“GURL, kamusta ka na riyan? Bakit ngayon ka lang tumawag?” “‘Teh, masyadong nag-alala sa’yo si Jace. Bakit daw sa loob ng anim na araw hindi ka raw tumawag? Akala niya kung anu-ano na ang pagpapahirap ang ginawa sa iyo ng Mayor.” “Sshh!” Pagpapatahimik ko sa dalawa. Nakalagay pa ang hintuturo ko sa labi ko saka nagpalinga-linga ng tingin sa loob ng sala. Diyos ko! Baka may nakarinig sa sinabi ni Deana at matokhang kami, eme! “Ayos naman ako rito. Walang pagpapahirap na ginagawa sa akin dito, ‘no? ‘Wag kayong overacting.” Ang paghihirap lang na nararanasan ko here, ‘yong madalas na ihalintulad sa akin si Mia Karen. Well, naiintindihan ko naman ‘yong sa part ni Seven, pero sina Uno, at sina Manang Ester at Kael, juicemayo! Araw-araw na lang yata ay laging may, “Si Mia Karen kasi ganito-g