“WHAT WAS THAT?” Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko ang boses ni Uno na hindi ko akalain na nakabuntot sa akin. Papunta ako ngayon sa kwarto niya para makapag-ayos na ng sarili. Sabi kasi ng mag-ama na pupunta sila ng church para magsimba ngayon since araw nga ng Linggo. Nilingon ko siya. Muntik pa akong mapairap nang makita ang salubong na naman niyang mga kilay. Wala na bang alam gawin ang lalaki ‘to kapag kaharap ako? Kung hindi puro naka-angil, nakakunot ang noo niya. “Alin?” balik na tanong ko sa kanya. “That!” Parang mas lalo lang siyang nainis sa tanong ko. Frustrated na tinuro pa niya ang direksyon ng unang palapag. Umayos ako ng tayo at hinarap na siya ng maayos. Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay. “Alin nga?” Patay malisya lang talaga ako, mga baks. Titing