking tulong ang sinusweldo ko sa Elias at pagtitinda ng mga miryenda, pero hindi iyon sapat sa pang-araw-araw naming gastusin.
Suot ang dilaw na blusa, at skinny jeans na pinaresan ko ng itim na flat shoes, rumampa ako sa munisipyo ng Buena Astra. Alas otso kinse na rin nang makarating ako at marami-rami na rin ang tao.
Malawak ang munisipyo at may dalawang palapag ito. Sa unang palapag pa lang, marami na ang mga tao. Hindi lang sigurado aplikante ang mga narito, kundi kasama na rin ang mga taong kumukuha ng sedula at kung ano pa man.
Lumapit ako sa isang staff saka nagtanong. “Good morning, Ma’am,” magalang na bati ko. “Tanong ko lang po, saan po ‘yong job fair ng Good Orions?”
“Good Orions? Ah! Sa second floor po,” sagot nito.
Nginitian ko muna ito saka nagpasalamat. Inakyat ko na ang mataas na hagdan papunta sa ikalawang palapag.
Hindi tulad nang nasa unang palapag, kakaunti lang ang tao sa second floor. Napaisip pa ako kung hindi nahilo lang ba ‘yong napagtanungan ko sadyang kaunti lang mag-a-apply sa factory.
Ilang sandali lang, may lumapit na isang babae sa amin. “Maganda umaga po. Sino po ang mga mag-a-apply sa Good Orions?”
Halos nagtaas ng mga kamay ang mga nadatnan ko sa malawak na hall ng second floor. Kasama na ako roon.
Tumango-tango ang babae. “Mamayang alas otso y media po, pumasok na lang po kayo sa opisina na katabi ng Mayor’s office. Goodluck po.”
Ilang minuto lang naman ang hinintay ko. Nang sumapit ang alas otso y media, kanya-kanya nang lakad ang mga aplikante na katulad ko. Nagpahuli ako ng bahagya dahil ayokong makipag-unahan. Mahirap na, baka masaktan. Chos!
Habang naglalakad, binuksan ko ang dala kong envelope para kunin ang resume ko. Sa kamalasang palad, nakuha ko nga ang resume, pero dumulas naman ang envelope sa kamay ko—dahilan nang pagkalat ng laman niyon sa sahig.
“Shota naman!” Mabuti na lang, napigilan ko ang mapabulalas. Sinulyapan ko muna ang mga kasabayan kong aplikante bago dali-daling nag-squat para pulutin ang mga papeles ko.
Pinapasok ko pa lang ang ilan sa mga papeles sa loob ng envelope, at naglakad na ako palapit sa isang pinto. Pinihit ko iyon at may pagmamadaling binuksan ang pinto.
“Good morning, Sir,” pagbati ko sa lalaking nakaupo sa harap ng office table.
Sa paghakbang ko para makalapit sa office table niya ay kaagad din akong natigilan nang mag-angat ng tingin ang lalaking nakaupo. At saka ko lang napagtanto na opisina ng Mayor ang napasukan ko!
Halos sabunutan at sampalin ko ang sarili sa isipan ko dahil sa kapalpakan ko. How could you be so careless, Mia?!
Tumikhim ako at bahagyang niyuko ang ulo bilang paumanhin. “Sorry po, Mayor. Wrong office—”
“Mia…” sambit niya sa pangalan ko.
Umangat ang magkabilang kilay ko sa pagkabigla. “Mayor?” Eh, ito lang ang unang beses na nakita niya ‘ko.
Hindi siya sumagot. Nagtataka na tiningnan ko ang kakaibang reaksyon niya. Parang nakakita siya ng multo. Nakaawang ang labi niya at namimilog ang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatitig sa’kin.
Hay naku, Mayor Ibarra! Alam kong maganda akong nilalang, no need to stare at me so intently. Huwag mo akong bigyan ng tingin na nag-uutos na “Luhod!” Charot lang but silent ‘yong C. Ay, echos!
But I can’t disagree with the fact that his pair of sable color orbs holds an intense stare. I could feel his hooded eyes stare through my soul, digging out the awkwardness and the discomfort inside my body. He is jaw-dropping gorgeous to the point I can’t look away. I was lured by the powerful aura and hypnotizing gazes he’s giving me.
If I am not mistaken, Juan Ibarra o mas kilala bilang ‘Uno’ is already thirty years old. Pero kahit treinta na siya, batang-bata pa rin. Bagay na bagay sa kanya ang may kahabaan niyang buhok. Tapos ang ganda pa ng kulay at hugis ng mga mata niya. Bumagay sa pares ng mata niya ang may kakapalan na kilay. I could notice his long eyelashes bathing as he blinks his beautiful eyes. He has the perfect pointed nose, and the last recipe of God’s perfection was his kissable red lips. Parang ang lambot at ang sarap niyang halikan.
Lord! Kahit si Uno na lang ipatikim Mo sa’kin, pwede Mo na ‘kong kunin!
Before I drool over him right here, I immediately compose myself. Pinikit ko ang mga mata ko ng ilang segundo at saka huminga ng malalim. Sa pagmulat ko ng mga mata, titig pa rin niya ang una kong nabungaran.
Wala ba siyang balak na magsalita? Ano ‘to? Titigan challenge? Unang mag-iwas ng tingin, talo?
“Mia…”
“Kilala mo ‘ko, Sir?” Bahagya akong napangiwi nang marinig ko ang pagka-atubili sa boses ko.
“Of course, I know you!” Ang gulat na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng galit. His sable eyes sparkle with hatred but with a glint of longing. “I freaking know you, Mia.”
Napakislot pa ako sa kinatatayuan ko nang tumayo siya. Inayos muna niya ang suot na itim na suit bago unti-unting humakbang papunta sa direksyon ko. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya lumunok ako ng isang beses. Sa bawat hakbang niya at tunog ng leather shoes niya sa puting tiled floor ay katumbas ng sampung mabilis na t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung nasobrahan ako sa kape o sadyang intimidating lang ang dating ng Mayor ng Buena Astra.
I step backward instinctively. Ayaw kong bumangga sa matipuno niyang katawan pero kung pagbibigyan ako ng maykapal, why not—
“Awts,” mahinang daing ko nang maramdaman ko sa likuran ko ang matigas na pinto. Maka-kabedon ba ‘ko rito?
Nang tuluyan siyang nakalapit sa’kin, mas lalo lang dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Oo na. I just covered up this fear with kilig and fake excitement of him doing something I usually read in some romance novels. Pero sa totoo lang, noong tumayo ito at napalitan ng galit at pagkamuhi ang mga mata niya, kinabahan na ako’t natakot.
His forehead creased. At dahil isang pulgada lang ang espasyong nakapagitan sa amin, mas lalo kong nakita ang galit sa mga mata niya.
“What are you doing here?” He asked, emphasizing each word.
Hindi ko mawari kung normal na tono ang gamit niya o sadyang galit talaga siya?
“I am asking you a question, woman! What are you doing here?!”
“Actually, Sir, nandito po ako para mag-apply sa G-Good Orions.” His loud voice made me answer him quickly. “Pero, naligaw po ako at ang opisina niyo ang napasukan ko. Kaya po, Mayor, if you’ll excuse me—”
A mocking laugh rolled out his tongue as disbelief registered on his beautiful face. “Ha! You will apply in Good Orions? Seriously? Ako ba talaga’y ginagago mo, Mia Karen?” komento niya. Halos maningkit na ang mga mata niya sa galit. “Wala ka na bang mahitang pera sa lalaki mo at talagang bumalik ka pa? How dare you show your face here? You really are an unbelievable bitch.”
‘Yong takot at kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkalito at isang kurot ng pagkainsulto. Kaya nga ako mag-a-apply sa Good Orions para magkapera pero wala akong lalaki! God! How I wish I had a man with plenty of money! Gusto kong magtrabaho para makahita ako ng pera sa in-apply-an kong factory at hindi ako napunta rito sa opisina niya para lang insultuhin niya!
At saka, “Hindi ako si Mia Karen, Sir.” Lakas loob na sabi ko baka sakaling mapahiya ko siya. Chos!
Hindi makapaniwalang tumawa siya. Tumalikod siya at saka sinabunutan ang sarili buhok. Nang humarap ulit siya sa’kin, mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Kulang na lang ay umusok na ang ilong niya at magbuga ng apoy.
“I seriously can’t believe you!” bulalas niya. “For Pete’s sake, Mia Karen! Stop putting on an act!”
“Eh, hindi nga ako si Mia Karen! And I will never be Mia Karen!” Talaga namang nang-agaw pa ako ng famous line mula kay Kathryn Bernardo, ano?
“Damn it!”
Napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Napapikit ako at napahalinghing sa sakit nang idiin niya lalo ang likod ko sa matigas na pinto. Sa pagdilat ko, halos lumuwa ang mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. His lips were almost brushing against mine. Gumalaw lang ako ng bahagya, tiyak na magdidikit na ang aming mga labi.